Share

The mysterious book

Don't forget to subscribe and comment if you like any parts on this story.

---

Kyra

"Thank you ulit Val, sa pagtulong sa akin," ani ko sa kabilang linya.

"Ano ka ba, wala iyon. Oh siya, naandito na ako sa bahay namin. Kita na lang tayo bukas, bye Kyra!" sabi nya at baba sa telepono.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng mag pop-up ang isang text galing kay Grey.

Pumunta ako sa messages at nakita ko ang mga tadtad nitong texts sa akin.

Oo nga pala, hindi ko pala siya binalikan kanina sa kwarto pagkatapos kong kausapin sila Val at Rica.

5:30 pm

Kyra? Alam mo bang hindi mo ako binalikan kanina:( Hinintay kaya kita, pero hayaan mo na, nakasama naman kita buong hapon.

-Grey

6:00 pm

Kyra? Maayos na ba pakiramdam mo? Sabihin mo sa akin kapag hindi, okay? I-update mo rin ako.

-Grey

6:30 pm

Oo alam ko, naiinis kana siguro pero, wala parin akong paki haha. Alam mo ba nagalit sa akin si coach tapos tinadtad ako ng text bakit hindi raw ako um-attend ng practice kanina, sabi ko may emergency. Oh diba, para lang sayo gagawin ko lahat(◠‿・)-☆

-Grey

6:50 pm

Kyra, kauuwi ko lang pala. Please text me kung nakauwi kana ba o kung anong ginagawa mo. Nag-aalala ako and don't let me on read! Nagtatampo ako hmp.

-Grey

6:55 pm

Pansinin mo ako kyraa༎ຶ‿༎ຶ

-Grey

Iyan ang huling text sa akin ni Grey, nakauwi ako sa bahay nang 7:15.

Tinitigan ko naman ang screen ko ng ilang segundo, should I reply him?

Sobrang hindi ko talaga makalimutan 'yong nangyari kanina.

Why did he confess? Or should I say, did he confess? Baka naman assuming lang ako?

Umiling naman ako.

"Stop it! Don't recall what happened earlier," ani ko sa sarili ko.

Hindi ko napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng bahay kanina pa.

Humiga naman ako sa kama ko, inilagay ko ang cellphone ko sa harapan ko at nagsimulang magtext.

7:25 pm

Sorry late reply, naka-uwi na ako kanina pa. May tinapos lang sa school and yes I am feeling better now. Please stop using kaomoji emoticons.

-Kyra

Nagsent naman kaagad ito, papatayin ko na sana ito ng makita kong nagr-reply siya.

Inaabangan niya ba message ko? Ang bilis ah.

Tumunog naman ang cellphone ko.

7:25 pm

Yes! Nag-reply din, akala ko hindi mo na ako papansinin eh.(。ŏ﹏ŏ) Btw, don't pressure yourself okay? Minsan kailangan mo rin magpahinga baka magkasakit ka.

-Grey

Wow concern, sana all.

7:25 pm

I know that, what are you my mom? Hindi mo na ako kailangan palalahanin pa. As a sign of gratitude, I wanted to thank you, para sa ginawa mo kanina, kung hindi dahil sayo baka nahimatay na ako ng wala sa oras.

-Kyra

7:26 pm

You're always welcome! Basta ikaw no, pero sayang hindi tayo nakapag lunch together, bukas pwede ka ba?

-Grey

7:26 pm

I'll check my schedule. Text na lang kita kapag okay, madami pa kasi akong gagawin. Speaking of gagawin, may kailangan pa pala akong simulan. Goodnight.

-kyra

Huling text ko rito bago ko pinatay ang cellphone ko.

Ilang thesis na lang naman ang gagawin ko, natapos ko na naman 'yong iba.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa higaan, bumaba ako ng kuwarto ko at dumeretsong kusina.

Habang papalapit sa kusina ay napahawak ako sa binti ko, muscle cramp!

Hinilot ko iyon ng ilang segundo para mawala ang sakit at nagpatuloy maglakad.

Naabutan ko roon sila Mommy at Daddy na nag-uusap.

"Kyra? Bakit gising ka pa at saka bakit parang hingal na hingal ka. Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni mommy sabay lapit sa akin.

Ewan ko rin kung bakit ako hiningal, pero medyo iika ako maglakad.

"Namanhid lang po binti ko," ani ko sa kanya pagkatapos niya akong alalayan sa upuan.

Hindi naman ganito ka protective si Mommy sa akin dati.

Pagkatapos ng pagkamatay ni Ate, maraming nagbago sa pamilya ko, lalo na kila mom at dad.

