Home / Lahat / The Visions / Chapter : Two

Share

Chapter : Two

Author: Yyaassmmii
last update Huling Na-update: 2021-07-07 15:51:09

Amari's Pov

Malalim na ang gabi ngunit di man lang dalawin ng antok. Binabagabag ng mga palaisipan, mga tanong at paghihimutok.

Nilalamon ako ng aking palaisipan at paulit ulit kong nakikita ang iba't ibang mukha ng tao. Para akong masisiraan ng ulo dahil sa mga pumapasok sa isipan ko, isang nakakarinding tawa, pagiyak, mga sigaw at kung ano pa man. Tila nawawala ako sa aking katinuan kaya mabilis akong tumayo at nagtatakbo palabas ng kwarto, agad kong kinuha ang nakasabit na hoodie sa may pintuan at patakbong lumabas ng bahay, takbo lang ako ng takbo hanggang makarating ako sa isang tahimik na lugar at napakaraming alitaptap ang nagliliparan na siyang nagsisilbing munting liwanag sa lugar. 

Pinagmasdan kong mabuti ang lugar upang masiguradong walang tao. 

Duon ko ibinuhos ang lahat.

Labing siyam na taon, labing siyam na taon kong tiniis at tinatakasan ang lahat ng to. Bakit hindi mo nalang ako patayin. 

Buong lakas kong sigaw habang nakatingala sa itaas, nagbabakasakaling marinig niya ang aking mga daing. Ngunit kahit anong gawin kong pagsigaw at pagiyak impossibleng pakikinggan niya ang lahat ng sasabihin ko. Minsan nga ay naitatanong ko, totoo bang may Diyos? 

Napaluhod na lamang ako habang di pa rin mapanatag ang kalooban ko, naubos na ang lahat ng lakas ko sa pag iyak ngunit kahit bali baligtarin ko man ang mundo, hindi niyon mababago ang katotohanang kakaiba nga talaga ako. 

Nanghihina at namumugto man ang aking mga mata ay nagdesisyon pa rin akong pumasok.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong nagaalmusal ang aking tiyahin. 

"Amari papasok kana? Mag almusal ka muna"  pagkatapos ay ipinagkuha niya ako ng isang pinggan at pinaglagyan ng pagkain. 

"Umiyak kaba? bakit namamaga ang mga mata mo?"  Tanong muli nito ng masipatan niya ang mga mata ko. 

Agad naman akong tumingin sa kanya, sa lahat ng tao ang tiyahin ko lang ang natitignan ko ng matagal. Kagaya ng dati ganun padin ang nakikita ko sa kakaharapin niya ngayong maghapon. 

"Tita kailangan mo ng magmadali, pagagalitan ka ng boss mo dahil malelate ka"  Sabi ko na lamang matapos kong makita na makakagalitan siya ng boss niya dahil malelate ito sa pagpasok. Kaya dali dali nitong inubos ang iniinom na kape at kinuha ang coat niyang pang opisina  saka nagpaalam.

"Ohsya Amari, papasok na ako maraming salamat, at tama ka sigurado nga iyon dahil nakaraang araw pa mainit ang ulo ng boss ko" pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang humalik sa aking pisngi atsaka nagmamadaling umalis.

Si Tita Fely na ang nakamulatan ko noon pa man, mula ng magising ako sa isang ospital at di na maalala ang lahat iyon ay isa rin sa mga tanong ko tungkol sa pagkatao ko, kung sino ako? sinong mga magulang ko at bakit kahit isang alala ay wala akong maalala. Isa ring pasyente nuon ang tita Fely ko ng makita niya ako dahil nagtatanong ang mga doktor kung may relatives ba ako , naghintay sila ng mahigit tatlong araw upang hintayin kong may susundo ba sa akin, ngunit bigo sila dahil natagpuan akong nakahandusay sa labas ng ospital habang walang tigil sa pagdugo ng noo ko. Simula noon inako ni tita Fely ang pangangalaga sa akin dahil mag isa na rin siya sa buhay. 

***

Malayo palang ako sa university namin pero nauulinagan ko na ang paparating na mga pulis dahil sa nangyaring nakawan sa loob ng campus. 

Nagpatuloy lamang ako sa paglakad at inantay ang susunod na mangyayare. 

Pagpasok ko ay makikitang normal naman ang usad ng lahat. 

Nagsimula ang klase namin ng umaga ding iyon at bago kami matapos ay umalingawngaw na ang sirena ng mga pulis mula sa labas di kalayuan sa building ng aming department. Buong pagtatakang nagsilabasan ang mga estudyante ganun din ang mga professor. 

Masyadong malakas ang mga bulungan upang hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga haka hakang may huhulin daw na kriminal ang sinasabi naman ng iba ay may nangyaring pagpatay which is not the main reason why the police came by, 

They're here to investigate, fools.

