Ito ang kwento nina Franco at Lily, ang magkasintahang ikinasal, ngunit nasaktan at nagkahiwalay dahil sa mapait na nakaraan. Sa paglipas ng panahon, muling pinagtapat ng tadhana ang kanilang mga landas, hindi para muling simulan, kundi upang wakasan nang buo ang lahat ng hindi natapos. Tunghayan natin kung paano magtatapos ang isang pag-ibig na minsang sumuko, ngunit hindi lubusang nawala.
View More“Ano na Zoey?” tanong ni Dean, sabay bigay ng mahinang ngiti kay Zoey pero kabaligtaran naman ang tingin niya, mabigat at punong-puno ng tensyon.“Uhm…”“Dean, huwag mong i-pressure si Zoey,” sabat ni Ciara, habang hinihimas ang hita ng lalaki para pakalmahin ito. “Hayaan mo muna siya magsalita.”“Hindi ko naman tututulan kung magkaka-boyfriend ka, Zoey. Pero dapat ipakilala mo muna sa amin.”“Eh ‘di ayan na nga, ipinakilala ko na sa inyo,” sagot ni Zoey habang nakangiti nang pilya sa kanyang kapatid. “Okay na ba?”Napangiwi si Dean at lumakad papunta sa sofa, saka pabagsak na naupo sa tabi ni Hanz. “Hindi okay! Mukha siyang playboy!”“Ha? Si Zayn? Playboy?!” tanong ni Zoey, hindi makapaniwala.“Ganyan ang hitsura ng lalaking mapanlinlang,” sabat ni Hanz na tila sineryoso ang tanong, sabay tingin kay Zoey. “So...boyfriend mo talaga siya?”Ngumiti si Zoey kay Hanz, saka tumingin kay Dean na halatang hindi pa rin natutuwa.“Secret,” tugon niya nang may kapilyahan. “Excuse me, puntahan k
Nanahimik si Zoey saglit bago siya lumingon sa binatang abala sa pag-set ng gitara. “Simulan na natin ang ensayo?”Tumango si Zayn habang bahagyang ngumiti. “Sige,” sagot niya bago siya lumapit at umupo sa tabi ng dalaga, dala ang gitara.Makalipas ang ilang oras…“Paano ka uuwi?” tanong ni Danny habang umiinom si Zoey sa tabi niya. “Gusto mo ihatid na lang kita?”“Okay lang ako, hindi ba dapat may lakad ka pa?” balik-tanong ni Zoey, sabay ngiti. “Kaya mo na ‘yan. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Sigurado ka? Gusto mo ba tawagan ko si Zayn o si Mark?”“Grabe ka, Danny. Third year na ako, hindi na ako nasa preschool,” biro ni Zoey, sabay tawa. “Sige na, umalis ka na bago ka pa ma-late sa date mo. Kaya ko to.”“O siya, basta update mo ko kapag nakauwi ka na, ha?”“Oo naman.” Tumango si Zoey, bahagyang ngumiti bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang kapatid.“Zoey?” sagot ni Dean sa kabilang linya.“Opo.”“Paano ka uuwi? Gusto mo sunduin na kita?”“Huwag na po, nakakahiya naman,” sago
BAD BROTHER“Good morning, Kuya Dean!”Isang malambing na bati ng babae habang pababa ng hagdan suot ang fit na uniporme pang-kolehiyo. Yumakap siya sa leeg ng kapatid at hinalikan ito sa pisngi gaya ng nakasanayan.“Di ka ba papasok sa opisina ngayon?” tanong ng babae habang umuupo sa tabi ng lamesa, kung saan ito tahimik na umiinom ng kape.“Hindi muna ngayon Zoey,” sagot ni Dean habang nakatingin pa rin sa iPad. “Ikaw, di ba bakasyon mo na? Ba’t pupunta ka pa rin ng campus?”“May practice kami para sa tugtugan, Kuya. May despedida kasi para sa mga graduating sa susunod na linggo,” sagot ni Zoey sabay subo ng kanin. “Ikaw naman, bakit late ka ngayon?”“May lakad lang, kaya hindi ako papasok.”“Pwede mo ba akong ihatid? Tinamad na akong magmaneho eh,” sabi ni Zoey na may halong pa-cute.“Sige na nga, prinsesa kong makulit,” sabay gulo ni Dean sa buhok ng kapatid.Ngumiti si Zoey at nagpatuloy sa pagkain.Sa loob ng kotse…“Paano ka uuwi mamaya?” tanong ni Dean habang nagmamaneho.“Pap
