Share

The Unwanted Heiress
The Unwanted Heiress
Penulis: NACHTWRITES22

Kabanata 0001

Penulis: NACHTWRITES22
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-10 01:07:41

3rd Person's Point of View*

Mabilis na hinahabol ng police car ang isang sa malaking van sa highway.

May nag-report kasi sa kanila ito yung puting van na kumukuha ng mga bata.

Mabilis nilang nalulusutan ang mga pasikot-sikot na dinaanan ng mga kidnappers hanggang sa makalabas sila sa lungsod at patuloy pa rin sila sa paghahabol.

Biglang tumunog ang telecom nila na kinatingin ng mga pulis doon, "May higit na limampung kilo ng droga at dosenang mga batang kinidnap ng armadong grupo ang nasa loob ng van.”

"Mayaman ang mga magulang ng mga batang 'yon. Nanghihingi pa ng ramson ang mga kidnappers para mabalik ang mga bata sa mga magulang nito.”

"Mga halimaw talaga ang mga hayop na 'yan!" galit na sigaw ng isa sa mga pulis sa loob ng sasakyan sabay hampas sa manibela.

Tatapakan sana niya ang accelerator nang mapansin niyang may grupo ng mga taong nakaharang sa daanan.

Kahit anong busina ang gawin niya, tila walang nakakarinig sa kanila.

"Put--!"

Galit na mura ng bagong pulis habang pasigaw na lalabas sana siya ng sasakyan, pero pinigilan siya ng kasamahan niyang matagal nang nasa serbisyo.

"Wag ka nang lumabas.”

"Bakit, sir? Paano natin mahuhuli 'yung mga hinahabol natin kung hindi tayo makakadaan? Nawawala na sila sa paningin natin.”

"Wag ka ng makipagtalo. Yung mga taong 'yan, bayad na sila ng mga kidnappers para hadlangan tayo."

Nanlaki ang mga mata ng baguhang pulis dahil sa narinig. Napatigil siya at napatingin muli sa mga tao sa daan.

Hindi niya akalain na magagawa ng mga ordinaryong mga taong ito na makipagsabwatan sa mga masasamang tao kapalit lang ang ilang halaga.

"Buhay na ang pinag-uusapan natin dito, sir. Paano nila nagagawang ipagpalit ito sa pera?"

Napabuntong hininga na lang ang beteranong pulis na para bang alam niyang wala na silang magagawa sa oras na iyon.

Hindi pa din tumitigil ang baguhang pulis at agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung may ibang daan silang pwedeng tahakin.

At maski siya ay wala na ding nagawa at sinukong inilapag ang cellphone sa gilid niya dahil wala siyang makikita na ibang daan dito bukod sa daan na hinarangan ng mga tao.

Wala silang magawa kundi ang tumingin na lang sa mga tao na nasa harapan.

"Mas malaki pa ba ang kinikita nila sa pagbabantay sa daan kaysa sa pagtatrabaho ng marangal sa probinsya nila? Walang silbi ang batas sa mga maliliit na lugar na ganito."

“Ganyan talaga ang buhay. Kahit gusto mong baguhin ang bansang ito ay hindi mo mababago basta may pera na tumatakbo.”

Muli siyang napahampas sa manibela sa sobrang inis, habang nakatitig sa mga taong nakatayo sa gitna ng daan.

Sa gitna ng mga ito, may isang batang babae siyang napansin nasa mga anim o pitong taong gulang, maitim ang balat, at payat na payat.

Tahimik lang itong nakatayo at kalmadong nakatingin sa kanila ang maitim na mga mata nito.

Nakatayo lang siya doon at makikita sa mukha nito na kalma lang itong nakatingin sa kanila.

"Napakabata para maging road guard..." mahinang bulong ng baguhang pulis sa sarili.

Sa huli, nakatakas ang van na hinahabol nila. 

Kinagabihan...

Nakatanggap ng pera ang mga taong humarang sa daan, kabilang na doon ang batang babae na si Felicia.

Si Felicia ay sampung taong gulang ngayong taon. Dahil sa malnourished siya ay aakalain nila na bata pa ito na nasa mga anim o pitong taong gulang.

Isa siyang orphan, kaya kailangan niyang maghanap ng ikabubuhay niya dahil sobrang hirap ng buhay sa baryo na kinalakihan niya.

Isa siyang ulila at matagal nang namumuhay sa lansangan. Sa kabila ng kanyang edad, matalino si Felicia at mahusay magmasid.

Madali niyang nareresolba ang lahat ng problema at walang kahit anong butas ang hindi niya nalulusutan.

Siya rin ang dahilan kung bakit naharang ang police car sa daan at nahulaan niya kung saan ito daraan.

