Share

The castle of Emberspear

Don't forget to subscribe and comment if you like any parts on this story.

---

Previously on T.U.S.O.U

"My only crime was the never-ending love for you

The murder weapon was my heart

I need to know how you cope

With the never-ending love

And a never-ending hope."

Bumilang muna akong limang segundo bago

dumilat, grabe para talaga akong nag cast ng spell.

Pagkadilat ko ng mata ko nagulat na lang ako kung nasaan na ako.

"This isn't the library, this is some sort of a kingdom!"

---

Kyra

"This isn't the library, this is some sort of a kingdom!"

No! No! I'm just dreaming, right? Please, wake me up!

Okay Kyra, calm down. Inhale, exhale, calm your mind, this is just your imagination.

"Okay, I am calm. Pagbukas ng mata ko nasa library na ulit ako. Makikita ko na si Val, okay."

Bumilang muna ako nang tatlong segundo bago ko binuksan ang aking mga mata.

Pero pagkabukas ng mata ko ay naandito parin ako sa parang kingdom na ito.

This can't be happening! Hindi pa ako tapos sa mga reports ko!!!

Okay, Kyra calm down. Huwag kang magpanic, baka maging delikado buhay mo.

Act normal, act like you're really a character of the book.

"Okay, how can I act normal kung hindi ko pa nababasa 'yong buong libro?" Nagpapanic kong ani.

Bakit naman naging ganito 'yong resulta? Hindi ko alam na makapangyarihan pala 'yong poet na 'yon.

Teka, speaking of poet ano nga ulit 'yong sinabi ko kanina? Baka sakaling makabalik ako pag sinabi ko iyon.

"Ano ba yan? Isip kyra! Tandaan mo, ilang words lang 'yon! Isip!"

Kahit anong isip ko ay hindi ko na matandaan ang sinabi ko kanina.

"This is just a fictional story... How can I be here...?" ani ko at hilot sa noo ko.

Right! Maglilibot ako, kung isa ka sa mga bagong character sa story, anong gagawin mo?

"Pag-aralan 'yong lugar! Yup, pag-aaralan ko 'yong lugar. Baka sakaling may malaman ako."

Now I regret for not reading the whole story, grr!

Naglakad ako papalayo kung saan ako nai-summoned kanina.

The castle was bold. It stood there as if conjured from the storybook of a child. It was perfect.

Every stone was even and square as if those who built were set on perfection as if they loved what they made.

They were walls made to protect a community, to echo with laughter and be the shelter they need.

Habang naglilibot ako ay may napansin din akong malawak na garden.

Hindi lang garden meron din itong mini forest sa hindi kalayuan.

Hindi narin naman pala masama ang lugar na ito, sa mundo kung saan ako nakatira ay kakaunti na lamang ang nakikitang mong green at puro black na lang dahil sa usok o mga ginagawa ng mga tao doon.

Papasok na sana ako sa garden nang may magsalita sa likod ko. Napalingon naman agad ako.

"I'm sorry to interrupt you Princess Abigail, but, the king wants to summons you to his court. I believe he has important things to say," sabi ng isang hindi katandaang babae.

Kung pagbabasehan ko ang itsura nito siguro ay nasa mid-20's siya, maputi ang balat, hindi ganun kakapal ang kilay, matangos ang ilong at may pinkish na labi.

Kung ako rin ang tatanungin isa siyang lady-in-waiting ng isang Prinsesa.

Bumagay rin sa kaniya ang suot niyang red Velvet dress na may Satin lined Arm tippets.

Tumango na lang ako sa kaniya at sumunod, kailangan kong umarte na ako nga talaga si Prinsess Abigail dahil baka pagsuspetsahan nila ako.

Iba pa naman ang mga tao kapag nasa royal family ka, kahit pamilya ka nila, handa ka nilang parusahan ng matindi.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kastilo ay agad kaming dumeretso sa may trono ng reyna at hari.

Nag-bow naman agad ako.

"King Feather, Queen Vivian," sabi naman ng lady-in-waiting na nasa tabi ko at nag-bow rin.

King Feather and Queen Vivian?

Ang ganda ng pangalan ah, infairness pang modern name ang datingan nito.

Tinignan ko lang ang katabi kong babae at nang tumayo na siya nang tuwid ay ginaya ko ito.

"Father, Mother, you called for a meeting?"

