Endless life with my Billionaire Lover

Endless life with my Billionaire Lover

last updateLast Updated : 2025-04-28
By:  Bravey Majestie Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa walong taon ni Jhaxien Montejas sa dating ay ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kanit anong pagtingin sa mga taong nakakameet niya, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Tiya Veron na makaahon sila sa hirap ay hinanapan siya nito ng lalaking kayang ibigay ang karangyaan sa kanila. until she meet Exell Fabillos isang Mayaman na hari ng mga Sanggano na kung tawagin nila ay mga Mafia ng Eresalve land, na ang sabi nila ay pagmamay-ari nito. unang kita pa lang niya kay Exell ay nakaramdam na siya na hindi sila magkakasundo, dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, na malayo sa crush niyang si Lexford Guevarra na isang mayaman rin na may ari ng isang coffee shop na malapit sa pinagtatrabahuhan niya. Ngunit makakatanggi nga ba siya sa sapilitang kasal agrisibo at sangganong leader ng Mafia.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter 1

***Jhaxien POV's***

My mate?

Alas- siyete ng gabi sa dating tagpuan, heto na naman si Tiya Veron kung kani-kanino na lang ako pinapares, palaging pinagmumukang mayaman, kahit na walang kahit ano sa bulsa, bag na tanging panyo at pabango ang laman, ang katwiran niya ay kailangan makabingit ng mayaman para makaahon sa hirap, pero sa lahat ng nireto niya ay walang pumasa sa yaman na gusto niya, ayaw niya ng small business o mga nagtitinda lang ng kung ano ano. Kailangan nakakaangat sa lahat.

Si Tiya Veron ay asawa ng ama kung namayapa, 16-years old pa lang ako ng mamatay si Itay sa sakit, at ang aking ina naman ay sinasabi nilang patay na ngunit sa loob loob ko ay buhay pa siya.

Si Tiya Veron na ang tumayo kong ama at ina, lahat ng utos niya ay siya ang masusunod, wala akong ibang kamag-anak kundi sarili ko lang at si Tiya Veron. Na palaging sinasabi ay utang ko ang loob ko sa kanya ang lahat, na dapat ay magpasalamat ako sa dahil kinupkop niya ako at pinalaki.

May tindahan siyang kainan na habang tumatagal ay palugi na ng palugi, kaya naisipan niyang maghanap ng mapapangasawa ko na mayaman, na magsasalba sa kanyang negosyo.

Napabuntong hininga ako, iniisip kung hanggang kailan ako susunod sa utos niya.

Sa isang klasikong coffeeshop ako nanatiling nakaupo, inaantay ang taong kailangan mapaibig ko at iisang description ni Tiya Veron sa akin. Isang mayaman ang makakasama ko ngayon! Hindi literal na babaing bayaran na nag-aalok ng aliw, kundi ay malaman ko lang ang estado ng taong iyon ng sagayon ay makapagpasya si Tiya Veron kung ipapakasal ako o hahanap ng bago.

Tinignan ko ang orasan pasado alas-siyete na pero wala pa rin sumisipot, gusto ko na din umalis dahil sa twing ginagawa ko ito ay napupuno ang dibdib ko ng kaba at pag-aalala, makailang beses na akong muntikan mapahamak.

Sakto alas-siyete may lalaking lumapit sa akin at tumayo sa gilid ko, pinakatitigan ko siya maigi, maganda ang kanyang tindig at pananamit at masasabi kong siya na ang pinakahihintay ni Tiya Veron sa akin, ar bonus na rin ang kisig nitong taglay.

“Hindi makakarating si Mr. Fabillos may biglaang meeting! Kung nais ho ninyo siya makita muli magset muli kayo ng araw!” Naglapag ang lalaki ng calling card sa lamesa, na may pangalan, address at numero!

Exellerio Romano Fabillos

Ang pangalang tumatak sa noo ko, walang dahilan pero nakabisado ko.

Pagkasabi noon ay umalis na ito at nag-iwan ng isang bouquet na bulaklak! Sadyang napawi ng amoy ng bulaklak ang pagkabanas ko.

tumayo na ako at kinuha ang maliit kong pouch, sabay naglakad palabas.