“Makakapunta ako, Lily. Binakante ko na ang buong araw para sa kanya,” sagot ni Franco.“Matutuwa si Lucy n’yan, sobra,” tugon ni Lily na halatang excited.“Eh ang Mommy ni Lucy? Hindi ba masaya?” nakangiting tanong ni Franco.“Masayang-masaya!” sagot ni Lily sabay yakap sa leeg ni Franco at sandaling sumandal sa balikat nito. “Pakainin mo naman ako.”“Ang hilig mong umarte,” natatawang sabi ni Franco.“Hindi mo ba gusto?” tanong ni Lily habang kumikindat.“Gustong-gusto,” sagot ni Franco, saka siya hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.Makalipas ang ilang araw…Magkasama si Franco at Lily sa bleachers habang masidhing pinapanood si Lucy na sumasayaw sa entablado.“Ang bilis lumaki ni Lucy,” bulong ni Franco, hindi na inaalis ang tingin sa anak.“Ang bilis nga, nakakapanibago,” sagot ni Lily habang dahan-dahang isinandal ni Franco ang braso sa balikat niya. “Ano kaya kung pag-aralin natin siya sa all-girls school?”“Okay na sa co-ed. Para may training na rin siya sa pakikitungo s
Binitiwan ni Franco ang braso ni Lily at tumingin sa kanya nang malamig.“Magpaliwanag ka.”Agad namang lumapit si Lily at niyakap nang mahigpit ang asawa.“Franco, please... kalmahin mo muna ang sarili mo. Makinig ka muna, ha?”“Kalma?” napailing si Franco. “Pagkatapos ng lahat, ngayon mo lang ako sasabihan tapos gusto mong kalma lang ako?”“Pwede naman ‘di ba?” Tumingala si Lily, tapat ang tingin. “Oo, inaamin ko. Nililigawan niya ako. Pero Franco, wala akong iniisip na masama. Alam mo kung gaano kita kamahal, ‘di ba?”Tahimik si Franco.“Ayokong maging sanhi pa ‘ko ng inis mo. Kaya hindi ko na lang sinabi. Ayoko nang palalain pa.”“Alam mong seloso ako, ‘di ba? At lalo na pagdating sa’yo... grabe ako kung magmahal, Lily. Ayokong may kahit sinong lalapit sa’yo.”“Alam ko, Franco. Kaya nga hindi ko na pinatulan. Hindi ko siya pinansin. Wala siyang halaga sa akin.”Napabuntong-hininga si Franco, halatang pigil ang inis pero unti-unting lumuluwag ang dibdib. Hindi siya umalis sa yakap n
Tumango si Lucy habang nakatitig sa ama."Pero ayokong matalo, Daddy.""Eh ‘di mag-practice pa tayo nang mas mabuti. Mas sipag, mas tiyaga, okay ba ‘yon?""Okay po.""Good girl. Pero bago ang lahat, dapat kumain muna ang champion natin." Inalalayan ni Franco ang anak paupo sa silya."May paborito mong ubas ngayon, ha.""Oo nga po, at favorite din ‘yon ni Brent! Tama po, Mommy? ‘Yung daddy ni Brent, ganito rin po binibili lagi?" tanong ng bata habang nakangiting inosente."Oo, anak. Halika na, kumain na tayo. Lalamig na ‘yang hapunan natin." Umupo si Lily sa harap nila at sinulyapan si Franco na tila may gustong itanong."Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?""Kilala mo ba talaga ‘yung batang si Brent at ‘yung tatay niya?""Nakita ko na sila ilang beses. Nagsasanay si Brent ng taekwondo sa center na katabi lang ng ballet class ni Lucy. Bakit mo natanong?""Napapansin ko kasi, madalas siyang nababanggit ni Lucy.""Eh baka crush niya? Haha," biro ni Lily sabay tingin sa anak."Mukhang may
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments