My apologies for the late updateee. Thank you for patiently waiting!🩷
Nagsimulang hindi magsalita si Racey nung binanggit ko si Helios… at kung paano ko siya binilihan ng personal items as pasalubong.Biglang lumamig si Racey. Hindi na siya umimik. Hindi na siya ngumiti matapos iyon.Teka... nagseselos ba si Racey?Napatitig bigla si Trixie sa kaniyang kaibigan na kaharap ngayon. Lihim na pinag-aralan ang ekspresyon nito. At sa loob ng utak niya, naroon ang gulo.Jealousy? Of Helios? Bakit naman—Naputol ang haka-haka nang mapagtagpi-tagpi na ni Trixie ang mga senyales. Ang pag-iwas ng tingin ni Racey. Ang pag-iwas nito ng tingin kanina. Ang biglaang pagkakagulo ng sagot.Could it be?Oh my God.“Racey...” masinsin niyang tanong, may ngiti sa labi ngunit puno ng tukso, “nagseselos ka ba?”Dahil doon ay nanlaki ang mata ng babae, nguit bago pa siya makapagsalta para depensahan ang sarili, dinugtungan na ni Trixie ang kaniyang haka-haka.“Nagseselos ka kasi wala kang pasalubong? That’s so petty!”Hindi niya maiwasang magtanong. Nagseselos ba siya dahil bi
Napangiti si Trixie sa kabila ng kaguluhan sa isip. “Racey…”“Yeees?” masiglang tugon ng kaibigan.“Never change, please. You are all I have too.”“Why would I? I’m your ride or die. And right now, I’m ready to ride over your enemies and die sa kakaiyak. So tell me everything… again.”Huminga nang malalim si Trixie at napangiti nang may halong lungkot. “Alright. From the top.”Sa loob ng pribadong sala na iyon, natagpuan nina Trixie at Racey ang isang sandaling tila lumuwag ang bigat ng mundo.Sa pagitan ng mga puting kurtina at mamahaling mga muwebles, nagsimulang maging tapat si Trixie sa taong parang kapatid na niya, hindi man parehong dugo ang nanalaytay sa kanila, their speaking to each other is enough. Hindi para sa kumpanya, hindi para sa proyekto, kundi para sa sarili niyang puso na ilang araw nang pinipigilan ang pag hiyaw.Hawak niya ang isang mug ng mainit na tsokolate na nilagyan ni Racey ng gatas, paborito ni Trixie. Isang uri ng maliit na comfort na hindi naisip ng babae
“Unbelievable, I saw him sa hallway eh!”That statement made Trixie stunned for a bit. Halos mamilog ang mata ni Trixie.“You saw him? Are you sure? When?” tanong ni Trixie, tila hindi makapaniwala.Tumango si Racey. “Oo. Kasalubong ko. I even said hi pero hindi niya ako pinansin. He seemed so lost in his own thoughts. But nagmamadali rin siya, at the same time actually. Ang weird talaga niyang ex mo kahit kailan. He’s so unpredictable! Ayaw ko sa ganiyang guy… But come to think of it, hindi ko rin alam kung bakit pinatulan ko ang asungot na ‘yon,” bulong bulong ni Racey sa kaniyang huling pangungusap. Dahil mahina ang huling mga kataga, nagtatakang tinanong ni Trixie ang binubulong ni Racey. “What are you mumbling to yourself there, Ray?”“Uh, no. It’s n-nothing!’ mabilis na sagot ng babae.Racey looked a caught cat now, na mabilis iniiling ang ulo. And wait, is she blushing? Highschool?Agad na ring tumahimik si Trixie dahil alam niyang mahirap mapaamin ang kaibigan ngayon. Is
Samantala, sa kabilang sulok ng Astranexis main tower, humahangos na binabagtas ni Racey Andrada ang kahabaan ng hallway papunta sa opisina ni Casper Yu. Halos hindi siya huminga sa bilis ng kaniyang hakbang, tila lumilipad na nga ang manipis niyang stilettos sa marmol na sahig, dala-dala ang mabigat na kaba sa dibdib. Bitbit ang phone na hindi na niya naibaba pa mula nang matanggap ang balitang may nangyaring hindi maganda kay Trixie. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba, at bagamat kilala siyang palaban at maingay sa media, ngayon ay isa lamang siyang kaibigang natataranta at halos humagulhol sa takot.“Attacked? Si Trixie? Paano? Bakit?” sunod-sunod ang tanong sa utak niya habang aparato na may hindi pa tuluyang naisasaradong message notification.Hindi na siya kumatok nang marating ang opisina ni Casper. Sa halip, bigla na lamang niyang binuksan ang pinto, at ang unang tanaw niya ay si Trixie, nakaupo sa sofa, namumugto ang mga mata at bahagyang nakasandal sa tabi ni Casper, na til
Magaan ngunit kinakabahan ang dibdib ni Nurse Skylei habang tinutulak ang wheelchair ni Mary Loi Salvador pabalik sa silid nito. Bumibigat ang bawat hakbang niya, kahit ang gulong ng upuan ay dumadaan lamang sa pulidong hallway. May bahid ng kaba ang bawat paghinga, dahil alam niyang ang isang saglit na pagbalik ng katinuan ay maaring magtapos sa isang malupit na pagbagsak.I hope this is just another episode. As much as I want to continue taking care of her, she is needed by her daughter too, bulong ng isip niya.Ngunit sa kabila ng pangambang iyon, hindi niya mapigil ang pagpitik ng pag-asa sa puso. Kasi matagal na siyang umaasa.. Sa looob ng tatlong taon na siya ay narito sa sanatorium, tatlong taon na rin niyang inaasikaso si Mary Loi, na kaniyang unang pasiyente at na para na rin niyang tunay na ina.Sa loob ng panahong iyon, tila hindi man lang gumalaw ang mundo ni Mary Loi. Parang nahinto ito sa isang eksaktong araw na hindi niya masabi kung kailan, isang araw ng pagkawasak.“
Nakahawak si Skylei sa armrest ng wheelchair, pilit na kinakalma ang sarili. “Would you like to tell me something? Do you recognize me? Do you know where you are?”“Ma’am,” patuloy ni Sky, pilit na hinuhuli ang atensyon ng ginang. “Ako po si Skylei, ang nurse ninyo. Matagal na po tayong magkakasama rito. Kanina po, nagsalita kayo. Ngayon po, baka puwede nating ipagpatuloy ‘yon?”“Ma’am… meron po ba kayong gustong sabihin?” tanong ni Sky, halos pabulong.Ngunit wala nang sumunod. Walang tugon.Nanatiling tahimik si Mary Loi. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi na ulol o tulala, kundi seryoso. May lalim. May hinanakit na tinatago.For the past three years, madami nang nakasalamuhang pasiyente si Nurse Sky. From those who seem just lost for a while, to those individuals that looks a hopeless case. And from Skylei’s opinion as a medical professional, what Mary Loi spat out just earlier are already considered good signs of recovery, kaya naman hinihiling niyang makipag-usap muli ito