Share

Chapter 17

“Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia.

Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito.

“Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe.

“Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal.

“Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.”

“Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tingin si Anastacia kay King.

Nangunot ang noo ni King.

“Iyong iba, ayos lang sa kanila maging pangalawa. Parang proud din naman sila kung ang magiging asawa ng lalaki nila ay isang Pureblood. Tataas ang ranggo no’ng lalaki at siyempre, kung isa siya sa magiging asawa, magkakaroon mas mabilis silang makikilala.”

“I-ikaw? H-hindi ka ba interesado?”

Nangiti si King. “Hindi, ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang gusto kong maging asawa. Ikaw lang, basta, ikaw lang.”

Nangiti si Anastacia. Napakasuwerte niyang minamahal siya nito.

Marami pa silang pinag-usapan at pinaglambingan. Hanggang sa pagpapamilya at pag-aanak ay umabot sila roon. Maraming pangarap si King para sa kanila, at hindi mapigil ni Anastacia na pamulahan at mapuno ang pakiramdam.

“Hindi ba kayo nilalamig dito?”

Nabigla si Anastacia at wala naman naging reaksiyon si King. Humiwalay si Anastacia nang malingunan ang isa sa prinsesang ipinakilala. Kung matatandaan niya ito si Alexandra. Mas maganda ‘to sa malapitan.

Tumungo si Anastacia at ganoon din naman si King.

“Bakit narito kayo? Malamig dito,” nakangiting sabi ni Alexandra.

Sa tingin ni Alexandra ay may relasyon ang dalawa. Bago niya ‘to lapitan ay nakita niyang naglalambingan at magkayakap ang mga ‘to. Kanina lamang ay napakatipid ngumiti nang lalaki, pero sa babaeng kasama nito ay parang ‘di mawala-wala ang ngiti nito.

“Natatandaan kita, King Bezarius, hindi ba?” nakangiting sabi ni Alexandra kay King.

“Yes, princess Alexandra.”

Napapalakpak si Alexandra sa natugon ni King. “Nakilala mo ‘ko kaagad, iyong iba ay nagkakamali pa ng pagtawag sa ‘kin.”

“Magkaiba kayo ng mata ni Princess Alessia kaya nakilala kita kaagad.”

Malamig magsalita si King pero bakit nito pinapatibok nang mabilis ang puso niya? Isa pa, ito lamang ang nagsabing magkaiba sila ng mat ani Alessia maliban sa kanilang ina.

“Pinagkatitigan mo ba kami kaya mo nalaman kaagad?” nakangiting tanong ni Alexandra. “Siya nga pala, hindi kita kilala.” Bumaling ‘to kay Anastacia. “Maaari ko bang malaman ang pangalan mo? At anong pamilya ka nanggaling?”

Nangamba naman si Anastacia.

“P-Princess, h-hindi mahalaga ang pangalan ko. I-isa lamang akong maid-servant na kasama ng Young Master.”

Hindi ‘yon napansin ni Alexandra. Pero nakita niyang magkayakap ang naglalambingan ang dalawa. Pero sinasabi nitong isa lamang ‘tong tagasilbi?

Gustong umangat ng kilay ni Alexandra nang makitang hinawakan ni King ang palad ng tagasilbi nito.

“Walang problema, gusto kong malaman pa rin ang pangalan mo.”

Namula si Anastacia, ang ibang mga Royal Blood ay hindi siya nginingitian oras na malamang tagasilbi siya. Pero ang prinsesang nasa harapan niya ay gustong malaman ang kanyang pangalan.

“A-Anastacia, Princess, Anastacia ang pangalan ko. Isa ‘ko sa mga servant ng Bezarius, pero ako ay naninilbihan lamang sa Young Master. Simula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa.”

Kaya pala hindi malabong magkagusto sa isa’t isa ang dalawa dahil magkasama na ‘to ng matagal.

“Paalis na rin kami, princess, maraming salamat sa imbitasyon,” ani King.

Nangiti si Alexandra, may kung ano talaga sa lalaking ‘yon ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang kabog ng dibdib. Para bang marinig niya lamang ‘to ay mabubuhay na ang dugo niya.

