Share

Kabanata 06

last update Last Updated: 2025-02-16 23:49:22

Kinabukasan, pagdating ni Sebastian sa kumpanya, bigla silang nagkasalubong si Trixie.

Hindi alam ni Trixie na nakabalik na pala si Sebastian at Xyza sa Maynila kaya naman saglit siyang natigilan nang makita ito sa pasilyong iyon ng kumpanya.

Nagulat din si Sebastian nang makita siya, pero inisip lang nitong kagagaling lang ni Trixie sa business trip at hindi na nagbigay ng masyadong atensyon sa pagkawala nito.

Walang ekspresyon ang kaniyang mukha na parang hindi nito kilala si Trixie. Dinaanan lang niya ito ng malamig at dumiretso na sa loob ng presidential’s office.

Kung noon ito nangyari, tiyak na matutuwa si Trixie kung makita niya si Seb na bumalik nang hindi inaasahan.

Kahit pa nga hindi siya nito bigyan ng yakap man lang sa tagal rin nilang hindi nagkita, magliliwanag pa ang kanyang mga mata at mapupuno ng kasiyahan ang kaniyang puso.

Siguradong kahit anong lamig ang pakikitungo nito sa kaniya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin ng "Good morning."

Pero ngayon, tiningnan lang ni Trixie ang papalayong bulto ng lalaki, saka ibinaba ang tingin.

Tuluyan nang nawala ang bakas ng kahit anong kasabikan o saya sa kanyang mukha.

Sa kabilang banda, ang maliit na pagbabagong iyon ay hindi naman napansin ni Sebastian at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Habang pinagmamasdan ni Trixie ang matikas na likuran ng lalaki, napatanong na lang siya kaniyang sarili kung kailan ang mga ito dumating.

Pero kung nakabalik na si Sebastian, siguradong malapit na nilang pag-usapan ang kanilang divorce agreement, hindi ba?

Dahil desidido na siyang lumaya, hindi na niya pinagkaisipan pa iyon. Agad na bumalik na siya sa kanyang desk at itinuloy ang naiwang trabaho.

Makalipas ang kalahating oras, tumawag si Calix sa kanya.

"Gumawa ka ng dalawang tasa ng kape at dalhin mo ito sa opisina ni Mr. Valderama. Make it fast."

Napatawa na lang siya ng sarkastiko sa isang alaala na bumalik sa kaniya.

Noon, para mapalapit kay Sebastian, pinag-aralan pa ni Trixie ang paggawa ng kape nang matuklasan niyang mahilig ang asawa roon. Mahabang oras ang ginugugol niya sa coffee making workshops at talaga namang nagpapakasipag siya para lang ma-enhance pa ang skill niyang iyon.

At nagbunga naman ang kanyang pagsisikap.

Matapos matikman ni Sebastian ang kape niya, timpla na niya ang laging hinahanap nito. Sa bahay man o sa opisina, siya lang ang gusto nitong magtimpla ng kape niya.

Nang unang marinig ang papuri nito, hindi pa siya makapaniwala. Akala niya, iyon na ang unang hakbang para magkalapit sila…

Pero hindi niya naisip kung gaano ka-grabe ang pag-iwas at panlalamig ni Sebastian sa kanya.

Oo, gusto nga nito ang kape na siya ang nagtimpla, pero siya na gumagawa nito, kailanman ay hindi.

Kaya tuwing gusto ni Sebastian ng kape, si Calix ang inuutusan niyang tumawag sa kanya. At kapag tapos na siyang magtimpla, ibang tao naman ang sumusundo ng kape para dahin kay Sebastian.

Talagang hindi siya nito binibigyan ng kahit anong pagkakataong makalapit sa kaniya.

But there are also times na kapag sobrang abala si Calix at ang iba pang tauhan, saka lamang siya may tsansang personal na magdala ng kape sa opisina ni Sebastian.

At ngayon, sa tono ng sinabi ni Calix kanina, mukhang kailangan na siya mismo ang maghatid ng kape kay Sebastian.

Kaya naman matapos gawin ang kape, inilagay na ito ni Trixie sa tray at nagtungo sa opisina ni Sebastian.

Nang dumating siya sa harapan ng pinto ng opisina nito, bahagyang kumunot ang noo niya dahil hindi maayos ang pagkakasara ng pinto. May awang itong kaunti.

Yumuko siya dahil nagbabalak kumatok pero mula sa siwang ng nakabukas na pinto, nakita niya ang isang hindi kaaya-aya na tagpo.

Nakita niya si Sebastian at si Wendy.

Nakaupo lang naman si Wendy sa kandungan nito, habang mahigpit na magkayakap at naghahalikan.

Napahinto si Trixie sa dapat gagawin, at biglang nanlamig ang kanyang mukha.

