Share

The Visions
The Visions
Author: Yyaassmmii

Chapter : One

Malalakas na pagsabog, nakakabinging mga putok, katakot takot na mga sigaw at karumal dumal na mga pagpatay.

Nakita ko ang isang batang babaeng nakasilid sa isang madilim, masikip at mabahong aparador habang patuloy ang putukan sa labas, kasabay niyon ay pagtakbo ng isang ginang habang may dalang baril.

Tatlong armadong kalalakihan ang nagpupumilit pumasok sa pintuan ng kanilang tahanan habang pinipilit na pigilan ng ginang ang mga ito, pinag hahampas nya ito ng dala nyang baril ngunit parang hindi man lamang ito natitinag, subukan nya mang kalabitin ang gatilyo nito ngunit huli na ang lahat ng bumaon ang isang malalim na saksak sa dibdib ng ginang, bumulwak ang napakaraming dugo mula rito ganun din sa kanyang bibig, napaluhod ang ginang at bago tuluyang bawian ng hininga ay kanyang sinambit ang pangalang "Amari anak ko" 

Nagpatuloy naman sa pagpasok ang armadong kalalakihan na tila baga ay may hinahanap.

Mula sa maliit na butas ng aparador ay nakasilip naman ang batang babae na tagaktak ang pawis at luha. Pilit nitong tinatakpan ang kanyang bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay, kitang kita nito ang nakahandusay na katawan ng inang wala ng buhay.

Napahugot hininga ang batang babae ng huminto sa harapan ng aparador ang isa sa mga armadong kalalakihan, akmang bubuksan na nito ang nakasaradong aparador, napaka bilis at walang hinto ang pag pintig ng kanyang puso ng mga sandaling iyon.

"Pst, Amari"  napa angat ako ng ulo ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.  "Ah, Chad ikaw pala" mahinang tugon ko saka inayos ang suot kong uniporme at sa pamamagitan ng aking mga daliri ay sinuklay ko ang aking maikling buhok. 

Tumayo ako at akmang aalis na ngunit agad namang nakasunod tong isa. "Lagi kabang puyat sa inyo kaya dito ka palaging inaabutan ng antok sa hagdan?" Ani nito, ngunit hindi ko na lamang sya pinansin at nagpatuloy sa pagbaba. Palibhasa walang estudyanteng pumupunta dito kaya pakiramdam ko pag aari ko ang bandang hagdan na tinutukoy nya, nasa dulo kasi ito ng ika tatlong palapag ng aming building. Dito ako madalas magpalipas at magpahinga, far from toxic people, far from my visions. 

"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko sa taong nakasunod sa akin na ngayon ay nakasabay na sa paglalakad. 

"Gusto kong magpahula" sagot nito ng walang pag aatubili. 

Napa ismid lamang ako sa naging tugon nya, matagal ng panahon at wala paring pagbabago sa motibo ng taong ito kaya gustong gusto niyang mapalapit sa akin. Mahigit 4 na taon, maraming tao na ang nanghusga, nanghamak at nagpahiya sa akin naniniwala pa rin syang kaya kong hulaan ang magiging kinabukasan nya, kaya ko naman talaga pero ang desisyon ko ay hindi nalang. 

I am denying my ability to see their future, this is not to be rude pero parang ganun nanga, because I want to avoid the possibilities, at hanggang maaari gagawin ko ang lahat to stay away with them.  I want a peaceful, simple and living life where I can breath and I can survive.  I don't even want to get attached with someone, I don't even need friends and people in my life. Pakiramdam ko ay ilalagay ko lamang sa alanganin ang kanilang mga buhay sa oras na nakapalagayan ko sila ng loob at sa sandaling mahawakan ko ang kanilang mga kamay. Some people say I can save their life but I'm too afraid to do that. Ayukong makita ang hinaharap na kamatayan ng isang tao, ngunit hindi naman ako ganun katigas para isawalang bahala ito kaya hanggang kaya ko ay nagbibigay ako ng babala. And the saddest part is that no one believes in me. Funny right? Tapos sa bandang huli ikaw pa ang masisisi. 

"Palagi ka talagang tahimik?" Muling tanong niya. Patawa din tong isang to, alam naman niyang palagi nagtanong pa talaga. Kaya mas binilisan ko na lamang ang lakad ko at naiwan sya. 

