Share

Chapter 1

August's POV

Inayos ko ang mahaba at wavy na buhok ko sa harap ng salamin. Pakiramdam ko ay hindi ako ang nasa harap ng salamin. The girl I am staring back with is too sophisticated. Napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ko ang red purse ko. I am now wearing a black fitted dress na hanggang kalahati lamang ng hita ang haba at off shoulder ang design sa taas. It is plain at walang design na kung anu-ano but it looks too sexy still. Napatingin din ako sa red pumps ko na may killer heels. Napapailing na lang ako. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang buwiset na yun ay talagang hinding hindi ko ito gagawin.

Lumabas na ako sa ladies room at may nakakasalubong akong nga babae na napapatingin sa akin. I ignored them. I should act like a bitch dahil yun ang usapan. May mga napapalingon din sa aking mga lalaki at ng makalabas ako at nakita ko kaagad ang target, I smiled to everyone at may nalaglag pa ang kutsara at may lalaking inaway pa ng girlfriend o asawa. Like I care who are they.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa target. I made sure that my walk is alluring as well as how as I look. I reached the target and I stand there and eyed the prey. She looked back at me with a confused gaze.

"Honey, you're finally here." Saad naman ng lalaking nasa gilid ko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at nginitian ko ito ng matamis. Yumuko ako at hinalikan ko siya sa pisnge na ikinangisi naman nito.

"I'm sorry I was late. I got jammed in the traffic." Sagot ko na lang rito. Tumayo naman ito kaagad at ipinaghila ako ng upuan na katabi rito. Umupo naman kaagad ako and he poured some whine in an empty glass goblet and I took a sip. I put down the goblet and look across the table and see the woman in confusion but raging with jealousy in her eyes. "By the way, who is she?" Kunwaring tanong ko pa kahit kilala ko na ang babaeng ito.

"Oh yeah, I forgot. This is Elaine." Pakilala naman nito sa akin.

Tumaas naman ang kilay ko. "Elaine? The one that you are talking about who is stalking you like a crazy paparazzi?" Tanong ko pa and I threw a look to the girl. "Are you?"

Nagulat naman ang babae at biglang namula ito sa hiya. Hindi ito makapagsalita sa hiya at halos yumuko na ito.

"I told you. I don't date maggots." Saad naman ng katabi ko na halos mabilaukan ako sa gulat at muntikan na akong matawa.

"I hate you!" Biglang sigaw nito at patakbong umalis ito sa mesa palabas ng restaurant.

Napapailing na lang ako habang sinundan ko ng tingin yung babae at ibinaling ko na rin ang tingin ko sa katabi ko at tumayo ako para lumipat sa kaharap nitong upuan.

"I am not really doing this again." Saad ko rito habang sumenyas ako sa waiter para manghinge ng plato. Kaagad naman na tumugon yung waiter.

"August, you fit with this job." Nakangising saad naman ng lalaking kaharap ko. Parang sinabi na rin nito na mauulit at mauulit ito.

"Alam mo Reed, kung hindi lang kita kaibigan nunca akong papayag rito eh. Hindi ka ba kinakabahan na baka makarma ka sa ginagawa mo?" Litanya ko rito habang nagtuturo ng order sa menu. "Isang steak, risotto, spicy garlic beef ribs, ceviche and.......mixed fruit salad." Saad ko sa waiter at kanda-ugaga naman ang waiter sa pagsusulat ng order ko. Ewan ko ba nitong si Reed, tubig lang yung inorder. Kuripot ata. "Ikaw magbayad nito ah. Sinira mo rest day ko eh."

Ngumisi naman si Reed sa akin. Tss, guwapo pero pilyo na ewan. "Alam mo naman na basta ikaw, kahit orderin mo pa lahat ng pagkain dito, wala akong reklamo."

Ngumisi naman ako. "Wag ka, baka totohanin ko yan, magsisi ka pa." Banta ko rito.

Natawa naman ito. "Ito na bayad ko sayo ah. And thank you for shooing away that girl."

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Teka nga Reed, bakit ako pala ginamit mo sa pagtataboy dun? Pwede naman na daanin mo sa sindak yun ah." Takang tanong ko rito kasi yung ibang babae kasi, dinadaan nito sa simangot kaya imbes na lumapit eh lumalayo. Kung gaano kasi ito kapilyo kung nakangisi, ganun naman ito nakakatakot kung nakasimangot o kaya naman ay seryoso. He doesn't look like friendly at all kaya yung iba, ang impression rito eh, snob at strikto. Pero kung kilalang kilala mo na, abnormal din pala.

"That girl is really persistent. Hindi yun nadadaan sa sindak ko. Kaya idinaan ko na lang sayo ng marealize niya na wala akong interes sa kanya." Sagot naman nito sa akin.

