3rd Person's Point of View*
Ilang oras na ang lumipas mula nang nagsimulang mag-inuman ang mga boss. Bumalik na si Felicia at nakatayo na siya ngayon sa pintuan at agad siyang napansin ng lahat ng mga nag-iinuman doon. May dala pa siyang dalawang jar ng beer na marahang inilapag sa gitna ng lamesa. Napangiti ang isa sa mga lalaki dahil sa ginawa nito. "Yan ang gusto ko kay Felicia! Tara na't ituloy pa natin ang inuman!" Masayang nagtatawanan at nagsasayawan ang mga kalalakihan habang sabay-sabay na binuksan ang wine jar na dala ni Felicia. Halos masabik sila sa kakaibang halimuyak ng alak na tila hindi na nila mapigilan ang kabilang pagkauhaw. "Bilang ganti sa mga pinakain at pina-inom mo, Felicia, kami naman ang magpapasaya sa'yo. Bibilhan ka namin ng masarap na pagkain at siguradong mag-e-enjoy ka sa paglabas natin sa baryong ito." Nagtatawanan naman sila at dahil na din iyon sa kalasingan. "Gagawin namin ang lahat para 'di ka na lumayo sa amin at kasali ka na din sa grupo namin!" Ngunit hindi ito pinansin ni Felicia. Tahimik niyang kinuha ang dalawang malaking mangkok, inilagay sa lamesa, at sinimulang salinan ng alak bago binigay sa boss. "Salamat, Felicia." “Uminom pa kayo ng marami at magdadala pa ako kung nakukulangan pa kayo.” “Yun! Salamat, Felicia!” Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay at tumayo sa likod ng bahay. Napatingin siya sa malaking buwan na nagbibigay-liwanag sa madilim na paligid. Sa huling naalala niya habang nakatira siya sa maliit na village na ito ay normal na sa kanya na may naganap na patayan at nakawakan araw-araw. Bata pa lang siya ay nasaksihan na niya kung gaano kagulo ang mundong ginagalawan niya at hindi niya alam kung may mundo pa ba na walang ganitong kaguluhan. Tumingala siya sa buwan. Para bang pati ito'y nadungisan na rin. Pumikit siya ng ilang minuto. At isang iglap sunod-sunod ang putok ng baril ang umalingawngaw mula sa loob ng bahay at nanatili muna siyang nakapikit ng ilang minuto hanggang sa napamulat siya. Sa loob, nakita niyang nawawala na sa sarili ang kanilang boss habang nagpapaputok ng baril. May mga agad bumagsak sa sahig, habang ang iba ay sugatan at litong-lito sa mga nangyayari kung bakit pinagbabaril sila ng boss nila. Napa-ismid siya sa nangyayari. Alam niyang tumalab na ang drogang inilagay niya sa inumin. Isang makapangyarihang pampa-hallucinate na nanggagaling mismo sa mga lalaking ito. Kumuha siya ng isang kilong droga at inilagay sa jar ng beer na dinala niya kanina. Ang kanilang boss ang pinakamaraming nainom, kaya siya rin ang unang nawalan ng katinuan. Sunod-sunod ang putukan ng mga baril at marami nang bumagsak sa sahig. Hindi naman makakatakbo ang iba dahil naapektuhan na din sila sa hallucination na nangyayari sa kanila. “May mga pulis! Nasundan tayo!” Nagkagulo sa loob at ang lahat ay naglabas ng baril at nagpaputok sa kung saan-saan, iniisip na may sumalakay na mga pulis. Ilang minuto lang, at unti-unting bumagsak ang lahat. Tumigil na rin ang putukan. Pumasok si Felicia sa bahay. Naamoy agad niya ang malansa at sariwang dugo. Sa bawat hakbang niya ay lumulubog ang kanyang sapatos sa madugong sahig at sanay na siya sa bagay na iyon. Nilapitan niya ang kanilang boss na nakahandusay, may bula sa gilid ng bibig at nakadilat pa. Maingat siyang lumuhod sa tabi nito. Mahina pa itong umuungol. Hindi pa ito patay dahil nag-ha-hallucination pa ito bago ito mamatay. "Nakalimutan mo atah ang sinabi ng isang kasamahan mo na marami ng sindikato ang pumunta dito para