MULA nang magising siya at inangkin ang bagong pangalan na kaniyang dinadala ay walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang paghihiganti. Tinapos niya ang pag-aaral ayon sa kagustuhan ng mga taong natirang tapat sa angkan ng Servillon at nag-alaga at gumabay sa kanya pero sa bawat librong nababasa niya ay may planong nabubuo sa utak niya. Sa bawat panibagong ideya at bagay na natutunan niya ay may binabalikan siyang mga traidor at kalaban para iwala sa landas niya. Pero sa kabila ng lahat ng mga nagawa niya sa nagdaang taon ay hindi pa siya nagsisimula, hindi pa iyon ang simula... dahil ang pagtapak niya sa Académie des héritiers ay ang siya pang hudyat ng tunay na simula ng kaniyang plano para tuparin ang pangakong binitawan niya ng araw na iyon.
"Natapos nang ma-empake ang mga dadalhin mong gamit at damit, señorita. Naihatid na rin ho sa ibaba at nailagay na sa sasakyan."
Isang katulong ang bumasag sa malalim na pag-iisip ni Mavis. Tumango siya habang hindi ito nililingon at nanatili sa tinatanaw na kapaligiran ang atensyon.
"You can go now," utos niya.
Mababang yumuko ang katulong bago tumalikod para lumabas ng kaniyang silid. Napapikit siya ng marahang umihip ang hangin na humahalik sa makinis niyang balat. Napahawak siya sa railings ng balkonahe at napasinghap.
Ngayong araw ang pagtungo niya sa Académie des héritiers. Ang pagpasok niya sa academy ang kaniyang magiging unang hakbang sa kaniyang plano. She waited this for a long time. At hindi siya papayag na masisira ang lahat ng ito....
Napapikit siya.
'Mama, papa... malapit na po. Matutupad ko na ang pangako ko. At sa oras na matatapos ko ito, babalik ako bilang tunay na ako. Babalik ako bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Servillon, bilang nag-iisang anak niyo na si Mavis Ariestiel Servillon.'
She opened her bloodshot eyes, may luhang namumuo pero hindi naman pumapatak. At habang tumatagal ang titig niya sa tahimik na kapaligiran ay unti-unting gumuhit ang mukha ng taong naging dahilan ng lahat at laging laman ng kaniyang masamang panaginip. Ang mga kulay berdeng mga mata nito na mahahalintulad sa kalikasan ay parang nag-aalab at puno ng kasakiman at kasamaan. He'll always be her nightmare... but she's not afraid. She will hunt him... she will hunt her nightmare until it ends. Chairman Resalde, the chairman of the academy, she need to meet and kill him like how he killed her family .
Ilang minuto pa siyang nanatili roon hanggang sa sinundo na siya ni Ruzyl dahil aalis na. Sa pagbaba niya kasunod si Ruzyl ay nag-aantay na si mang Isko at aling Mara sa bulwagan. Nakahilera ang mga katulong at tauhan sa magkabilang gilid. All of them is ready and preparing to send their señorita off. With her stoic expression she hovered her gaze at them until it's stop to the old couple. Aling Mara and mang Isko is looking at her seriously. They're worried for letting her enter at the academy alone but their trust on her is dominating more than their worries.
Dapat lang... dahil wala namang makakapigil sa kanya. Even them.... Sa academy niya lang makikita ang chairman at kung gusto niyang maghiganti ay dapat lang na pasukin niya ang teritoryo nito.
Sa paghakbang niya sa gitna palabas ay magkapanabay na yumuko ang lahat sa kanya.
"Bon et bon voyage, señorita," magkapanabay na sabi ng mga ito nang marating niya ang malaki at mataas na pintuan ng mansion. Wishing her a good and safe journey. Tahimik lang si Ruzyl sa likuran niya na hindi niya na pinagkaabalahan pang lingunin.
Nanatiling nakayuko ang mga ito hanggang sa lumapit ang mag-asawa sa kanya.
"Hihintayin namin ni Mara ang tawag mo, mag-ingat kayo." seryosong sabi ni mang Isko sa kanya.
