Share

Sleepless night

*Alana*

"Tangna naman, Alena! Papatayin mo ba ako?" Humahangos ako habang sapo-sapo ang noo kong kumikirot sa sakit.

"Ikaw pa 'yong galit? Aba, e 'di sana hinayaan na lang kitang mamatay. Ilang gabi ka ng binabangungot, Alana." Bulyaw niya.

"Okay ka lang?" Maya-maya ay naging banayad na ang boses niya.

"Bitawan mo nga muna 'yang boots mo. Ang sakit ng noo ko bumukol yata." Daing ko.

"Sandali kukuha lang ako ng yelo." Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto.

Ilang gabi ng matutulog sa room ko si Alena dahil sa wala na namang tigil 'yong bangungot ko.

Muli na namang bumabalik 'yong malagim na dinanas ko noong maliit pa lamang ako. Malakas ang kutob ko na 'yong boses na naririnig ko sa bangungot ko ay boses ni Francesco.

I shook my head.

No. Maybe I'm overthinking. Hindi rin kasi ganoon kalinaw ang panaginip ko. Baka ibang tao 'yong nakita ko many years ago na may hawak na baril at walang awang pinagpapatay ang isang lalaki at babae na sa tingin ko ay mag-asawa.

Huminga ako ng malalim.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status