ipasok ako grupo nila pero kahit isa sa kanila ay hindi nagwawagi sa bagay na yun. Alam mo ba kung bakit?” malamig at mahinang bulong ni Felicia sa kanya. “Dahil may mga ginawa lang naman akong bagay kagaya ng nangyayari sa inyo ngayon.” Naalala niya ang usapan ng mga ito kanina na akala nila na hindi niya narinig nung siya ay pumasok kanina. Hindi nga siya kagaya ng ibang bata na inosente sa mga ganitong bagay, at ang sa kanya lang ay kung paano mabuhay sa impyernong lugar na ito na hindi namamatay. Napatingin siya sa baril na nasa tabi ng boss at dahan-dahang kinuha ito. Ngunit hindi niya ito ginamit at tiningnan lang niya kung nababagay ba sa kanya. Nung hinahabol ng mga police ang mga taong ito ay hindi niya talaga pinapasok ang mga pulis sa lugar nila dahil alam niya na may dala itong mga baril. Delikado ito sa buhay ng mga mamamayang nakatira dito at ang tinutukoy niya ay ang mga kasamahan niya na humarang kanina sa daan. Nabulag lamang sila sa pera at kasabay na din ang pagtatangka sa buhay nila kung di nila susundin ang inuutos ng mga estrangherong dumating sa baryo nila. Kaya nila ginawa ang mga bagay na iyon at iba naman ang sa kanya ayaw niyang madamay ang mga ito sa patayan. Matagal na sana niyang sinumbong sa mga police ang mga ginagawa ng mga taong nandito at lalabas sana ng baryo para ma-report ang ginawa nito. Pero nung nalaman niya na may mga kinidnap na silang mga bata ay hindi muna niya tinuloy lalo na’t delikado ang mga batang hawak nila. May namatay pa na isang bata na nasa daan papunta dito sa baryo noong nakaraang linggo. Kaya doon na siya gumawa ng plano para hindi mapahamak ang mga batang nandidito. Tinapon niya ang baril na pinulot niya kanina at naghanap pa siya pero walang nababagay sa kanya na armas kaya wala siyang nagawa kundi ang sumuko. Iniwan na din niya ang maliit na bag niya na may pera sa loob na binigay sa kanya ng mga lalaki. Lumabas na siya at kinuha niya ang isang lighter na napulot niya kanina sa boss. Agad niyang sinindihan ang kahoy na bahay at agad naman itong kumalat ang apoy. Nakahinga naman siya ng maluwag na napatingin sa baryo at nananatili pa rin na tulog ang mga kasamahan niya. May inilagay din siyang pampatulog sa ginawa nitong sabaw kanina para hindi nila marinig ang nangyayaring putukan kanina. At nung gabing iyon ay nawala na lang siya bigla at hindi alam ng mga mamamayan ang ginawa niya noong nagising ang mga ito kinabukasan. Nakita din nila na wala ng apoy ang kahoy na bahay tinitirhan ng mga armadong mga lalaki. Ligtas namang nakarating ang mga kinidnap na mga bata sa istasyon ng pulis dahil sinunod nila ang daan na sinabi ni Felicia. At nakita din nila ang malaking apoy sa lugar kung saan sila kinidnap at pinapanalangin ng binatilyo na maging maayos ang batang lumigtas sa kanila. “Sir, kami po yung mga kinidnap ng mga armadong lalaki na sinakay sa van. Tulungan niyo po kami.” Nagulat naman ang mga pulis na nandodoon dahil nakita na nila ang mga batang kinidnap na walang kahit anong pasa o sugat na nangyari sa kanila. “Pasok kayo.” Agad tinawagan ang mga pamilya ng mga ito para sabihin na nasa maayos na kamay na ang mga anak nila. