Share

VENGEANCE

"Yue," boses iyon ni Mama.

Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.

Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa. 

"Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."

Lalo akong napa-iyak. Tulala ako ng iuwi ako ni Alaric dito ng gabing iyon. Wala na akong pakialam sa kung anong nangyari. Hindi ko na rin matandaan kung paano niya ako natagpuan. Basta ang natatandaan ko nalang ay noong malapit na kami sa bahay. 

Ilang beses akong paulit-ulit na pinipilit ni Alaric ng mga oras na iyon tumahan lang at bumaba ng sasakyan pero hindi ako nakikinig. Nagtatalo ang kalooban ko kung paano ko sasabihin kay Mama ang nangyari. Natatakot akong baka hindi niya makayanan dahil hindi pa naglilipat taon mula ng mawala si Papa. Tapos ngayon ay si Kirius naman. 

Nang labasin kami ni Mama ay wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng sasakyan. Agad niya akong sinugod ng yakap nang makita niya ang pighati sa mukha ko. Nang marinig ko ang pag-iyak ni Mama ay duon na ako bumigay at mas lalong napahagulgol. Buong akala ko ay wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko pero ng marinig ko ang pagtangis ni Mama ay tuluyan ng gumuho ang tanging lakas na kinakapitan ko. Nang dahil sa kagagawan ko kaya namatay ang kaisa-isa kong kapatid. Ngunit sa kabila noon ay hindi ko maringgan si Mama na sinisisi ako. Bagay na lalong nagpapabigat ng dibdib ko.

"Yue."

Nang marinig ko ulit ang garalgal na boses ni Mama ay hindi ko na natiis. 

"Ma," tawag ko rito.

Agad naman niyang binuksan ang pinto saka lumapit sa akin. Nagbangon ako at hinarap ko siya.

"Anak, kumain ka na," anito saka pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko. “Ilang araw ka ng nagkukulong dito. Hindi ka pa gaanong kumakain. Baka magkasakit ka niyan?” 

Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala. Noon ko lang ulit napagmasdan ang mukha ni Mama. Pulang-pula ang paligid ng mga mata niya at namamaga rin iyon. Ilang beses na rin ba siya umiiyak? O kung tumitigil ba siya sa pag-iyak. 

“I’m sorry, Ma,” sambit ko. Bumukal na naman ang luha sa mga mata ko. “Hindi ko sinasadya, Ma. Hindi ko sinasadya.”

Hindi ko na napigil mapahagulgol at yumakap sa kanya. Kung may makakakita siguro sa akin ay iisipin na para akong bata kung maka-atungal. Pero wala akong pakialam. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nasa loob ko. Lahat ng pait at pighating dumudurog sa akin ngayon. 

“Hush. Hindi mo iyon kasalanan, anak. At mas lalong hindi mo iyon ginusto.” 

Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog ng katawan ni Mama, tanda ng tahimik niyang pag-iyak. 

“Huwag mong sisihin ang sarili mo, Yue. Nasisiguro kong hindi ka rin sinisisi ni Kir,” humihikbing alo sa akin ni Mama. 

Umiling ako. “Hindi, Ma. K-kung hindi ko siguro pinilit si Kir, hi-hindi siya mamamatay. Kung na-nakinig lang sana ako sa kaniya. Kung sana sinabihan ko-ko nalang si Alaric na bumalik kami, nandito pa sa-sana siya, Ma,” hagulgol ko. “Gusto na niyang bumalik noon, Ma. No-noong nasa biyahe pa-palang kami. A-ayaw na niyang tumuloy, pero hindi ako nakinig. Mas pinili ko pa ring magpatuloy at kitain ang Ȁlteste na iyon.”

Isa-isang bumabalik sa ala-ala ko ang nangyari noon. “Napakamakasarili ko, Ma.”

“Hindi totoo yan, anak.”

Kumalas ako sa pagkakayakap dito. “Sisihin mo ko, Ma.”

“Hindi, anak,” aniya saka umiling. Wala na ring patid ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya.

“Sisihin mo ko, Ma,” hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Umiling lang ulit ito. “Ma, sisihin mo ko. Bakit hindi mo ko sisihin? Bakit?” 

Ngunit wala akong marinig sa kanya na kahit ano. She was always so strong. Nang mamatay si Papa ay hindi ko naringgan si Mama ng kahit anong pagdaing o kahit paninisi man lang sa mga Cayman dahil sa kapabayaan nila. Isang beses ng mapadaan ako sa tapat ng kwarto nila ni Papa ay narinig ko nalang ang tahimik niyang pag-iyak. Na siyang nagpapabigat sa loob ko. Ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak si Mama pero bakit puro paghihinagpis nalang ang inaabot niya. At ngayon ay si Kirius naman na dahil sa kapabayaan ko. Bumuhos na naman ang panibagong batch ng luha ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghaplos ni Mama sa buhok ko. 

