Share

Chapter 11

Author: stevi
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-04 23:34:59

Tatlong beses na niyuko ni Don Joaquin ang kaniyang ulo sa sahig, at sa bawat bagsak ay parang may kumakalabog na tambol sa buong bakuran.

Namaga at namula ang noo niya, pero hindi siya tumigil. Nakaluhod pa rin siya, nakadikit ang mga palad sa lupa, at nanginginig ang boses. Natulala ang lahat ng nakakita. Hindi pala siya dumating para maningil. Dumating siya para magmakaawa, at kay Lira pa. Kapag hindi pumayag si Lira, babagsak ang Montenegro Group? Paano nangyari iyon?

Nagulat din si Lira, p
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Useless Husband is the Supreme God of War   Chapter 19

    Kumabog ang dibdib ni Elias. Ang talas talaga pakiramdam ni Lira, bigla-biglang naghihinala.Hindi siya puwedeng umamin. Tinuro niya ang sarili niya at nagkunwaring walang alam. "Ako? Mukha ba'ng may kakayanan ako'ng gawin ang mga 'yon?"Umiling agad si Lira, kaya nawala ang hinala niya. Pero kakaiba pa rin ang pakiramdam niya. Dati, kapag ganito ang sitwasyon, palagi silang talunan at napapahiya. Ngayon, sila pa ang paulit-ulit na nagpapahiya sa mga Buenacosa nitong mga nakaraang araw. Para siyang nananaginip.Natawa si Aling Trinidad. "Anak, ang mga Buenacosa nga ang nang-aasar na baka siya pa raw ang bagong presidente. Tapos sasabihin mong siya ang nagplano nito? Imposible. Bukod sa wala siya'ng pera, wala rin siya'ng koneksyon. Swerte lang talaga tayo.""Ma, mag-ingat naman kayo sa sinasabi niyo," sabi ni Lira. "Nandito si Tala."Nakasimangot si Tala at nakanguso. "Lola, masama po 'yung sinasabi n'yo kay Papa. Hindi ko na po kayo gust

  • The Useless Husband is the Supreme God of War   Chapter 18

    Bago pa makasagot si Elias, nagtatawanan na ang mga Buenacosa at hinihintay ang pagbagsak nila.Tumahimik ang buong pila nang may lumapit na napakagandang babae. Naka-madilim na berdeng uniporme siya ng militar, maraming medalyang kumikinang sa balikat, at bayani ang dating ng bawat hakbang niya. Si Naomi."Alam niyo ba'ng pormal na okasyon ito para sa bagong presidente?" malamig niyang sabi, "Bakit ang gugulo niyo? Ganyan ba talaga ang mga ugali ninyo?"Walang nangahas sumagot. Kapag nagalit sa 'yo ang Asurang Duguan, simulan mo nang magdasal.Mabilis na yumuko si Karen at sumugod palapit, sabik na sabik. "Kumander, may nambabastos po sa Presidente!"Kumunot ang noo ni Naomi. "Sino?""Sila po!" Itinuro ni Karen sina Lira. "Sa ganito kalaking seremonya, isang bote lang ng alak ang dala nila, at wala pang isandaang piso ang halaga. Insulto po 'yon sa Presidente."Nanlamig ang mga kamay ni Aling Trinidad. Pilit niyang itin

  • The Useless Husband is the Supreme God of War   Chapter 17

    "Tatlong bagay lang daw ang kailangan para makapasok sa Southern Business Council," bulong ng isang lalaki sa pila, "pero ang hirap magkaroon ng bawat isa."Narinig iyon ni Lira habang nakatayo sila sa likod ng mahabang hilera ng mga bisitang may dalang regalo. Ayon sa mga nag-uusap sa unahan, una, kailangang umabot ng tatlong bilyon ang halaga ng kumpanya, at kaya na iyon ng kahit mga katamtamang negosyo. Ikalawa, kailangan ng rekomendasyon ng isang senior na kasapi o mas mataas pa, at doon daw natitisod ang karamihan. Kahit magbayad ka, hindi ka basta pagbibigyan, at kung dadaan ka sa koneksyon, napakamahal ng kapalit. Ikatlo, kailangang 5-star ang reputasyon ng kumpanya, at pito ang pinakamataas. Kapag may tatlong itim na marka na ang kumpanya, hindi na iyon aabot ng lima. Kahit mga kumpanyang sampu-sampung bilyon ang halaga, hirap pa ring makapasok.Kaya hindi nakapagtatakang halos mabaliw ang lahat sa alok ng bagong pangulo. Mahigpit na yakap ng bawat isa ang regalo nila, kabado