Mukhang napansin ng mga ito na may ibang tao dahil lumingon si Wendy sa gawi niya. Nang makita siya nito, agad na bumaba si Wendy mula sa kandungan ni Sebastian.

Napatingin tuloy si Sebastian sa kanya nang may matinding pagkainis.

"Who the fuck told you that you have the permission to be here?!"

Mariing hinawakan ni Trixie ang tray dahil sa biglaang pagsigaw nito.

"Dinalhan lang kita ng kape—"

"Sige na, Secretary Salvador, I'll take this from here. You can go."

Biglang lumitaw ang isa pang personal na sekretarya ni Sebastian, si Yuan Cruz.

Isa rin ito sa iilang nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian.

"Alam mo, ako na ang napapagod diyan sa ginagawa mo," sabi nito na may bahagyang pang-uuyam sa tono.

Hindi na niya kailangang ipaliwanag. Naintindihan agad ni Trixie ang gustong ipahiwatig ni Yuan.

Iniisip nitong sinadya niyang pumunta roon dahil alam niyang nasa kumpanya si Wendy. At pilit niyang sinisira ang relasyon ng dalawa gamit ang pagpapanggap na magdadala lang ng kape.

Sa ekspresyon at galit ni Sebastian, hindi malayong ganoon din ang iniisip nito.

Kung dati pa ito nangyari, baka nagawa niya nga iyon sa sobrang pagka-desperada. Pero ngayon, since malapit na silang mag-divorce. Paano pa niya magagawang gawin ang ganoong bagay?

The hell she cares.

Pero hindi siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng sinuman sa mga tao sa opisinang iyon.

Malamig na inutusan siya ni Yuan, "Umalis ka na agad."

For all the awful treatment, namula ang mata ni Trixie, at bahagyang nanginig ang kamay niyang kanina pa may hawak na tray. Tumapon tuloy ang kape mula sa tasa at napaso ang kanyang mga daliri.

Masakit, pero hindi siya nagreklamo at tiniis ang nangyari. Wala siyang kapangyarihang suwayin ang mga inuutos ng mga ito tahimik na siyang tumalikod at lumabas.

Ngunit bago pa siya makalayo nang tuluyan, muling narinig niya ang malamig na tinig ni Sebastian mula sa kinauupuan nito.

"If this incident ever happen again in the future, tandaan mong wala ka nang kumpanyang babalikan."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Babay NA Bangsa Moro
Kailan Kya an susunod
goodnovel comment avatar
Remia P. Cabanatan
sarap patayin Ang mga kabit
goodnovel comment avatar
BabYzeus MaaLa
panget ng ugaki ng lalake
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 252

    Nang makaalis si Racey at Casper sa harapan ni Trixie, doon na muling bumuhos ang tindi ng emosyon na kinikimkim ni Trixie dahil nasa harap pa siya ng mga kaibigan. Naroon pa rin ang laptop sa mesa, pero naka-sleep na ito. Nakatitig siya sa repleksyon ng sarili sa salamin ng kaniyang nakapatay na laptop.Mainit ang dibdib ni Trixie. Hindi dahil sa kahihiyang dulot ng balitang kasal, kundi dahil sa galit. Sa pagkadismaya. Sa pagkabigo."Ito na ba talaga?"Dahan-dahan siyang naupo, pinagsalikop ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Nagsalita siya. Mahinang tinig, para bang siya lang ang kinakausap niya, pero buo. Matigas. At puno ng sigla na matagal na niyang inilihim."Ito na ‘yon," bulong niya sa sarili. "Tapos na. Hindi lang basta tapos—ako na ang magtatapos."Tumingin siya sa screen ng phone niya, kung saan naka-pause pa rin ang video ng announcement ni Wendy, proud, smug, parang sinasabing, Ako ang nanalo.Napakagat si Trixie sa loob ng pisngi niya. Hininga. Saka siya tumayo. Buong la

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 251

    Makalipas ang ilang oras, isang tahimik ngunit emosyonal na tensyon ang bumalot sa buong Astranexis.Tahimik ang buong silid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng central aircon at ang bahagyang kaluskos ng papalapit na yabag ni Helios sa hallway.Tumigil si Helios sa harap ng glass door ng opisina ni Trixie. Wala siyang dalang bulaklak o tsokolate, ngayon, nagdala lang siya ng sarili. Ngunit huli na siya. Sa loob, nakita niyang hindi na mag-isa ang babae.Sa loob ng opisina, nakaupo si Trixie sa sofa, nakaharap sa laptop screen na monitor. Nandoon pa rin ang freeze frame ng livestream ni Wendy, nakangiti ito habang nakataas ang kamay na may isang magarang singsing na nakasuot sa daliri. “We’re getting married.”Nasa loob si Racey at si Casper, kapwa waring naglalakad sa balat ng itlog habang kinakausap si Trixie, hawak lang ang isang baso ng tubig. Nasa gilid naman niya si Casper, nakayuko ang ulo, halatang nag-iingat sa bawat salitang sasabihin. Sa isang sulok, naglalakad

