Share

Princess

BAHAGYANG napahinto ang paghakbang ni Mavis ng itulak niya pabukas ang pintuan ng cafeteria na halos ikinalingon ng lahat ng nasa loob sa kanya. All curious eyes is directly to her. She can feel that she can't have a peaceful meal dahil nasa pintuan pa lang siya ay naririnig na niya ang bulungan tungkol sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagpasok. Dumeretso siya sa counter para umorder ng pagkain niya. Halos tumabi ang lahat sa paglapit niya, kahit ang nakapila ay napapaatras na para bang may hawak siyang kutsilyo na isasaksak sa mga ito kung sakaling lumapit ang mga ito sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Nasa harapan na siya ng counter ng balingan niya ang isang babaeng nakayuko sa gilid. Mukhang ito ang nauna kanina sa pila. 

"You can go first," naisatinig niya.

Napasinghap ang ilan na malapit sa kanila. Nakabantay ang mga mata at tenga ng mga ito, nakaabang sa gagawin at sasabihin niya. Nang mag-angat ng tingin ang babae ay namimilog ang mga mata nito pero agad na nag-iwas ng tingin ng makasalubong ang mga mata niya. Umiling ito.

"I-ikaw na po...," hindi makatingin sa kanya ng deretso nitong sagot. "Hindi naman po ako nagmamadali."

Lalong nangunot ang noo niya. Napatitig siya rito, ang iba ay nakamasid at nanonood sa kanila na para bang malaking scope ang nangyayari. Huminga siya ng malalim at humarap na sa counter at di na namilit. Nagugutom na siya para gawin pa iyon. Nanatiling nakayuko ang babae habang umoorder siya ng pagkain at hindi pa rin makatingin sa kanya ng deretso. Panaka-naka ang pagbaling niya rito. 

Nang makuha ang tray niya ay muli niya itong hinarap.

"You can order, now. Thank you for letting me first," sabi niya na kahit sinsero naman ay nanatili ang malamig na tono. Nagmumukha tuloy na hindi totoo sa tingin ng iba.

Napatikhim ang babae at dahan-dahang tumango hindi pa rin makatingin sa kanya.

What's wrong with her?

Napatingin siya sa mga tao sa loob ng cafeteria na nanonood. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Bakit pakiramdam niya ay parang may mali? Masyadong kakaiba ang tingin ng mga tao sa kanila at ang iba ay kaawa-awa ang tingin sa kaharap niyang babae na para bang inaapi niya.

Napabuntong-hininga na lang siya at nilagpasan na ang babae. Bitbit ang tray ay naghanap siya ng mapupwestuhan. Nagsibalik sa ginagawa ang iilan pero ang iba ay nakasunod pa rin ang tingin sa kanya na kung minsan ay nililipat sa babae na kinausap niya kani-kanina lang.

"Nakita mo yon? Ruzyl's fiancee is talking to Lexi, sa tingin ko alam niya ang nakaraan ni Lexi at Ruzyl, eh."

Natigilan siya sa narinig at napalingon sa nagbubulungan. Awtomatikong natahimik ang mga ito. At nagkanya-kanyang ayos ng upo kasabay ng pagpapanggap na para bang hindi ang mga ito nagbulungan.

Napalingon siya sa counter, hinahanap ang babaeng nakausap kanina ngunit naabutan na niya itong palabas na ng cafeteria. Kaya pala ganun na lang ang tingin ng lahat sa kanila kanina at ganun din ang reaksyon nito. Everyone is thinking that she's her butler's fiancee and that girl is the girlfriend. Malaking scope nga.

Lihim na lang siyang nailing at ipinagpatuloy ang paglapit sa isang bakanteng mesa.

"Siya ang tagapagmana ng Salvatore Clan di'ba? She's Mavis Salvatore, she became an orphan at an early age kaya napaaga ang pagpasok niya sa field. Siya na nga namamahala sa Hotel empire—."

"Of course not! She's not yet twenty-one kaya hindi pa tuluyang naibigay sa kanya ang empire she's still on training... and... maybe that's the reason why she's here," singit ng isa. Lumingon pa ito sa kanya at muling humarap sa kausap nitong sumusunod din ang mata sa kanya.

"Si Ruzyl yata ang half reason ng pagpasok niya rito. You know para bakuran since the ex-girlfriend is here."