She nodded at him and smiled. She hovered her eyes at them again before she turned her back. Hinatid siya ng tanaw ng mag-asawa. Naghihintay na ang sasakyan sa harap mismo ng mansion. Pinagbuksan siya ng pinto ni Ruzyl at walang salita naman siyang pumasok. Nakasunod ang tingin niya rito ng pumihit ito patungong driver side hanggang sa nakaupo ito sa driver seat.
Sumilip ito sa kanya at dahil sa nakamasid siya rito ay nagtama ang mga mata nila. Nagulat ito pero agad din namang nakabawi at agad na pumihit sa harap. Huminga siya ng malalim at nilipat na lang sa labas ng bintana ang tingin hanggang sa umusad na ang kotse. Sa kalagitnaan ng byahe ay pinatay niya ang bagot sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro.
Halos isang oras ang byinahe nila patungong academy. Natapos niya lang ang librong binabasa ay hindi pa rin sila nakarating.
Isinara niya ang libro matapos basahin ang huling pahina nito at binaba iyon sa gilid niya. Sakto namang pumasok sa kakahuyan ang kotse kaya nawala ang araw na tinakpan ng malalaking sanga ng mga puno. Malapit na sila sa academy.
Habang pinagmamasdan niya ang mga naglalakihang puno na nadadaanan ay halo-halo ang emosyon na kaniyang nararamdaman pero mas nangingibabaw ang hindi niya maikailang pananabik na makarating sa lugar. Pananabik sa mga bagay na makikita, sa mga pangyayaring masasaksihan at pananabik na personal na makikilala ang mga taong sadya, especially the chairman.
Ilang metro na lang ang layo mula sa mataas na gate ng paaralan ng umangat siya mula sa pagkakaupo na ikinalingon ni Ruzyl sa kanya. Akmang ihihinto nito ang sasakyan ng tinapunan niya ito ng masamang tingin habang kumikilos siya palipat sa front seat.
"Keep driving," utos niya rito.
Tumango naman ito pero panaka-naka ang pagbaling sa kanya. Nang makalipat sa unahan ay bahagyang inayos niya ang nagusot na damit at sumandal sa back rest. Bumaling siya sa butler niya na kita ang pagtataka at kaguluhan sa ginawa niyang paglipat pero pinili pa rin na manahimik.
"I want you to act normal when we'll arrive in the academy."
"Miss Mavis?" Naguguluhan nitong tanong at sandaling bumaling sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tuluyan ng humarap rito. "Sa pagpasok natin sa academy I don't want you to act as my butler. Wag mo akong pagbuksan ng pinto, ipaghila ng upuan, ipaghanda ng pagkain at inumin at wag kang lumapit kapag hindi ko sinabi," she said with her usual tone, cold and emotionless.
"Sinasabi mo ba na magpapanggap akong hindi ka kilala, miss Mavis?" Tanong nito.
Umiling siya. Tumuwid sa pagkakaupo at binalik sa harap ang tingin. Palapit na palapit na sila sa mataas na gate ng academy. Mula sa distansya na nakapagitan ay malinaw na mababasa ang pangalan ng paaralan. 'Académie des héritiers' was carved above the steel gate. It looks so old and abandoned because of the vines that sorrounded it. Kung titingnan ay aakalain mong pinabayaan na at walang katao-tao ang lugar, idagdag pa ang katahimikan na tanging ihip ng hangin at huni ng mga ibon at ng kung anong hayop ang tanging naririnig. Somehow, she remembered a fantasy movie with the gate of the academy.
"Hindi, sinasabi ko na wag ipakita at ipaalam na pinagsisilbihan mo ako," she answered. "Wag kang lumapit at gumawa ng isang bagay para sa akin ng hindi ko sinasabi o inuutos sa iyo," pagpapatuloy niya habang tuwid ang tingin sa gate na dinig ang ingay ng unti-unting pagbukas nito sa paglapit ng kotse nila.
Bumaling siya kay Ruzyl na ngayon ay napatingin din sa kanya matapos sandaling ihinto ang kotse habang hinihintay ang tuluyang pagbukas ng gate.
