Napabuntong hininga si Vince habang nakatayo pa rin kaharap ng pulis na nagtatanong sa kanila.
Hindi niya ini-expect ang nangyari sa kanilang lahat kanina na parang isang bangungot at ngayon lang sila nagising. Ito ang unang beses na kinidnap siya ng mga di kilalang mga lalaki at may mga armas pa ito. Tiningnan niya ang ibang mga bata na mahimbing na natutulog at kumakain naman ang iba na kinahinga naman niya ng maluwag. Hindi kagaya kanina na palaging umiiyak ang mga ito. Napatingin siya sa pintuan dahil nag-aalala siya kung nasaan na ang batang babae na lumigtas sa kanila kanina. Gusto niyang malaman kung nasa maayos lang ba ito na lagay o baka napahamak na ito ngayon doon na hindi man lang nila natulungan. "May katanungan lang ako sayo." Napatingin naman si Vince sa pulis na nasa harapan niya ngayon. "Maari mo bang sabihin sa amin kung sino itong lumigtas sa inyo? Mahirap makatakas sa mga taong yun lalo na't armado ang mga iyon." Nagdadalawang isip siya na magsalita dahil di niya alam kung papaniwalaan ba siya nito o hindi. Pero bago siya nagsalita ay biglang may maliit na kamay ang humawak sa kamay niya na kinatingin nilang lahat doon. Napatingin si Vince sa humawak sa kamay niya at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa batang babae na wala pa ring emosyon. Ito ang batang lumigtas sa kanila at makikita din niya na kalma itong nakatingin sa kanya na parang walang ginawang delikadong bagay kanina. At iniligtas sila na parang plinano na nito lahat. "I-Ikaw..." Magsasalita sana siya kung paano ito nakatakas sa mga lalaki nang naramdaman niyang mahinang pinisil ng batang babae ang kamay niya. Doon niya na-gets na ayaw nitong ipaalam sa iba ang ginawa nito at inosente lang itong tumingin sa kanya. "May problema ba? Sino ang batang ito?" Napatingin sila sa police na nakatingin kay Felicia at hinanap nito sa registration names ng mga nawawalang bata ang katauhan ng batang babae na nasa harapan nito. Napakunot naman ang noo ng pulis nang hindi nito mahanap ang pagkakakilanlan ng batang babae. At nakikita din niya na hindi anak ng mayaman ang batang babaeng nasa harapan niya dahil madungis ito at may kaitiman. “Wala siya sa listahan ko. Sino ang batang ito…. Teka parang pamilyar ang mukha mo, ha.” Humarang si Vince para matago nito sa likod si Felicia at agad siyang nagsalita para matulungan niya ang batang hawak niya. "Kilala ko ang batang ito at matagal na siyang hinahanap ni Uncle Moretti," wika ng binatilyo sa pulis. Hindi naman nagsalita si Felicia at nakikinig lang sa sinabi ng binatilyo. Baka kasi matulungan din siya ngayon sa nangyayari sa kanya. "Hindi ko alam na matagal na pala siyang kinidnap ng mga taong iyon at nakapag desisyon akong iuwi na siya sa pamilya niya. Dahil ilang taon na siyang nawawala at matagal na siyang hinahanap ng uncle ko.” Nagdadalawang isip na nakatingin ang pulis sa binatilyo at napabuntong hininga ito. "Mabuti naman at nakita mo siya dahil siguradong mahirap ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga kidnappers at para makauwi na din siya sa pamilya niya.” Nakita ni Vince na napaniwala niya ang police na nasa harapan niya at hindi na nagtanong pa tungkol kay Felicia. “Ah tungkol pala sa pagtakas ninyo ay hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” "Tungkol sa pagtakas namin doon ay ako ang unang nakatakas sa lubid habang takot na takot ang mga batang kasama ko. Madilim ang lugar na yun at isa-isa ko na silang tinakas doon at yun na ang nangyari kung bakit kami nakatakas." Dahan-dahan na lang na napatango ang