Share

Cyrus

"RUZYL, you came back," ang lalaking kulay silver ang buhok ang unang nagsalita. Mula kay Ruzyl ay lumipat ang tingin nito sa kanya. "And you're... with a girl. Is she the fiancee that everyone talking about?" Mabagal nitong tanong habang titig na titig sa kanya. 

Tumaas ang isang kilay niya. Agad na naintindihan ang tinutukoy nito ng maalala ang bulungan na narinig kanina. Mula sa pamilyar na lalaki na nakilala niya sa kakahuyan ay bumaling siya kay Ruzyl na nakatingin na rin ngayon sa limang lalaki sa harap na halos lahat ay nasa kanya ang kuryosong tingin. Napatingin ito sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng lalaking kulay silver ang buhok na ikinakunot ng noo niya.

 Huminga siya ng malalim at muling napatingin sa harap. Isa-isa niyang tiningnan ang limang lalaki. Mula sa lalaking kulay silver ang buhok na masyadong mapaglaro ang dating, sa kasunod nitong lalaki na may subo-subong lollipop at parang batang naliligaw na nakatingin sa kanya, sa katabi nitong mukhang basagulero at tambay na lantaran siyang sinusuyod ng tingin habang may malisyosong ngiti sa mga labi. Sa lalaking may mahabang buhok na halos takpan na ang mga mata na siyang tanging nakikita dahil may suot itong kulay itim na mask na nagtatago sa kabuuan ng mukha nito at ang lalaking nakilala niya sa kakahuyan na hindi siya nilulubayan ng tingin kanina pa.

Tumagal ang tingin niya sa huling lalaki. Seryoso ang tingin nito na mas nagpapadagdag lang sa malakas na dating nito na masyadong magaspang at malakas. Salubong ang kilay nito, there's unsaid questions written all over his face while curiously looking at her alternately to Ruzyl. 

Naaalala kaya siya nito? Ang kuryosidad ba nito ay dahil sa naalala siya nito o dahil sa isa ito sa mga ilang tao sa academy na nakikibalita sa pagbalik ni Ruzyl rito? Mukhang magkakilala pa nga ito at ang butler niya. Are they friends?

Wala namang nagbago sa ayos nito kaya mabilis niya itong naalala, his hair still on brush up style with few strands falling on his forehead. His eyes is still expressive and intense with its dark color. Nakaka-intimidate ang dating dahil seryoso ang tingin nito kung ikumpara nong naligaw ito ng nakaraan at nakausap niya. Walang nagbago, ang misteryoso pa rin ng dating, mas lalo na ngayon.

"Where did you go?" Ang lalaking may subong lollipop na naman ang nagtanong kay Ruzyl. Tinanggal nito ang lollipop sa bibig nito at bumaling sa butler niya. "Bigla ka na lang nawala rito. Akala namin panandalian lang pero ilang buwan kang hindi nagpakita."

Huminga siya ng malalim at napatingin na rin sa butler niya na tila hindi alam kung ano ang sasabihin. 

"Sabihin mo na lang kung nasaan ang room ko. I'll go there alone mukhang ang dami mo pang dapat ayusin rito. I want to be out on this, Ruzyl. So, answer their questions," she sternly said.

Muling nalipat ang tingin ng lahat sa kanya. Kuryoso kung ano ang kaugnayan niya sa butler niya kaya inaabangan kung may sasabihin pa siyang maaring makapagbigay ng ideya sa mga ito ng relasyon niya rito. She sighed heavily when she started to feel annoyed on the stares that almost didn't leave her. Halos magdugtong na tuloy ang kilay niya ng tiningnan ang limang lalaki na bahagyang ikinagulat ng mga ito maliban sa dalawa. 

"I'll take you there, I'm sorry," sagot ni Ruzyl at bumaling sa limang lalaki. "We'll talk later," sabi niya sa mga ito at giniya na siya paalis.

"We'll wait you bud," ang lalaking mukhang tambay ang sumagot na agad na binalik sa kanya ang tingin nitong malisyoso. Malamig niya itong tiningnan. Ngumisi ito sa kanya pero nanatili ang ekspresyon niya.

Tumango si Ruzyl at bumaling sa kanya. "Let's go, miss Mavis."

Sandaling tiningnan niya ang limang lalaki bago nagpatianod sa pagyaya ni Ruzyl sa kanya. Tumabi ang mga ito para makadaan sila. Ramdam niya ang pagsunod ng tingin ng mga ito sa kanila ng malagpasan nila ito. Muli siyang napalingon sa mga ito lalo na sa lalaking iyon na dahil hindi siya nilulubayan ng tingin ay nagsalubong ang mga tingin nila. 