“Nakalulungkot naman, gusto ko sana ng isang sayaw pa mula sa ‘yo.”

Nabigla si Anastacia. Prinsesa mismo ang nag-aalok sa kanyang Young Master?

Tiningnan niya ang Young Master niya, alam niyang may ugali ‘to kung minsan na walang pakialam. Tinanguan niya ‘to para pumayag ‘to. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Pero napilitan ‘tong pumayag.

Inilahad nito ang palad sa prinsesa.

“Maaari ba kitang isayaw sa huling pagkakataon?”

Nangiti si Alexandra. “Nasisiguro kong marami pa tayong sayaw na pagsasaluhan.” Ibinigay nito ang kamay kay King.

Hindi alam ni Anastacia kung bakit parang may ibang dating ang huling sinabi ng Prinsesa.

Para siyang natulos sa kinatatayuan at hinayaang makaalis na ang mga ito.

Marami pang sayaw na pagsasaluhan?

Kung matatandaan ni Anastacia, ang salitang ‘yon ay may ibang kahulugan sa mga bampira. At kung tama ang alaala niya, iyon ay isang indikasyon na may pagtingin ang isang babae sakaling sabihin nito ‘yon sa lalaking kasayaw nito.

Napasunod na siya sa loob ng sayawan at tila isang mahikal na oras ‘yon para sa dalawa dahil ang dalawa lamang ang nasa sayawan.

Namangha si Anastacia dahil sa tila kumikinang ang mga ‘to sa gitna at tila ba ang oras ay tumigil lamang sa dalawa. Iyong pagkamanghang nararamdaman niya ay may dala ring libo-libong karayom na tumutusok sa kanyang dibdib.

Hindi alam ni Anastacia kung bakit parang nangangamba siya at ‘di mapakali.

Ngiting-ngiti ang prinsesa, nagsasalita ‘to pero para lamang sa kasayaw nito ang mga salitang ‘yon dahil walang ibang nakaririnig. Sumasagot naman si King. Parang may kung anong panlalamig na dinadala kay Anastacia tuwing makikitang napapangiti ang Young Master niya sa sinasabi nito.

Nagsimulang magkaroon ng usap-usapan.

Marahil ito raw ang nagustuhan ng prinsesa.

Maging si King ay nabigla nang ang sumunod na musika ay siyang intimate at skin to skin. Kakakilala lamang nila ng prinsesa pero bakit kailangan nilang bigyan ng gano’ng tugtog?

Tiningnan niya ang prinsesa.

“Ihahatid na kita—”

“Kahit ito na ang huling tugtog?”

“Pero—”

Ang prinsesa ang unang lumapit sa kanya at mas dumikit.

Kahit naman mahilig siyang lumabag sa mga gawaing pang-eskuwelahan, alam niya rin ang bigat ng mga konsekwensiya kung nasa mismong lugar siya ng mga Pureblood. Malaki ang respeto nila sa mga ‘to, ang iba nga ay Diyos na ang tingin sa mga ‘to.

Masyadong naging madikit at marahan ang kilos ng dalawa. Nasasakal ang pakiramdam ni Anastacia sa nakikitang tagpo. Hindi niya mapigilan ang sariling panlamigan. Sinubukan niyang huwag na lamang tumitig pero hindi niya magawang alisin ang tingin dahil baka sa isang iglap mawala ang lalaking pinakamamahal niya.

“Hindi ba at isa ka sa nagpadala ng pakikipagkita sa Royal Blood na Bezarius?” tanong ng babae sa kalapit nitong babae.

“Oo, pero mukhang nakalinya pa ‘ko. Ikaw ba ay hindi?” tanong ng isa pa.

“Hindi, nasa pagpapareha ako sa 5th mansion. Mukhang mas maayos naman, tingin ko ay gusto ng prinsesa ang sa 3rd mansion.”