Habang kumakain si Felicia kasama ang iba pang road guards, napahinto sila nang dumating ang kanilang lider sa road guards.

Nakatitig ito sa kanya na may malawak na ngiti na parang may isang magandang balita na sasabihin kay Felicia.

"Felicia, may good news ako sa'yo," ani ng lider nila.

Tahimik lang si Felicia at walang reaksyong nakatingin dito.

"Gusto kang makita ng mga big bosses natin. Iniimbitahan ka nila na kumain at uminom. Kung pupunta ka, isama mo rin ako, ha? Pwede ba 'yon, Felicia?"

Nagkatinginan ang lahat sa paligid, halatang gustong sumama. Maraming pagkain at alak doon sa bahay ng mga bosses nila.

Hindi kasi sapat para mabusog sila ang pagkain na nasa lamesa nila ngayon ay hindi kagaya sa mga boses nila.

Pero si Felicia, tahimik pa rin. Tahimik siyang humigop ng sabaw mula sa bowl, kinuha ang perang nasa lamesa na binigay na sweldo sa kanila, at tumayo.

Sa isang bahay kalayuan sa bahay ng mga kasamahan ni Felicia.

Masayang nag-iinuman ang isang grupo ng gangsters, balak nang ibenta ang mga ninakaw nilang gamit at sila din ang mga kidnappers na kumuha sa mga bata.

"Naisip n'yo na bang kunin si Felicia? Alam n'yo naman na malaki ang tulong niya sa grupo natin at maraming grupo ang gustong kunin siya pero walang nagtatagumpay," ani ng isang lalaki.

Sumandal ang kanilang boss sa upuan, isang lalaki may malaking na peklat sa mukha at sa ibang parte ng katawan nito na siya’y ulo ng lahat ng ito.

"Simple lang. Talian siya at isakay agad sa sasakyan. Susunod rin 'yon pagkalabas natin sa baryong ito.”

Biglang bumukas ang pinto at agad nilang nakita si Felicia na wala man lang kaemosyon na nakatingin sa kanila.

"Uy, Felecia, tibang-tiba na tayo ngayon, ha!"

"Panatilihin mo lang ang pagtatrabaho sa amin, lalo na kung nasa labas tayo ay mas lalong lumaki pa ang pera na nahahawakan mo."

Hindi pinansin ni Felicia ang mga sinasabi nila at diretsong tumingin sa boss.

"Gusto mo ng alak? Masarap, parang juice lang! Mag-inuman tayo!"

Tumaas ang kilay ni Felicia habang nakatingin sa kanila. Hindi kasi iniisip ng mga ito na isa siyang bata.

"Ayoko. May mga hostage pa kayong babantayan at kakabagal lang 'yan sa trabaho ninyo.”

Napangiti naman sila dahil nakikita nila na loyal talaga si Felicia sa kanila.

“Hindi ako binibigyan ng pera dito para makipag-inuman. Nandito ako para mabantayan ko kung ano ang susunod na hakbang ng mga pulis na humahabol sa inyo kanina."

Tinulak niya palayo ang baso sa harapan niya.

Namangha ang lasing na boss. Para bang higit pa sa edad niya ang pag-iisip ni Felicia at nakikita niya na pwede ito na susunod na tagapagmana niya kaysa sa anak niya na walang kwenta.

"Walang takot sa mga mata mo, Felicia. Talagang ikaw ang pinakarespetadong road watcher sa lugar na 'to,” nakangiting ani ng boss nila.

"Pero wag kang mag-aalala. Kami na ang bahala sa--- teka, nasaan na siya?"

Nakita nila na wala na ito sa pwesto nito at umalis na ito sa bahay nila na hindi man lang nakikinig sa pinagsasabi ng boss nila.

Sa likod ng bahay kung saan nagsasayahan ang mga lalaki ay may isang bahay ng mga manok at doon lumakad si Felicia at pumasok sa loob.

Nakita niya agad ang mga batang kinidnap ng mga lalaking iyon. Madumi at takot ang mga ito na nakatingin sa kanya.

Ilan sa kanila ay umiiyak na nang makita siya. Ito ang mga bata na kinidnap ng mga gangsters na nandito sa baryo nila ngayon.

May iba na matagal na dito at may iba na kakarating lang kanina sakay sa puting van.

Walang imik si Felicia habang nililibot ang tingin. Hanggang sa makita niya ang isang binatilyong nasa labinlima o labing-anim ang edad.

Lumapit siya rito at kinuha ang kutsilyong nasa bulsa na kinagulat ng binatilyo.

“A-Anong gagawin mo, bata!”

