Natigilan si Luscious dahil sa sinabi ni Felicia na nagpapaturo kung nasaan ang kwarto nito. Hindi siya makapaniwala na parang mas matured pa sa kanya ang batang nasa harapan niya ngayon.
"Sa second floor, ang kwarto mo ay nasa kanang bahagi sa pinakadulo sa gilid ng bintana." Tumango-tango na lang si Felicia at agad na itong tumalikod sa kanila papunta sa hagdanan at hindi na din nito pinansin ang ibang tao sa paligid nito na di pa rin makapaniwala sa inasal nito. Parang mabilis ang pangyayari at doon lang sila nakahinga ng maayos nung tuluyan na itong makaakyat at nawala na sa paningin nila. Agad napalapit si Vanessa sa anak nitong si Shia at niyakap niya ito ng mahigpit at ramdam niya ang galit sa puso nito dahil sa batang dumating sa buhay nila. "Anong ibig niyang sabihin? Napakawalang modo ng batang iyon at hindi man lang tayo nirespeto? Makikita mo talaga na wala talaga siyang pinag-aralan at asal aso talaga siya!" Niyakap naman siya ni Shia at nagpatuloy na naman ito sa pag-iyak. "Anong karapatan niyang i-bully ang Shia namin!" Hindi niya hahayaang may ibang bumully kay Shia dahil nung mga panahon na walang wala na siya sa sarili niya dahil nawala ang anak niya ay si Shia ang naging daan niya para mawala ang sakit sa puso niya. Malaki ang pasasalamat niya an inadopt niya si Shia dahil bumalik na siya sa dating siya na masaya kasama ito. Binigay na rin niya ang lahat-lahat sa batang iyon at walang makakatumbas sa bagay na yun. Alam ni Luscious na nagiging paranoid lang ang asawa niya kaya nito nagawa at nasabi ang lahat ng iyon kay Felicia kaya kailangan niyang dahan-dahanin ito para tuluyan nitong matanggap si Felicia. "Wife, kadugo rin natin si Lucia, na-recognize na siya ni dad sa bagay na yun, sana maging mabuti ka na lang din sa kanya." Napakunot ang noo ni Vanessa dahil sa sinabi ng asawa niya. "Hindi niya kailanman naging kamukha ang anak natin at hindi ko siya anak!" Hindi na alam ni Luscious kung paano magiging maayos ang pakikitungo ng asawa niya kay Felicia. Napabuntong hininga na lang siya at binalaan na lang siya. "Kung hindi mo siya gusto ay wag mo na lang siyang patulan. Sinabi na ni dad na sa kanya ulit titira si Lucia at ibabalik ko rin siya doon balang araw." "Ano! Doon siya papatirahin ng matandang iyon? Bakit okay sa kanya pero..." Gulat na ani niya at napatingin siya kay Shia. ".... then Shia should go with us. Natanggap ng matandang iyon ang batang iyon, so matatanggap din naman siguro niya ang Shia natin diba?" Alam naman kasi nila na maraming mga magagandang bagay ang makikita sa mansion ng ama ni Luscious. Kung titira ka sa mansiong iyon ay para ka na talagang hari at reyna doon. Pero sa status ni Shia ay ayaw na ayaw nitong makita ang matanda dahil natatakot siyang humarap doon. Nung huling punta niya doon ay hindi na siya tumigil sa pag-iyak at naiirita na ang matanda sa kanya. Hindi makapaniwala si Vanessa kung paano nangyari na natanggap agad ng matanda ang bagong dating na Lucia kaysa kay Shia. "Hindi ko alam ang bagay na yun at si dad naman ang nagdesisyon na doon siya titira." Hinilot ni Luscious ang pagitan ng mga mata niya dahil sumasabay ang sakit ng ulo niya ngayon sa nangyayari sa pamilya niya. Napatingin siya sa asawa niya. "Basta, habang nandidito pa sa mansion si Lucia ay wag mo na lang siyang patulan, naintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Napatingin si Vanessa sa paligid at doon niya nalaman na may ibang mga tao pa pala dito. Nahiya naman siya dahil napagsabihan pa siya ng asawa niya sa harapan ng mga stylist nila. Hindi na pinansin ni Felicia ang ingay sa baba at nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa kwarto niya. Bago lang siya sa lugar na ito at hindi niya maiiwasan na maging alerto sa nakapaligid sa kanya at hindi din siya nakakatulog ng maayos mula nung nakarating siya sa city. Alam niya na hindi naman malakas ang katawan niya at minsan naman ay muntik na siyang