Malaki ang epekto ng pagkamatay ni ate sa kanila, lalo na sa akin dahil close na close kami.

"You sure ha? Sabihin mo kapag may iba pang masakit," sabi nito at umupo sa tabi ko.

"Why are you awake, Kyra? May kailangan ka ba?" tanong sa akin ni dad.

"Medyo nagugutom po ako kaya ako bumaba," sabi ko agad namang tumayo si mommy.

"Ah andaliIinitin ko lang ulam natin, wait lang ha?"

Nginitian ko lang ito at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Ilang minuto din ang nakalipas at naihain na sa akin ang pagkain ko.

"Salamat po," sabi ko at pumikit, nagsign of the cross rin ako at nagdasal.

Ilang segundo rin ang nakalipas at dinilat ko ang mga mata ko at nagsimulang kumain.

"Oo nga pala Kyra, kilala mo pa ba si Christoph Dela Paz? 'yong childhood friend mo."

Christoph Dela Paz?

Medyo familiar iyong name niya pero wala akong natatandaan na childhood friend.

"Si Chris, Kyra," ani ni dad sa akin kaya napatango ako.

Yes! I remember now, si Chris my first ever friend.

"Bakit po anong meron sa kanya?" Ani ko at sumubo ng pagkain.

"I heard na next month ay babalik na sila rito sa pilipinas. Hindi pa raw sure kung anong date pero, sure na daw next month, isn't that exciting, Kyra?" ani ni mom sa akin habang nakangiti.

So he's coming back, huh?

Tinanguan ko lang ito at nagpatuloy sa pagkain ng pagkain ko.

"Iimbitahan ko nga si Christa at Chris dito sa bahay kapag nakarating sila, para naman makapag-usap at kamustahan

kayong dalawa. It's been a while rin kaya," dagdag pa ni mom.

Nagpatuloy lang ito sa pag-uusap at sumabat na rin si daddy pero hindi ko na sila pinansin.

Nakatuon lang ako sa pagkain ko at inaalala ang mga sinabi ni mom tungkol kay Chris.

Para bang nag flashback sa utak ko 'yong una naming pagkikita.

Kagaya naman ako ng dati, hindi mahilig maki socialize sa ibang tao kaya nab-bully ako.

Pero ang natatanging tao na hindi nag iba ang pakitungo sa akin ay si Chris.

Mas naging malapit rin kami sa isa't-isa sa tuwing binubully ako, nililigtas niya ako or pinagtatanggol sa mga ito.

Lagi rin siyang nasa tabi ko, just like Val and Rica. Hanggang sa dumating kami ng high school.

Wala na namang nangb-bully sa akin pero ang relationship namin sa isa't-isa ay medyo nagbabago.

Noong una ay iniiwasan ko ito dahil nagkakaroon na kami ng issue na mag boyfriend at girlfriend kami.

Nang dahil dun mas naging malapit siya sa akin ng sobrang-sobra.

Lagi niya akong kinakamusta kagaya na lang ng ginagawa ni Grey ngayon.

Hanggang sa kailangan niya ng lumipad papuntang state para sumama sa daddy nito.

Natatandaan ko pa noon ang sinabi niya sa akin.

'Sorry I have to leave you, Kyra, if I had a choice I'll stay here with you,' ani niya habang nagliligpit ng mga gamit niya.

'It's fine Chris, it's not like you're never gonna come back or something. We can still communicate, we can write to each other,' sabi ko sa kanya at tulong sa pag-impake ng gamit nito.

'I know, pero iba parin kapag magkasama tayong dalawa, Kyra, the bonding we do together mawawala na iyon.'

'Iba parin kapag nakikita ko yung mukha mo araw-araw,' sabi nito at tumigil sa pagliligpit.

Inilagay ko naman ang huling gamit nito sa box at tumingin ako sa kaniya.

'Kyra, hindi ko na to patatagalin pa. I think i-'

'Kyra, Chris! Baba muna kayo, may meryenda akong hinanda.'

'I'll go now.' nauna akong tumayo at umalis dito at iniwan siya sa kwarto.

Kinabukasan noon ay nalaman ko na nakaalis na pala sila, Hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos sa kanya.

May inabot namang letter si mommy noong araw na iyon, sabi nito ibigay raw sa akin galing kay Chris.

Dear Kyra,

Ten years ago we became friends, I protected you from your bullies, you help me with our assignments, we bond together and my life became is so much brighter and happier. You changed my life without even trying, I know I told you this so many times but I wanted to say that you mean to me a lot.

I may not be the best of all best friends but I'm sure we do some best memories together, right? I will miss you, Kyra, so please don't forget me.