Nangamba ito at mas lalong nag-iyakan na ang mga batang kasama nila, pero nagulat na lang siya nang putulin lang ni Felicia ang lubid na nakatali sa kanya.

"Makakarating kayo agad sa highway kung mabilis kayong tumakbo papunta gitna ng baryong ito at sa lungsod ninyo," kalmadong ani ni Felicia sa kanila.

Nagulat naman ang binatilyo dahil hindi niya aakalain na tinutulungan sila ng batang ito na tumakas.

"Papatakasin mo kami?" gulat na ani ng binatilyo.

Hindi naman sumagot si Felicia. Isa-isa niyang pinutol ang lubid ng iba pang mga bata.

"Wag kayong maingay. Tumakbo agad kayo palayo sa bahay na ito habang naglalasing pa ang mga lalaking iyon.”

Dahan-dahan naman silang tumango sa sinabi ni Felicia at agad naman nilang tinulungan ang mga maliliit na bata.

“Diretso lang kayo hanggang makita ninyo ang sementado na daan tapos kumaliwa kayo at makakarating na kayo sa malapit na istasyon ng mga pulis.”

“Sige.”

Tahimik silang lumabas at tinungo ang kakahuyan.

Nang napansin ng binatilyo na huminto si Felicia sa paglalakad at nakatingin sa kanila.

“Hindi ka ba sasama sa amin?” tanong ng binatilyo.

Sinara ni Felicia ang pintuang kahoy at tumingin sa kanila.

“Mauna na kayo. Susunod ako mamaya. May tatapusin lang ako at tumakbo na kayo.”

Gusto sana siyang pigilan ng binatilyo, pero sa huli ay nagtiwala na lamang siya sa batang si Felicia.

*******

Nachtwrites22

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rose marie Bongat
ganito ang gusto kng story Catalina matapang kayang ma kipag sabayan......... 04/29/2025
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0090

    Nakarating na sila sa mansion at maraming bumati sa kanila na mga katulong at namamangha pa rin si Shia habang nakatingin sa malapalasyong mansion ng matanda. Kung magsisipag siya ay 'di n'ya mabibigo ang tiwala ng mga magulang n'ya sa kanya. "Welcome home, masters and young ladies."Yumuko naman ng kaunti si Felicia at nakita naman 'yun ng matanda na may galang pa rin ito sa mga nasa baba sa kanya."Hmm... mabuti naman at marunong kumilala ang mga katulong dito," rinig naming ani ni Shia sa gilid nila."Shut up, Shia."Napatingin naman si Shia kay Lucien at yumuko na lang at kumapit kay Lucien."Sorry, brother.""Tsk.""Grandpa, pasok na po tayo?" Tumango naman ang matanda sa sinabi ni Felicia at lumakad na sila papasok hanggang sa mapahinto sila sa sala."Ituturo sa inyo ng mga katulong kung saan kayo matutulog. Sabay tayong kakain ng breakfast bukas.""Yes, grandpa.""And once again. Welcome sa bagong bahay mo, apo."Napngiti ng kaunti si Felicia at dahan-dahan na napatango. Kah

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0089

    Nanlalaki naman ang nga mata nila Luscious dahil sa narinig mula sa ama. Mas nakikinig pa ito sa hindi kadugo kaysa sa kanya na totoong anak nito."Dad, hindi naman tama na sila lang ang isama mo. Ano bang mayroon kay Shia na wala sa kanila?" reklamo ni Vanessa sa matanda na kinakunot ng noo ng matanda.Tinulak tulak naman ni Vanessa si Shia para magpaawa effect sa matanda na isama 'rin ito sa kanila."Hindi kami papayag na isama mo si Lucien. Masasama mo lang s'ya sa mansion pagkasama n'yo rin si Shia.""Mom!"Napabuntong hininga si Felicia habang nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang matanda sa kanya at nakikita nito na nadadamay na ito sa problema ng pamilya nito."Don't be immature, mom!"Nanlalaki naman ang mga mata ng mga magulang ni Lucien dahil sa sinabi nito."I-Immature? Ganyan ka na ba ka walang galang sa mom mo, Cien."Napatingin naman si Felicia sa phone n'ya at nakikita n'ya na malalim na ang gabi. "Grandpa, ano sa tingin ninyo?""Ayoko ng maingay sa bahay.""Grand

