Share

The Castle of Forestpeak

Don't forget to subscribe and comment if you like any parts of this book:)

---

Previously on T.U.S.O.U

Ano kaya ang totoong dahilan kung bakit ka pinatay? May ginawa ka rin bang mali kaya ginawa iyon sa iyo?

Kailangan ba kitang protektahan para hindi ka mapatay?

Kung iyon lang ang natatanging

paraan ay sisiguraduhin ko na ilalapit ko ang sarili ko sa iyo.

What can I learn from you,Prince Dione?

Are you the answer to all of my questions?

---

Princess Abigail (Kyra)

Napabangon agad ako sa higaan ko ng mapagtanto na late na pala ako sa school.

"Mommy, bakit hindi niyo po ako ginising? Late na-" napatigil naman ako sa pagsasalita.

Inilibot ko ang paningin ko.

"Panaginip lang pala."

I got out of my bed and fix it. Tumingin naman ako sa kabilang side nito at nakita ko na wala na si Misora.

I do my morning routines atsaka bumaba sa may dining area ng kastilo.

Pagkababa na pagkababa ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng mga katulong at nag-bow sila sa akin.

"Goodmorning, Princess Abigail." sabay-sabay nilang sabi sa akin.

"Goodmorning." bati ko rin sa kanila.

Pagkadating ko sa dining area ay nakita ko na naka-upo na roon ang pamilya ko.

"Good morning, Kyra! Anong gusto mong kainin?"

"Auntie

Riranauna akong nagising sayo. Sleepyhead, haha!"

I can see my own family, I can see mom making breakfast, Nini teasing me again, dad and kuya Nick sipping coffee.

Gaano na ba ako katagal dito?

"Good morning Abigail, how was your sleep?" ani agad sa akin ng mahal na reyna pagkalapit ko sa kanila.

Nginitian ko muna ito bago umupo sa tabi ni Misora.

"It was fine, Mother." simpleng sagot ko.

Dumating naman ang umagahan namin, gaya nga ng nangyari kagabi.

Walang nag-uusap sa amin dito, wala rin gustong umimik.

Tanging ang mga gamit lang ang maririnig mong tunog.

"Abigail."

Napatigil ako sa pagkain ko ng marinig ko ang pangalan ko.

Hindi ko alam pero parang nagising na ang buong diwa ko, hindi naman ako nag black coffee.

"Yes, Father?" ani ko at tingin sa kaniya.

"I received an invitation today, it's from Prince Dione Forestpeak." diretsong sabi niya sa akin.

Invitation... for what?

Teka nga, ano bang nangyari kagabi? Bakit hindi ko matandaan?

"It said 'To Princess Abigail'."

Bumaling naman ang tingin ko sa pagkain ko. I need to remember kung ano yung pinag-usapan namin kagabi.

"You seems close? Do you perhaps had a relationship with him?ani nito dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya.

Umiling ako bilang sagot, I need to calm down.

"There's no relationship between us, Father." diretsong sabi ko rin sa kaniya.

"I see... I guess I have to say sorry for peeking inside on your letter."

Dumeretso na lang ako sa pagkain ko, kailangan maayos ang pagsagot ko sa kaniya kung hindi ay malalagot ako.

"What's the letter all about?" tanong naman ng reyna.

Kahit na hindi ako tumingin sa gawi ng hari alam kong titig na titig ito sa akin.

"Well, the Prince of Forestpeak invited our daughter Princess Abigail to enhance their magic or practice some spells together," ani nito.

Hindi kaya 'yon ang sinabi niya sa akin kagabi? Iyon ba ang pinag-usapan namin?

"Even if Abigail accept the invitation, the decision is still yours, Feather. What's your answer?" ani ng Mahal na reyna kaya napatingin ako sa kaniya.

Si Misora naman ay patuloy lang sa pagkain niya.

Tumahimik namang ang buong paligid ng ilang segundo.