“Alam mo ba, Yue, noong maliliit pa kayo ni Kir,” umpisa ni Mama. “Ang buong akala ko ay hindi kayo magkakasundo. Kaya lagi akong nananalangin noon na sana paglaki niyo ay lagi kayong nandyan para sa isa’t isa. I have seen how strong you were when you were little Yue, that’s why I never doubt you when you take the responsibility of the Dovana. Kirius, on the other hand, is a little sensitive. Ang akala ko pa nga noon ay magiging bakla ang kapatid mo pagtanda,” natatawa niyang kwento habang nangingilid ang luha. Ako naman ay walang tigil sa pag-iyak. Para akong nanonood ng video kung saan pini-play ang mga panahon simula pa noong bata kami ni Kir. Kung paano kami nag-aaway sa simpleng mga bagay lang. Kung paano ko siya paiyakin noon. May pagkaiyakin kasi si Kirius noong maliit. At kapag umiiyak ito ay laging nag-uunahan sa pagtulo ang mga uhog niya kaya tawa ako ng tawa. Pagkatapos ay mahuhuli ako ni Mama noon na pinapaiyak si Kirius kaya’t ako naman ang papaluin nito. Saka kami sabay na iiyak.

“Pero nang lumaki na si Kirius ay nakita ko sa kaniya ang Papa mo. He became strong although nandoon pa rin ang pagiging sensitive. He took his responsibilities very well. But as I’ve watched him grow, he bravely faced everything and always gave his best for the people he loved.”

Hindi ko na alam kung gaano na kamaga ang mga mata ko sa pag-iyak. Pero hahayaan ko muna ang sarili ko sa ngayon. 

“Kaya hindi na ako nagtaka ng ikwento sa akin ni Alaric ang nangyari,” patuloy ni Mama kahit na humihikbi. “I’m so very proud of him. Protecting his sister bravely in the brink of danger. That’s my Kirius.” Hinaluan pa niya ng mahinang pagtawa kahit nag-uumapaw sa kalungkutan ang mga mata. “Kaya anak, huwag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. Ikaw nalang ang natitira sa akin, anak, ayokong pati ikaw ay mawala pa.”

Agad kong niyakap si Mama. “No, Ma. I will let myself die. Hindi ko hahayaang masayang ang pagsasakripisyon ni Kirius.”

Ipinangako ko sa sariling hahayaan ko munang lamunin ako ng lungkot at pagkatapos noon ay babalikan ko ang mga nilalang na pumatay sa kapatid ko. Bumalik sa ala-ala ko ang mukha ng lalaking iyon. Kaya pala hindi na siya nagpakita sa akin ay dahil pinagbabalakan na niya akong patayin. Buong akala ko ay siya na ang makakatuwang ko sa pagtapos ng koneksyon ko sa mga bampira, nagkamali pala ako. Isang malaking pagkakamaling mahulog ang loob sa mga uri nila. Lalo pa at magtiwala sa kanila.

Ilang linggo na ang nakalipas mula ng mailibing si Kirius. Pero pinili kong manatili dito kaysa bumalik sa mansyon. Wala namang nagawa ang mga Cayman sa kagustuhan ko. Hindi na sila ang masusunod sa pagkakataong ito. Ngayong ako nalang ang nag-iisang Dovana, wala na silang magagawa kundi ang sundin ang gusto ko. 

Naramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa balat ko. Bahagya kong hinila ang robang nakapatong sa balikat ko. Nasa terrace ako at hinihintay ang pagbabalik ni Alaric. Sandali siya umalis para asikasuhin ang ilang bagay. Nagpumilit pa siyang isama ako pero hindi ako pumayag. Ayokong iwan ang Mama. Ngayong kami nalang dalawa ay hindi ko na hahayaang mag-isa ang Mama ko. Ayoko maiwan siya sa malaking bahay na ito habang mag-isang inaalala ang Papa at si Kirius. Kaya’t kahit anong pilit sa akin ni Alaric kanina ay hindi ako pumayag. Ipinipilit niyang delikado ang maiwan ang Dovana na walang bantay pero hindi ako natatakot. Hindi na ako natatakot sa mga rogue na walang ginawa kundi ang pumatay ng inosenteng tao. 

Bumalik sa balintataw ko kung paano ako nagmakaawa sa mga iyon huwag lamang patayin ang kapatid ko. Pero sa halip na pakinggan ay dinala pa nila ito sa kung saan. Dinala nila kay Kieran para patayin. 

Naikuyom ko ang kamao nang maalala ko na naman si Kieran. 

“Bakit hindi ka pa natutulog?” untag ni Alaric na biglang sumulpot sa likod ko. “Ala una na.”

Nanatili sa labas ang tingin ko. Sa puno at halaman sa ibaba na nasisinagan ng liwanag ng buwan. “Hindi pa ako inaantok.”

“May gumugulo ba sa iyo?”

Humugot ako ng hininga. “Naalala mo iyong lalaking may buhat kay Kirius noong natagpuan mo kami?”

Ramdam kong natigilan si Alaric. Nagtaka man ako ay hindi ko na iyon inintindi. Wala na akong pakialam. Sa ginawa nilang pagpatay sa pamillya ko, una ang kay Papa na hindi pa rin malinaw kung bampira nga ang pumatay ngunit malakas ang kutob kong mga kauri nila ang may kagagawan, at pangalawa ay kay Kirius, ay para na rin nila akong pinatay. Pagbabayaran nila ang lahat ng kinuha nila sa akin. 

“Anong binabalak mo?”

“Gusto kong hanapin niyo siya. Dead or alive.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status