One more thing, about I told you yesterday inipon ko lahat ng lakas ko para sabihin iyon sayo kaso na interrupt tayo ni mommy kaya dito na lang sa letter.

Kyra, for the past ten years I know my feelings for you aren't just a friend. I like you- no I love you! I told myself I might as well take the risk because I know it's the only remedy I know that could unburden this feelings I've been keeping ever since.

Sana hindi magbago ang pakikitungo mo after nito, just wait till I come back. I promise I will court you. Just stay safe okay? Update me always, I love you.

Your one and only,

Chris

Pagkatapos ko basahin ang letter na ibinigay sa akin ni Chris, ten years ago ay ibinalik ko ito sa envelope at itinago sa drawer ko.

He did confessed to me, more romantically nga lang compare to Grey's confession.

Teka nga, why am I even comparing them? Magkaiba naman talaga sila and I'm not sure if that is a confession.

Humilata naman ako sa higaan ko, I feel like I'm missing something.

Napabangon naman ako ng maalala iyon, lumapit ako sa bag ko at binuksan iyon tiyaka kinuha ang librong ibinigay sa akin ni Ms.Regardo.

"Arrange Marriage, what makes you a mystery?" ani ko atsaka umupo sa may higaan.

Binuklat ko ang libro at nakalagay doon ang title at sa ibaba ang author.

"O.O.S? Sino naman kaya iyon?"

Wala akong kilala na O.O.S na penname ng mga kilalang author dito sa pilipinas.

Bagong writer lang kaya siya? Pero kahit na, adik ako sa libro, bakit hindi ko kaya siya kilala?

Inilipat ko naman sa kabilang page ito at nakalasulat na dito ang description ng story.

"A story that is full of mystery... Full of questions... Full of choices... Who is the real culprit behind King Dione's death?" basa ko dito.

Kung ako tatanungin medyo hindi catchy ang description niya.

Mas gugustuhin ko parin basahin ang 'The Anatomy of a Murder' ni Robert Traver at 'Gone Girl' ni Gillian Flynn.

Inilipat ko lang ang page nito ng hindi binabasa, medyo tinatamad kasi talaga ako at saka parang boring 'yong story.

Napatigil ako ng nasa dulo na ako ng pahina, dahil wala akong magawa binasa ko ang pinakadulong paragraph ng story.

"In the end no one still knows why did Queen Misora killed her husband, think about it she hasn't said any words since her husband died, maybe she's protecting someone?"

"The other witnesses that were in here we're practically singing like birds, or however the expression goes..."

Napakunot naman ang noo ko pagkatapos basahin iyon.

So the Queen killed her husband? But, why?

Bakit parang bitin? Kahit na hindi ko basahin ng buo parang may kulang?

Uumpisahan ko na sanang basahin ang unang kabanata ng bumukas ang pintuan ko.

Pumasok si mommy sa kwarto ko na may dalang pill for sure isa yang sleeping pill at isang basong tubig.

"You should continue that tomorrow, Kyra. Kailangan mo ng magpahinga," sabi nito at bigay sa akin ng gamot.

I just sigh, wala na naman akong magagawa kahit na makipagtalo ako kay mommy.

Sumunod na lang ako sa kanya, ininom ko ang gamot at nagpahinga.

---

Maaga akong nakarating sa school ngayon, nagkasabay rin kami ni Val sa entrance.

Ewan ko kung bakit siya maagang pumunta, hindi ko na naman siya tinanong kung bakit, agad kaming dumeretso sa library.

"Kyra, pasa ko na lang sayo itong natapos ko. Okay na lahat," sabi nito habang may ginagawa sa laptop nya, tumango lang ako.

Tinignan ko ang nasa kamay ko, should I read the book? I mean, wala na naman akong gagawin.

Binuksan ko ang libro at pumunta sa unang kabanata.

May nakakuha naman agad ng atensyon ko.

"My only crime was the never ending love for you

The murder weapon was my heart

I need to know how you cope

With the never ending love

And a never ending hope."

B**a ko sa utak ko.

Wow, may pa poetry pa sa simula. Parang spell lang ito sa isang book.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero gusto ko itong basahin ulit pero may damdamin naman na kasama.

Tinandaan ko ulit ang mga salita at pumikit, kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

"My only crime was the never-ending love for you

The murder weapon was my heart

I need to know how you cope

With the never-ending love

And a never-ending hope."

Bumilang muna akong limang segundo bago dumilat, grabe para talaga akong nag cast ng spell.

Pagkadilat ko ng mata ko nagulat na lang ako kung nasaan na ako.

"This isn't the library, this is some sort of a kingdom!"

-

-

-

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status