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang bagong pulis sa nangyayari. “Paano nakatakas ang mga batang iyon sa mga lalaking iyon? May tumulong ba sa kanila?” “Ang mahalaga ay nasa atin na sila at nabalitaan mo ba na may dumating na balita mula sa baryong pinagmulan nila?” “Bakit? Anong nangyari?” “Nasunog ang isang bahay na tinutuluyan ng mga kidnappers at patay silang lahat.” “What? Hindi kaya ang mga batang ito ang may pakana kung bakit nangyari iyon?” “Hindi natin alam. Ikaw na ang bahala sa kanila kasi gagawa pa ako ng reports.” “Yes, sir.” Sumaludo ang baguhang pulis at tumango naman ang kausap nito bago lumakad. Tinahak niya kung saan nananatili ang mga bata at binigyan din nila ito ng pagkain at gatas dahil kanina pa sila gutom. "Mabuti at ligtas kayong lahat,” wika ng pulis sa kanila. "Pero paano kayo nakatakas sa mga armadong 'yon? Sino ang nagpalabas sa inyo?" Napatingin ang police sa mga binatilyo na kasali sa kinuha dahil ito ang pwedeng makapag kwento sa nangyari sa kanila ng malinaw. "Paano kayo nakatakas? May tumulong ba sa inyo?" Nagkatinginan ang mga kabataang nailigtas. Pumasok sa kanilang isipan ang imahe ng batang babae. Hindi mawawala sa isipan nila ang seryoso, walang takot at malamig na mga mata ng batang lumigtas sa kanila. Tahimik ang isa sa kanila. Iniisip nila na sana makita pa nila ang babaeng lumigtas sa kanila para mapasalamatan nila ito. ******* Nachtwrites22Nakarating na sila sa mansion at maraming bumati sa kanila na mga katulong at namamangha pa rin si Shia habang nakatingin sa malapalasyong mansion ng matanda. Kung magsisipag siya ay 'di n'ya mabibigo ang tiwala ng mga magulang n'ya sa kanya. "Welcome home, masters and young ladies."Yumuko naman ng kaunti si Felicia at nakita naman 'yun ng matanda na may galang pa rin ito sa mga nasa baba sa kanya."Hmm... mabuti naman at marunong kumilala ang mga katulong dito," rinig naming ani ni Shia sa gilid nila."Shut up, Shia."Napatingin naman si Shia kay Lucien at yumuko na lang at kumapit kay Lucien."Sorry, brother.""Tsk.""Grandpa, pasok na po tayo?" Tumango naman ang matanda sa sinabi ni Felicia at lumakad na sila papasok hanggang sa mapahinto sila sa sala."Ituturo sa inyo ng mga katulong kung saan kayo matutulog. Sabay tayong kakain ng breakfast bukas.""Yes, grandpa.""And once again. Welcome sa bagong bahay mo, apo."Napngiti ng kaunti si Felicia at dahan-dahan na napatango. Kah
Nanlalaki naman ang nga mata nila Luscious dahil sa narinig mula sa ama. Mas nakikinig pa ito sa hindi kadugo kaysa sa kanya na totoong anak nito."Dad, hindi naman tama na sila lang ang isama mo. Ano bang mayroon kay Shia na wala sa kanila?" reklamo ni Vanessa sa matanda na kinakunot ng noo ng matanda.Tinulak tulak naman ni Vanessa si Shia para magpaawa effect sa matanda na isama 'rin ito sa kanila."Hindi kami papayag na isama mo si Lucien. Masasama mo lang s'ya sa mansion pagkasama n'yo rin si Shia.""Mom!"Napabuntong hininga si Felicia habang nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang matanda sa kanya at nakikita nito na nadadamay na ito sa problema ng pamilya nito."Don't be immature, mom!"Nanlalaki naman ang mga mata ng mga magulang ni Lucien dahil sa sinabi nito."I-Immature? Ganyan ka na ba ka walang galang sa mom mo, Cien."Napatingin naman si Felicia sa phone n'ya at nakikita n'ya na malalim na ang gabi. "Grandpa, ano sa tingin ninyo?""Ayoko ng maingay sa bahay.""Grand