Binaba niya sa mesa ang dalang tray na naglalaman ng mga pagkain niya. Umupo siya at nagsimula ng kumain. Sinubukang magbingi-bingihan sa lantarang tsismisan tungkol sa kanya. Bakit ba siya napagkamalang ikakasal sa butler niya?

These people! They are all came from wealthy clans pero kapag tsismisan ay daig pa ang mga tagakanto lang sa mga squatter areas.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Hindi na pinagtuunan ng pansin ang mga naririnig na tsismisan. Malapit na siyang matapos sa pagkain niya ng bumukas ang pinto ng cafeteria at pumasok ang grupo ng maiingay na babae. Nahinto siya ng bahagya at napalingon don, maging ang iba ay ganun din ang ginawa dahil masyadong nakakadisturbo ang malakas at maarteng boses na bumalot sa buong cafeteria.

"My Gosh! Akala niya uurungan ko siya. How dare she is to talk shit behind my back!" Ang matinis na boses ng matangkad at magandang babae. Maya't maya ang hawi nito sa buhok nito. Kita ang sobrang pagkairita sa namumula na nitong mukha at halos irapan ang lahat. 

Binaba niya ang hawak na kutsara. Uminom siya ng tubig sa water bottle habang pinapanood ang reklamo ng babae. 

"Hayaan mo na, Jana," ang isang babae na mukhang nerd sa ayos nito.

Inirapan ito ng babaeng nagrereklamo na Jana ang pangalan ayon sa pagkadinig niya. Nasa harap na ang mga ito ng counter at umoorder na ang isang kasama ng mga ito ng pagkain habang nagrereklamo pa rin ang Jana na pilit na pinapakalma ng mukhang nerd na kasama nito.

"Wag mo na lang pansinin," ang mukhang nerd ulit.

"I won't do that!" Nanlalaki ang matang tutol ng babae, na mukhang diring-diri pa sa ideyang sinabi ng kasama nito. "Pinapakialaman nila ako kahit wala akong ginagawa tapos hahayaan ko lang?! Duh! Hindi ko ugali ang magpaapi like you. I am a Giordano wala sa angkan namin iyon."

"Nagkasalubong na naman yata si Jana at Allison," komento ng isang estudyante habang nakatingin rin sa nagrereklamong babae. Nailing ito at hinarap ulit ang pagkain.

Mahinang natawa ang mga kasama nito. "Hindi talaga magkakasundo ang dalawang yan."

"As if they were not friends."

Binaba niya ang water bottle na iniinom. Niligpit niya ang pinagkainan niya at tumayo na. Napabaling ang ilan na malapit sa kanya at katulad kanina ay agad na nagsitahimik ang mga ito na para bang pinagbawalan mag-usap. Napatikhim pa ang isa sa mga ito habang ang iba ay nagsibalik sa pagkain. 

Nilagpasan niya ang mesa ng mga ito. Bitbit ang tray niya ay nilagpasan niya ang bawat mesa. Malapit na siya sa may counter at sakto namang tapos na sa pag-order ang mga kapapasok lang at makasalubong niya pa ata. Irita pa rin ang mukha nang Jana, tinatamad naman ang mukha ng nerd at ang isang kasama ng mga ito ay tahimik lang at parang walang pake. May kanya-kanyang tray na dala ang mga ito at nasa gitna ng mga ito ang naiiritang si Jana na saktong nasa harap niya ay nag-angat ng tingin. Nagkasalubong ang tingin nilang dalawa. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kanyang nanatili ang malamig na ekspresyon, maya-maya ay tinaasan siya nito ng isang kilay, walang interes niya lang itong tiningnan at balewalang nilampasan ang mga ito.

"Jana, come on," tawag ng nerd rito ng mapahinto ito sa paglalakad at sinundan siya ng tingin.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglapit sa counter at binalik ang tray niya don. Bumili lang siya ulit ng isang bottle water at lumabas na ng cafeteria at hindi na muling lumingon. She smirked inwardly when she closed the door of the cafeteria. Inayos niya ang jacket na nakapatong sa puting bestidang suot niya ng makaramdam ng lamig sa ihip ng hangin. Unti-unti ng lumulubog ang araw kaya napagdesisyonan niyang bumalik na lang ulit sa dorm niya para magpahinga ulit. Bukas pa naman magsisimula ang klase niya ayon sa schedule na nabasa.

Paakyat siya sa hagdan patungo sa palapag kung nasaan ang silid niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng butler niya. Nangunot ang noo niya at pinapatuloy ang pag-akyat hanggang sa makarating sa tamang palapag at naabutan niya itong kausap ang Lexi na malapit na atang umiyak.