"It's my job to serve you and I promised to be a good butler to you, miss Mavis. Ang hirap naman ng pinapagawa mo," sabi nito.
"It's my order, Alejandro. Just follow it."
"But miss Mavis—."
Tiningnan niya ito ng masama na ikinatigil nito. Napaupo ito ng tuwid at nag-iwas ng tingin sa kanya. Napatikhim ito at kahit na pasimple ay nakita niya pa rin ang bahagyang pagkamot nito sa kilay.
Bumuntong-hininga siya at binaling muli sa harap ang tingin. Tuluyan ng nakabukas ang gate kaya nagsimula na ulit sa pagmamaneho si Ruzyl papasok.
Sinuyod niya ng tingin ang mga nadadaanan nila. Nasa loob na sila ng academy pero pakiramdam niya ay nasa kakahuyan pa rin sila dahil sa mga punong nakahilera sa bawat gilid ng malapad na kalsada, ang pinagkaiba lang ay maraming mga estudyante ang nagkalat na pare-parehong napapabaling sa pagdaan ng kotse nila. Kita din ang ilang mga sculpture at fountain sa paligid. Mga halaman na iba't iba ang hugis dahil madalas na tinitrim. Habang papalapit sa building ng paaralan ay mas dumadami ang mga estudyante na kuryosong sumusunod ang tingin sa kotse nilang dumadaan. Kita niya ang pagbubulungan ng ilan, ang pagsalubong at pagtaas ng kilay ng iba at ang mga walang pakeng tingin ng iba pa.
Mula sa mga estudyanteng nadadaanan ay umangat ang tingin niya sa building na may halong French at Greek architectural design. Tatlo ang malalaki at malalawak na building na may parehong tema at desinyo, mas magarbo nga lang ang main building na napagitnaan ng dalawa pang building. Sa gitna nito ay nakaukit ang pangalan ng paaralan ganun din ang logo nitong sulo pero imbes na apoy ay diamante ang sa tuktok. Tumaas ang isang kilay niya at kalmadong napasandal sa upuan. Ramdam niya ang pagbaling ni Ruzyl sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin hanggang sa huminto ang kotse sa harap ng main building.
Maraming maliliit na building maliban sa tatlong ito sa harap. The Academy was large and spacious. Hindi abot ng tingin ng isang tao dahil sa lawak. Hindi niya matantya ang sukat ng buong lugar pero kasing laki ito ng isang barangay.
"Miss Mavis—."
"Remember what I told you earlier, Ruzyl," putol niya sa sasabihin sana nito. Bumaling siya rito at kita niya ang gulat nito sa pagtawag niya rito ng pangalan nito. She raised her right eyebrow at him. "Let's act as if we're friends not as boss and butler."
"Miss Mavis—."
"Call me Mavis in front of everyone," utos niya. Umawang ang labi nito. Nakatitig pa rin sa kanya at hindi alam kung ano ang irereact at sasabihin. Sinenyasan niya itong lumabas gamit ang ulo niya. "Get out, now."
Ilang sandali pa itong nanatili bago malalim na bumuntong-huminga at kumilos palabas ng kotse. She crossed her arms on her chest while watching the lit up expressions of students, mostly girls sa paglabas ni Ruzyl. Nakakagulat pero expected na naman niya. He's the son of one of the boards anyway.
"Akala ko kung sino, si Ruzyl lang pala." I heard one of the student exclaimed. "Saan siya galing?"
"Ilang buwan ko siyang hindi nakita rito may inutos ba ang headmaster sa kanya?"
"I missed him... ilang buwan ko rin siyang hindi nakita rito sa academy kasama sina Wallace."
Ilan lang sa mga bulungan na naririnig niya.