“Sa tingin ko nga, hangga’t maaari ayoko ng relasyon sa lalaking may Pureblood Princess. Sanay silang nag-iisa, at kailanman hindi ka maipakikilala dahil palagi ng itatawag sa lalaking katulad niya ay asawa ng Pureblood Vampire Princess.”

Naglakad si Anastacia patungo sa bahaging dulo. Hindi na siya tumingin sa sayawan. Hinintay niyang matapos ang tugtog at marinig ang mga palakpakan.

Hindi niya gusto ang pakiramdam, gusto niya ng umuwi at magpahinga.

Nabigla siya nang may lalaking pumuwesto sa kanyang harapan. Nang matingala niya ay si King ‘to at nakangiti sa kanya.

“Natagalan ka ba sa ‘kin?”

Umiling si Anastacia, ngumiti para pagtakpan ang sariling emosyon.

Nabigla siya nang halikan siya nito sa noo.

Alam na alam ni Anastacia na maraming mata ang nakatingin sa kanila.

“Umuwi na tayo, masyado ng gabi para sa ‘yo,” ani King sa malambing na tono.

“Y-Young Master, m-maraming n-nakatingin sa ‘tin.”

“Hayaan natin sila, mahal natin ang isa’t isa at pangkaraniwan ang ginawa ko sa ‘yo.”

Nginitian niya ‘to kahit nangangamba siya. Kahit kailan, hindi siya nado-down ni King.

Nagpuyos naman ang pakiramdam ni Alexandra sa nakita. Pakiramdam niya’y napahiya siya. Dahil malinaw na ipinakikita ng Royal Blood na mas gusto nito ang servant nito! Pakiramdam niya tuloy ay gusto niyang sirain lalo ang dalawa. Naiirita siya pero nanatili siyang nakangiti. Napakaraming nagkakandarapa sa kanyang Royal Blood, pero mas maganda na makuha ang gusto niya sa paraan na maipaparamdam niya sa mga ‘to kung gaano siya makapangyarihan bilang isang prinsesa ng mga bampira.

Ayaw na ni Alexandra na bumalik sa buhay ng tao.

Noon pa man, gusto niya ang magagandang kasuotan at kakayahang magdikta sa iba.

Wala siyang planong sayangin ang oportunidad bilang isang prinsesa.

**

Nang nasa karwahe na ay sumandal si King kay Anastacia at ipinatong nito ang ulo.

Marahan namang hinawakan ni Anastacia ang buhok nito.

“Ginawa ko lang ‘yon dahil prinsesa siya,” sabi ni King.

“Wala namang problema, naiintindihan ko. Isa pa, mabait naman siyang prinsesa.”

Hindi na kumibo si King.

“Hindi ko gustong nakikita mo ‘kong ginagawa ang ganoong sayaw dahil lamang sa kinakailangan. Sa ‘yo ko lang gustong maging gano’n kalapit.”

Bakit parang ito pa ang naiinis?

Nangiti si Anastacia.

“Hindi ako pagod ngayon. Gusto mo bang kagatin ako?”

Napaangat ‘to sa pagkakatungo. Kaagad nitong hinawakan ang kanyang mukha at nilapit ang mukha rin nito.

“Kaya mo bang makipag-isa sa ‘kin pagkauwi? Maayos ba ang kalagayan mo?”

Tumango si Anastacia para mawala ang pag-aalala nito. Alam niya na simula nang nag-heat ‘to, nangangailangan na rin ‘to ng init mula sa iba.

“Huwag kang palaging natatakot, nasasanay na naman ako.” Nginitian niya ‘to. Alam kasi nitong nasasaktan siya nito, dahil kahit anong pigil at pagpapabagal nito, dumarating pa rin ‘to sa punto ng pagiging marahas na isang katangian ng bampira.

Gustong i-assure ni Anastacia sa sarili na kanya ito. Bakit ba kahit anong pilit niya na sabihing ayos lamang sa kanya na may iba ito, nauuwi pa rin 'yon sa gusto pa rin niyang maging natatanging babae para rito. 

Misa_Crayola

Thank you for the gems! I hope you'll send me more and also, rate my story! Thank you soooo much! -Misa

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status