"Ang simple ng tanong ko Ruzyl, bakit hindi mo ako mabigyan ng maayos na sagot?!" Naluluhang sabi ni Lexi habang deretsong nakatingin sa kay Ruzyl na tahimik lang na nakamasid rito. Dinig ang pagod at sakit sa boses nito."Paulit-ulit lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ako iniwan sa ere! Tinalikuran mo ako! Pagkatapos ngayon ay yan lang ang sasabihin mo sa akin. Ginagago mo ba ako?!"

Pumatak ang luha ni Lexi habang nanatiling nakatingin kay Ruzyl na tahimik lang at wala yatang balak na magsalita. Mabilis nito iyong pinunasan at bago pa pumatak ulit ang panibagong luha nito ay mabilis na itong tumalikod para umalis. Natigilan pa ito ng makita siya pero nagpatuloy din kalaunan at nilagpasan siya.

Napatitig siya sa butler niya na nanatiling hindi gumagalaw at nakayuko lang. Bumaba ang tingin niya sa sahig ng makitang pumatak ang isang butil ng luha ron. Nag-angat siya muli ng tingin rito. Bahagya itong nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.

"Hindi ko inasahan na ganito ka pala kalambot. You easily cry," komento niya.

Kita niya ang pagkatigil nito at mabilis na lumingon sa kanya. Namilog ang mga mata nito ng makita siya. Mabilis nitong pinunasan ang luha nito at humarap sa kanya ng maayos na ang hitsura kahit halata pa rin sa mga mata nito ang ilang sandaling pagluha.

"Miss Mavis!" Naibulalas nito.

Naglakad siya palapit rito. Halos hindi naman ito makatingin ng deretso sa kanya. Nahihiya dahil nahuli niyang umiyak kahit hindi naman dapat. 'He should be proud, dahil sa kabila ng mundong kinalakihan niya ay kahit papano ay tao pa rin siya.'

"A-ano...," sabi nito, sinusubukang magpaliwanag pero hindi makahanap ng tamang salita.

"Why are you here?" Tanong niya.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Gulat na hindi siya nang-usisa sa naabutan. Napansin niya pa ang bahagyang paghinga nito ng malalim na para bang nakahinga ito ng maluwag.

"I-ihahatid ko sana ang... dinner mo kaya lang ng kinatok kita sa silid mo ay walang sumasagot," mahinang sabi nito sabay ng pag-iwas ng tingin sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong paper bag na ngayon niya lang napansin. Tumaas ang isang kilay niya.

"Kumain na ako sa cafeteria. Ibigay mo na lang sa girlfriend mo yan dahil umalis siyang hindi kumain kanina sa cafeteria," sabi niya.

Muli niyang nakita ang pagdaan ng gulat sa mukha nito. Huminga siya ng malalim at muling tiningnan ang hawak nitong paper bag.

"I know that that's for her. Hindi ako tumatanggap ng mga bagay na hindi naman para sa akin sa una pa lang. You should remember it as my personal butler," simpleng sabi niya at muling nag-angat ng tingin rito.

Napayuko ito. "You can go now. Wala pa naman akong iuutos at kailangan sa ngayon," utos niya at nilagpasan na ito.

"Miss Mavis, if... if I will defy my father, would you trust me?" Mabagal at mahina nitong sabi na halos hindi na niya marinig.

Napahinto siya at nilingon ito. He looked at her seriously and determined. He looks so weak but so determined to have his freedom. Kalayaan mula sa ama nito, kalayaan sa pamilya at responsibilidad na inatang rito bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Alejandro.

"Please, trust me," he almost beg. "I will be good and trusted butler, miss Mavis. I promised my loyalty to you—."

"I don't trust you," she coldly halted him. "I accepted you as my personal butler but I don't trust you."

"Ayokong maging butler mo lang sa maikling panahon miss Mavis. I want to serve you all my life at hindi mangyayari yon kung wala kang tiwala sa akin."

"You can't be my butler all your life. You're an heir Ruzyl, like me. May responsibilidad ka sa angkan mo ganun din ako. I don't like your clan, I don't trust the Alejandros and you're an Alejandro."

Tiningnan siya nito ng puno ng determinasyon at sinseridad.

"I can earn your trust, miss Mavis."