Napabaling siya kay Ruzyl na bahagyang iginala ang tingin sa mga estudyanteng nakamasid rito na akala mo ay nakakita ng artista. Napalingon ito sa kanya na kahit tinted naman ang kotse ay natagpuan pa rin ang mga mata niya. Kita ang pagtataka nito sa hindi pa rin niya paglabas at bago pa ito pumihit sa direksyon niya para pagbuksan siya ng pinto ay umusod na siya palapit sa pinto at tinulak iyon pabukas. Mula kay Ruzyl ay agad na bumaling sa pagbukas ng pinto ang mga mata ng mga tao. Halos sabay-sabay na nag-iba ang ekspresyon ng mga ito sa paglabas niya.
A gentle wind was blowing her long wavy hair, kahit ang puting bestidang suot niya ay bahagya ding nilipad ng hangin. Isinara niya ang pinto at tinapunan ng malamig na tingin ang mga kuryoso at nagtatakang tingin ng mga tao sa kanya. Magkaiba ang ekspresyon ng bawat isa, may humahanga, may naiinis, may mapanghusga, may kuryoso at mayroon din namang walang pakialam.
"Who's she?" Dinig kong bulong ng isang babae sa kasama nito malapit sa akin.
"Ruzyl's new girlfriend?"
"What? How about Lexi? Hindi ba sila na?"
"Yeah, but I heard that Ruzyl was arranged to be married to a girl from a well-known clan kaya naghiwalay sila ni Lexi. Siya ata ang babaeng iyon."
Tumaas ang isang kilay niya sa narinig at napabaling kay Ruzyl na napakamot sa kilay at nag-iwas ng tingin sa kanya. Mukhang narinig din nito ang bulungan. What's this? May tinakasan atang gulo ito rito at ngayon ay mukhang madadamay pa siya.
"Ms. Mavis Salvatore welcome to the Académie des héritiers."
Awtomatikong umangat ang tingin niya sa taong bumanggit ng pangalan niya. Bumungad sa kaniya ang lalaking mga nasa singkwenta na ang edad at malawak ang ngiti sa kanya. Naglalakad ito palapit sa kanya habang sumusunod naman ang mga mukhang guro at may katungkulan sa paaralang ito. Sinuyod niya ang tingin sa mga ito hinahanap ang taong pinakasadya, pero katulad ng inaasahan ay wala si Chairman Resalde.
Mukhang mahihirapan siyang makita o makaharap man lang ito. But it's okay, hindi niya naman gusto na bigla na lang siya mawala sa huwisyo kapag makita niya ito at bigla na lang itong sugurin at patayin dahil sa galit at poot niya.
Dinig na dinig niya ang pagsinghap ng halos lahat sa pagkarinig ng pangalan niya. She remained her cold expression, hindi natinag sa gulat na tingin ng karamihan matapos marinig ang pangalan niya at makilala siya. Hindi niya naisip na nakakarating ang pangalan niya rito but she's a well-known heiress of Salvatore's empire. Walang nakakagulat kung kilala nga siya, the empire is on top anyway, dapat lang na kilalanin ng lahat ang tagapagmana nito.
"Papa," sambit ni Ruzyl.
Bumaling si Mr.. Alejandro kay Ruzyl at tiningnan ito ng makahulugan. Tumango ng marahan si Ruzyl rito at bumaling sa kanya. Seryoso niya itong tiningnan, napatikhim ito at yumuko bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Bumaling siya sa mga bagong dumating na tuluyan ng nakalapit sa kinaroroonan niya.
"We were glad for having you at our Academy, Ms. Salvatore. I am Russell Alejandro, the academy's headmaster," ani ni Mr. Alejandro kasabay ng paglahad ng kamay sa kanya.
Bumaba ang tingin niya sa nakalahad nitong kamay. Nag-angat siya ng tingin rito at deretso itong tiningnan sa mga mata. The headmaster smiled at her but she just remained her cold expression, didn't even mind to smile back.
"Mavis Salvatore, Salvatore clan's heiress. I am thrilled to finally meet you Mr. Alejandro," tanggap niya sa pakikipagkamay nito. Still not showing any emotion.
Mr. Alejandro smiled wider. "Let's continue our discussion to my office, Ms. Salvatore."
She nodded at him. Sandaling bumaling ito sa mga estudyanteng nakamasid bago iginiya sa kanya ang daan patungo sa office nito.