"At ano naman ang kinalaman ko doon? Baka biglang salubungin na lang ako nun at sabuyan ng asido. Naku, mababartulina talaga kitang lalaking ka." Banta ko rito. Parang may sayad pa naman ang babaeng yun sa tingin ko. Syempre sino ang matinong babae na stalker ng isang lalaki?

"Tss, syempre. Makikita niya kung gaano ka kaganda, manliliit siya, mawawalan siya ng pag-asa kaya titigil na." Paliwanag naman nito sa akin.

Napapailing na lang ako. "Taba din ng utak mo no? Idinaan mo pa sa insecurity." Napatingin naman ako sa counter. "Haist, ang tagal naman ng order." Reklamo ko. Kaya ayaw ko sa mga mamahaling restaurant dahil matagal kang makakakain. Lulutuin pa kasi, aabot pa ng thirty minutes. Di tulad ng fastfood, mabilis lang at masarap pa. Di nga lang healthy.

Kumaway naman ito bigla sa isang waiter at agad naman lumapit. "Make our order quick. My date is starving." Utos nito at agad naman tumalima ang waiter patungo sa counter.

"Dapat sa fastfood na tayo eh." Reklamo ko rito.

"Gusto mo cancel ko ang order natin?" Tanong pa nito at akmang tatayo na.

"H-hoy, wag na! Nakakahiya, naka-order na tayo tapos i-kacancel mo. Bumalik ka nga sa pagkakaupo mo!" Agad na sagot ko rito na medyo tumaas pa ang timbre ng boses ko. Aba, parang ito lang ang may-ari ng restaurant kung maka-asta eh. Di ba niya alam na malaking problema sa mga staff kung makakansela ang order tapos naluto na?

"I'm just granting your wish August. Ayoko naman magutom ka dahil matagal ang order dito." Sagot nito na tila inosente at kasalanan ko pa talaga.

Nababanas ako sa lalaking ito. "Hoy Reed, alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganito. Kaya sa susunod, kung may idedespatsa ka, sa Jollibee o McDo mo na lang dalhin para walang problema." Sagot ko pa rito. Mas maganda roon dahil mura. Hindi tulad dito na hindi bababa sa isang libo ang isang order ng ulam. Pero natural wala akong awa sa impaktong ito dahil bayad niya ito sa pabor na hiningi niya para idespatsa si Elaine.

"You know that I don't eat those stuff." Sagot naman nito and he just shrugged.

Naningkit naman ang mga mata ko. "Alam mo, matagal na itong chismis eh pero hindi ko lang talaga pinaniwalaan pero ngayon parang maniniwala na ako eh." Simula ko rito at ipinatong ko ang kamay ko sa mesa at medyo inilapit ko ang mukha ko kay Reed. "Hoy Reed.......... anak mayaman ka no?"

Biglang naging parang balisa ito at naging hilaw ang ngiti nito at agad na napalingon ito sa waiter na paparating patungo sa lamesa namin. "The food is here!" Pang-iiba nito ng usapan.

Napasimangot na lang ako. He is like that. Pagtinatanong tungkol sa personal na buhay nito eh para itong nagkaka-amnesia o kaya naman ay balisa. Halatang may itinatago eh, di nga lang sinasabi. Alam ko naman na malaki ang kinikita namin sa trabaho namin, pero pansin ko sa lifestyle ni Reed at galaw niya, mga damit, gamit at kotse halatang sanay ito sa marangyang buhay. Kung totoong mayaman nga ito, hindi ko alam kung bakit pinili niya ang trabahong ito.

Kaya hindi na ako nagtanong pa ulit. Alam ko naman na wala akong makukuhang sagot mula rito kahit ano pa ang gagawin ko. Tahimik na lang akong kumain. I tried to act decent as I eat dahil nakakahiya kung magkakalat ako rito. Kasama ko pa naman ito at masasali pa ito sa kahihiyan ko. Hindi naman ako ganun kawalang utak.

Natapos naman ang aming mga kinain at talagang nabusog ako. Marami ang order eh. American serving kasi rito sa restaurant na ito kaya malalaki ang serving at marami. Hindi tulad sa italian restaurant na parang pangfood taste lang yung servings.

Umiinom na ako ng sweetened red wine ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko yung tiningnan.

Chief Calling.......

📞Answer ❌Reject

Agad ko yung sinagot ng makita ko yun. Nakita ko din na nakatanggap ng tawag si Reed.

"Hello?" Sagot ko. We are not allowed to acknowledge the name of our associates over the phone for security purposes. Nakinig naman ako sa sinabi ni Chief sa kabilang linya. "Okay." Yun ang naging sagot ko sa mga sinabi niya. That's how confidential our work is.

