Share

Special Chapter 5

Bigla na lang akong nanlamig at kinabahan, anong meron sa kaluluwang iyon, at gusto akong kausapin.

Bakit ako?

"Kailangan na lang nating bilisan, Boss. Baka hindi natin siya maabutan sa kinaroroonan niya ngayon. Sa hula ko, mga isa hanggang dalawang linggo lang siya kung manatili sa kanyang kinalalagyan, sa oras na matapos ang araw na iyon, umaalis na siya, at hindi siya nag-iiwan nang alin mang bakas." mukhang tama ako ng hinala, may nararamdaman akong iba, iyong kakaiba.

Kung hindi babala, isa itong paalala.

"Kung ganun, bakit niyo pa kailangan magsabi ng hindi totoo, sa mismong harapan nang Ama niyo?" agad kong tanong sa kanila nang may mapagtanto ako.

"Totoong nagsasalita siya ng kastila, pero nakakapagsalita din siya ng wika natin. White lies iyon. Gumawa lang kami ni Ruin ng dahilan para umalis si Ama, kagaya ng sabi namin Boss, ikaw ang siyang kailangan niyang kausapin." napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa narinig ko. Bakit pa nila kailangan paalisin ang Ama nila? Bakit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status