Share

Chapter : Three

"Ch-chad?" Nauutal kong tanong. Kalmado lamang itong nakatingin sa akin at ngumisi. 

"Kaya mo na akong tignan sa mata ngayon?" Turan nito habang hindi parin inaalis ang ngisi sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng pagka ilang kaya iniiwas ko na ang tingin ko. 

"Sino yon?" Tanong niyang muli saka ngumuso sa building na pupuntahan ng kasama ko kanina.

"Si Agnes" sagot ko saka kumalas sa pagkakahawak niya at nagsimulang maglakad. Siya namang pagsunod niya.

"Angas, may iba kana palang kaibigan maliban sa akin?" 

"Sino ba naman kasing nagsabi sayong kaibigan kita" 

Umakto itong nasasaktan dahil sa sinabi ko. Ibang klase paano niya nagagawang maging kampante sa lagay na ito. 

Binilisan ko na lamang ang paglakad ko papasok sa classroom para hindi niya ako maabutan. 

Habang nagtuturo ang professor namin ay hindi ako mapakali. Tumingin ako sa labas ng bintana at mula sa kabilang building nakikita ko ang pangyayaring masusunog ang classroom na yon kung saan ang mga taga medical department at nanduon si Agnes dahil taga medical department siya. Isa lang ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon, gusto kong balaan ang mga nanduon. Ngunit sa kabilang banda ay naisip ko ring walang maniniwala sa akin. Pero hindi ko na inisip ang posibilidad na iyon at agad akong nagtaas ng kamay sa kaligtnaan ng pagtuturo ni sir. 

"Sir, would you mind if I'll excuse for a minute?" 

Tumango lamang siya at nagmadali naman akong lumabas, mabuti na lang at mabait itong professor namin ngayon.

Agad kong tinungo ang kabilang building at naghahanap ng tyempo para maispatan si Agnes at hindi naman ako nahirapan dahil naroon lamang siya sa gilid rin ng bintana, madali ko siyang natawag upang lumabas dahil nagkataon namang walang siyang klase. Hinila ko siya di kalayuan sa classroom saka di na ako nag atubiling sabihin ang nakita ko.

"Masusunog ang classroom nyo, sasabog ito at pati ang mga katabing classroom madadamay sa lakas ng pagsabog. Kailangan mo silang balaan dahil kung ako ang gagawa they would not believe me." 

Nagtataka man at puno ng pag aala ang mukha niya ay tumango tango lamang siya bilang tugon.

Bago pa man siya makaalis ay nayanig na ang di kalakihang bahagi ng building.

Tumilapon naman kami pareho dahil sa lakas niyon agad ko namang tinulungan sa pagtayo si Agnes ng maka recover ako.

Nakatulala lamang itong nakatingin sa building na tinutupok na ng apoy. Agad namang tumunog ang sirena ng school dahilan para maglabasan ang ibang estudyante mula sa kabilang building at nagpuntahan sa gitna ng feild. 

Inalalayan ko naman sa pagtakbo si Agnes papunta sa mga kasamahan naming estudyante.

Agad naman nagsidatingan ang mga kapulisan at mga bombero habang nababalot naman ng pangamba at takot ang mga estudyante.

"Kakaalis lang ng pulis kani kanina lang heto na naman ngayon" turan ng isa sa mga kasama naming estudyante. 

Oras lang ang pagitan ng mga pangyayaring to, tumingin akong muli sa nasusunog na building at nakikita kong may ikalawang pagsabog pa, kaya di na ako nagaksaya ng oras at nagtatakbo na ako papunta sa mga pulis upang pigilan silang huwag munang tumuloy ngunit ako ang pinigilan nila at hinawakan ng dalawang estudyante na malalaki ang katawan na sa tingin ko ay mga senior namin.

"Sandali, huwag muna, huwag muna kayong tumuloy sasabog pa ulit." 

Ngunit kahit anong pagsisisigaw ang gawin ko ay hindi nila ako pinakikinggan, nakita ko namang nagtatatakbo papunta sa akin si Chad upang pigilan ako at pakalmahin. 

"Chad, diba naniniwala ka sa akin? Sabihin mo naman sa kanila na makinig oh"  pagmamakaawa ko kay Chad ngunit sinabi lamang nito na kumalma ako. 

Maya maya pa'y isa muling malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong university. Natigalgal naman ako at di maiwasang mainis dahil kahit isa ay wala man lang naniwala sa akin. 

Nakita kong nagtatatakbong lumalabas ang iilang mga pulis at dalawang janitor ng paaralan sugatan na ang mga ito dahil sa natamong pagsabog. Ngunit isa ang naka agaw ng pansin ko, ang isang Janitor na may kakaibang pangitain, bago siya tuluyang makalagpas sa amin ay matiim kong tinitigan ang mga mata nya kahit sandali lang at tama ang hinala ko, siya yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status