"This way." He said and lead the way.
Lumingon siya kay Ruzyl na nakatingin din sa kanya. Tumango siya rito at sumunod na sa headmaster. Sumunod din si Ruzyl, tanging tatlo na lang sila ang naglalakad papasok sa main building. Naiwan ang mga kasama kanina ni Mr. Alejandro sa labas.
Nakasunod ang tingin ng lahat sa kanila sa kanilang paglalakad sa corridor. Halos lahat ay bakas ang tuwa at bigla ng makita si Ruzyl pero kapag lilipat ang tingin sa kanya ay napapalitan ng kuryosidad ang ekspresyon ng mga ito na hindi niya pinagtutuunan ng pansin dahil abala siya sa pagmamasid sa arkitektura ng lugar. Kahit sa bawat lilok ng haligi at dingding ng lugar ay masyadong inspired ng Greek and French architecture. Sa malaking chandelier at mga lanterns maging sa mga paintings at maging sa mga sculpture. The place was really made for all the heirs and successors of wealthy families. Everything screamed wealth and power.
Huminto sila sa harap ng double doors. Tinulak iyon ni Mr. Alejandro pabukas. Lumingon ito sa kanya at nilahad ang pintuan. Nauna siyang pumasok sa mga ito at agad na ginala niya ang tingin. There were elevated shelves that are full of books. Sa harap ng malaking bintana ay naroroon ang mesang gawa sa matigas at matibay na kahoy. The other part of the room is the living area with a coffee table at the center.
Tumungo si Mr. Alejandro sa table nito. Huminto naman sa gilid niya si Ruzyl na tahimik lang na nakatingin sa ama nito.
"This is your student card, Ms. Salvatore. Maaari mo itong gamitin sa lahat ng kakailanganin mo rito sa academy including your foods, this will also serve as your key card to your room."
Lumapit siya sa mesa nito at kinuha niya ang nilahad nitong kulay asul na card. Pinasadahan niya ito ng tingin. It has her name and a student number. Sa gilid ng card ay logo ng academy. May tinulak itong papel palapit sa kanya kaya agad na nalipat ang tingin niya rito.
"This will be your class schedule. Ikaw ang pinakabagong estudyante na tinanggap ng academy sa taong ito. Enrollment was already done months ago at wala na sana kaming balak na tumanggap pa ng late enrollee dahil puno na ang slot but of course you're a Salvatore, we can make an exception since it was your clan's empire who's on top today. it would be our pleasure to have you here at the Académie des héritiers."
Kinuha niya ang papel at binasa iyon. Ramdam niya ang paglapit ni Ruzyl sa kanya na nakitingin rin sa schedule niya. Napabaling siya rito. Napatikhim naman ito at bahagyang lumayo kasabay ng pasimpleng pag-iwas ng tingin. Binalik niya ang tingin sa pagbabasa ng schedule niya.
"Isn't it too early for you to come here at the academy, Ms. Salvatore?"
Early? She already late... dapat nga ay matagal na niyang pinasok ang academy na ito.
Nahinto ang pagbabasa niya at agad na nag-angat ang malamig niyang tingin kay Mr. Alejandro. Kahit si Ruzyl ay napabaling rin sa ama nito. She smirked without any emotions visible in her eyes. Wala na ang nakangiti at maaliwalas na mukha nito ng salubungin siya nito kanina at magpakilala sa kanya. Seryoso ang ekspresyon nito habang nakatitig sa kanya at sinusuri siya. She was right all along, huh. Wala pa siyang ginagawa ay napatunayan na agad ang duda niya sa mga Alejandrong ito na mahilig magpain sa kanya pero ang mga ito naman ang nahuhuli sa halip na siya.
"Isn't it too nosy for you to asked, Mr. Alejandro?" She coldly snapped back. Binaba niya ang binabasang papel at deretso itong tiningnan. "Dapat ay matuwa ka sa pagdating ko rito."
Naningkit ang mga mata nito ngunit bago pa ito makapagsalita ay inunahan na niya. Itinaas niya ang papel at card na binigay nito.