Ang mga mata nitong kasing dilim ng gabi ang kulay ay masyadong malalim kaya mahirap basahin. Titig na titig ito sa kanya na hindi niya alam kung dahil lang ba sa kuryoso ito o naalala siya. She withdraw her cold stare from him and turned it in front. 

"Miss Mavis—."

"Didn't I told you to call me Mavis in front of other people," pigil niya kay Ruzyl.

Napakamot ito sa kilay nito na tila nahihirapan. "I'm sorry, I can't do it. It'll be disrespectful if I call you by your name."

Napabaling siya rito. He smiled awkwardly, feeling intimidated with her cold stare, iniisip siguro na magagalit siya dahil hindi nito masunod ang utos niya. Huminga siya ng malalim at binawi na lang ang tingin rito. Hinayaan ito sa gusto nito. Ito ang unang beses na hindi siya nito sinunod and she don't mind. Hindi naman masisira ang plano niya dahil lang sa magalang nitong pagtawag sa kanya.

Nakarating sila sa kabilang building using the bridge that connected it to the main building. Ang building yatang ito ang dormitory ng mga estudyante sa academy. 

"T-tungkol kanina...," nag-aalangan nitong sabi maya-maya. Balak atang ibalik ang pinag-uusapan kani-kanina lang.

Napabaling siya rito. Napahinto ito sa paglalakad pero nanatiling nakaiwas ang tingin sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya.

"About my father, how did you know about it?" Baling nito sa kanya. "Alam kong may alam ka dahil sa mga salitang binitawan mo kanina at sa tono ng iyong pananalita ng sinagot mo si papa."

"I am Mavis Salvatore," simpleng sabi niya, na sa pamamagitan ng pagsabi ng pangalan niya ay masasagot niya ito. Mukhang nakuha naman nito dahil dahan-dahan itong tumango. Nakatitig ito sa kanya ng may pag-aalangan tila sinusukat ang ekspresyon niyang hindi naman nagbabago. "I know a lot about your clan, kahit ang dahilan ng pagsilbi mo sa akin," sabi niya.

"I am still an Alejandro," naisatinig nito na para bang iniisip niyang hindi.

"I know," sagot niya rito. "The headmaster was the one who isn't."

Gulat itong napatingin sa kanya. She just look at him coldly. "I told you I know a lot about you. You're my butler anyway," she said dismissively at pinagpatuloy ang paglalakad. Mabilis itong humabol sa kanya.

"Miss Mavis," tawag nito sa kanya.

Muli siyang napahinto at bumaling rito. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang uri ng tingin nito sa kanya. Huminga siya ng malalim.

"Sinabi ko na madami akong alam tungkol sa iyo but I never said that I know everything. Stop looking at me like that," salubong ang kilay niyang sabi. "Kung sekreto iyon ay hindi ko iyon ipagkakalat."

Talagang hindi niya ipagkakalat dahil malaki ang epekto non sa plano niya.

Napakamot ito sa kilay nito at napanguso na mas lalong ikinasalubong ng kilay niya. 

"I know... but... you know half of my life—."

"I did but still I don't trust you," pigil niya sa ibang sasabihin pa nito. Walang pinagbago ang eskpresyon, wala pa ring emosyon. Hindi niya alam kung ano ang nais nitong ipabatid sa kanya but she want him to know it. She will never trust anyone including him even she knew almost of his story. Kahit na alam niya pa ang dahilan ng paglapit nito sa kanya.

She investigated his background para makita kung dapat niya ba itong tanggapin bilang butler niya. Nalaman niya halos kalahati ng pinagdaanan nito at kabilang na ang tungkol sa ama nito. But those are just a phase at kahit na alam niya pa ang lahat she still wont trust him. She will never trust anyone. Hindi ibig sabihin na hinayaan niya itong makita ang halos lahat ng ginagawa at pinagkakaabalahan niya ay alam na nito kung paano tumakbo ang isip niya at may tiwala na siya rito.

Natigilan ito at awang ang labing napatingin sa kanya. Hindi inaasahan ang biglang sinabi niya. Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya, hindi pa rin nakabawi sa kaniyang sinabi at hindi alam kung paano tumugon. Tinikom nito ang bibig nito. He licked his lower lip and opened it again to say something pero walang salitang lumabas. She sighed and turned her back at him.

"Lead me to my room. I need to take rest," utos niya at nauna nang nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam pero bahagya siyang nakaramdam ng guilt dahil sa nakitang reaksyon nito sa sinabi niya.