"Here comes the freaked witch" Bungad kaagad sakin pagpasok ko palang ng classroom department namin. Diko nalang pinansin tulad ng dati, nagkunwari muli akong walang naririnig at dumeretso sa pinakadulong upuan. Diko rin naman maintindihan sa mga utak pagong na ito at hanggang ngayon hindi nagsasawang mambato ng kung ano anong mga salita. We were college pero utak nila hindi umuusad, oh come on earth, what's going on?

"Bali balita, may lahing mangkukulam kaklase nyo pala?" Pagpapatuloy ng kanilang usapan na agad namang sinang ayunan ng tawa ng iba pa naming kaklase. Sa halip na mainis ay natatawa na lamang ako. Kasi kahit anong gawing pang aasar nila sa akin hindi na effective. Hello? Ilang taon kayang paulit ulit sa ganitong sistema hindi manlang makausad mga attitude ng mga to. Bahagya kong sinulyapan ang babaeng lider lider at bida bida ng aming department walang iba kundi ang nagmamagandang si Elisse, ano bang pinagyayabang nito. Ah, kasi she's one of the most popular sa school? uhm, her looks? What so new ba? Maliban sa kulay ginto nitong buhok na nakaraang linggo ay kulay abo, sana ang budhi pwede ring kulayan ng ginto para di umaalingasaw ang bulok sa loob. 

Sa mga sandaling tinignan ko sya, katawa tawang pangyayari at pagkakapahiya ang nakita ko na hindi niya pa nararanasan sa buong buhay nya. 

Maya maya lang ay ramdam ko na ang mahinang bulungan at tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan kong kaklase mula sa kabilang gilid ng upuan and I look once again to Elisse. Boom! 

"Elisse may period ka? Look there's a blood on your skirt" pamumuna ng isa niyang kaibigang si Audrey. Agad naman syang huminto sa kanyang ginagawang pagtitiktok at namumutlang lumingon sa aming mga kaklase. Okay, this is awkward this is really embarrassing. 

"Wews" mahinang bulong ko sa hangin saka itinuon ang tingin ko sa labas kung saan naroon ang taga ibang department na kasalukuyang nagpeperform ng kanilang mga performance para sa gaganaping event the next month. mula sa aking pelipherial view nakita kong nagdadali itong tumakbo palabas kasama ang dalawang kaibigan niya. 

Mahigit mag iisang oras na pero wala pa rin ang aming instructor para sa araw na iyon kaya nagdesisyon akong lumabas ng makaramdam ako ng pagkabagot at gutom. Cafeteria agad ang tungo ko, walang gaanong tao kaya madali akong nakahanap ng mapupwestuhan. Sa ibaba lang ang tingin ko sa kadahilanang ayaw kong katagpuin ang ibat ibang mata ng mga taong makakasalubong ko.  

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay naramdaman kong may papalapit sa akin, hindi pa ito nakakaupo ng magsalita ako.

"Kailangan ko ng world peace, marami pang bakante jan humanap ka nalang" 

Ngunit tila yata bingi oh di lang makaintindi itong isa at walang ano ano'y umupo na lamang ito sa harap ko at nilapag ang dala nitong pagkain.

"Tawagin mo akong Agnes. I'm Agnes Garcia, bago ako sa school nyo kaya sana don't be rude to me"  Sabi nito. 

Pake ko naman? Isip at pasalita madalas pabalang ako sumagot.

"I know what you're thinking, Sa isip mo binabara mo ako, and yes to be exact. I know you Amari Solaire Willow" napa angat ang tingin ko sa kanya dahil sa tinuran nya, sa pag aakalang baka kilala ko siya kaya kilala niya ako. Agad nagsalubong ang mga mata namin ngunit ang ikinagugulat ko ay hindi ko nakita sa mga mata niya ang mga pangyayaring nakikita ko sa mga mata ng iba. 

Normal na ba ako? Bakit wala akong makita sa mata niya. 

Nakita kong napatawa lamang siya saka nagsalita "Haha,. Oo normal ka but you're difference is that you have the ability na pilit mong itinatago at kinatatakutan" 

Hindi ako nakaimik sa tinuran nya, paanong ang nasa isip ko ay nabasa niya.? Sino ka Agnes? Magkatulad ba tayo? Oh sadyang nagkataon lang na mahusay ka sa pagbabasa ng isipan ng tao.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
adiwahyubowo
Can't wait for the next updates!!! This is so great! I wish you could share any social media I could follow so I can send you lots of love!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status