"I'll accept it. Besides, one of you is going to marry him. Mas maganda kung makilala niyo nang lubusan ang prinsipe, hindi ba?" sabi nito sa akin, tumango na lang ako bilang sagot.

"But, that doesn't mean you're going alone, you'll bring Martha with you."

Napatingin naman ako kay Misora.

"How about my sister? Can she come with me?" ani ko, napatingin naman sa akin ng gulat si Misora.

"The invitation said Princess Abigail not Princess Abigail and Princess Misora."

Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil doon sa narinig ko, masakit para sa akin kung ako ang nasa posisyon ni Misora.

But I'm only doing this to protect him, I don't need to love him, I just have to make sure we have this 'bond' para maprotektahan ko ito.

And this is the perfect chance! Kung mag-aaral kami ng mga spells, puwede kong mapag-aralan kung paano gamitin ang kapangyarihan ko.

"Get dressed, Abigail. I'll send you now to the castle of Forestpeak."

---

Pagkalaan ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa kastilo ng Forestpeak.

Pagkababa agad namin ay sumalubong na sa amin ang mala-tree house na kastilo ng Forestpeak.

Maayos ang simoy ng hangin, para bang nasa probinsiya ka kung ikukumpara sa mundo ko.

"Let's go, Princess," ani ni Martha sa akin.

Tumango lang ako at sinundan ko siya.

Natandaan ko naman ang sinabi n King Feather bago kami umalis sa kastilo.

'Martha, what ever happens, protect my daughter using your strength. If something bad happens to her, you'll know what happen to you,' ani nito pagkasakay ko pa lang.

Nag-bow naman sa kaniya si Martha.

'Yes, king Feather. I will make sure nothing bad happens to her,' ani nito atsaka tumabi sa akin.

Pagka-alis namin sa kastilo ay agad ko ng sinabi ang bumabagabag sa akin.

'Martha?'

'Yes, Princess?'

'May I know what's your power again?' ani ko rito.

Ang totoo ay hindi ko talaga alam, kailangan ko lang magpanggap para hindi niya ako mahalata.

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago sumagot.

'It's strength, my Princess. Why?'

Strength? Kaya pala noong nai-stuck ako sa twining stems ni Prince Dione ay isang haltak niya lang doon nakawala na ako.

'It's nothing... I'm just happy to know that I'm safe.'

Pagkapasok namin ay may sumalubong agad sa amin na isang unggoy na nakasuot ng isang suit.

Nag-bow naman agad ito sa amin.

"Goodmorning my ladies, welcome to the castle of Forestpeak. I am Greg, your tourist for today," ani ni Greg at inilahad ang kamay sa amin.

Kinuha naman ito ni Martha.

Wait, Greg? Sobrang pamilyar ng pangalan.

I snapped my fingers then point to him.

"Aren't you the man beside Prince Dione?" ani ko sa kanya.

Oo siya nga! Kahit na nag-ibang anyo ito, 'yong medyo katandaan na mukha nito ay hindi parin naaalis.

"Yes, I am that man." simple nitong sagot sa akin.

"What happened to you?" ani ni Martha na nasa tabi ko.

Nagsimula na itong maglakad kaya sinundan namin siya.

"You see, the Prince is practicing some new spells. Wala ngayon ang reyna at nasa isang ibang lugar siya. Tanging ang prinsipe at ang mga kapatid lang nito ang naandito," ani nito sa amin.

Napatigil naman kami sa paglalakad ng huminto ito, humarap ito sa kaliwa.

Nakita ko naman ang isang babaeng nakikipaglaro sa mga hayop sa palasyo nila.

Mahaba ang buhok nito at kulay pink, maputi rin ang kulay niya at mukha siyang mabait.

"That's Princess Zelda Foreswift, she really loves all the creatures here in Therandia but that's not all, she have the power to tame, understand and order animals."

"She's a little bit shy but don't worry, I assure you she's kind," ani nito at patuloy sa paglakad.

Nagpatuloy na sa paglalakad sila Martha at Greg, habang ako ay nakatingin parin kay Princess Zelda.