Ilang segundo pa itong nanatiling nakatayo don bago ito humabol sa kanya. Hindi na muli ito nagbukas ng kahit anong usapan kaya binalot sila ng katahimikan. Sobrang tahimik nito at kapansin-pansin ang malalim nitong pag-iisip. Hinayaan niya ito. Dalawang hagdan pa ang inakyat nila bago sila nakarating sa tamang palapag. Huminto sila sa harap ng isang pinto.

"T-this will be your room. I'll let you rest for now. Just call me if you need anything," sabi nito.

She stared at him and nodded. Hindi naman ito makatingin sa kanya ng deretso at halos nakayuko lang. Nanatili ang tingin niya rito hanggang sa nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila. Nanatili ang ekspresyon niya habang napalunok naman ito.

"You should take a rest too," naisatinig niya. 

Umawang ang labi nito pero bago pa ito makapagsalita ay tumalikod na siya at binuksan ang pinto gamit ang student card na binigay sa kanya kanina ni mr. Alejandro. She closed the door immediately. Habang nanatili naman si Ruzyl hanggang sa tuluyang sumara ang pinto. 

Agad na ginala niya ang tingin sa silid. May shoe rack sa gilid ng pintuan. Malaki ang bintana sa di kalayuan na natatakpan ng makapal na puting kurtina. May maliit na book shelves at sa gilid non ay may study table. There's a door for the bathroom at closet para sa mga damit. Nasa gitna ng silid ang queen side bed. Hindi malaki ang silid pero hindi din naman maliit. Tama lang para sa isang tao. 

Naglakad siya palapit sa kama. Nasa paanan na non ang mga maleta niyang naglalaman ng mga dala niyang gamit. She removed her shoes and put herself on the bed. Huminga siya ng malalim. She want to take rest first. Hindi naman siya nabigo dahil makalipas ang ilang minuto na nanatili siya nakatihaya sa kama ay dinalaw din siya ng antok at tuluyang nakatulog.

Muli siyang nagising sa isang masamang panaginip. Napabalikwas siya ng bangon at habol niya ang kaniyang paghinga. Napatulala siya habang sapo ang dibdib at mabilis na humihinga. Napapikit siya ng mariin habang kinakalma niya ang sarili.

Hindi talaga siya kahit kailan nagkaroon ng magandang tulog. Sa bawat pagpikit niya ng mga mata niya ay gigising siya sa parehong paraan at iyon ay ang masamang panaginip niya na hindi siya nilulubayan. 

Dumilat siya at bumaba ng kama niya. Naging maayos na ang paghinga at nakabawi na sa biglaang pagbangon. Naglakad siya palapit sa bintana at hinawi ang makapal na puting kurtinang nakatabing rito. Sumilip siya sa labas. Agad na sumalubong sa kanya ang malawak na kakahuyan sa labas ng academy at ang asul na asul na kalangitan. Nang ibaba niya ang tingin ay ang iilang estudyante naman ang nakita niya. 

Huminga siya ng malalim at binalik sa pagkatabing ang kurtina at lumayo na sa bintana. Ginala niya ang tingin para maghanap ng maaaring matingnan ng oras. Hindi naman siya nabigo dahil may alarm clock sa bedside table na mabilis niyang nilapitan para tingnan ang oras. It's late four in the afternoon. Matagal din pala ang itinulog niya.

Nilapag niya muli sa bedside table ang alarm clock. Nilapitan niya ang maleta niya. Pinahiga niya iyon sa sahig at binuksan. Kinuha niya ang mga damit niya at nilagay iyon sa closet. Ang ibang mga gamit niya ay hinanapan niya ng malagyan at ang mga hygiene kit naman niya ay dinala niya sa bathroom. Ang medyo maliit na maletang dala ay nilagay niya rin sa closet. Hindi na pinagkaabalahang buksan dahil hindi niya pa naman magagamit ang laman non. Nang matapos ayusin ang gamit ay muli siyang umupo sa kama at kinuha ang cellphone niya. May natanggap siyang email mula kay mang Isko at iba pang reports na sandali niya munang binasa. 

Nang makaramdam ng gutom ay muli siyang tumayo. Kumuha siya ng jacket sa closet at pinatong iyon sa puting bestidang suot. Binulsa niya ang cellphone niya at ang student card bago lumabas. Hindi na nag-abalang tawagan si Ruzyl at piniling hanapin ang cafeteria ng academy ng mag-isa. 

