Share

The Unknown Husband of Mine
The Unknown Husband of Mine
Author: NPhoenix_

Prologue

"This is so f*cking pathetic! Why are you packing your things Nabriella?" galit na sigaw ng asawa ni Nabi sa kanya. Nanatiling tahimik naman si Nabi habang patuloy pa rin ang pag-empake niya ng kanyang mga gamit.

"Are you leaving me? Hell Nabi! Say something! I f*cking hate this silent treatment!" galit na galit na sigaw ng asawa niya sa kanya habang patuloy pa rin ang pag-empake niya. 

Hindi na nakayanan pa ng asawa niya ang katahimikan na ibinibigay ni Nabi sa kanya. That's what Nabi's do when she's done, she will give you a silent treatment you will never experience in your lifetime.

Iisa lang ang iniisip ni Lucifer, he's done for. Kapag nagpatuloy pa ito ay tuluyan nang mawala si Nabi sa kanya. Baka tuluyan na siyang iwan ng babae. He doesn't like this silent treatment Nabi gave him, he wanted Nabi to know how he feels now but is that really enough reason to let her stay?

"Nabriella Rodriguez-Melendez! I hate this silent treatment so f*cking talk!" galit na sigaw ni Lucifer kay Nabi nang hindi pa rin ito nagsasalita. 

"Please Nabi, say something. Hindi ako mind reader para hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip mo. I f*cking hate silence from you!" sigaw ulit ni Lucifer ngunit binalewala lang 'yon ni Nabi, ni hindi man lang siya nilingon ni Nabi at ipinagpatuloy lang niya ang pag iimpake ng mga gamit niya. And Lucifer hates it, he hates the silence of this girl in front of him.

Nagulat na lang si Nabi nang nakarinig siya ng iyak, iyak ng isang lalaki. Iyak ng isang lalaking hindi man lang nagpapakita ng kahinaan niya. Gustong-gustong yakapin ni Nabi si Lucifer ngunit mas nangibabaw ang galit niya dito, she was brokenhearted.

"Nabi… please, d-don't leave m-me. I…I'm begging you." Umiiyak na pagmamakaawa ni Lucifer kay Nabi.

"H'wag kang lumingon Nabi, kapag lumingon ka matatalo ka." Kumbinsi ni Nabi sa kanyang sarili gamit ang kanyang isipan.

Patuloy ang pag empake ni Nabi habang si Lucifer naman ay umiiyak lang habang tinititigan si Nabi na nag iimpake. Is he really going to let her go just like that?

Pagbukas ni Nabi sa pintuan ng kwarto ay nakita niya agad sina Genessi, Miche at ang dalawang bodyguard na nakatayo sa tapat niya. Pinipigilan siya noong umalis.

"What do you think your doing?" sabi ni Nabi sa malamig na tono. 

"Sorry Nabi, napag utusan lang kami ni Boss." sabi ni Miche kay Nabi at napatango naman ang dalawang kasama niya. Nadapo ang tingin ni Nabi kay Genessi, his eyes are cold.

"Gen? Tulungan mo naman ako, gusto ko nang umalis dito." Paghingi ng tulong ni Nabi kay Genessi, ngunit hindi man lang ito umimik. 

"Sorry Nabi, hindi kita matutulungan. I'm really, really, really sorry." Paghingi ng tawad ni Genessi kay Nabi sa kanyang isipan. He wanted to help Nabi but Lucifer pulled out his special card for Genessi to obey him. 

"Just let me go! Let me f*cking go!" Sigaw ni Nabi nang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan siya nanggaling. Nagulat si Lucifer sa kanyang pag sigaw, hindi lamang si Lucifer kung hindi pati na rin sina Miche, Genessi at ang dalawang kasama nito. This is their first time to see Nabi in this state. 

"It's suffocating here! So let me go, please!" Sigaw ulit ni Nabi. And she uses that chance to go, walang pumigil sa kanya.

"Suffocating? Here?" tanong ni Lucifer sa kanyang isipan. 

