"Ako'y simpleng probinsyana lamang, na hindi mulat sa pag-ibig..." Masayahin, maganda, mabait at pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan si Rosalia Selim sa kanilang probinsya sa Albay. Ngunit ang saya ay mapapalitan ng hirap, at pasakit. Napadpad siya sa Maynila at hinarap ang anumang klaseng trabaho, hanggang sa siya ay matanggap bilang sekretarya sa isang sikat na company ng mga Werloz. Ngunit ang hindi niya alam, may sikretong pag-ibig at pagsasakripisyo ang mangyayari. Sikretong kailan man hindi na kaya pang ibalik sa memorya nawala na.
View More"PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.
"NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi
"OPO, Inay! Bukas po ang simula ng trabaho ko." masayang pagbabalita ni Rosalia sa kanyang Inay na katawagan niya sa cp ni Annie. Nabalitaan niya rin sa kanyang Inay na hindi pa rin nagaan ang kalagayan ng kanyang Itay. Kahit na may kabang nararamdaman, wala siyang planong sumuko hanggat hindi niya nakukuha ang pinunta niya sa Maynila para maipagamot ang kanyang Itay. Inay: [Mabuti naman at ok ka diyan, anak! Masaya kami ng Tatay mo para sa trabaho mo! Maipapagamot na natin ang Itay mo.]Napangiti lalo si Rosalia. Hindi man niya nakikita ang kanyang Inay habang kausap niya, alam niyang nakangiti ito at naiiyak sa tuwa."Alam niyo po, Inay... Miss ko na ang Bicol... Kayo po pati na rin po sina Annie at iba pa pong mga kapitbahay natin diyan." sabi ni Rosalia, napabuntong hininga. Inay: [Nako, Rosalia! Kung naririnig mo lang ang mga kapitbahay natin na halos araw-araw ka na nilang kinakamusta sa amin ni Annie.]Sabay silang nagtawanan ng kanyang Inay. Hindi maitatagong talagang na-mi
"SIR, ganito pong palda, pwede na po ba?" nahihiyang tinaas ni Rosalia ang skirt na sa tansya ay hanggang binti niya. "'Yan, ma'am! Ayos na po 'yan!" nakangiting sabi ng sales lady na nasa tabi ni Rosalia."That's ok. But try to find a longer skirt." seryosong sagot ni Lev. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya ng tumunog iyon. Tumingin siya kay Rosalia. "I have to take this call, Ms. Selim." sabi ni Lev, na tinanguan naman agad ni Rosalia, sabay talikod nito at umalis. Pinakatitigan ni Rosalia ang skirt na napili niya. Violet skirt iyon na pag sinuot ay fitted at makikita ang hugis ng kanyang hips. Maya-maya ay napangiti siya at naghanap pa ng ibang kulay."Excuse me, ma'am," tawag ng sales lady na kasama ni Roslaia kaya agad niya itong nilingon."B-bakit po?" utal na tanong ni Rosalia. Pinakita niya rin sa sales lady ang napili niyang skirt. "Pangit po ba? Hindi bagay sa akin?""Ay, nako! Nako, ma'am! Bagay po sa inyo! Sobra nga po." natawa ang sales lady sa sina
"PANIGURADONG magagalit sa akin si Sir Lev nito, Annie." Hindi mapakaling napaupo sa kanyang kama si Rosalia habang kausap sa telepono si Annie. Annie: [Malamang 'yan, Rosalia... Sino ba naman kasing mangangako sa kasamahan niya sa apartment na pakikiusapan niya ang kanyang boss na ipasok ang nagngangalang, Trina... Malamang ikaw.] Napasandal sa dingding si Rosalia. Rinig niya ang mahinang tawa ni Annie pero nangingibabaw sa kanya ang kaba. Hindi naman niya sinasadya na mapa-oo na tulungan si Trina, sadyang naawa lang siya dahil sa rason ni Trina para lang makapasok sa Werloz company. Ramdam niya ang kahirapan ni Trina. Hindi lamang sa pangangailangan nitong mag-trabaho, kundi para na rin sa kagustuhan nitong muling makapag-aral. College student na sana si Trina. Kwento pa ni Trina kay Rosalia ay natigil ang kanyang pag-aaral at mapag-pasyahan nilang magkapatid na alisan ang tita nilang inaabuso lamang sila. Wala na pala silang pamilya. Hindi patay, kundi may kani-kanila ng pamil
