"Busy?" Mula sa pagkadukdok sa mga papeles sa harap niya ay napaangat ng tingin si Cyrus kay Ruzyl na kakapasok lang sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, umayas ng upo at sumandal sa swivel chair niya kasabay ng paghilot sa nanakit niya ng batok. Isang araw lang siya hindi nakapasok sa trabaho ay natambakan na agad siya, idagdag pa ang ilang meetings ngayong araw na hindi niya pwede maipagliban o reschedule na naman.'At wala ka pang balak na pumasok ngayong araw kung hindi ka hinikayat ng asawa mo?' agad na kastigo ng isang bahagi ng isip niya.Natigilan siya sa huling salita. Asawa. Napangisi siya nang maalala ang magandang mukha ni Mavis, his wife. Yeah! Finally! After a long years of loving her quietly from afar, he got her. And he's very happy. Parang bigla tuloy siyang ginanahan sa trabaho dahil sa pagkaisip sa babaeng mahal niya. But he's glowing of hearts mood immediately vanished nang mabalingan ang nakataas na kilay na anyo ni Ruzyl sa harap niya. Kung makatingin ito sa
HANGGANG saan ba ang kaya mong gawin para sa mga taong mahal mo? Hanggang saan ba ang kaya mong ipaglaban para ipagpatuloy ang buhay mo? Hanggang saan ka ba dadalhin ng galit at paghihiganti? Hanggang saan aabot ang luha mong walang tigil sa pagpatak dahil sa labis na galit at sakit? Hanggang saan ba?Kung yan ang tanong na ibabato mo sa isang labing-apat na taong gulang na babae na napupuno ng galit ay isang salita lang ang sagot nito. WALA. Walang hangganan ang lahat para sa kanya. Kaya niyang gawin ang lahat para sa mga taong mahalaga at mahal niya. Kaya niyang manlinlang, magsinungaling at... pumatay para sa kanila. At lahat nang yon ay walang hangganan... hangga't makuha niya ang pinakaasam niya.Nanginginig ang mga kamay niya. Sa bawat paghakbang niya ay ramdam niya ang panghihina ng mga tuhod niya. Hindi ito ang gusto niyang maabutan. She's expecting her mother lovely smile and a happy laughter of her father. Not this....Ang mansiong napupuno ng ngiti at tawa noon ay nababalot
HABOL ang paghinga na bumalikwas ng bangon si Mavis. Basang-basa ang mukha niya dahil sa naghalong luha at pawis dahil sa muling pagdalaw ng masamang panaginip. Ramdam niya ang malakas na tambol ng puso niya. Pumikit siya ng mariin at nasapo ang naninikip niyang dibdib. Pinapakalma ang sarili.Today is the death anniversary of her parents. At katulad ng madalas na nangyayari ay dinalaw na naman siya ng masamang alaala na para bang pinapaalala sa kanya ang galit at sakit. Pinapaalala ang pinaghuhugutan niya ng lakas para patuloy na mabuhay at tuparin ang binitawang pangako ng araw na iyon.Nang imulat niya ang mga mata niya ay ginala niya ang tingin sa kabuuan ng kaniyang silid. Madilim ang buong silid at tanging ang ilaw mula sa bukas na lampshade na nasa magkabilang gilid ng kama niya ang tanging tumatanglaw para makita niya ang kabuuan nito.Huminga siya ng malalim. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya hanggang bewang. Umusod siya sa gilid ng kaniyang
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Mavis ang marahang pagsayaw ng mga halaman at bulaklak sa hardin ng mansion. Kalmado at maaliwalas ang panahon. Nakakasilaw ang sikat ng araw na nakasilip sa bawat sanga ng puno na nakapalibot sa hardin. Napakatahimik ng buong lugar na walang ingay siyang naririnig bukod sa marahang galaw ng dahon ng mga puno at halaman sa bawat ihip ng hangin at huni ng mga ibon. Ang mga tauhang nakabantay sa bawat sulok ng mansion ay tahimik lang na naglilibot at pinagpapatuloy ang ginagawa, takot na makagawa ng kung ano na makakadisturbo sa kanya at sirain ang pagpapalipas niya ng oras sa hardin ng mansion.Narinig niya ang papalapit na yabag sa kanya ngunit nanatili siyang nakatanaw sa mga halaman."Señorita, you're new butler is here."Napalingon siya kay aling Mara. Tumawid ang tingin niya patungo sa pintuan papasok sa mansion. Tumango siya."Pahintayin mo po siya sa study susunod ako."Tumango si aling Mara at bumalik na sa loob ng mansion. Huminga siya ng malalim a