"Thank you for the warm welcome. I appreciate it," she said and turned her back. "I'll see you soon."
Nakailang hakbang pa lang siya ng mapahinto siya. Nilingon niya si Ruzyl na nanatiling nakatingin sa ama nito, tila naghihintay ng kung anong utos o sasabihin nito.
"And Mr. Alejandro...," sabay na bumaling ang mag-ama sa kanya ngunit nanatili kay Ruzyl ang mga mata niya. "I owned your heir now," bumaling siya sa matandang Alejandro. "Pinapaalala ko lang," sabi niya at bumaling muli kay Ruzyl. "Let's go," malamig niyang utos rito. Nagmamadali naman itong sumunod sa kanya pero palingon-lingon ito sa ama.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at sabay silang lumabas ng headmaster's office. Nang maisara nito ang pinto ay napatingin ito sa kanya.
"Ituro mo sa akin ang magiging silid ko," utos niya na mabilis nitong ikinatango.
Magkasabay silang naglalakad sa corridor katulad kanina ay nakasunod pa rin ang kuryosong tingin ng mga estudyante sa kanila. There are an obvious unsaid questions at their faces while staring at them.
Nang mapaliko sila sa bahagi ng corridor ng walang masyadong tao ay unti-unting bumagal ang paghakbang ni Ruzyl hanggang sa tuluyan na itong mapahinto na ikinahinto niya rin sa paghakbang. Napalingon siya rito. She raised her eyebrow at him.
"Gaano kadami ang alam mo tungkol sa akin?" Tanong nito.
Napatitig siya rito. At katulad ng unang pagtagpo ng mga mata nila ay muli niyang nakita ang mga emosyon nito. Mga emosyon na madalas makikita lang sa mga taong tinalikuran at inabandona. Weak and lost at naghahanap ng magkakalinga.
"Madami na masyadong nakakapagod pag-ilalahad ko lahat," walang bakas na kahit anong emosyon na sabi niya habang nanatiling nakamasid rito.
"Dapat ko bang ipagpasalamat iyon?" He asked her, a little bit uncomfortable. Titig na titig sa kanya.
"You should," balewalang sagot niya at tumalikod na. Balak ng tapusin ang pagtatanong nito dahil masyadong sayang sa oras. "Let's go, I need to take rest. I'm not in the mood to feed up all your questions," malamig niyang sabi.
Ang akmang paghakbang niya ay naantala sa pag-angat niya ng tingin. Five set of eyes was on them. Nagsalubong ang kilay niya habang tinitingnan ang limang lalaki na nakamasid sa kanila pero ang higit na nagpakuha ng atensyon niya ay ang isa sa mga ito. Ang pamilyar na lalaki na tuwid ang tingin sa kanya. Nahinto ang tingin niya rito. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya, puno ng kuryosidad at pagtataka ang mga mata nito. She slightly raised her brow.
Kahit kailan ay hindi dumaan sa isip niya na muling makikita niya ang lalaking iyon na naligaw sa teritoryo niya noong nakaraan. And it looks like he came from a wealthy clan too. Another heir.
