Share

Chapter 23

"'Di mo ba itatanong kung anong pangalan niya?" tanong ni Tori habang naglalakad kami papunta sa garden kung nasaan ang mga bisita at mga pagkain. Nasa table na raw kasi nila ang iba niyang kaibigan at sasama raw ako sa kanila. "Siya si Architect Dela Cuesta. Amorsolo Xavier ang pangalan niya pero mas kilala siya bilang Sol,” paliwanag niya pa

Sol? Pamilyar talaga siya sa ‘kin. Parang ang lalim ng pinagsamahan namin. Pero hindi siya pumapasok sa alaala ko. Kilala niya kaya 'yung Pres?

Pinakilala ako ni Tori sa mga kaibigan niya pero dahil hindi ako magaling makihalubilo, hindi ako makasabay sa usapan nila. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko. Kamamasid ko, nakita ko na naman si Architect Dela Cuesta na nakatingin sa ‘kin at kasama niya sina Mayor at ibang matatanda.

Bakit niya ako tinitingnan? Kinakabahan na ako sa kanya. Baka siya 'yung gustong pumatay sa ‘kin. Naghihintay lang siya ng pagkakataon kasi marami

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status