HAPON na nang makauwi si Rosalia sa apartment na tinutulungan niya. Mabuti na lang at pinahatid siya ng kanyang magiging boss kay Lerio at makasalubong si Trina, ang kapatid ni Tania, na sila na ngayong kasama ni Rosalia sa isang tindahan ng ihaw-ihaw malapit sa kanila. Nakikipag-kwentuhan si Trina sa mga kaibigan nitong nakatambay sa loob at kumakain ng ihaw-ihaw."Nako, Rosalia! Muntik na tayo do'n kanina." Salita ni Lerio na siyang may hawak pang isaw. "Mabuti na lang at napag-bigyan tayo!""Mabuti nga po, Kuya Lerio. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kanina." Ani ni Rosalia bago saglit na lingunin ang nasa likuran niyang black na bmw na sasakyan. "Saka, 'yung mga tingnin ni sir, parang mangangain na." Sinubo ni Rosalia ang natitirang isaw na nasa stick niya bago kunin ang panibagong isaw na nasa gilid ng ihawan.Napatawa naman si Lerio sa sinabi ni Rosalia. "Nako! Ganoon na talaga si sir, Rosalia. Pero ang pinag-tataka ko nga ay bakit hindi naging ma
TAHIMIK na naglalakad si Rosalia kasama ang driver kanina na kausap niya kanina sa labas at ang kanyang magiging boss. Bumalik sa bar si Tefiro dahil kailangan nito ang binigay na trabaho sa kanya ni Lev.Nasa loob na ng building sila Rosalia at kahit na gusto niya mapa-ngiti at pagmasdan ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa sa loob ng office ay hindi niya pa rin magawa dahil sa ka bang narraamdaman.Habang nangunguna sa paglakad si Lev ay Napatingin siya sa katabi niya na nginingitian ang mga nasa loob ng kani-kanilang office."K-kuya ng driver," kinulbit ni Rosalia ang driver dahilan para ito'y mapatingin sa kanya at tumaas ang kilay. "Ano po bang ginagawa ng isang secretary ni sir?" Mahinang tanong ni Rosalia at mapatingin kay Lev na patuloy sa paglalakad."Tawagin mo na lang akong Lerio, Rosalia." Ani nito bago lumapit sa tainga ni Rosalia, "Ang sagot sa tanong mo ay kailangan mo lang na kasabay kay Sir Grayson, lalo na sa mga meeting niya mins
TAHIMIK lamang si Rosalia na nakatitig sa lalaking nasa harap niya na. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanyang ka harap ay ang tumulong sa kanya noong gabing gahasain siya ng kanyang dating boss."I-ikaw y-yung tumulong s-sa akin noong gabi na 'yon." Mahina ng sabi ni Rosalia ngunit nakita niya ang pagkagulat ni Tefiro mula sa gilid niya at makita si Lev na seryoso lang ang mukha."Excuse me? Pardon?" Natatawang tanong ni Lev habang nakatingin kay Rosalia. "Anong gabi na 'yon? What's happening, Tefiro?" Napatingin si Lev kay Tefiro na parang walang alam."Ah, sir, I think nagkakamali po si Rosalia." napatingin si Tefiro kay Rosalia na parang sinenyasan ito na walang alam ang totoong may-ari ng bar sa nangyari noong gabi na iyon.Napakunot ang noo ni Rosalia na binabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki. Alam niya at totoo ang sinasabi niya. Hindi man niya iyon nakilala nang maayos ngunit sa boses pa lang nito ay alam na alam niya na.
"KUMUSTA na po diyan inay? Maayos lang po ba kayo diyan? Kumakain naman po ba kayo sa tamang oras?" Sunod-sunod na tanong ni Rosalia habang namimili ng kanyang masusuot sa pag-punta sa bar. "Kumain po kayo iyan ng marami ha. Ata hindi pa man ngani ako makakapag-padala kwarta sa inyo diyan ni Itay.""Ay, ano ka ba, anak. Kahit na malayo kay ay ganiyan ka parin kung mag tanong sa amin," napatawa ng ginang mula sa kabilang linya. "Saka h'wag kang mag-alala, ok lang kami rito, andito naman si Annie at mga kapitbahay natin na natulog rin."Nakahinga nng maluwag si Rosalia at mapangisi sa narinig. Hindi nito ini-expect na natulong pa rin ang kanilang mga ka-kilala sa kanila. Iba pa rin talaga ang taglay ng pagtutulungan sa kanilang bayan."Balang araw, inay, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit na maliit lang ang itulong natin basta't may silbi ang lahat ng iyon at bukal sa kalooban." Nakangiting sabi ni Rosalia. Inipit niya sa kanyang balikat at tainga ang
Comments