Share

SKELETONS

Hindi naging madali para sa akin na kumbinsihin si Mama na tumuloy sa mansyon ng mga Cayman. Abot-abot ang pamimilit ko sa kaniya mapapayag lang siya pero naging matigas siya. Ayoko rin naman iwan ang pamamahay na ito dahil dito kami lumaki pero hindi ko kayang iwanan siya dito. 

Sa bawat sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin kay Papa at lalo na rin kay Kirius. At sa tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Mama pero kailangan naming umusad. Kailangan naming magpatuloy sa buhay. Alam kong hindi madali. I know it may sounds unfair, pero ayokong manatiling malungkot dahil alam kong hindi rin iyon magugustuhan nila Papa at Kirius kapag nalaman nilang narito pa rin kami at nangangapa sa dilim. Baka kung nandito lang sila ay sinermonan na ako ng mga iyon dahil hindi ko mapilit si Mama. 

Noong nakaraang araw ay kinausap ako ni Alaric tungkol sa pananatili dito ng matagal. Na kung magtatagal kami ay maaari ring malagay sa kapahamakan ang buhay ni Mama na siyang hindi ko mapapayagan. Si Mama nalang ang tanging natitira sa akin. Hindi ko na hahayaan na pati siya ay mawala. Kaya’t nagdesisyon akong isama na siya sa mansyon. Taliwas man sa kagustuhan ni Alaric ay buo na ang desisyon ko. Ipapaalam ko nalamang iyon kay Cassius kapag nakarating na kami doon. 

Ngunit tingin ko ay matatagalan pa iyon. 

“Ma-”

“Tigilan mo ako Yueno, ayokong tumira kasama ang mga Cayman,” putol ni Mama sa sasabihin ko. Abala siya sa pananahi sa sala at kanina ko pa siya kinukulit. To the point na nauubos na ang pasensya ko kakakulit sa kanya.

“Bakit ba ayaw mo?” naiiritang tanong ko. Ilang linggo ko na kasi siyang pinipilit pero hanggang ngayon ay wala parin. Ayaw pa rin niya. “It’s been two months since Kirius died, Ma. At delikado para sa atin ang manatili dito. Lalo na at mag-isa lamang si Alaric na nagbabantay.”

Inihinto ni Mama ang ginagawa niya saka tumingin sa akin ng matalim. Alam ko ang tingin niyang iyon. Iyon ang tingin na lagi naming kinatatakutan ni Kirius noong mga bata pa kami. Kapag ganoon kasi si Mama ay ubos na ang pasensya nito at maghahanap na ng pamalo para paluin kami.

“Ano ba sa ayoko ang hindi mo maintindihan, Yue?” halos pasigaw ng sabi nito. 

Hindi naman ako nagulat pero si Niqs na tahimik na nagpupunas ng ilang gamit doon ay gulat na napatingin sa amiin. Nginitian ko nalang siya at sinenyasang okay lang kaya’t walang dapat ipag-alala. Ngumiti lang din ito pabalik ngunit hindi ito umabot sa mga mata. Nananatili pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong isa si Niqs sa mas nagluksa noong namatay si Kir. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kaniya para ikwento sa akin ang kung anong mayroon sa kanila ni Kir noon pero ayos lang iyon sa akin. Nakakatuwang isipin na nakahanap ng pag-ibig ang kapatid ko sa piling ni Niqs. Iyon nga lang ay saglit lamang at hindi nagkaroon ng happy ending. Dinamayan ko siya sa pag-iyak noong panahong na iyon. Dinamayan ko siya sa panghihinayang sa pagkawala ng importanteng tao sa buhay namin. 

“You don’t have to shout, Ma,” malumanay kong sabi kay Mama. “Kung ang bahay ang pinoproblema mo, Ma, we can visit it naman whenever you like. We don’t have to leave it behind.”