Tanging naibulong nalang ng isip ko.

"Sino sa palagay mo ang magnanakaw?" Mula sa likuran ko ay bigla na lamang sumulpot ang isang pamilyar na boses na una kong narinig kahapon lang. Tinignan ko siya saglit upang siguraduhin na siya nga ang nagsasalita. Hindi ako sumagot bagkus ay nagpatuloy lang din ako sa paglalakad hindi upang maki usyuso sa mga pulis, kundi para maghanap ng world peace. 

Naging abala ang isipan ko kung kaya hindi ko napansin ang na may sumusunod sa akin kaya nagsasalita na ako.

"Maghahanap karin ba ng katahimikan?" matapos kong sabihin iyon ay ngumiti lamang siya. "Kung ganoon huwag mo akong sundan" dugtong ko pa.

Ngunit di ito sumagot at nagpatuloy sa pagsabay sa akin, nakarating kami sa pinakadulong hagdan ng magsalita sya.

"Alam mong mangyayare ito tama ba?" Tumingin ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. 

"Oo, pero hindi ako ganun kasigurado sa mga impormasyong nakita ko" 

"Paano nangyari? Pwede ipaliwanag mo sa akin?" Matapos niyang sabihin iyon ay bumuntong hininga na lamang ako saka nagsalita.

"Nakita ko ang mangyayare gaya ng pagpunta ng mga pulis upang mag imbestiga.

Sira sirang mga kahon kung saan naroon ang pundo ng university, nawawala ang Bronze and Gold Medals ng mga athlete, and the amount is not just a thousand but it is Million" 

"Hindi mo nakita kung paano iyon nangyari?"

"Nakikita ko lamang ang mga mangyayare kapag malapit ako sa mismong lugar oh sa tao, Kaya Hindi. And all I see is the police officers who came to investigate, and will the suspect will not get caught"

"Pero kaya mong makita ang nakaraan hindi ba? Natigilan ako sa sinabi niyang yon kaya nagpatuloy muli ako sa pagsasalita.

"Ofcourse I can, kung makakarating ako sa lugar na mismong pinangyarihan at kung masasalubong ko ang sino mang salarin pwede ko yong makita at pwedeng matukoy ang suspect" 

Katahimikan ang bumalot sa amin pareho na animo'y nagpapakiramdaman sa isat isa hanggang sa magsalita siya.

"Kung sakali kayang sasabihin mo yan sa Dean paniniwalaan ka niya?"

"Hindi"

"Sinubukan mo na ba?

"Maraming beses na at sa iba't ibang sitwasyon ngunit lumalabas lang na baliw ako"

Naghari muli ang katahimikan ng sandaling iyon hanggang sa magsalita ulit siya.

"Alam mo bang hindi ako nakakabasa ng isipan. Alam ko kasing iniisip mo mula nung una nating paguusap na may kakayahan din ako tulad ng sayo, Ang totoo niyan wala. Nag aaral ako ng behavior ng mga tao ganun din ang kanilang mga expression but that doesn't mean that I can read minds" 

Napatango lamang ako sa sinabi niya at naiintindihan ko na kung bakit ambilis niyang mapaniwalaan na may kakayahan akong makakita ng nakaraan at hinaharap. At hindi na rin ako magtataka kung bakit mabilis niya akong nakilala.

Isang sikat sa larangan ng mga gawa gawang kwento. Kaya nga wala akong kaibigan. 

Nagkwentuhan pa kami ng ilang oras ng magdesisyon kaming bumaba na at nagpaalam naman siyang pupunta na sa klase niya. 

Papunta na rin ako sa building namin ng may humigit sa mga braso ko at ng magtagpo ang mga mata namin ay isang malaking rebelasyon ang nakita ko. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Visions   Chapter : Seventeen

    We're back at the university, it's the same.Normal ang takbo ng lahat, at tuloy ang usad ng mga estudyanteng namomroblema ng kani kanilang mga requirements.Nakasunod lamang ako kay Amari habang maingat na nagmamasid sa paligid.Patungo kami sa field para sa maikling orientation ng school. Ang weird ng biglang pagtawag ng orientation gayong wala naman ata kaming event. Dahil dito, mas naging maingat pa kami sa bawat galaw namin.Maya maya ay may sumabay sa akin.“May babae dito sa likuran” sabi ni habang di tumitingin sa akin.“narinig kong binanggit niya ang pangalan mo at pangalan ni Amari, Hindi maganda ang kutob ko” dagdag pa nito.“Where did you go?” I asked. Pagkatapos kasi ng paguusap namin bigla na lamang itong nawala. I know Chad must've been hurt.“Jan l

  • The Visions   Chapter : Sixteen.