"RUZYL, you came back," ang lalaking kulay silver ang buhok ang unang nagsalita. Mula kay Ruzyl ay lumipat ang tingin nito sa kanya. "And you're... with a girl. Is she the fiancee that everyone talking about?" Mabagal nitong tanong habang titig na titig sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya. Agad na naintindihan ang tinutukoy nito ng maalala ang bulungan na narinig kanina. Mula sa pamilyar na lalaki na nakilala niya sa kakahuyan ay bumaling siya kay Ruzyl na nakatingin na rin ngayon sa limang lalaki sa harap na halos lahat ay nasa kanya ang kuryosong tingin. Napatingin ito sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng lalaking kulay silver ang buhok na ikinakunot ng noo niya. Huminga siya ng malalim at muling napatingin sa harap. Isa-isa niyang tiningnan ang limang lalaki. Mula sa lalaking kulay silver ang buhok na masyadong mapaglaro ang dating, sa kasunod nitong lalaki na may subo-subong lollipop at parang batang naliligaw na nakatingin sa kanya, sa katabi nitong mukhan
BAHAGYANG napahinto ang paghakbang ni Mavis ng itulak niya pabukas ang pintuan ng cafeteria na halos ikinalingon ng lahat ng nasa loob sa kanya. All curious eyes is directly to her. She can feel that she can't have a peaceful meal dahil nasa pintuan pa lang siya ay naririnig na niya ang bulungan tungkol sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagpasok. Dumeretso siya sa counter para umorder ng pagkain niya. Halos tumabi ang lahat sa paglapit niya, kahit ang nakapila ay napapaatras na para bang may hawak siyang kutsilyo na isasaksak sa mga ito kung sakaling lumapit ang mga ito sa kanya.Kumunot ang noo niya. Nasa harapan na siya ng counter ng balingan niya ang isang babaeng nakayuko sa gilid. Mukhang ito ang nauna kanina sa pila. "You can go first," naisatinig niya.Napasinghap ang ilan na malapit sa kanila. Nakabantay ang mga mata at tenga ng mga ito, nakaabang sa gagawin at sasabihin niya. Nang mag-angat ng tingin ang babae ay namimilog ang mga mata nito pero agad na n
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakatingin sa kay Cyrus na may tinatagong ngiti habang nakatingin sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at sa halip na dumeretso ay lumihis siya sa isang bakanteng mesa at don pumuwesto. Nilapag niya ang tray sa mesa at inayos ang pagkain niya. Sa pag-angat niya ng tingin ay bumaling siya kay Ruzyl na palapit sa kanya. She looked at him coldly and meaningfully, bumagal ang paghakbang nito. Naintindihan ang kahulugan ng tingin niya kahit walang salita. Napakamot ito sa kilay nito at lumihis pabalik sa tatlong lalaki sa iniwan niyang mesa. Nahagip niya pa ang mapang-usisang tingin ng mga ito ng sandali siyang bumaling sa mga ito. She dropped her eyes to her food and started to eat peacefully. Pero hindi din nagtagal ang mapayapa niyang pagkain dahil sa paglapag ng isang tray ng pagkain sa mesa niya at pag-upo don ni Cyrus. Napahinto ang kamay niya sa pagkuha ng pagkain at nag-angat ng tingin rito. Nagtagpo ang mata nilang dalawa. He was smiling but
Wala nang nagawa si Mavis at tahimik na lang na nakinig sa kay Jana na hindi na siya binitawan. Dinala siya nito sa iba't ibang room ng building ng kinaroroonan nila habang pinapaliwanag nito kung ano iyon at kung saan ginagamit. Ang daldal nito at sobrang arte pero naaaliw naman siya sa mga pinagsasabi nito habang nililibot siya nito sa academy kaya hinayaan na lang niya. Hindi naman siya makaalis dahil nakakapit ito sa kanya at hindi talaga siya binibitawan. "And of course, we also have a theater and arts and music class. Do you know how to play any musical instruments?" Baling nito sa kanya matapos ipakita sa kanya ang music room na naglalaman ng iba't ibang instrumento. Tumango siya. Umaliwalas ang mukha nito at mas dumikit pa sa kanya. Hinawi na naman nito ang buhok nito. May color pink na hair clip ito sa buhok nito na maliit na sombrero ang desinyo na pumipigil sa buhok nito pero dahil sa mahaba ang buhok nito ay napupunta sa harap na madalas nitong hawiin palikod. "Really, w