Umiba naman ang direksyon ng tingin ko namg may magsalita mula sa likuran ko.

Meeting? Teka tama ba narinig ko?

Nilingon ko iyon at para akong nakakita ng real life disney princess sa ganda nito.

Ang buhok nya ay curvy at hanggang balikat, meron din itong korona, bumagay rin sa kaniya ang baby face nya na hindi mo aakalain na magkasing-edad kami.

"Yes Misora, this is an important meeting," sagot naman ng reyna.

Nanlaki naman ang mga mata ko, siya 'yong pumatay kay King Dione!

Pero kung siya nga ang pumatay, ano ang dahilan kung bakit ako naandito?

Ano ang dahilan kung bakit gustong pagawin ako ni Ms.Regardo ng editorial news sa storyang ito?

Pero ang pinakatanong, bakit parang maka modern ang pagsasalita nila?

Hindi ba kapag mga Queen, King type of stories parang medyo makaluma na salita?

"Princess Abigail? Why are you bowing? Straight up, we're sisters now, no need to bow," sabi nito sa akin at iniangat ang baba ko.

Napatingin lang ako sa kaniya, diyos ko! Kung lalaki ako, baka niligawan ko na ang babaeng ito sa sobrang ganda.

Pero teka nga, sisters? Ano ba kami dati?

Humarap naman ito sa hari at reyna, gano'n nadin ako, pero ang paningin ko ay pasulyap- sulyap sa kaniya.

"One of you is going to marry the son, the future king of the Forestpeak."

Forestpeak? Sounds powerful!

"Which of us is going to marry him, father?" tanong naman ni Prinsesa Misora.

"Your father didn't decide yet, since we already found your long-lost sister, he can't decide who. But don't worry, I'm sure one of you will love the Prince," sagot ng reyna sa tanong ni Prinsesa Misora.

So long-lost sister niya ako. Kaya niya pala sinabi ito kanina.

Ang nakapagtataka, ano ba ako sa kaniya noong hindi pa nila nahahanap na ako ang nawawalang kapatid?

"You may leave now," sabi ng mahal na hari.

Grabe, kahit na tatay ko siya sa storyang ito hindi ko maiwasang manginig at matakot.

Feeling ko, isang maling galaw ay lagot ka sa kanya.

"But father I have-"

"I said you may now leave, I already told you what's bothering me and I don't have any time to listen to your comment Misora." putol ng hari dito.

Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko, pero kahit ganoon ay hindi ko parin tinanggal ang paningin ko kay Prinsesa Misora.

Nakita ko naman na medyo nalungkot ang mukha nito, sino ba namang hindi? Bakit tinatrato ng mahal na hari ang kaniyang anak na parang hindi ito kakilala?

"Martha, escort them back to their room." utos pa nito.

Tumango naman si Martha, ang lady-in-waiting ko. Nag-bow ito at nanguna sa amin.

Nanguna sa paglalakad sila Martha at ang ate ko na si Misora.

Ngayon ko lang napansin na ang damit pala ni Ate ay hindi pang old modern princess dress.

Naka red na off shoulder dress ito na hanggang tuhod ang haba.

Napatigil naman ako sa paglakad at tinignan ang suot ko. Naka sling off shoulder na long dress ako, na medyo puti rin ang kulay.

"Princesses, this way." rinig kong ani ni Martha kaya nagmadali akong umakyat sa hagdanan.

Tinignan ko naman ang ibaba ko, ang hagdanan na inakyat namin ay pabilog.

May hagdanan sa magkabilang side at sa gitna ng pinakataas noon ay isang chandelier.

Parang ito lang yung scenario sa mga princess and prince na magkikita tapos dahan-dahan baba ang prinsesa sa napakahabang hagdan na ito habang nakatingin sa prince niya.

Naabutan ko ito na binuksan ang pinto, unang pumasok si Misora habang ako ay binagalan ang lakad ko.

Sobrang ganda ng view dito, napakahaba ng hallway at maraming ilaw na nakalagay sa gilid.

Kahit na onti lang ang dekorasyon nito, maganda parin tignan.

"Princess Abigail?" ani ni Martha sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

Lumapit naman agad ako sa kaniya.

"You can call me Princess Abi, Martha. You don't need to be formal," ani ko ng makalapit ako sa kaniya.

Umiling naman siya sa akin.