Mag-isa siyang naglalakad palabas ng dormitory building. Ang mga estudyanteng nadadaanan ay hindi pa din nakabawi at nakasunod pa rin ang tingin sa kanya. Hindi niya tuloy naiwasang magsalubong ang kilay niya sa irita. Hindi nagustuhan ang tinging hindi siya nilulubayan.

"New student?"

"Yeah, kasama siya ni Ruzyl dumating kanina. Ang sabi fiancee niya raw."

"Huh? Di'ba girlfriend niya si Lexi?"

"But they broke up—."

Nahinto siya sa paglalakad at hindi na nakatiis. Nilingon niya ang dalawang babae na ikinatigil ng mga ito. Wala naman siyang ibang ginawa at normal lang na tiningnan ang mga ito pero dahil sa guilty dahil sa ginawa siyang pulutan sa usapan ay nagmamadali ang mga itong umalis.

Hindi niya man lang nabalitaan na mas grabe pala pagdating sa tsismisan ang mga tao rito sa academy kung ikukumpara sa labas.

Huminga siya ng malalim at bahagyang ginala ang tingin bago lumiko sa direksyon na walang masyadong tao na pumupunta. Gusto niyang maglakad ng walang naririnig na kahit anong bulungan o usapan tungkol sa kanya. Bagot na ata ang mga tao rito at nauumay na sa paulit-ulit na mukha kaya ng may dumating na bago ay halos hindi lubayan ng tingin at usapan.

She peacefully walking, malalaki ang mga puno sa bahaging ito pero malayo naman ang agwat sa bawat isa. Sinundan niya lang ang daan habang tahimik na inuusal na sana ay patungo ito sa cafeteria. 

Ang marahang paglalakad niya ay unti-unting bumagal ng makarinig siya ng mahihinang kilos at kaluskus. Nahinto siya sa paglalakad pero nanatili sa harap ang tingin niya at pinakinggan ang bawat kilos ng kung sino mang tao na palapit sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. Gumalaw ang mga mata niya ng makita mula sa peripheral vision niya ang anino ng isang tao. Minamatyagan niya ang kilos nito. Nakita niya ang pag-angat ng kamay nito palapit sa kanya ngunit bago pa iyon lumapat sa kanya ay lumingon na siya rito.

Nabitin sa ere ang kamay nito. Bahagyang napaatras sa biglaan niyang paglingon pero mukhang hindi naman nabigla. Napatitig siya sa lalaki. It's the guy in the woods again. Anong kailangan nito sa kanya? Nangunot ang noo niya at napatingin sa nakabitin nitong kamay sa ere. Mukhang napansin nito ang tingin niya dahil binaba nito ang kamay at binulsa.

"Anong ginagawa mo?" Salubong ang kilay na tanong niya rito.

He casually looking at her. Tiningnan siya ng mabuti na para bang namamalikmata ito. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"It's really you," sambit nito. "The princess in the woods," mahinang dugtong nito.

So, he do remember her. Sinundan ba siya nito para kumpirmahan nga siya nga iyon ang sa kakahuyan?

"Inaasahan ko na makikita ka ulit pero hindi ko inasahan na ganito kaaga," sabi nito habang nanatili ang tingin sa kanya at nasa bulsa ng pantalon ang kamay. 

"Anong kailangan mo?" Tanong niya rito.

Tumaas ang kilay nito, maya-maya ay umiling. "Kinumpirma ko lang kung ikaw nga ang babaeng iyon. I didn't expect to see you here at the academy so I doubted when I saw you earlier with Ruzyl. Why are you with him, anyway?"

"Why would I answer you?"

"Still grumpy, I see," tumatangong sabi nito habang gumuguhit ang naaaliw na ngiti sa labi nito. "Ang sungit mo sa kakahuyan pa lang, you looked like a cold princess akala ko dahil lang sa nahuli mo ako sa pribadong lugar ninyo kaya malamig kang makitungo sa akin. Talaga nga pa lang masungit ka sa kahit sino. Alam mo bang pwede naman tayong maging magkaibigan?"

"Hindi," malamig niyang tugon at tinalikuran na ito. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."

Ang paghakbang niya ay nahinto ng bigla na lang itong humarang sa kanya. Muntik pa siyang mabunggo sa dibdib nito kung hindi lang siya napahinto agad at umatras.

 Salubong na naman ang kilay niya ng mag-angat siya ng tingin rito. Bahagya pa siyang natigilan ng makasalubong niya ang madilim nitong mga mata. His set of eye really full of mystery, ang lalim na kapag tinitigan mo ay pakiramdam mo ay nalulunod ka at nawawala. Medyo may kakaiba kapag tumatagal ang tingin niya rito pero hindi niya iyon matukoy. Ito talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit niya ito pinagdududahan sa una pa lang na nakatagpo niya ang mga mata nito. Dahil bukod sa nakakaduda ang pagkaligaw nito sa kakahuyan malapit sa kanilang mansion ay alam niyang may kakaiba rito, napakamisteryoso nito sa kabila ng mga casual nitong emosyon at ekspresyon na ipinapakita. Ang hirap nitong tukuyin.