police. “Good job ang ginawa mo. Maiwan ko muna kayo at magpahinga muna kayo.” “Maraming salamat po.” Tumango naman ito bago umalis sa kwarto at nakahinga naman ng maluwag si Vince. "Salamat." Napatingin naman siya kay Felicia na nakatingin sa kanya at ngumiti naman ang binatilyo. Inilahad ni Vince ang gatas at tinapay sa kanya at tinanggap naman iyon ni Felicia. "Malaki ang pasasalamat namin sayo dahil sa ginawa mong pagtakas sa amin. Kung hindi dahil sayo ay kung ano na ang nangyayari sa amin doon." Wala ring nagawa si Vince noong kinidnap sila dahil nanlaban agad siya sa mga kidnappers kaya agad siyang tinali at di na pinakawalan. Nahihiya siya sa bagay na yun na isang batang babae pa ang lumigtas sa kanilang ngayon. Napatingin siya sa batang nasa gilid niya ngayon na busy sa paglamon ng tinapay at hindi sumagot sa sinabi niya kanina. Hindi siya makapaniwala na sa liit ng braso at katawan nito ay marami itong naligtas na buhay laban sa mga armadong lalaki. Napatingin siya sa bag sa may bulsa niya na kinatingin niya sa kanya. "Ano ito? Natatanong lang ako." "Pera." Binuksan naman ni Felicia ang pera at nanlalaki ang mga mata ni Vince na makita ang malaking halaga ng pera. Flashback.... Nasusunog na ang malaking bahay at natigilan si Felicia kasabay ng pagbuntong hininga. “Mukhang kakailanganin ko ang perang iyon.” Bumalik siya sa loob ng bahay kung saan niya iniwan ang pera niya at kinuha niya ulit iyon. Bago siya tumalikod at wala siyang pakealam sa apoy sa paligid niya na parang demonyo na naglalakad paalis ng bahay bago ito umapoy ng malakas. End of flashback.... Hindi na tinanong ni Vince kung saan galing ang pera nito at iba na lang ang tinanong niya. "Saan ka pupunta sa susunod?" Napatingin naman si Felicia sa kanya. Naramdaman ni Vince na may dahilan kung bakit iniligtas sila ng batang ito at hindi rin niya alam na si Felicia ang parang halimaw sa baryo na yun na kinatatakutan ng mga tao na kalabanin. "Pupunta ako sa lungsod." "...." Natahimik na lang si Vince sa sinabi nito. Nakikita niya na mukhang hindi pa nakakapunta ang batang ito sa lungsod. Dahil nakikita niya sa mga mata nito na marami itong gustong malaman once makarating ito sa lungsod. "Alam mo ba kung ano ang makikita mo doon sa lungsod?" Tahimik naman itong napatingin sa kanya. Doon niya nalaman na tama ang iniisip niya ngayon. "Uhmm... Ibang iba ang city sa nakasanayan mo. Once makarating ka doon ay may makikita kang malalaking gusali, mga sasakyan, bus at trains at marami pang iba.” Nakikita ngayon ni Vince na interesado ito habang nakikinig sa kanya. “Kailangan mong mag-aaral ng mabuti para makapagtrabaho ka ng maganda. Kung hindi naman ay mapupunta ka sa maling landas." Napayuko naman si Felicia nung marinig ang katotohanan. "Ang hirap maging batang walang mapupuntahan. Kailangan ko pang magtrabaho ng maigi para mabuhay." Namu-mroblema na nakatingin sa kanya si Vince. Dahil kung sa kanya ang nangyari sa batang nasa harapan niya ay siguradong magtatrabaho din siya sa batang edad niya. Pero ang hindi niya alam ay maraming connections si Felicia lalo na sa mga criminal bosses. Maraming gustong kumuha sa kanya na mga bosses dahil sa talento nito na walang katulad. At hinihintay lang nila na tumawag siya sa kanila para magtrabaho. Napabuntong hininga na lang si Vince at nag-isip kung ano ang magandang maitutulong sa kanya. Nang may naisip siyang bagay na makakatulong sa kanya at mahina siyang bumulong kay Felicia. "May isang naisip ako. Alam mo may uncle ako nawalan ng anak. Pwede kang mag-pretend bilang Lucia