Naka-upo ito sa damuhan na lupa ng kastilo at makikita mo sa mukha nito na masaya siyang nakikipaglaro sa mga hayop rito.

Napatingin naman ito sa akin, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan pero yung mukha ng mga hayop na kaninang maamo ay ngayon parang naghahasik ng isang gulo.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at sumunod kila Greg.

"That's Princess Seraphina Foreswift, the twin of Princess Zelda. If her twin is shy well, that's the opposite of her."

"She has a cocky side, brash, and very concerned about her self-image. But don't get the wrong idea, even though she had that sides she is the most loyal person you've ever met,"ani nito sabay turo sa isang babae sa kaniyang kanan.

Ang aura nito sa akin ay parang medyo boyish, ang hairstyle naman nito ay mala edgy bob with shaved sides.

Bumagay rin ang pastel rainbow na kulay ng buhok nito.

"And the one beside her is Princess Anais

Crestbreeze. You may find it weird but, she may have use a different language to communicate," ani ni Greg sa amin.

Different language?

Napakunot naman ang noo ko.

"She's like Princess Seraphina but she's more jolly,hyperactive, excitable, quirky, and outgoing. Her power is speed and can make other objects explode with her physical touch." paliwanag nito sa akin.

"I'll call Prince Dione and tell him that you two are here. Just wait for me," ani ni Greg sa amin, aalis na sana ito ng hawakan ni Martha ang kamay niya.

"Not gonna happen, we will come to you. What if you're lying? What if you're an evil witch that's tricking us?" seryosong sabi ni Martha.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Greg.

"I don't know what comes into your mind but, I am not an evil witch," ani ni Greg kay Martha.

Tinignan ko naman silang dalawa.

"I can't trust you, I'm with Princess Abigail right now. I promised the king that I will assure her safety. Look at you, how can you explain your look?"

Napahawak naman sa noo si Greg at hinilot ito, grabe napaka weird nito sa akin.

Isang unggoy nakikipagtalo sa isang tao.

"Hindi ba sabi ko na nag-aaral ang prinsipe ng mga spells? Aksidenteng

napunta sa akin ang isa sa mga spell nito kaya ako naging ganito." medyo naiirita ng sabi nito.

Pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"Okay calm down, I have an idea. Martha, what if you join Greg calling the Prince? Para naman hindi mo siya pag-suspetsahan?"

Kumunot naman ang noo niya at umiling.

"I can't do that Princess! What if something bad happens to you?"

Hinawakan ko naman ito sa balikat.

"Martha, this is the castle of Forestpeak. Sa tingin mo ba, hahayaan ng reyna na may makapasok na evil witches sa kaharian niya?"

"Lalo na at naandito ang mga anak niya, hindi diba? Atsaka kung may kalaban man, gagamitin ko ang kapangyarihan ko at tatawagin kita agad," ani ko dito para kumalma siya.

Tinignan niya muna ako ng ilang segundo. Gusto niyang sumagot pero hindi siya sigurado sa sasabihin niya.

"Go on, Martha." utos ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"Alright, shout my name if you feel bad thing is gonna happen, okay?" tumango naman ako bilang sagot.

Tumalikod silang dalawa sa akin at nagsimulang maglakad.

Ito ang tamang oras para pag-aralan ang kastilo ng Forestpeak, kailangan makilala ko ang mga kapatid ni Prinsipe Dione.

Kung tama ang kutob ko, puwede isa sa kanila ang pumatay kay prinsipe Dione.

Unang dahilan? Para sa kapangyarihan, puwedeng isa sa kanila ay may lihim na inggit dahil siya ang magiging future king at para matigil iyon kailangan siyang patayin.

Pangalawa? May lihim na galit, puwedeng isa sa kanila ay may matinding galit dahil sa kaniya na lamang ang lahat ng atensiyon.

Lumingon ako sa kaliwa ko para tignan ulit ang mga prinsesa ngunit wala na sila roon.

Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko na sila makita.

Maybe Martha is right! Baka nga isa itong trap ng mga evil witches.

