*Kieran*
Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.
Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Habol ko ang hininga habang patuloy pa ring tumatakbo sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang mga humahabol sa akin basta ang alam ko lang ay nasa panganib ang buhay ko. Tagaktak na ang pawis at basang basa na rin ang pisngi ko ng luhang hindi maampat-ampat. Halo-halong pagod at takot ang nagpapakabog sa dibdib ko. Hindi ako makapag-isip ng maaaring gawin. Blangko ang utak ko. Basta ang alam ko lang papatayin nila ako kapag naabutan nila ako. Nila. Wala akong ideya kung ilan silang humahabol sa akin. Nahihirapan na rin akong ihakbang ang mga paa ko. Hindi ko na kaya pang tumakbo. Gaano na ba ako katagal tumatakbo? Nauubusan na ako ng lakas pero hindi nila ako pwedeng abutan. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero wala akong ibang makita kundi puro kadiliman. Kahit saan ako tumingin ay pawang napakadilim. Nasaan ba ako? Anong lugar ba ito? Ibinuka ko ang bibig para sumigaw pero wala ni is
*Yueno* Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm clock ko. Umaga na pala. Padabog na pinatay ko ang alarm saka napahawak sa ulo. Totoo ba yon? Hindi. Panaginip lang yon. Bangungot. Tama. Bangungot lang iyon. Niyakap ko ang sarili ko at wala sa loob na kinapa ang katawan ko. Basang-basa ako ng pawis. Medyo nanginginig pa ang katawan ko habang bumabalik sa akin ng paunti-unti lahat ng nangyari sa panaginip ko. Ang mga pulang mata na iyon. Hindi tulad dati, may kakaiba doon ngayon. Kung dati ay hanggang tingin lang siya, ngayon ay nilapitan na nya ako. Dati ang batang babae ang hinaplos niya sa pisngi, ngayon ay ako na. Humagod ang kilabot sa katawan ko nang bum
Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko nang magawa ko iyong maimulat. Itatabing ko sana ang kanang braso ko sa mata pero agad din akong napadaing. Nuon ko nakitang may nakakunektang swero roon. Nagtatakang inilingap ko ang mga mata. Maputing paligid, puting kama, amoy gamot, nasa ospital nga ako. Ano nga ba ang nangyari?Hinalukay ko ang utak ko at inisa-isa ang mga pangyayari. Mula sa paglalakad ko ng late night pauwi, hanggang sa nakasalubong ko ang mga halimaw na iyon. Gumapang na naman ang pamilyar na kilabot sa katawan ko nang buong-buong isinalarawan ng utak ko ang mga itsura nila. Walang dudang sila ang mga pumapatay na napapabalita. Gusto ko sanang isiping parte lang sila ng imagination ko pero hindi. Nagpapatunay na roon ang sugat
Hindi alam ni mama na na-discharge na ako sa ospital. Kinulit ko kasi yung doctor pagkauwi nya kaya hindi nya alam. Mabuti nalang at napilit ko yung doctor. Kung ano-ano pang drama ang ginawa ko, payagan lang nila ko. Isa pa, baka maulit yung nangyari kagabi kaya mainam na din ito. Sinabi ko naman sa doktor na weekly akong magpapa-check up.Tahimik ang naging biyahe namin ni Kir. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya kung ano ang nangyari kagabi kahit na anong pangungulit nya. It's better for him not to know. The lesser you know, the safer you will be. I don't want to drag them into this.
"You ready?"Napatango nalang ako saka muling tumingin sa kabahayan. Mukhang matatagalan bago ako makauwi ulit.It's been a week mula nang mailibing si papa. Hindi rin namin nahanap ang katawan nya. I wonder what happens to papa. Kung buhay pa ba sya at kinuha lang sya ng mga masasamang bampira o wala na talaga siya. Well, I will figure it out. Sigurado akong may kinalaman ang mga Cayman dito. Malapit ko na ding malaman yun total mapapalapit naman ako sa kanila.
Matatanaw ang malapalasyong bahay ng mga Cayman, di kalayuan pagpasok sa napakalaking gate ng mga ito. I've never imagine them to lived in a palace-like-house. Near the gate is a park like garden with a small fountain in the midst. Ang ilang mga halaman ay hitik sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at ang iba ay napapalibutan ng bermuda grass. Nakapagitna iyon sa napakalaking driveway papunta sa mismong bahay. Sa gawing gilid naman ay ang garahe para sa di mabilang na sasakyan. Along the driveway in front of the house stands another fountain. A huge and stunning one."We're here," excited na sabi ni Lenora saka dali-daling bumaba nang maihinto ang sasakyan sa harap ng main door.Bumaba din ako agad pagkatanggal ko ng seatbelt. This is it. There's no turning back