Moretti.” Naningkit ang mga mata ni Felicia habang nakatingin sa kanya. Iniisip niya kung nag-iisip pa ba ito ng maayos o tuluyan nang nabaliw ang lalaking nasa harapan niya. "Alam mo naman na madali lang mag-act na anak ka ng Moretti family at ako na ang bahala kung may DNA mang magaganap dito. Trust me." Tiningnan niya ang mga mata ni Vince at napabuntong hininga na lang ito. "Sige." Tinanggap na lang niya ang offer nito at mukhang kailangan muna niyang makisakay sa trip nito. Makalipas ang ilang oras, bumalik na sila sa city habang nakasakay sa sasakyan at maraming naghihintay sa kanila na makauwi. Papunta sila ngayon sa malaking police station sa lungsod nila. Nakarating na sila at nakatingin lang si Felicia sa maraming tao na niyakap ang mga anak nila dahil miss na miss na nila ang mga ito. Hindi niya alam kung mararamdaman ba niya ang ganung pakiramdam na yayakapin siya ng mga magulang niya na kahit siya hindi niya alam kung sino. Nang makita niya ang isang lalaki na nasa mga 30’s na nakatayo sa harapan niya habang nakatingin sa kanya. "Tito, ito na po pala si Lucia Moretti... ang nawawalang anak niyo po." ******* Nachtwrites22Lumabas si Shia papunta sa sala nang makita n'ya na may mga men in black na nakaupo sa sala na parang may hinihintay. Lumapit naman s'ya sa isang katulong."Hey, nasaan si grandpa? Sino ang mga bisita na nandyan?""Nasa business meeting pa po si master at bukas pa po s'ya dadating."Napatingin naman s'ya sa mga bisita."How about them? Sino ang hinahanap nila at...."Napatingin naman s'ya sa mga regalo na nasa gilid at sobrang Rami nun at iba ito sa regalo na binigay kahapon kay Felicia."Bakit maraming mga regalo?""Hinihintay po nilang magising si Milady Felicia."Napakunot naman ang noo ni Shia nang dahil sa narinig.Hindi na nito kinausap ang katulong at agad naman niya itong nilapitan."Milady, wag po kayo diyan," mahinang ani ng katulong.Hindi nakinig si Shia at dumiretso na lang. Alam n'ya na matagal na magising si Felicia at s'ya muna ang kakausap sa kanila dahil sa kanya rin naman papunta ang mga regalong nasa harapan niya ngayon."Hello."Napatingin naman sa kanya ang mga
Nasa kwarto ngayon si Felicia at Lucien. Hindi pa nagpapahinga si Felicia dahil gusto pa n'yang malaman kung ano na ang kaganapan sa CEO na napahamak sa party n'ya.Ang nasa laptop ngayon na nagtitipa ay si Lucien. Inaalam niya kung ano ang update ngayon sa taong sinasabi ni Felicia.Pribado kasi ang information ng taong 'yun kaya mahihirapan talaga ang normal na tao na malaman ang bagay na 'yun.Habang magbabasa si Felicia ng libro ay hindi n'ya mapigilan na mapapikit dahil sa antok na nararamdaman ngayon.Dahan-dahan n'yang inilapag sa lamesa ang hawak n'yang libro tungkol sa computer at may pinindot s'ya sa computer na kinagulat ni Lucien dahil bigla na lang lumabas ang info tungkol sa pinapahanap ni Felicia na tao."Eh? Paano...""Kagaya ng dati ay tiningnan ko lang ang codes."Napanganga na naman si Lucien habang nakatingin kay Felicia. Hindi talaga s'ya makapaniwala na madaling makapansin si Felicia kahit maliit na bagay man 'yun.Mukhang ito na nga ang sign na kailangan na rin