nawalan ng malay pagpasok niya dito sa mansion. Hindi na niya pinansin at pumasok na sa loob ng kwarto niya at tumalon sa higaan at dahil na siguro sa pagod na nangyari ngayon ay nakatulog na siya agad. Nagising siya kinabukasan ng umaga. Dahan-dahan na nagmulat si Felicia kinabukasan ng umaga. Nagising siya dahil sa sinag ng liwanag na galing sa araw sa mukha niya na nanggagaling sa bintana nito. At dahan-dahan siyang umupo at doon bumungad sa kanya ang kwarto nito na puro pink ang kulay. Marami rin siyang nakikita na mga stuff toys na nakalinya sa gilid. Dahan-dahan siyang tumayo at lumakad siya papunta sa isang Barbie doll at kinuha niya iyon kasabay ng malamig na tingin sa Barbie doll. Nang isang iglap ay pinutol niya ang ulo nito at tinapon sa gilid. "Not interesting..." Napatingin naman siya sa isang kabinet at lumakad siya papunta doon. Binuksan niya ang kabinet at napakunot ang noo niya dahil wala siyang nakitang droga sa loob ng kabinet. Nasanay kasi siya sa lugar nila na hindi laruan ang nakatago sa mga ganitong kabinet kundi mga mamahaling droga na ibebenta nila. May mga lumang stuff toys din naman sa loob pero ginagamit lang nila iyon para lagyanan ng droga nila. Sinirado na lang niya ulit ang pintuan ng kabinet at lumabas na lang siya sa kwarto niya. Habang naglalakad ay nakaamoy agad siya ng mabangong pagkain na kina-interesado niya sa bagay na yun. Napatingin siya sa tiyan niya nang bigla itong tumunog at naalala niya na hindi pala siya kumain kagabi kaya gutom na gutom siya ngayong araw. Napabuntong hininga na lang siya dahil makakaharap na naman niya ang mga taong nakatira dito. Wala siyang pakialam sa kanila dahil ang sa kanya lang tutuparin lang niya ang kahilingan ng Grandpa nito na manatili sa tabi nito habang nabubuhay pa ito at wala ng iba. Wala na siyang pakealam sa iba. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. ******* Nachtwrites22Nakarating na sila sa mansion at maraming bumati sa kanila na mga katulong at namamangha pa rin si Shia habang nakatingin sa malapalasyong mansion ng matanda. Kung magsisipag siya ay 'di n'ya mabibigo ang tiwala ng mga magulang n'ya sa kanya. "Welcome home, masters and young ladies."Yumuko naman ng kaunti si Felicia at nakita naman 'yun ng matanda na may galang pa rin ito sa mga nasa baba sa kanya."Hmm... mabuti naman at marunong kumilala ang mga katulong dito," rinig naming ani ni Shia sa gilid nila."Shut up, Shia."Napatingin naman si Shia kay Lucien at yumuko na lang at kumapit kay Lucien."Sorry, brother.""Tsk.""Grandpa, pasok na po tayo?" Tumango naman ang matanda sa sinabi ni Felicia at lumakad na sila papasok hanggang sa mapahinto sila sa sala."Ituturo sa inyo ng mga katulong kung saan kayo matutulog. Sabay tayong kakain ng breakfast bukas.""Yes, grandpa.""And once again. Welcome sa bagong bahay mo, apo."Napngiti ng kaunti si Felicia at dahan-dahan na napatango. Kah
Nanlalaki naman ang nga mata nila Luscious dahil sa narinig mula sa ama. Mas nakikinig pa ito sa hindi kadugo kaysa sa kanya na totoong anak nito."Dad, hindi naman tama na sila lang ang isama mo. Ano bang mayroon kay Shia na wala sa kanila?" reklamo ni Vanessa sa matanda na kinakunot ng noo ng matanda.Tinulak tulak naman ni Vanessa si Shia para magpaawa effect sa matanda na isama 'rin ito sa kanila."Hindi kami papayag na isama mo si Lucien. Masasama mo lang s'ya sa mansion pagkasama n'yo rin si Shia.""Mom!"Napabuntong hininga si Felicia habang nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang matanda sa kanya at nakikita nito na nadadamay na ito sa problema ng pamilya nito."Don't be immature, mom!"Nanlalaki naman ang mga mata ng mga magulang ni Lucien dahil sa sinabi nito."I-Immature? Ganyan ka na ba ka walang galang sa mom mo, Cien."Napatingin naman si Felicia sa phone n'ya at nakikita n'ya na malalim na ang gabi. "Grandpa, ano sa tingin ninyo?""Ayoko ng maingay sa bahay.""Grand