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0088

    Uwian na at hindi inaasahan ni Felicia na marami s'yang matatanggap sa welcoming n'ya ngayong gabi. Marami 'rin s'yang mga damit na magagamit n'ya. Hindi n'ya alam kung masusuot ba n'ya ang lahat ng 'yun.Nasa gilid s'ya ng matanda habang naglalakad sila papunta sa lobby ng hotel para pauwi na. Si Lucien naman ay tahimik na nagtutulak ng wheelchair ng matanda."Felicia, apo, kagaya ng napagkasunduan natin ay sa mansion ka na mananatili."Natigilan naman si Lucien sa sinabi ng grandpa nito. Alam naman n'ya na panandalian lamang ang pagtira ni Felicia sa mansion nila pero hindi n'ya alam na ngayong gabi na magsisimula na maghiwalay na silang dalawa ni Felicia."Yes, grandpa."Natigilan naman sila Luscious at Vanessa sa narinig. Maski na rin si Shia ay nagulat din. "Wait lang, dad. Kung dadalhin mo si Felicia ay pwede mo rin namang isama si Shia. Alam mo naman na baka ma-bored si Felicia sa mansion na walang kalaro."Napatingin naman ang matanda kay Luscious. Alam nito ang plano ng an

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0087

    Nakarating na sa gitna ng entablado si Felicia at naglalakad na sa harapan nito si Theo habang hawak-hawak nito ang anak na si Thea na malaki ang ngiting nakatingin kay Felicia. Kasama rin ni Felicia sa gilid nito ang grandpa na escort n'ya ngayong gabi. "Puntahan mo na ang Sister Felicia mo, my daughter," ani ni Theo sa anak at masaya namang napatango si Thea bago lumakad papunta kay Felicia. "Sister Felicia." Hinawakan ni Thea ang kamay ni Felicia at malumanay na lang na napangiti si Felicia bago sila sumayaw ng malumanay sa gitna ng hall. Inanalayan naman ni Theo ang matanda na pumunta sa gilid at tiningnan nila ang dalawa na nag-e-enjoy sa pagsayaw. "Mukhang maswerte ka dahil ikaw ang napili ng apo ko. Hindi ko alam na nakuha mo na agad ang loob n'ya," kalmadong ani ng matanda kay Theo. Napangiti naman ng malumanay si Theo at dahan-dahan na tumango. "Ako at ang anak ko ang maswerte kay Felicia dahil marami na s'yang natulong sa amin. Nakikita ko na katulad na katul

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0086

    Tahimik lang si Shia habang nanatili pa rin ang galit na nagmumula sa puso n'ya habang inaalala na naginging balewala ang lahat ng pinaghirapan n'ya ng ilang araw. Dahil kay Felicia. Gusto n'yang maiyak pero tinatago n'ya dahil ayaw n'yang makita s'ya ng ibang tao na umiiyak. Nasa tabi naman si Vanessa at pilit din nitong kinakalma si Shia sa nangyayari. Hindi lang kasi si Felicia ang kalaban nila ngayon pati na rin ang pakelamerong matanda. "Shia, baby, wag mo ng isipin ang nangyari kanina. Don't worry, gagawan ka namin ng isang party na ikaw talaga ang bida. Mas bongga pa sa party na ito at imbitahan mo ang lahat ng mga kaibigan at kaklase mo sa gabing 'yun." "Really, mom? Gagawan n'yo ko ng mas maganda pa sa party na ito?" "Exactly. Kami ng dad mo." Napatingin naman sila kay Luscious na hindi nakikinig sa kanila at nakatulala lang sa gilid at parang loading sa nangyayari kanina. Hindi s'ya makapaniwala na hindi pangkaraniwan na bata ang ina-adopt nila nung araw na 'yun. Na

  • The Unwanted Heiress   Kabanata 0085

    Isa isang dumating ang mga bisita sa party at dala dala nila ang mga dresses para kay Felicia. Ang iba ay nakalagay pa sa paper bag at ang iba naman ay nakalagay pa sa isang box at excited silang ibigay 'yun kay Felicia.Makikita ngayon sa mga mayayamang nandidito na hindi sila nagpapatalo sa mga ganitong bagay.Kalmadong nakatingin lang si Felicia habang nakatingin sa kanila na parang normal lang ang bagay na 'yun sa kanya. Napatingin ngayon ang grandpa nito sa kanya na nasa tabi n'ya."Mukhang madali mo ngang nakuha ang attention ng lahat." "Dahil sa pride nila kaya sila ganito."Nagulat ang matanda sa sinabi ni Felicia at napangiti na lang siya dahil kahit ngayon ay nagugulat pa rin s'ya sa mga sinasabi nito. Parang ang katabi n'ya ay ka-edad lang n'ya ngayon na matured na matured kung mag-isip. "Let's go sa stage para hindi ka matabunan ng mga tao dito.""Yes, grandpa."Itutulak sana ni Felicia ang wheelchair nang pinigilan naman siya ni Luscious."Ako na baka mapaano pa si dad

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status