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 250

    Hindi na nagulat si Helios. He expected as much. Wendy was capable of this. Gagamitin ang kahit anong impormasyon. She knows where to hit. Kahinaan. Lihim. Bata. Para lang makuha ang gusto niya.Ito ang ginamit niya kay Klaud. Tulad ng ginawa niya kay Sebastian.“She said Trixie was playing him. Na nagsisinungaling si Trixie. She made me forge reports, falsify documents, mga medical, mga technial evidences Para hindi siya paniwalaan ni Sebastian kahit magsalita siya.”“Why didn’t you speak before?” bulong ni Helios.“Because I knew no one would believe me. Everyone thought I was already gone. And I was. I also didn’t want my daughter to die.”Tumayo si Helios mula sa pagkakaluhod. Malamig ang titig, ngunit ang loob niya’y naglalagablab.“You pathetic bastard,” bulong ni Helios. “You let a woman like her destroy another one’s life just to save your secret.”Hapong-hapo si Klaud, pilit na humihingal. Nanginginig ang buong katawan. Ngunit ang huling tinig na narinig niya ay malamig, mas

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 249

    WARNING!!! Mention of torture. “Nasaan ako? Anong lugar ‘to?! Sino kayo?! Bakit niyo ako dinukot?!”Muling pumapailanlang ang sigaw mula sa tuyong lalamunan ni Klaud Buenavides. Naghahalo ang takot, galit, at desperasyon sa kaniyang tinig. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Halos mamalat na ang kanyang lalamunan sa kakasigaw, tila ba may makakarinig at maaawa sa kanyang kalagayan. Ngunit ang tanging sagot sa kanya ay katahimikan. Walang ibang ingay kundi ang mabibigat niyang hinga at mahinang langitngit ng kahoy sa bawat pihit ng kaniyang katawan.Nakapiring siya, ang itim na tela ay nanlalagkit na sa pinaghalong pawis at luha. Nakakadena ang kaniyang mga kamay at paa sa isang lumang upuang kahoy na animo'y sinadyang ipuwesto sa gitna ng silid para gawing altar ng kalbaryo.Hindi niya alam kung sino ang may pakana nito. Hindi niya rin alam kung dahil ba ito sa Valderama o sa sindikatong tinarantado niya. Sa dami ng putik na nilusong niya bilang private investigator, wala na siyang ideya kung

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 248

    Halos isang linggo na ang lumipas. Mula nang gabing iyon, hindi na muling pinilit ni Sebastian si Trixie. He thinks she needed that space, and for once in his damn life, he gave her that.Ngunit ang kapalit, ay katahimikang mas lalong nagpabigat sa dibdib niya. Palibhasa’y nasa pangangalaga ngayon ni Trixie si Xyza, wala nang nakapapaalis sa kaniya sa opisina. Nanatili siya sa doon, nagbababad sa trabaho, sinasadyang ubusin ang sarili sa mga papel, kontrata, at proyekto, anumang makakapagpatigil sa tuluy-tuloy na pagbalik ng alaala ng gabing nakita niyang yakap-yakap ni Helios si Trixie. Ilang minuto pa ay pumasok si Yuan. Bitbit nito ang ilang dokumento’t folder, ngunit mas mabilis pa rito ang mga salita sa bibig niya.“Here’s my other report, Sir Seb. I’m telling you this beforehand, congratulations on your engagement, Sir!”Napataas ang kilay ni Sebastian. What the fuck is he saying?“Sir?” Nagkibit-balikat si Yuan, halatang napansin ang reaksyon ng kaniyang boss. “Don’t tell me,

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 247

    Sa sala ng mansiyon ng mga Salvador, tahimik na nakaupo si Trixie sa tapat ni Lola Angelina habang nakahawak sa baso ng mainit na salabat. May multi ng kahihiyan sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang matanda.“Apo,” ani Lola Angelina, “kanina ka pa tulala diyan. Kung iniisip mo ang nangyari kagabi ay ayos lang naman daw iyon kay Helios. Napakabait na bata, gustong-gusto ko talaga siya. The way he takes care of you last night, I knew right at that moment that you seemed special to him. Am I right, apo?”Ngunit halip na sagutin ang matanda ay tulala pa rin siya. Hanggang sa parang kidlat na dumaan sa isip ni Trixie ang imahe ng isang lalaking may mahigpit na hawak sa kaniyang baywang habang siya ay tumatawa nang malakas. Sumunod doon ang eksenang halos bumagsak siya at may malakas na bisig ang sumalo sa kaniya.“Oh my god…” mahinang bulong niya, sabay takip sa bibig.Nagpatuloy si Lola Angelina, “Ano apo? Naalala mo na ba ang lahat? Kung paanong umiiyak ka, tapos tawa ka na naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status