MULA nang magising siya at inangkin ang bagong pangalan na kaniyang dinadala ay walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang paghihiganti. Tinapos niya ang pag-aaral ayon sa kagustuhan ng mga taong natirang tapat sa angkan ng Servillon at nag-alaga at gumabay sa kanya pero sa bawat librong nababasa niya ay may planong nabubuo sa utak niya. Sa bawat panibagong ideya at bagay na natutunan niya ay may binabalikan siyang mga traidor at kalaban para iwala sa landas niya. Pero sa kabila ng lahat ng mga nagawa niya sa nagdaang taon ay hindi pa siya nagsisimula, hindi pa iyon ang simula... dahil ang pagtapak niya sa Académie des héritiers ay ang siya pang hudyat ng tunay na simula ng kaniyang plano para tuparin ang pangakong binitawan niya ng araw na iyon."Natapos nang ma-empake ang mga dadalhin mong gamit at damit, señorita. Naihatid na rin ho sa ibaba at nailagay na sa sasakyan."Isang katulong ang bumasag sa malalim na pag-iisip ni Mavis. Tumango siya habang hindi ito nililingon at nanat
"RUZYL, you came back," ang lalaking kulay silver ang buhok ang unang nagsalita. Mula kay Ruzyl ay lumipat ang tingin nito sa kanya. "And you're... with a girl. Is she the fiancee that everyone talking about?" Mabagal nitong tanong habang titig na titig sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya. Agad na naintindihan ang tinutukoy nito ng maalala ang bulungan na narinig kanina. Mula sa pamilyar na lalaki na nakilala niya sa kakahuyan ay bumaling siya kay Ruzyl na nakatingin na rin ngayon sa limang lalaki sa harap na halos lahat ay nasa kanya ang kuryosong tingin. Napatingin ito sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng lalaking kulay silver ang buhok na ikinakunot ng noo niya. Huminga siya ng malalim at muling napatingin sa harap. Isa-isa niyang tiningnan ang limang lalaki. Mula sa lalaking kulay silver ang buhok na masyadong mapaglaro ang dating, sa kasunod nitong lalaki na may subo-subong lollipop at parang batang naliligaw na nakatingin sa kanya, sa katabi nitong mukhan
BAHAGYANG napahinto ang paghakbang ni Mavis ng itulak niya pabukas ang pintuan ng cafeteria na halos ikinalingon ng lahat ng nasa loob sa kanya. All curious eyes is directly to her. She can feel that she can't have a peaceful meal dahil nasa pintuan pa lang siya ay naririnig na niya ang bulungan tungkol sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagpasok. Dumeretso siya sa counter para umorder ng pagkain niya. Halos tumabi ang lahat sa paglapit niya, kahit ang nakapila ay napapaatras na para bang may hawak siyang kutsilyo na isasaksak sa mga ito kung sakaling lumapit ang mga ito sa kanya.Kumunot ang noo niya. Nasa harapan na siya ng counter ng balingan niya ang isang babaeng nakayuko sa gilid. Mukhang ito ang nauna kanina sa pila. "You can go first," naisatinig niya.Napasinghap ang ilan na malapit sa kanila. Nakabantay ang mga mata at tenga ng mga ito, nakaabang sa gagawin at sasabihin niya. Nang mag-angat ng tingin ang babae ay namimilog ang mga mata nito pero agad na n
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakatingin sa kay Cyrus na may tinatagong ngiti habang nakatingin sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at sa halip na dumeretso ay lumihis siya sa isang bakanteng mesa at don pumuwesto. Nilapag niya ang tray sa mesa at inayos ang pagkain niya. Sa pag-angat niya ng tingin ay bumaling siya kay Ruzyl na palapit sa kanya. She looked at him coldly and meaningfully, bumagal ang paghakbang nito. Naintindihan ang kahulugan ng tingin niya kahit walang salita. Napakamot ito sa kilay nito at lumihis pabalik sa tatlong lalaki sa iniwan niyang mesa. Nahagip niya pa ang mapang-usisang tingin ng mga ito ng sandali siyang bumaling sa mga ito. She dropped her eyes to her food and started to eat peacefully. Pero hindi din nagtagal ang mapayapa niyang pagkain dahil sa paglapag ng isang tray ng pagkain sa mesa niya at pag-upo don ni Cyrus. Napahinto ang kamay niya sa pagkuha ng pagkain at nag-angat ng tingin rito. Nagtagpo ang mata nilang dalawa. He was smiling but