Uwian na at hindi inaasahan ni Felicia na marami s'yang matatanggap sa welcoming n'ya ngayong gabi. Marami 'rin s'yang mga damit na magagamit n'ya. Hindi n'ya alam kung masusuot ba n'ya ang lahat ng 'yun.Nasa gilid s'ya ng matanda habang naglalakad sila papunta sa lobby ng hotel para pauwi na. Si Lucien naman ay tahimik na nagtutulak ng wheelchair ng matanda."Felicia, apo, kagaya ng napagkasunduan natin ay sa mansion ka na mananatili."Natigilan naman si Lucien sa sinabi ng grandpa nito. Alam naman n'ya na panandalian lamang ang pagtira ni Felicia sa mansion nila pero hindi n'ya alam na ngayong gabi na magsisimula na maghiwalay na silang dalawa ni Felicia."Yes, grandpa."Natigilan naman sila Luscious at Vanessa sa narinig. Maski na rin si Shia ay nagulat din. "Wait lang, dad. Kung dadalhin mo si Felicia ay pwede mo rin namang isama si Shia. Alam mo naman na baka ma-bored si Felicia sa mansion na walang kalaro."Napatingin naman ang matanda kay Luscious. Alam nito ang plano ng an
Nakarating na sa gitna ng entablado si Felicia at naglalakad na sa harapan nito si Theo habang hawak-hawak nito ang anak na si Thea na malaki ang ngiting nakatingin kay Felicia. Kasama rin ni Felicia sa gilid nito ang grandpa na escort n'ya ngayong gabi. "Puntahan mo na ang Sister Felicia mo, my daughter," ani ni Theo sa anak at masaya namang napatango si Thea bago lumakad papunta kay Felicia. "Sister Felicia." Hinawakan ni Thea ang kamay ni Felicia at malumanay na lang na napangiti si Felicia bago sila sumayaw ng malumanay sa gitna ng hall. Inanalayan naman ni Theo ang matanda na pumunta sa gilid at tiningnan nila ang dalawa na nag-e-enjoy sa pagsayaw. "Mukhang maswerte ka dahil ikaw ang napili ng apo ko. Hindi ko alam na nakuha mo na agad ang loob n'ya," kalmadong ani ng matanda kay Theo. Napangiti naman ng malumanay si Theo at dahan-dahan na tumango. "Ako at ang anak ko ang maswerte kay Felicia dahil marami na s'yang natulong sa amin. Nakikita ko na katulad na katul
Tahimik lang si Shia habang nanatili pa rin ang galit na nagmumula sa puso n'ya habang inaalala na naginging balewala ang lahat ng pinaghirapan n'ya ng ilang araw. Dahil kay Felicia. Gusto n'yang maiyak pero tinatago n'ya dahil ayaw n'yang makita s'ya ng ibang tao na umiiyak. Nasa tabi naman si Vanessa at pilit din nitong kinakalma si Shia sa nangyayari. Hindi lang kasi si Felicia ang kalaban nila ngayon pati na rin ang pakelamerong matanda. "Shia, baby, wag mo ng isipin ang nangyari kanina. Don't worry, gagawan ka namin ng isang party na ikaw talaga ang bida. Mas bongga pa sa party na ito at imbitahan mo ang lahat ng mga kaibigan at kaklase mo sa gabing 'yun." "Really, mom? Gagawan n'yo ko ng mas maganda pa sa party na ito?" "Exactly. Kami ng dad mo." Napatingin naman sila kay Luscious na hindi nakikinig sa kanila at nakatulala lang sa gilid at parang loading sa nangyayari kanina. Hindi s'ya makapaniwala na hindi pangkaraniwan na bata ang ina-adopt nila nung araw na 'yun. Na
Isa isang dumating ang mga bisita sa party at dala dala nila ang mga dresses para kay Felicia. Ang iba ay nakalagay pa sa paper bag at ang iba naman ay nakalagay pa sa isang box at excited silang ibigay 'yun kay Felicia.Makikita ngayon sa mga mayayamang nandidito na hindi sila nagpapatalo sa mga ganitong bagay.Kalmadong nakatingin lang si Felicia habang nakatingin sa kanila na parang normal lang ang bagay na 'yun sa kanya. Napatingin ngayon ang grandpa nito sa kanya na nasa tabi n'ya."Mukhang madali mo ngang nakuha ang attention ng lahat." "Dahil sa pride nila kaya sila ganito."Nagulat ang matanda sa sinabi ni Felicia at napangiti na lang siya dahil kahit ngayon ay nagugulat pa rin s'ya sa mga sinasabi nito. Parang ang katabi n'ya ay ka-edad lang n'ya ngayon na matured na matured kung mag-isip. "Let's go sa stage para hindi ka matabunan ng mga tao dito.""Yes, grandpa."Itutulak sana ni Felicia ang wheelchair nang pinigilan naman siya ni Luscious."Ako na baka mapaano pa si dad