  • The Useless Husband is the Supreme God of War   Chapter 16

    Nang pumasok sila sa bulwagan ng Colosseo Grande, napahinto sina Lira sa pintuan dahil sa dami ng tao.Magagara ang suot ng lahat, tuwid ang tindig, at bakas sa bawat mukha ang yabang ng taong sanay mapakinggan. Hindi iyon nakapagtataka. Ang mga nakapasok dito ay pawang makapangyarihan at kilala. Para namang mga batang namamasyal sina Aling Trinidad at Armando, lumilinga sa paligid at paminsan-minsang napapasinghap. Ang buong pamilyang Buenacosa ay ganoon din, hiyang-hiya at maliit ang tingin sa sarili. Bawal daw kumuha ng litrato, kaya wala silang nagawa kundi tumitig na lang. Namangha rin si Lira at hindi napigilang mapatingin sa paligid.Umakyat sa entablado ang isang lalaking nasa 30's ang edad, naka-suit, at kinuha ang mikropono. "Magandang hapon po sa inyong lahat. Salamat sa pagpunta upang masaksihan ang makasaysayang araw na ito. Kalahating oras na lang bago magsimula ang seremonya ng pag-upo ng bagong presidente ng Northern Business Alliance. May inumin at panghimagas po kami

  • The Useless Husband is the Supreme God of War   Chapter 15

    Namutla si Aling Trinidad at nauutal sa takot. "Elias, ano'ng nangyayari? Totoo ba'ng peke 'yon? Ano'ng gagawin natin? Baka hulihin tayo!""Ma, may hindi lang po siguro pagkakaunawaan," sabi ni Lira, ipinagtatanggol si Elias. Tumingin siya rito, umaasang may sasabihin ito.Ngunit hindi sumagot si Elias. Tiningnan lang niya si Lira nang kalmado, parang sinasabing nandito siya at ayos lang ang lahat. Hindi namalayan ni Lira na unti-unting gumaan ang dibdib niya.Bago pa siya makapagsalita ulit, dumating ang tatlong bantay, at nagkumpulan ang mga mayayamang bisita para manood. Matangkad ang tatlong bantay, halos dalawang metro, seryoso ang mga mukha, at may hawak na submachine gun. Nakakatakot ang dating nila."Sino ang nagpeke ng imbitasyon?" tanong ng nasa unahan.Itinuro ni Kyla si Lira, ngiting-ngiti. "Sila po.""Kabastusan po 'yon, dapat silang hulihin," dagdag ni Karen. Sinisisi pa rin niya si Lira sa kahihiyan niya sa engagement, kaya gusto niyang makita itong maghirap.Kumunot an

  • The Useless Husband is the Supreme God of War   Chapter 14

    Lampas hatinggabi na pero dilat pa rin ang mga mata ni Lira, at kahit anong pihit niya sa kama, hindi siya makatulog.Limang araw na lang bago ang seremonya ng pag-upo ng bagong presidente ng Northern Business Alliance, at wala pa rin siyang maisip na paraan para makakuha ng upuan. Bumuntong-hininga siya, kinumutan nang maayos si Tala, at tahimik na lumabas ng kuwarto. Naka-pantulog siyang kulay pula, nakayapak, at nakalaylay ang itim na buhok sa mukha niyang puno ng pangamba.Umupo siya sa sofa sa sala. May banayad na boses na nagsalita mula sa dilim."Hindi ka ba makatulog?"Hindi na kailangang lumingon ni Lira para malaman kung sino iyon. "Huwag mo na akong intindihin."Umupo si Elias sa tabi niya, naka-itim na pantulog, at hindi na muling nagsalita. Hindi rin sumagot si Lira. Lumipas ang ilang tahimik na minuto, hanggang sa marinig ni Elias ang mahinang hikbi sa tabi niya."Lira, bakit ka umiiyak?" Mabilis niyang niyakap ito. "Patawad, kasalanan ko 'to. Pero huwag kang mag-alala.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status