“Iyon naman pala, e, bakit kailangan pa nating umalis? Kung dadalaw-dalaw lang din naman tayo bakit hindi nalang dito tayo manatili?”

“Ma, do you understand my situation?” balik-tanong ko. 

“Naiintindihan ko.”

“Then why can’t you understand that it is too dangerous for us to stay here with only Alaric to protect me? Us?” hindi ko napigilang magtaas ng boses na siyang nagpalingon ulit kay Niqs sa amin. “I’m sorry. Niqs, can you just go to the kitchen please? Or maybe to your room?” malumanay kong pakiusap dito saka ko binalingan si Mama na ngayon ay nakatingin lang sa ibaba.

“Alam ko namang mahirap iwan ang bahay, Ma, e. Lalo na at dito ako lumaki. Narito lahat ng ala-ala ni Papa pati na rin ni Kir, Ma. At ayoko ring iwan iyon dito,” paliwanag ko sa garalgal na boses. “Pero hindi pwede. Hindi pwede, Ma. Hindi ko pwedeng ilagay sa panganib ang buhay mo tulad ng ginawa ko kay Kirius. Do you know how hard it is to fight those-- m-monsters and you can’t do anything but to watch them tear the person you love right in front of you? Ma, that happened to us. And as much as possible, I don’t want it to happen again,” maramdamin kong saad sa kanya. “I am the Dovana, Ma. And as much as I want to just throw it away and leave it all behind, I can’t.”

Hindi pa rin umiimik si Mama at nananatiling nakatingin sa ibaba. “I don’t want to lose you too, Ma. You’re the only one I have. So please, think about it.” Tumayo na ako at iniwanan siyang wala pa ring imik. 

Pupungas-pungas pa rin ako habang naghihikab pababa ng hagdan. Agad akong nahimasmasan at nabuhayan ng pag-asa ng makita ang dalawang maleta malapit sa may pinto. Mabilis akong bumaba ng hagdan at hinanap si Mama. 

“Good morning,” nakangiting bati ni Alaric ngunit dire-diretcho lang ako papunta sa kwarto ni Mama.

“Ma!’ excited na tawag ko. Natagpuan ko siyang nagsisinop mga mga display niya at itinatago iyon sa cabinet.

“Tanghali ka na ng gising, hindi ba malayo ang ibabiyahe natin?” anito saka ako nilingon at nginitian.

Kita ko kung paanong hindi mapakali sa Mama sa backseat ng kotse. Nagbiyahe kami ora-orada nang sabihin ni Mama na pumapayag na siyang sumama sa akin. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya. Humingi pa siya ng sorry sa mga nasabi ngunit hindi ko na iyon inintindi. Ako ang dapat umintindi sa kaniya.

Kinuwento din niya na ng umakyat daw ako kahapon ay agad daw niyang tinawag si Niqs at nagpatulong maglipit ng mga gamit. In-explain din niya kay Niqs ang nangyari at biglaan ang pagpapauwi niya dito ngunit hindi na niya binanggit ang tunay na dahilan. Nagdahilan nalamang daw siya ng kung ano-ano at para hindi na rin nakakahiya dito ay binigyan nalang niya si Niqs ng dalawang buwang sahod. Nakakahiya rin kasi kay yaya Lisa kung pauuwiin naming walang-wala si Niqs. Naintindihan naman daw iyon ni Niqs kaya hindi na nahirapan si Mama. 

Ilang sandali pa at nakarating na rin kami sa mansyon. Sa sobrang excitement ko ay dali-dali akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang maleta ni Mama sa trunk ng kotse. Agad namang sumulpot si Alaric sa tabi ko at tinulungan ako. Si Mama naman ay bumaba na sa kotse. Nakatayo lamang siya habang nakatingin sa kabuuan ng bahay.

“You sure about this?” nag-aalangang tanong ni Alaric.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Naguluhan naman ako. Bakit may pakiramdam akong ayaw nila kay Mama dito? 