Napatingin si Miche sa kanyang boss nang hindi na ito makagalaw, mukhang na estatwa na ito sa kanyang kinatatayuan. Napatingin naman si Genessi sa palayo ng imahe ng babae.

"Boss? Susundan ba namin siya?" tanong ni Miche kay Lucifer ngunit hindi lamang siya nito sinagot.

"Iwan muna natin si boss, away nila ito ni Nabi," sabi ni Miche at umalis kaya napa sunod na lang ang dalawang lalaki habang si Genessi naman ay sinundan si Nabi.

Naglalakad si Nabi palabas ng bahay nang magka salubong sila nina Shine at James.

"Ate Nabi? Saan ka po pupunta?" tanong ni Shine kay Nabi. Nabi grew fond of Shine, siya ang dahilan ng pag-aalala niyang umalis sa bahay nito.

Napatingin si James sa malaking bag na dala ni Nabi, kaya napatanonh na lang ito. "Aalis ka?" tanong ni James kay Nabi, kaya tumakbo palapit si Shine kay Nabi niyakap ito.

"No! Ate! Ate Nabi! Don't leave! Please!" pagmamakaawa ni Shine kay Nabi, kaya napaiyak na lang si Nabi. Bumitaw si Nabi sa pagkayakap ni Shine at umupo para magkapareho sila ng tangkad ni Shine.

"Aalis lang muna ako, pero babalik ako agad," sabi ni Nabi kay Shine kaya napaiyak naman si Shine.

"Ate please no! Did kuya make you leave? I'll kick his ass po!" Naiiyak na sigaw ni Shine.

"No, I'll be back ok? Promise me that you will take care of yourself," sabi ni Nabi kay Shine, kaya napatango naman si Shine.

"What did kuya do po ba? Don't leave me ate Nabi, alam mo naman po na masungit ang kuya ko 'di ba?" sabi pa rin ni Shine kay Nabi habang umiiyak ito.

"Promise me that you will take care of yourself," diin na sabi ni Nabi kay Shine habang iniiwasan nito ang mga tanong ni Shine sa kanya.

"After 3 days! I wanted to see you back here! Safe and sound!" sigaw ni Shine at nag pinky promise pa ito kay Nabi.

"Ok. Kuya James, mag-ingat po kayo rito at pakibantayan na lang po si Shine," sabi ni Nabi kay James kaya tumango naman ang matanda sa kanya.

#

Iisa lang ang gustong itanong ni Lucifer sa babaeng umalis na sa kanyang paningin.

"Am I really suffocating?" tanong ni Lucifer sa kanyang isipan habang nakatingin siya sa kawalan.

Gusto niyang umamin, ngunit natatakot siya. Gusto niyang umamin para hindi umalis si Nabi, ngunit sapat nga ba iyon para mag stay si Nabi sa tabi niya.

"What are you doing here, kuya? Go get ate Nabi! Don't let her go!" galit na sigaw ni Shine kay Lucifer, when she saw her kuya was just standing there staring at nowhere.

"Aray!" Lucifer shouted when Shine kicked her shin. "Ang bastos mong bata ka ah, wala kang respeto sa kuya mo." galit na sabi ni Lucifer kay Shine ngunit sinamaan lang siya ni Shine ng tingin.

"Go! Run! Pigilan mo si ate Nabi na umalis!" galit na sigaw ni Shine kay Lucifer, kaya tumakbo naman si Lucifer. He hopes he's not too late.

#

Napatingin si Nabi sa bahay na kung saan naranasan niyang mahulog sa isang lalaki, kung saan naranasan niya ang magkaroon ng buong pamilya, kung saan nakahanap siya ng maraming kaibigan. Napaluha na lang si Nabi sa kanyang naaalalang mga ala-ala.

"Why did we end up in this situation? Why did we end up being seperated?" tanong ni Nabi sa kanyang isipan habang paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang sinabi ng babae sa kanya kanina.

"He will never be yours, pampalipas oras ka lang niya."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status