Share

Chapter 15.1

Mabilis akong naglakad palabas. Dali-dali akong pumasok sa elevator. Kasunod ko si Jason nang pumasok din siya. Ibinaba ko ang karton sa sahig at lumuhod.

Tiningnan ko ang mga gamit ni Bok. Puro libro ang nando'n. Nakita ko pa ang iilang papel na may pangalan ni Writan. Hinawakan ko ang kwentong pinabasa sa akin niya noong nagpunta kami sa dulo ng kalsada. Niyakap ko 'yon.

"Where are you?"

"Claudia?" tawag ni Jason.

Tumayo ako at tumingin sa kanya.

"It's our fault that they weren't here anymore. I need to find them, Jason."

Lumambot ang tingin niya sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako.

Tipid akong ngumiti sa kanya pagkatapos.

"Mahahanap din natin sila at ang kapatid mo," sambit niya.

Tumango ako. Bumalik ulit ako sa karton at ibinaba ang papel. Wala ro'n ang librong ibinigay ko kay Bok. Kinuha ko naman ang isang papel na madumi na at mukhang naapak-apakan.

"Sa aking nawalang pag-ibig,

Tayo'y sinubok ng panahon

Ngunit ika'y mananatili rito't babangon

Hinihiling ako'y patawarin sa aking pagyaon.

Sana'y iyong tatandaan

Ikaw ay sa puso ko lamang

Mamahalin at hindi malilimutan.

Ngunit ako sana'y burahin na sa 'yong isipan

Dahil ako'y hindi na makababalik.

Patawad, aking nawalang pag-ibig."

My tears pooled down my cheeks. It's the poem that Grandma wrote. I sobbed harder. What have I done?

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status