"What do you want?" Nauubos na naman ang pasensya niyang tanong rito.

He smiled. Ngiti na ang misteryoso pa rin ng dating sa kanya.

"Are you Ruzyl's fiancee?" Tanong nito.

Bakit ba siya napagkakamalang fiancee ng butler niya? Kanina niya pa ito naririnig sa mga estudyante rito at kanina pa din siya naiirita sa mga usapang haka-haka lang at walang pagbabasehan. Aminado siyang alam niya ang background ng butler niya pero limitado ang alam niya at kabilang na ang lovelife nito sa limitasyon na iyon kaya wala talaga siyang ideya sa mga usapan ng mga tao rito kanina pa mula ng dumating sila rito.

"I'm not," tinatamad niyang sabi. Nag-angat siya ng tingin rito, naiirita na at isang ihip na lang yata ng hangin ay magkakabuhol na ang kilay niya. Nadagdagan pa ang irita niya ng makita ang sinusupil nitong ngiti.

"Na sa inyo ba siya sa ilang buwan na nawala siya rito sa academy?"

Huminga siya ng malalim. At masamang tiningnan ito. "Hindi ko obligasyon na punan ang kuryosidad mo. Why don't you ask Ruzyl hindi ba't mag-uusap kayo?" Sagot niya ng maalala ang sinabi kanina ni Ruzyl sa mga ito bago sila umalis para pumunta sa silid niya sa dormitory.

"You said his name like you know him for too long," kunot ang noo nitong puna. "Talaga bang hindi ka niya fiancee?" muling tanong nito na ikinaubos ng maikling pasensya niya.

"Idiot," iritang sabi niya rito. Pairap niyang iniwas ang tingin rito at nilagpasan ito.

She heard his low chuckle that halted her steps. Nilingon niya ito at nakita niya ang bahagyang pagyuko nito habang tumatawa. Nang mag-angat ito ng tingin ay bahagyang tinamaan ang mukha nito ng sikat ng araw na sumisilip sa sanga ng kahoy. Mas lalo tuloy nadepina ang pagkaaliw sa mga mata nito. Pinaglalaruan ba siya nito?

Bumaling ito sa kanya. Nasa mga bulsa nito ang kamay habang nakangiti ng naaaliw. She stared at him blankly.

"You're so sexy and pretty with your emotionless eyes... but...," tumigil ito at tinitigan siya. "you're... gorgeous and addictive in your eyes with flickered emotions, Mavis," sabi nito habang nakatitig sa kanya.

Napasinghap siya. Bahagyang natinag sa sinabi nito at sa pagbanggit nito ng pangalan niya. She feels how her heart starting to lit up by beating it faster than it's normal pace. Nangunot ang noo niya sa naging reaksyon niya. Bumaling siya rito ngunit bago niya pa ito natanong kung paano nito nalaman ang pangalan niya ay muli itong nagsalita.

"I heard Ruzyl called you miss Mavis, earlier," he answered her unsaid question. "He's calling you miss... so respectful... but princess is much more better than it because it's suited to you well. Don't you think?"

Napatitig siya rito. She pursed her lips, her forehead knotted. 

This stranger is really unpredictable. Is he flirting with her?

"I didn't ask. Kung wala kang matinong sasabihin aalis na ako," sabi niya at muli itong tinalikuran para lang muling mapahinto ng muli itong magsalita.

"Hindi mo ba itatanong kung ano ang pangalan ko katulad no'ng nakaraan sa kakahuyan?"

Nahinto siya sa paglalakad at nilingon ito muli. Ngumiti ito sa kanya habang nanatili naman ang iritang ekspresyon niya dahil bukod sa kanina niya pang gustong umalis ay nagugutom na siya.

"Cyrus... I am Cyrus. In case you're still interested to know," usal nito.

Umawang ang labi niya pero wala namang salitang lumabas. Ilang sandali siya nakatitig rito before she closed her lips and moistened it. Huminga siya ng malalim, mahina siyang napatikhim at muli itong tinalikuran, hindi na nag-abala pang magsalita. Pinagpatuloy niya ang pag-alis at hindi na muli itong nilingon kahit na ramdam niya ang pagsunod ng tingin nito sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status