Hindi alam ni Elias ang gagawin. Sumisikip ang dibdib niya sa nalaman.Kaya pala ganoon kalamig si Lira nitong mga nakaraang araw. Kaya pala pinipilit nitong ilayo sila ni Tala sa Infanta. Tinitigan niya ang asawa niyang nakayuko, balikat lang ang gumagalaw sa pag-iyak, at doon niya lang naintindihan kung gaano karami ang pinasan nito nang mag-isa. At siya pa ang may ganang magalit. Kung may paraan lang na masampal niya ang sarili niya nang hindi nakikita ni Tala, ginawa na niya."Akala mo siguro, may nangyari sa kanila ni Gael sa bahay," sabi ni Aling Trinidad. Basag ang boses niya at panay ang punas ng palad sa mukha. "Wala, Elias. Pinilit siya ng hayop na 'yon, pero lumaban ang anak ko, kaya siya sinampal. 'Yung kumot na nilabhan niya, 'yung mga tisyung nakita mo sa basurahan, hindi 'yon ang iniisip mo. Dugo 'yon. Dugo ng anak ko."Napatakip siya sa bibig, at doon na tuluyang bumigay ang matapang niyang tindig. "Hindi namin sinabi kasi alam naming susugod ka, at baka mas lalo lang
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-28 อ่านเพิ่มเติม