“Why ever not?”

“Nothing. You should inform the family first.”

Nang makuha ni Alaric ang lahat ng bagahe ni Mama ay hinila ko na ang huli papasok doon. Noong una ay inakala kong mamamangha si Mama sa ganda ng bahay ng mga Cayman tulad ng naging reaksyon ko noon ngunit nang lingunin ko siya ay hindi ko man lamang siya nakitaan ng kahit na katiting na pagkagulat. 

“Does it look beautiful, Ma?” untag ko sa kaniya ng huminto siya para tignan ang portrait ng mga Cayman. Mula kasi ng dumating kami ay nananatili siyang tahimik at tila malalim ang iniisip. Pati ang reaksyon niya ay nananatili ring pormal. At ngayon ay naroon siya at nakatingin sa portrait ng pamilya. 

“Yes,” sagot niya at saka tumingin ng matalim sa likuran ko. “Of course.”

“What is she doing here?” sigaw ni Lucinda kaya napalingon agad ako dito. Kasunod nito ang mga anak ngunit wala si Cassius.

Agad akong nakaramdam ng tensyon at iniharang ang sarili sa harap ni Mama. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda. Pakiramdam ko ay kailangan ko siyang protektahan mula sa mga ito. Anong nangyayari? Maging si Alaric man ay ganoon din ang reaksyon sa hindi ko malamang dahilan. Meron ba akong hindi nalalaman?

“I brought her with me,” matapang kong sagot kay Lucinda. Hindi ko nagustuhan ang naging bungad niya kay Mama. “Is there any problem with that?”

Bahagyang itong kumalma ngunit nanatiling matalim ang tingin kay Mama na lalong hindi ko nagustuhan. Maging ang mga anak nito ay ganoon din ang reaksyon. Ngunit si Alaric ay nanatili sa tabi ko.

“You can stay here, Yueno, but I can never let that woman stay in my house,” matigas na saad nito na tila ba may itinatagong hinanakit. 

“Are you afraid, Lucinda?” may halong pang-uuyam na baling ni Mama dito. “That I might take everything from you again?” 

“You-” Nagpalit sa kulay pula ang mga mata nito at akmang susugod ngunit mabilis itong pinigilan ni Damien. Kumabog sa takot ang dibdib ko at mabilis na iniharang ang sarili kay Mama. 

“Hold yourself,” narinig ko pang sabi ni Damien sa ina.

Naguguluhang nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa. Ito ba ang dahilan kung bakit nagmamatigas si Mama na sumama sa akin? Dahil ayaw niyang maka-engkwentro si Lucinda? Nang hindi makatiis ay nagsalita na ako.

“Can somebody care to tell me what’s happening here?” angil ko.

“Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong ina?” asik na naman ni Lucinda kaya’t nabalik na naman kay Mama ang tingin ko.

“Napakatagal na panahon na noon, Lucinda, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin iyon nakakalimutan?”

“Ma?” gulong-gulong tanong ko.

“Hinding-hindi ko makakalimutang sinira mo ang pamilya ko Tessmarie,” sigaw na naman ni nito.

“Kung ganoon ay mas mainam pa kung aalis nalang ako para walang gulo.”

“Mas mabuti pa nga!” 

“No, Ma!” pigil ko. “Kung aalis ka, sasama ako sayo.”

Hinila ko ang mga bagahe ni Mama kay Alaric kahit mabigat saka dire-diretchong lumabas. Kasunod ko naman si Mama na seryoso pa rin ang mukha. 

“Ma, anong nangyayari?” 

“I’ll explain to you later.” Mabilis niya akong inakbayan sa braso saka siya naglakad ng mabilis. Halos magkandarapa naman ako sa pagsabay sa kanya.

“Yue!” 

Narinig ko pang sigaw ni Alaric pero hindi ko na iyon nasagot dahil bigla nalang kaming humalo sa hangin at tinangay sa kawalan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status