"Mavis!"Nahinto si Mavis sa pagsara ng pinto ng kuwarto niya at napabaling sa tumawag sa kanya.Malalaki ang hakbang ni Jana papalapit sa kanya, malaki ang ngiti nito at tuwang-tuwa. Isinara niya ang pinto ng kwarto niya at binulsa sa coat na suot ang card. Humarap siya rito."You're in this floor too?" Tanong nito ng makalapit. Tumango siya."We're neighbors. That's my room," turo nito sa silid na dalawang pinto ang pagitan mula sa silid niya. "Kapag may kailangan ka just knock at my door. Pumunta ka rin kung wala ka ng klase at di ka busy at mag-bonding tayo sa kwarto ko," she excitedly said.Napatango na lang siya rito. Wala din naman siyang sasabihin pang iba. At sa tono ng pagkasabi nito ay para rin namang hindi ito tatanggap ng pagtanggi."What's your class today?""Etiquette and Personal Development."Namilog ang mga mata nito at tuwang-tuwa na inangkla sa braso niya ang kamay nito. Napahinga na lang siya ng malalim. Jana giggled excitedly."We have the same class. Sabay na
Halos mapaatras si Mavis sa deretsong pagkapit ni Jana sa kanya pagkalapit nito sa kanya. Lihim siyang napangiwi ng masagi nito ang gasgas sa siko niya. Napahinga siya ng malalim. Napatingin siya rito. Tuluyan ng nabura sa isip nito ang pagkatalo at nabaling na sa kanya ang atensyon."Kanina pa kita hinahanap. Na late ka ng gising?" Tanong nito.Tumango siya. "Oo."Malawak itong ngumiti sa kanya. Ngunit ng mapalingon sa kinaroroonan ni Allison kalaunan ay dahan-dahan itong napasimangot."Natalo na naman ako ng ingrata," sabi nito sa tonong nagsusumbong. "Mahirap talagang tanggapin kapag ang ingrata ang nakakatalo sa akin."Muling nasira ang mukha nito dahil naalala ang pagkatalo nito sa mortal nitong kaaway. Sumimangot ito, bagsak ang balikat at huminga ng malalim.Tipid siyang ngumiti rito. "Magaling ka naman. Isang puntos lang ang lamang niya, that'sgood enough. Bumawi ka na lang sa susunod." sabi niya rito.Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito. Hindi matanggap ang pagkatalo."
Ramdam naman ni Mavis ang pagiging misteryoso ni Cyrus sa una pa lang. Ramdam niya ang malakas nitong dating sa unang pagtagpo pa lang ng mga mata nila. Pero ngayong, seryosong-seryoso ito at halos magdikit na ang kilay habang nakatingin sa sugat niya ay parang mas lalong lumala iyon.Ang suplado nitong tingnan. Nakakabang kausapin dahil baka sisinghalan ka lang sa inis nito. Hindi niya tuloy mapigilan na hindi ito tingnan, inaalala niya kung nakita na ba niya itong ganito kaseryoso. Naninibago siya sa itsura nitong walang bahid ng laro at kalokohan. Lagi siya nitong iniinis, yon ang madalas niyang mapansin rito kapag nagkakausap sila. He likes watching her eyes with flickered emotions at hindi malamig at blanko.Naalala niyang sinabi nitong sinasadya nitong kunin ang atensyon niya. No'ng una ay wala lang naman iyon sa kanya but now she can feel how her face heated up. And she hate it."What did you do? Bakit ganito kalaki ang gasgas mo?" Salubong ang kilay nitong tanong.Nang mag-an
Hindi alam ni Mavis kung ano ang pumasok sa isip niya pero natagpuan na lang niya ang sariling nakasakay sa kotse kasama si Ruzyl patungo sa party nina Jana. Nang magtanong ito kanina ay nagtatalo ang isip niya hanggang sa dahan-dahan na lang siyang tumango rito."I'll just change," sabi niya.Tumango ito sa kanya at mababang yumuko at tumalikod na. Nang maisara niya ang pinto ay mariin niyang kinagat ang ibabang labi.'What I was thinking?'Gusto niyang tawagin ulit si Ruzyl para sabihing nagbago na ang isip niya at hindi na siya pupunta pero bago niya pa gawin iyon ay muli na namang nagbago ang isip niya. Iginala niya ang tingin sa kwarto niya.Wala naman siyang gagawin rito. Hindi naman masama kung pupunta siya. And Jana is also anticipating her to come in that party... okay lang naman kung pupunta siya, minsan lang naman.Huminga siya ng malalim at tumungo na sa closet niya para maghanap ng susuotin. She chose to wear a white dress with a see-through sleeves, pinaresan niya iyon n