Tiningnan niya ito ng deretso sa mga mata. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He seems sincere and real but who would know? Even he surrendered himself to her, vow his loyalty, walang nakakaalam sa katotohanan ng mga iyon. Ayaw niyang maloko at matraidor ulit, ayaw niyang masira ang plano niya na matagal niyang pinaghandaan dahil nagkamali na naman siya ng pinagkatiwalaan. 

"Let's see then," naisatinig niya at tinalikuran na ito. Ayaw nang magbigay ng salita pa rito.

 Napabuntong-hininga siya ng maalala ang sinabi ni Mang Isko sa kanya no'ng nakaraan tungkol sa ugnayan ng angkan niya sa mga Alejandro.

The Alejandro is the clan that supported and served the Servillon from then. Mula sa mga ancestors at dating henerasyon ay may ganito ng ugnayan ang dalawang angkan. At sa kanilang henerasyon ay si Ruzyl ang inatasan na magsilbi sa kanya bilang isang Servillon. Dumating ito ng trinaidor siya ni Antonio para pumalit rito. Sinanay ito para rito, kaya nito nasabi na pagmamay-ari na niya ito matagal na dahil dati pa lang ay nakatakda na itong pagsilbihan ang tagapagmana ng mga Servillon.

 But she didn't trust anyone especially the Alejandros, not with Russell Alejandro who are now leading the clan. Ayaw niya sa hilatsa ng mga ito na may potential na trumaidor kahit kanino, sa kaibigan man o kakilala. Kaya sa kabila ng ugnayan ng angkan niya sa mga ito ay hindi niya magawang mapagkatiwalaan, kailangan niyang mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan niya lalo na at siya lang ang maaaring bumawi ng nawalang angkan ng Servillon.

Bukod sa mag-asawang Isko at Mara ay alam ng mga Alejandro ang totoong pagkatao niya. Kaya hindi siya dapat nagpapakampante. Ang mga Alejandro, ang hirap nilang pagkatiwalaan dahil malaki ang posibilidad na bumaliktad ang mga ito lalo na na si Russell Alejandro ang namumuno sa angkan na hindi naman tunay na Alejandro at laging nagpapahayag ng kasakiman. Kaya hindi niya magawang pagkatiwalaan si Ruzyl... he's weak at sunod-sunuran sa ama nito. Paano niya masisiguro ang loyalty nito kung halos lahat ng kilos at desisyon nito ay utos ng ama nito. Hindi niya mahahawakan ang mga salita ng isang taong sunod-sunuran lang.

Kinabukasan ay maagang nagising si Mavis. Alas-siete pa lang ng umaga ay nakahanda na siya paalis sa silid niya. Pinatungan niya ng coat na halos abot ang likod ng tuhod niya ang haba ang suot na damit. Matapos masigurong wala siyang nakalimutan ay lumabas na siya ng silid niya. Natigilan pa siya ng mabungaran si Ruzyl sa pintuan na mukhang kanina pa naghihintay. Mababa itong yumuko sa kanya.

"Good morning, miss Mavis," bati nito.

Bahagya niya lang itong tinanguan at isinara na ang pinto ng kaniyang silid. Sumabay ito sa paglalakad niya. Walang salitang lumabas sa bibig nito tungkol sa huling pag-uusap nila.

"Dederetso ka ba sa klase mo, miss Mavis?"

"Magbebreakfast ako sa cafeteria."

Tumango ito sa naging sagot niya at iginiya siya patungong cafeteria. Tahimik lang siya hanggang sa nakarating sila sa lugar. Maaga pa kaya wala pang masyadong tao. Dumeretso siya sa table na pinuwestuhan niya kahapon habang sa counter naman dumeretso si Ruzyl para sa pagkain niya.

Ayaw niyang malaman ng kahit sino na personal butler niya si Ruzyl. Maaari makapagbibigay iyon ng ideya sa kahit na sino tungkol sa tunay niyang pagkatao. Hindi niya tuloy alam kung hayaan ang haka-haka tungkol sa pagkakamali sa kaniyang fiancee ni Ruzyl para lang itago ang totoong relasyon niya rito. Pero masyado iyong kontrobersyal at ayaw niyang laging pinag-uusapan dahil may unfinished business pa ata ito sa girlfriend na sinasabi ng mga tao rito.

 The relationship of Alejandros with Servillons is too sensitive na alam ng halos lahat. Kahit na sabihin na ibang pagkatao ang ginagamit niya ay marami pa ring posibilidad ang maaring mangyari.