"I can't, my princess, I am just a servant. I have no right to call you by your nickname," ani nito at nag bow.

Inaangat ko naman ang ulo nito.

"Yes, you are a servant but, that doesn't mean we are not the same. Sure we have some differences, but you've been here all the time on my side. Hindi naman siguro masama kung tawagin mo ako sa nickname ko," ani ko sa kaniya.

Nakatingin lang siya sa akin na medyo gulat.

"Yes, you are right my princess but, you can't change my mind. We're not in the same position anymore."

"You are no longer a maid, Princess Abigail. You are now a part of a royal family and as your picked servant, I should call you by your name."

Tinignan ko lang ito, I see.

"I guess that can't be helped? Hmm, how about I order you to call me 'Princess Abi'? How about that, Martha?" ani ko sa kaniya habang nakangiti.

Tumitig lang ito sa akin ng ilang segundo, that's an order, you can't do anything about it.

She just sigh in defeat.

"Alright, order granted Princess Abi," ani nito at ngiti sa akin, inilahad niya naman ang kamay niya sa loob ng kwarto.

Hinawakan ko lang ito sa balikat bago pumasok.

"Thank you, Martha," ani ko bago tuluyang makapasok sa loob.

Sinarado niya naman agad ang pinto. So I am a maid before I became a princess, huh?

That's a good logic I did, not gonna lie, the way Martha looked at me earlier, para bang close na close kami at ingat na ingat siya sa pagsasalita niya sa harap ng mahal na hari at reyna.

Isang maling sabi niya na "Abi" o "Abigail" ay malalagot ito, I did a good job finding the truth behind my past!

But of course, all of that is just an act, in order to return to my world, I must find who's the real culprit behind King Dione's death.

Besides, I don't think Misora can do that but, who knows? Maybe I can find some other reasons why she kill the king or is she the real killer.

"Abigail, malalim ata ang iniisip mo," ani naman ni Misora na nasa gilid ng higaan at nakaupo.

"Princess Misora, I'm sorry it's just that I really can't believe that one of us is going to marry the future king of Forestpeak." pagsisinungaling ko dito.

Tumayo naman siya sa pagkaka-upo niya at lumapit sa akin.

"Drop the Princess, Abigail. We're sisters now, no need to be formal," sabi nito at hawak sa balikat ko, pero nanatili akong nakatingin sa kaniya.

"Yes, sure po ate Misora," ani ko sa kaniya, bigla namang kumunot ang noo nito.

"Ate? What's that?" Tanong nito sa akin, medyo kinabahan naman ako.

So hindi nila alam ang word na 'ate'? Tanging english and some other tagalog words lang ang alam nila?

"Oh, I read it in some of the books here in the room." palusot ko na lang dito.

Tinitigan niya muna ako bago tumango, hindi halata ang pagsisinungaling ko dahil bago ako pumasok sa kuwartong ito ay nilibot ko na agad ang paningin ko.

Ganun naman talaga hindi ba kapag sa mystery? Kung ayaw mong mapagdudahan ka, kailangan mapagmatsig ka sa paligid.

"I see, you're still the nerdy little girl I know," sabi nito at tumawa nang mahinhin.

Kung hindi ako nagkakamali, si Abigail ay parang kagaya ko, base sa obserbasyon ko kanina bago ako maglibot sa labas ng kastilo, may nakita akong libro sa ibaba ko.

At pagkadating ni Martha kanina para samahan ako sa mahal na hari at reyna, nakita ko na may dala itong libro sa kamay niya.

Kung iisipin ay, inutusan ko itong kumuha kaya wala akong kasama kanina, pero ng babalik na siya, sinabi sa kaniya na may importanteng sasabihin ang mahal na hari kaya hindi na ako nakapagbasa.

"So what does 'ate' means?" tanong nito at naglakad papalayo sa akin.

Lumapit ito sa may bintana.

"The word 'ate' means the eldest daughter of your sibling or siblings. If the eldest is a son, then you can call him 'kuya'," ani ko sa kaniya, napatingin namang siya sa akin.

"I see, still witty."

Lumapit naman ako sa gawi niya.

"Do you..."

Kumunot naman ang noo nito.

"Do you hate father?" direstong tanong ko dito, tinignan ko lang ito nang diretso sa mata at halata mo naman na gulat ito sa tanong ko.

-

-

-

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status