Nakarating na sila sa mansion at maraming bumati sa kanila na mga katulong at namamangha pa rin si Shia habang nakatingin sa malapalasyong mansion ng matanda. Kung magsisipag siya ay 'di n'ya mabibigo ang tiwala ng mga magulang n'ya sa kanya. "Welcome home, masters and young ladies."Yumuko naman ng kaunti si Felicia at nakita naman 'yun ng matanda na may galang pa rin ito sa mga nasa baba sa kanya."Hmm... mabuti naman at marunong kumilala ang mga katulong dito," rinig naming ani ni Shia sa gilid nila."Shut up, Shia."Napatingin naman si Shia kay Lucien at yumuko na lang at kumapit kay Lucien."Sorry, brother.""Tsk.""Grandpa, pasok na po tayo?" Tumango naman ang matanda sa sinabi ni Felicia at lumakad na sila papasok hanggang sa mapahinto sila sa sala."Ituturo sa inyo ng mga katulong kung saan kayo matutulog. Sabay tayong kakain ng breakfast bukas.""Yes, grandpa.""And once again. Welcome sa bagong bahay mo, apo."Napngiti ng kaunti si Felicia at dahan-dahan na napatango. Kah
Nanlalaki naman ang nga mata nila Luscious dahil sa narinig mula sa ama. Mas nakikinig pa ito sa hindi kadugo kaysa sa kanya na totoong anak nito."Dad, hindi naman tama na sila lang ang isama mo. Ano bang mayroon kay Shia na wala sa kanila?" reklamo ni Vanessa sa matanda na kinakunot ng noo ng matanda.Tinulak tulak naman ni Vanessa si Shia para magpaawa effect sa matanda na isama 'rin ito sa kanila."Hindi kami papayag na isama mo si Lucien. Masasama mo lang s'ya sa mansion pagkasama n'yo rin si Shia.""Mom!"Napabuntong hininga si Felicia habang nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang matanda sa kanya at nakikita nito na nadadamay na ito sa problema ng pamilya nito."Don't be immature, mom!"Nanlalaki naman ang mga mata ng mga magulang ni Lucien dahil sa sinabi nito."I-Immature? Ganyan ka na ba ka walang galang sa mom mo, Cien."Napatingin naman si Felicia sa phone n'ya at nakikita n'ya na malalim na ang gabi. "Grandpa, ano sa tingin ninyo?""Ayoko ng maingay sa bahay.""Grand
Uwian na at hindi inaasahan ni Felicia na marami s'yang matatanggap sa welcoming n'ya ngayong gabi. Marami 'rin s'yang mga damit na magagamit n'ya. Hindi n'ya alam kung masusuot ba n'ya ang lahat ng 'yun.Nasa gilid s'ya ng matanda habang naglalakad sila papunta sa lobby ng hotel para pauwi na. Si Lucien naman ay tahimik na nagtutulak ng wheelchair ng matanda."Felicia, apo, kagaya ng napagkasunduan natin ay sa mansion ka na mananatili."Natigilan naman si Lucien sa sinabi ng grandpa nito. Alam naman n'ya na panandalian lamang ang pagtira ni Felicia sa mansion nila pero hindi n'ya alam na ngayong gabi na magsisimula na maghiwalay na silang dalawa ni Felicia."Yes, grandpa."Natigilan naman sila Luscious at Vanessa sa narinig. Maski na rin si Shia ay nagulat din. "Wait lang, dad. Kung dadalhin mo si Felicia ay pwede mo rin namang isama si Shia. Alam mo naman na baka ma-bored si Felicia sa mansion na walang kalaro."Napatingin naman ang matanda kay Luscious. Alam nito ang plano ng an
Nakarating na sa gitna ng entablado si Felicia at naglalakad na sa harapan nito si Theo habang hawak-hawak nito ang anak na si Thea na malaki ang ngiting nakatingin kay Felicia. Kasama rin ni Felicia sa gilid nito ang grandpa na escort n'ya ngayong gabi. "Puntahan mo na ang Sister Felicia mo, my daughter," ani ni Theo sa anak at masaya namang napatango si Thea bago lumakad papunta kay Felicia. "Sister Felicia." Hinawakan ni Thea ang kamay ni Felicia at malumanay na lang na napangiti si Felicia bago sila sumayaw ng malumanay sa gitna ng hall. Inanalayan naman ni Theo ang matanda na pumunta sa gilid at tiningnan nila ang dalawa na nag-e-enjoy sa pagsayaw. "Mukhang maswerte ka dahil ikaw ang napili ng apo ko. Hindi ko alam na nakuha mo na agad ang loob n'ya," kalmadong ani ng matanda kay Theo. Napangiti naman ng malumanay si Theo at dahan-dahan na tumango. "Ako at ang anak ko ang maswerte kay Felicia dahil marami na s'yang natulong sa amin. Nakikita ko na katulad na katul