Share

Chapter 24

Maaga akong gumising at nagpunta sa dalampasigan. Hinintay ko lang na magbukangliwayway. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Para bang may bagong pag-asa sa bawat paglubog ng araw ng kahapon.

"Ang aga mo naman, Tala,” nakangiting sabi ni Mang Gabo na may dalang tasa ng kape niya. "Kamusta ang kasiyahan kina Mayor?" tanong niya pa.

"Ayos naman po. Maraming bisita,” sagot ko at napatango naman siya. "Mang Gabo, paano niyo po ako natagpuan dito?" tanong ko. Dito niya raw kasi ako nakita. Akala niya nga, patay na ako kasi may tama ako sa ulo.

"Diyaan sa may batong iyan, nakadapa ka. May sugat sa ulo at namumutla. Wala ka ring pang itaas. Nakapanloob ka lang. Mukha ngang turista ngunit wala namang naghahanap sa iyo rito sa aming Bario."

Natigilan ako sa sinabi niya. Walang naghahanap sa ‘kin? Paano nila iisipin na patay na ako gayong wala naman silang nakitang bangkay ko? Sabagay, sa tagal kong nawawala, malamang iisipin nilang kinain na ako ng mga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status