“Hindi naman ako desperadong makita siya!” sambit ko sa sarili kasunod ng malalim na buntong hininga, hindi naman ako atat na mag-asawa, dahil wala sa plano ko iyon, maraming takot ang pumapasok sa isip ko, mga tanong na kaya ko bang magmahal ng totoo?

nabubuhay ako ngayon sa matinding pagsubok, ang matapang kong paghamon ay unti unti nang nilalamon ng lumot, naging sunod sunuran ako sa agos ng buhay. tanging laman na lang ng isip ko ang patong patong ng utang na dapat bayaran.

Paglabas ko ng Classicong Coffeeshop ay malalim ang pag-iisip ko, naglalaro na dapat pa ba akong bumalik kay Tiya Veron , o tumakas at magtago kung saan, ngunit hanggang ngayon ay naduduwag pa rin ako.

Nagsimula akong maglakad papuntang subway station na medyo malapit lapit rin naman sa lugar, ng makapag-isip isip, ngunit nanatili ako sa desisyon ko.

Biyaheng Ofeten ang sinakyan ko, trenta minutos hanggang terminal sakto sa madaraanan na kainan ni Tiya Veron kapag nagawi sa kabilang exit ng estasyon.

Naabutan kong punong puno muli ng tao sa kainan, na hindi usual na nangyayari dahil mahina na ang negosyo niya, dahil halos nagsusulputan na mga tindahan na kahit saang dako ka tumingin ay meron. Ang ilang alalay ni Tiya Veron ay hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso.

Nagtama ang paningin namin ni Tiya Veron sa entrada ng pinto, kaya napalapit siya at masayang masaya ang pagbungad sa akin, nakakapanibago na masilayan, lumipat ang paningin ko sa taong kasama niya na may kakaibang tingin sa akin, na hindi ko alam kung bakit. Iniisip ko na may kaugnayan sila ni Tiya Veron, dahil halos naghahabulan ang kanilang edad.

“Siya nga pala si Mr. Gastavo Suwain!” Pakilala ni Tiya Veron sa akin! Naglahad ang matandang lalaki ng kamay, pagkahawak sa palad ko ay bahagya niyang pinisil pisil kaya inagaw ko kaagad.

pinagpatuloy namin ang pag-uusap sa pribadong kwarto ng kainan, roon ay naupo kaming tatlo.

Pansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ng Mr. Suwain na parang may pinapahiwatig, lalo pa akong nailang ng bigla siyang ngumiti sa akin, ngiting hindi gagawa ng maganda sa isip isip ko.

“Hindi pala dumating ang sinasabi ninyo na tao!” habang nagsasalin ng kape sa tasa at naghalo ng gatas at asukal.

“Mabuti na lang at hindi dumating, dahil nakita ko na ang lalaking nararapat sayo!” Bigla akong napatigil sa paghahalo, iyon na nga yata ang pinapahiwatig sa akin ng matandang lalaki, anu naman kayang sinabi sa kanya ni Tiya Veron at nakumbinsi siya na pakasalan ako.

"Kasal?"

“Hindi ka ba natutuwa na mapapangasawa mo ang isang maimpluwensya at politician na si Mr. Suwain?” Mataray na tinig ni Tiya Veron.

Hindi ko siya gaanong kilala tanging sa dyaryo at tarpaulin ko lang siya nakikita, ngunit may mga naririnig ako tungkol sa kanya, Mr. Suwain na isa siyang politician na hindi mapagkakatiwalaan, ang taong ganid sa kapangyarihan at ang taong hindi ko rin ibig maging asawa.

“Magpapahinga muna ako! Maiwan ko na kayo!” Tumungo ako umalis at tinungo ang pintuan. Sapat na para ipakitw kay Tiya Veron na hindi ko nais makasama ang taong napili niya para sa akin.

“Hayaan mo Jhaxien mapapaligaya kita!” nanginig ang buo kong katawan ng marinig ko ang boses niyang nakakakilabot.

Umakyat ako sa kwarto at nagmuni – muni, nagulat ako ng biglang hablutin ni Tiya Veron ang braso ko, pinadapo niya sa pisngi ko ang kanyang mabigat na palad, saglit pa ay nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hinawakan niya ako sa buhok at hinila hila.

“Ano pa bang inaarte, ayaw mo bang yumaman?” umiling lang ako. dahil sapalagay ko ay hindi ako makakatakas sa lugmok na ito.

“Ayoko pa ho mag-asawa!” Hikbi ko pa, tiis tiis ang sakit sa aking anit.

“ Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ka rito at magpapakasal sa kanya!” Saka pa lang niya tinanggal ang kanyang mahigpit na pagkakahawak sa buhok ko. Doon ay umagos ang luha kong pigil na pigil kanina.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status