    Amari's Pov.Nagising ako na sobrang bigat ng nararamdaman ko. Napakatahimik ng paligid, inilibot ko ang aking mga mata para suriin kung nasaan ako.Nasa isang tahimik at madilim na silid, tanging ang lamp shade lamang na nasa gilid ang nagsisilbing liwanag. Muli kong ipinikit ang aking mga mata para alalahanin ang nangyari ng pumasok sa isipan ko si Mama.Agad akong siniklaban ng matinding takot at pag aalala kaya kahit madilim ay pilit ko kinapa at hinanap ang aking telepono. Ngunit di ko ito matagpuan kaya nagdesisyon akong lumabas ng silid upang doon maghanap sa labas ngunit bago ako tuluyang makalabas ay may narinig akong nag uusap.“isa lang ang paraan para matapos ang lahat ng to.." narinig kong sabi ng kausap ni Felix nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito“No, Hindi. Hindi pwede .”—Felix.

  • The Visions   Chapter : Fifteen

    Felix's Pov. It's Midnight, and the spirit of fears still hunt me. Amari passed out, few munites ago. */Knock on doors. I heard knocks on doors, but I did not open it because for sure it's our death. “hmmmm..” I heard Amari's moan so I hurriedly ran to her. Nakita ako ang mga butil ng pawis na nasa kanyang noo, sobrang lalaki ng mga butil ng pawis nito, habang patuloy naman sa pag agos ang luha sa kanyang mga mata. I let her. It's not yet the time to wake her up. I remember that Old grey man said 'The curse has been revealed.' */FLASHBACKS. papasok ako sa school, when I saw Amari from afar. I was about to ran after her but the old grey man appear. "huwag kang lumapit sa kanya” he said. And I was like, who

  • The Visions   Chapter : Fourteen

    “Felix saan mo ba ako dadalhin?” I asked Felix. Well, unfortunately kanina niya pa ako kinakaladkad palabas. Huminto kami sa harap ng kotse niya ng makarating kami sa parking lot. “Amari, huwag na huwag na huwag kang lalapit kay Kim kahit anong mangyari” may tono ng pagbabanta ang boses nito. “wait, what? why?.” I hesitate to ask. “just fuckin' do what I've told you Amari.” pasigaw nitong sagot. Tumingin ito sa paligid at dali dali akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. “ihahatid na kita sa inyo, may kailangan kang malaman.” seryoso ang mukha nito, at bago sumakay ay may kung ano itong tinitignan sa paligid na para bang may hinahanap. All way long, he's not talking. I don't even bother to asked too. Pero maya maya pa, huminto kami sa harap ng malaking building. Wait, is this his ap

  • The Visions   Chapter : Thirteen

    Amari's Pov. "Okay kana ba?" Pagmulat ko ng mata si tita kaagad ang unang bumungad. "Ano nangyari kanina, bakit ako nandito?" Masakit man ang ulo ay pinilit ko pa ring bumangon. "Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? anong nangyari bakit bigla ka nalang nag collapse, sumisigaw kapa." Ano nga bang nangyari? iniwas ko ang tingin ko upang alalahanin kung anong nangyari. Naalala ko yong mga nakita ko, pero kailangan ko bang sabihin kay Mama? "M-masakit lang po yong ulo ko M-ma." "Ohsya, sige na magpahinga ka na, I'll go to your university by this afternoon, maglilipat na ako ng mga gamit ko doon, para bukas na bukas din magsisimula na akong magtrabaho" Humalik na lamang ito sa aking noo saka tuluyang umalis. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga ng ma

  • The Visions   Chapter : Twelve

    "saan ka galing" halos mapatalon na ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot nitong si Agnes, sa lalim ba naman ng iniisip ko. "Katattapos lang ng panghuling klase ko. ikaw? tapos na ba klase mo? "Ah, o-oo kanina pa. M-may kinuha lang ako sa library, ano tara? Kain tayo libre ko na" pakiramdam ko may kakaiba ngayon kay Agnes, though lagi naman siyang ganito sa akin simula ng magkakilala kami. Seryoso, hyper, seryoso, hyper jan lang palagi umiikot ung mood niya but this time she's hyper but diko masasabing ganun ka genuine un. She's been looking around as if someone is following her. Kausap niya nga ako pero palinga linga naman ang mga mata niya. Pansin ko din ang pamumutla niya, hinila niya ako papasok ng cafeteria pero palinga linga padin ito, balisa, wala sa sarili. Isinara ang kabilang section ng cafeteria dahil sa nangyari, nandoon padin ang crime scene at mga bakas ng dugo. Tinakpan na lang ang glass window ng cafeteria para hindi m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status