Napatingin naman sa akin si Reed. "We need to go." Saad nito sa akin at inilabas na nito ang wallet nito at naglabas ito ng iilan libohing bills at iniwan sa mesa. Feeling ko, sobra pa yung iniwan niya. "I'll give you a lift." Saad nito sa akin.

"Okay." Sagot ko na lang at tumayo na ako. Wala na kaming oras para magbihis pa dahil urgent ang meeting na gagawin. Kahit rest day ka, kung may emergency meeting, wala kang magagawa kundi ang magreport sa headquarters.

Hindi ko rin dala ang motor ko dahil nga sa suot kong ito. Sinundo pa ako ni Reed sa apartment ko dahil reklamo ako ng reklamo sa pinadala nitong pumps na makabaling leeg.

Agad na lumabas na kami sa restaurant na yun. Hindi na namin pinansin pa ang mga sumusunod na tingin sa amin dalawa ni Reed at agad naman na may valet na sumalubong sa amin at pumarada naman kaagad ang sports car ni Reed at lumabas doon ang isang valet parker at ibinigay kay Reed ang susi at yumuko ito bilang saludo.

Seryosong seryoso ang mukha ang mukha ni Reed at hindi man lang tinanguhan ang valet at basta binuksan na lang nito ang pintuan ng sasakyan niya at pinapasok ako doon sa passenger's seat. Agad naman nitong sinarado ang pintuan ng makapasok ako at agad na pumasok na rin sa driver's seat. Napangiwi naman ako habang papasok kanina dahil masyadong mababa ang sasakyan niya at hindi ako komportable. Bakit ba kasi ganito ang desenyo ng mga mamahaling sasakyan? Halos parang nakahiga kana sa sahig. Hindi talaga ako kumportable.

"Reed, palitan mo kaya itong sasakyan mo? Ang hirap sumakay eh. Halos pwede ka ng humiga eh." Reklamo ko rito. Mas sanay kasi ako sa nakaupo lang ng normal.

Pinaandar naman nito ang sasakyan nito na halos walang tunog at umandar na yun at agad na pinaharurot. Hindi naman ko takot sa mabibilis na pagpapatakbo. Kahit ako ay kaskasera din ako pagnakamotor.

"This type of car is design for boys..... naughty boys." Ngising sagot nito sa akin pero ang mga mata nito ay nasa kalsada.

Napangiwi naman ako. I know. Dahil kadalasang yung mga babaero eh ganito yung mga sasakyan. Tapos kung anu-ano ang ginagawa sa loob. Tss, parang kinikilabutan ako ng biglang maisip ko na baka may nangyari ng kababalaghan sa loob ng sasakyang ito.

"Tss, eh di inamin mo rin." Turan ko na lang rito at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

"I'm a guy August... not a saint." Sagot naman nito.

Napailing na lang ako. Alam ko naman na ganito talaga ng nga lalaki eh kaya nga hindi pa ako nagkakaboyfriend hanggang ngayon. Pakirmadam ko kasi, iisa lang yung habol nila sa akin eh, kaya agad kong nirereject yung mga nagpapapansin o kaya naman ay nagpaparamdam. Isa din ito si Reed na humaharang sa mga lalaki dahil alam naman nito na ayokong may umaaligid sa akin.

Biglang tumunog naman ang cellphone ko at nakita ko na si Misha ang tumatawag kaya sinagot ko na ito. "Oh?"

"Hello din! Oh, san na kayo? Kayo na lang hinihintay rito." Litanya nito sa kabilang linya.

"Malapit na kami Misha, mga isang tumbling na lang." sagot ko rito at napatingin naman ako kay Reed ng inapakan nito ang accelerator at mas lalong bumilis ang takbo ng sinasakyan namin.

"Oh siya siya siya. Dito ko na kayo hihintayin." Saad nito at ibinaba na nito ang tawag.

Sobrang bilis na ng takbo ng sasakyan kaya ilang sandali lang ay pumarada na kami sa harap ng isang shopping boutique. Agad naman na iniwan ni Reed ang sasakyan sa parking lot at pumasok kami sa boutique. Binati naman kami ng staff doon at dumirecho na kami sa elevator at itinap namin ang aming thumb print sa isang scanner at nagsimula ng bumaba ang elevator.

Yes. Our destination is underground. This elevator works normally but once you tap your registered finger print, ay pababa ang takbo nito. Derecho sa headquarters. Agad naman na bumukas ang pintuan ng nagmarka na nasa G7 na kami. Lumabas na kaagad kami at agad na sumalubong sa amin ang black marbled floor na sobrang linis at puting mga dingding. May mga iilan mga indoor plants doon. May receptionist at agad kaming iginiya ng makita kami nito.

Agad na inihatid kami nito sa conference room kung saan nandoon ang nga kasamahan namin. Nauna na akong pumasok at hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga kasamahan ko. May mga napapasipol pa at agad naman na sinamaan ng tingin ni Reed.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status