Okay Kyra, concentrate. Gamitin mo ang powers mo para protektahan mo ang sarili mo.

May narinig naman akong kaluskos. Tumingin naman ako sa paligid pero walang tao.

"Or maybe I should run and shouts Martha's name," ani ko at tatakbo na sana nang may mabangga ako.

Eek!

"Um... I'm sorry-" tumalikod ako at lalakad na sana nang may mabangga ulit ako.

Napatingin naman ako kung sino iyon at nakita ko ang dalawang magkamukhang babae.

Am I going to die?!

"Sera! Zelda! Look what you did oh, why are you scaring her ba? Mukha tuloy siyang nakakita ng ghost," ani naman ng isa.

Tumingin naman ako sa likuran ko at doon ko nakita ang pangatlong prinsesa.

Wait, did I heared it right?

Hinila niya naman ako papalayo sa kambal.

"I'm really sorry if they scare you, mukha talaga silang ghost. Gosh!"

"My name is Princess Anais, nice to meet you!" ani nito at lahad ng kamay niya.

Kinuha ko naman iyon at nakipag shake hands. Inalog niya naman ang kamay ko na para bang wala ng bukas.

"Hey Anais, stop with your nonsense language and besides, we didn't scare her right, Zelda?" ani naman ng isang kambal na prinsesa.

If I'm not mistaken that's Princess Seraphina.

"My name is Seraphina Foreswift, Sera for short," ani nito at hawi sa buhok niya.

"Ayaw mong tawagin kang Princess?"

tanong ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

"Princess? Puwede namang Sera na lang, masyadong formal kapag may princess pa, parehas lang naman tao, pinagkaiba lang posisyon."

Napatigil naman ako sa sagot nito.

"Nevermind her, she's always like that kasi she's like a tomboy and it's so grr!"

ani sa akin ni Princess Anais.

"Ikaw ang tumahimikAnaisNatalo lang kita sa race kanina, ako parin ang pinakamabilis," ani nito.

So race pala ang ginawa nila.

Nagpatuloy naman sila sa pagtatalo, napalingon naman ako sa likod ko nang maalalang may isa pang prinsesa na natitira.

Pagkalingon ko naman ay nagulat ito at medyo lumayo sa akin.

"Umm... did I scare you?" tanong ko sa kaniya.

Umiwas naman siya ng tingin. Ginamit niya ang mahabang buhok niya para hindi ako makita.

Tama nga si Greg, sobrang mahiyain nitong prinsesang ito.

"Hey Zelda, she's asking you kaya. You should answer her, stop being shy na at nakakahiya sa kaniya," ani ni Princess Anais sa likod ko.

Why does she reminds me of Kris Aquino?

"I'm... I'm... Z-zelda F-Foreswift." nahihiya pa nitong ani sa akin.

Inilahad ko naman ang kamay ko sa kaniya.

"Nice meeting you, Princess Zelda." masayang sabi ko sa kanya, pero tinignan niya lang ako.

Si Anais nalang ang kumuha sa kamay ko.

"Hay nako, Zelda. You should try not being shy na. You'll make no friends kapag ganiyan ka."

Yep, she is the version 2 of Kris Aquino here in Zayeania.

"Kaysa naman sa salita mo na parang sira!" sabat ni Sera sa kaniya.

At iyan na nga nag-sagutan ulit sila.

"Oh before I forgot! You didn't tell us your name yet. Mind telling us?" ani ni Sera sa akin habang hawak ang mukha ni Anais.

"Ew! Take that dirty hands off my beautiful face! Andami kaya niyang germs. OMG! So kadiri!"

Inirapan lang nito ni Sera at bumaling ang tingin sa akin.

"Well?"

Inilibot ko naman ang paningin ko at halata naman na gusto nilang tatlo nalaman ang pangalan ko.

"My name is Abigail Emberspear, nice meeting-"

"EMBERSPEAR?!" sabay-sabay nilang sabi sa akin na ikinagulat ko.

-

-

-

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status