Share

Goodbye 11

"Hindi ko alam Aveline. Hindi pa siya nagigising."

Lumapit si Andro sa kamang hinihigaan ni Adrienne at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Nang makita niya sa malapitan ang maputlang mukha nito, hindi niya pa rin mapigilang mag-alala.

"Sige sige, Kuya. Papunta na ako. Siguro bago mag-gabi, nakarating na 'ko diyan. Alagaan mo si Ri, ha. 'Wag mo 'yang iwanan. Tatamaan ka sa akin kahit mas matanda ka sa akin, kuya. Nakita mo."

Napailing na lang si Andro dahil sa sinabi ng pinsang si Aveline. Patuloy pa rin ito sa pagbilin sa kaniya at parang naririnig niya pang nakikipagtalo ito sa kabilang linya.

"Sa'n ka nga pupunta sabi?"

Naupo na lang muna si Andro sa upuan sa tabi ng kama habang nakikinig pa rin sa usapan sa kabilang linya. Don't get him wrong. Hindi siya chismoso. Sadyang may ipapakisuyo lang siya kay Aveline kaya hinihintay niya munang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya.

"'He! 'Wag mo akong k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status