Uwian na at hindi inaasahan ni Felicia na marami s'yang matatanggap sa welcoming n'ya ngayong gabi. Marami 'rin s'yang mga damit na magagamit n'ya. Hindi n'ya alam kung masusuot ba n'ya ang lahat ng 'yun.Nasa gilid s'ya ng matanda habang naglalakad sila papunta sa lobby ng hotel para pauwi na. Si Lucien naman ay tahimik na nagtutulak ng wheelchair ng matanda."Felicia, apo, kagaya ng napagkasunduan natin ay sa mansion ka na mananatili."Natigilan naman si Lucien sa sinabi ng grandpa nito. Alam naman n'ya na panandalian lamang ang pagtira ni Felicia sa mansion nila pero hindi n'ya alam na ngayong gabi na magsisimula na maghiwalay na silang dalawa ni Felicia."Yes, grandpa."Natigilan naman sila Luscious at Vanessa sa narinig. Maski na rin si Shia ay nagulat din. "Wait lang, dad. Kung dadalhin mo si Felicia ay pwede mo rin namang isama si Shia. Alam mo naman na baka ma-bored si Felicia sa mansion na walang kalaro."Napatingin naman ang matanda kay Luscious. Alam nito ang plano ng an
Nakarating na sa gitna ng entablado si Felicia at naglalakad na sa harapan nito si Theo habang hawak-hawak nito ang anak na si Thea na malaki ang ngiting nakatingin kay Felicia. Kasama rin ni Felicia sa gilid nito ang grandpa na escort n'ya ngayong gabi. "Puntahan mo na ang Sister Felicia mo, my daughter," ani ni Theo sa anak at masaya namang napatango si Thea bago lumakad papunta kay Felicia. "Sister Felicia." Hinawakan ni Thea ang kamay ni Felicia at malumanay na lang na napangiti si Felicia bago sila sumayaw ng malumanay sa gitna ng hall. Inanalayan naman ni Theo ang matanda na pumunta sa gilid at tiningnan nila ang dalawa na nag-e-enjoy sa pagsayaw. "Mukhang maswerte ka dahil ikaw ang napili ng apo ko. Hindi ko alam na nakuha mo na agad ang loob n'ya," kalmadong ani ng matanda kay Theo. Napangiti naman ng malumanay si Theo at dahan-dahan na tumango. "Ako at ang anak ko ang maswerte kay Felicia dahil marami na s'yang natulong sa amin. Nakikita ko na katulad na katul
Tahimik lang si Shia habang nanatili pa rin ang galit na nagmumula sa puso n'ya habang inaalala na naginging balewala ang lahat ng pinaghirapan n'ya ng ilang araw. Dahil kay Felicia. Gusto n'yang maiyak pero tinatago n'ya dahil ayaw n'yang makita s'ya ng ibang tao na umiiyak. Nasa tabi naman si Vanessa at pilit din nitong kinakalma si Shia sa nangyayari. Hindi lang kasi si Felicia ang kalaban nila ngayon pati na rin ang pakelamerong matanda. "Shia, baby, wag mo ng isipin ang nangyari kanina. Don't worry, gagawan ka namin ng isang party na ikaw talaga ang bida. Mas bongga pa sa party na ito at imbitahan mo ang lahat ng mga kaibigan at kaklase mo sa gabing 'yun." "Really, mom? Gagawan n'yo ko ng mas maganda pa sa party na ito?" "Exactly. Kami ng dad mo." Napatingin naman sila kay Luscious na hindi nakikinig sa kanila at nakatulala lang sa gilid at parang loading sa nangyayari kanina. Hindi s'ya makapaniwala na hindi pangkaraniwan na bata ang ina-adopt nila nung araw na 'yun. Na
Isa isang dumating ang mga bisita sa party at dala dala nila ang mga dresses para kay Felicia. Ang iba ay nakalagay pa sa paper bag at ang iba naman ay nakalagay pa sa isang box at excited silang ibigay 'yun kay Felicia.Makikita ngayon sa mga mayayamang nandidito na hindi sila nagpapatalo sa mga ganitong bagay.Kalmadong nakatingin lang si Felicia habang nakatingin sa kanila na parang normal lang ang bagay na 'yun sa kanya. Napatingin ngayon ang grandpa nito sa kanya na nasa tabi n'ya."Mukhang madali mo ngang nakuha ang attention ng lahat." "Dahil sa pride nila kaya sila ganito."Nagulat ang matanda sa sinabi ni Felicia at napangiti na lang siya dahil kahit ngayon ay nagugulat pa rin s'ya sa mga sinasabi nito. Parang ang katabi n'ya ay ka-edad lang n'ya ngayon na matured na matured kung mag-isip. "Let's go sa stage para hindi ka matabunan ng mga tao dito.""Yes, grandpa."Itutulak sana ni Felicia ang wheelchair nang pinigilan naman siya ni Luscious."Ako na baka mapaano pa si dad