Ang malalim na pag-iisip niya ay nadisturbo sa paghila ng dalawa sa bakanteng upuan sa mesa niya. Sabay na umupo don ang dalawang pamilyar na lalaki. Nag-angat siya ng tingin at agad na sinalubong siya ng mga nakangiting mukha ng dalawang lalaki.

"Hi," the guy with a color silver hair greeted her.

Malamig niya lang itong tiningnan at hindi nag-abalang bumati pabalik. Napanguso ito at bahagyang napakamot sa batok.

"Good morning." Lumipat ang tingin niya sa kasama nitong maaga pa ay may subo ng lollipop. "Pasensya na sa disturbo pero nakita mo ba si Ruzyl, you're his fiancee right?"

"He's in the counter," sagot niya rito.

Hinawakan nito ang stick ng lollipop nito at inikot sa bibig ang kendi bago iyon tinanggal sa bibig para muling magsalita.

"By the way, I'm Jerson. Pasensya ka na sa kay Ruzyl nakaligtaan ka yatang ipakilala sa amin. Mga kaibigan niya kami at ito naman si Wallace, pagpasensyahan mo na ang buhok niya inborn raw eh."

Nangunot ang noo niya. Napatingin siya sa lalaking Wallace raw ang pangalan. Dumeretso ang tingin niya sa buhok nitong kulay silver. Lihim na naitaas niya ang isang kilay nang hinawi nito iyon na parang commercial ng shampoo ng makita nito ang pagtitig niya ron.

"Come on, Jerson. Sekreto yan wag mong ipagkalat," sabi pa nito na umakto pang medyo nahihiya.

"Sinusumpong ka naman Wallace..." Napalingon siya sa kararating lang. Ang lalaking mukhang tambay iyon. Umupo ito sa isang silya at agad na tumingin sa kanya at malawak na ngumiti. "Hi, pretty. I'm Lairo the academy's pleasure provider," sabi nito sa senswal na tono.

Nagsalubong ang kilay niya. "Pasensya ka na, fuckboy talaga yan," si Jerson na nakakadisturbo ang tunog ng pagsipsip sa kendi ng lollipop.

"What the three of you doing here?!" Si Ruzyl na agad na nilapag sa harap niya ang tray ng pagkain niya. Hindi niya man lang napansin na nakalapit na ito dahil sa mga bagong dating.

Hinarap nito ang tatlong lalaki na may iba't ibang ekspresyon habang nakatingin din rito.

"Kinikilala lang namin ang fiancee mo, Ruzyl. Parang wala kang balak na ipakilala sa amin eh," sabi ni Lairo na kumindat pa sa kanya.

"Miss Mavis don't—."

"Ruzyl," putol niya sa sasabihin nito.

Napalingon naman ito sa kanya ganun din ang tatlong lalaki.

"I want to eat peacefully."

"Yes, miss Mavis I'm sorry," hinging paumanhin nito at mababang yumuko pa sa kanya. 

"Hala! Ruzyl under ka sa fiancee mo!" bulalas ni Wallace na akala mo'y malaking eskandalo iyon.

Huminga siya ng malalim at tumayo. Muling napalingon ang apat na lalaki sa kanya. Kinuha niya ang tray ng pagkain na nilapag ni Ruzyl sa harap niya kanina. Bumaling siya rito.

"Talk to your friends. Lilipat ako ng table," sabi niya at tinalikuran ang mga ito bago pa makasagot ang butler niya.

"Bakit ganun ang fiancee mo Ruzyl? Ang lamig daig pa niya si Zaimon eh," dinig niyang komento ni Jerson na s********p pa rin ng maingay sa lollipop nito.

"Mamaya na tayo mag-usap," si Ruzyl na dinig niya ang agad na pagsunod sa kanya

"Hoy! Ang under mo naman!"

Pumili siya ng table ng may kalayuan sa mga ito. Nahagip ng mga mata niya ang nasa sulok na mesa na bahagyang tago sa mga tao. Naglakad siya palapit ron, malapit na siya ng may bigla na lang umupo ron na ikinahinto niya. Nilapag nito ang dalang tray sa mesa at bumaling sa kanya. Nanatili ang malamig niyang ekspresyon ng magtagpo ang mata nila ni Cyrus.

Umangat ang gilid ng mga labi nito habang nakatingin sa kanya. 

"Good morning, princess," bati nito. Mahina lang ngunit sapat na para marinig niya.

She sighed heavily. Napakaaga pa para mainis at maubos ang pasensya niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status