LOGINElise Hart's Pov
HINDI ako makatulog dahil sa post na iyon kahit hindi naman para sa akin.And I didin't know that he has that kind of attitude pala, hindi kasi halata sa vibes niya. Para siyang male lead sa isang storya na sobrang seryoso at halos hindi mo makausap at tanging female lead lang nagmemeltdown. Ganoon ang pormahan niya.Pero mukhang hindi ganoon. O kasi hindi ko naman talaga siya kilala.Whatever about him, I didn't care.Umalis na ako sa kama, inayos ang higaan at tumingin sa aking vanity mirror upang tingnan kung wala ba akong dumi. Linggo ngayon kaya magsisimba kami mamaya.Bumaba na ako, alas otso na ng umaga at mukhang tapos na sina mommy. Pero mali pala ako dahil pagdating ko sa kusina ay siya ring pag-upo ni Elias at si mommy naman ay mukhang naghihintay lang sa amin."Halika na, Elise." Tawag niya sa akin, sumunod naman ako kasi baka mapagalitan na naman ako.Baka sumbatan niya ako sElise Hart’s Pov“ANONG pag-uusapan natin?” Puno ng tensyon ang buong meeting area ngayong nasa loob na kami—kaming dalawa lang. Tiningnan niya ang dingding kung saan nandoon ang mga mukha ng elected officer sa nursing department. Umupo ako sa kung saan ang pwesto ko habang hinihintay siyang magsalita. Ayoko namang pangunahan siya dahil hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang pag-usapan namin. I was checking Quenie’s work while waiting for him, but I got too busy that I didn't even realize he was beside me. Napaigtad ako sandali pero pinilit ko ang aking sarili na gawing steady lang ang aking mukha kahit namamawis na ang aking kamay habang nakahawak sa mga papel. Nanlaki ang aking mga mata when he crouched down to level my head while reading what I was reading. Ni hindi ko na halos maintindihan kung anong binabasa ngayong ramdam ko ang hininga niya sa aking batok. Pakiramdam ko ay kahit may aircon naman sa loob
Elise Hart’s Pov“HINDI nga sabi ako lalabas!” Argumento ko kay Elias sa mahinang boses dahil baka marinig kami ni mommy.“Wala nga si mommy, nasa Pampanga para sa poultry farm natin.” Giit niya, napairap ako dahil alam kong minsan ay gusto lang akong ipahamak ni Elias kaya hindi talaga ako naniniwala sa kanya. “Oh shut up, Elias. I know your tactic,” I gritted my teeth while pushing him out of my door, but he was too strong, holding the door. “Hindi nga, may sasabihin raw iyong tao sa’yo.” Sagot niya, seryoso lang ang kanyang mukha ngunit pinanliitan ko lang siya ng mukha dahil halos kilala ko na si Elias.Mula sa personality, attitude, and even the things he used to do whenever he was up to something. Napairap ako, “pwede namang sabihin niya na lang sa chat o bukas.” Nagtipa siya sa kanyang cellphone bago binalik ang tingin sa akin, “I already texted him you won't come out and he’ll leave na raw.” Sagot niya, pinak
Elise Hart’s Pov “SALAMAT, Elise,” nakangiti paring sambit ni Gabriel nang mabigyan ko siya ng snacks niya at tubig. Ibinigay ko kay Nathaniel ang kanya, tiningnan lang niya iyon ng ilang segundo bago tinanggap. Halos pigilan ko ang aking hininga sa kung gaano siya kalapit sa akin—halos malasahan ko ang kanyang bango na kahit pawisan ay nag-uumapaw parin ang bango. “Baka maubos ang amoy ko, Elise Hart.” Nanlaki ang mata ko, hindi ko namalayan na nakanguso pala ako at sinisinghot siya. “Anong pinagsasabi mo?” singhal ko upang pagtakpan ang panginginig sa aking boses. His lips curl up, napansin ko na naman ang kanyang biloy kaya napatingin ako doon. He's disgustingly handsome in every way, and I couldn't even look at his face for a long time. My heart flutters so hard that I couldn't breathe. Hindi siya nagsalita at umalis na sa harapan ko, ni ngayon lang nag sink-in sa akin n
Elise Hart's Pov PINAIMBESTIGAHAN ang nangyaring aksidente. Usap-usapan iyon sa buong campus, halos lahat ng estudyante ay titingin sa akin tapos magbubulong-bulungan na para bang hindi ko sila naririnig. “We can’t let it pass just like that!” Sigaw ni Cassandria sa aming dean na nanay niya. Nasa office kasi kami niya, nagsusumbong tungkol sa nangyari. “Listen students, this is a serious case and we need evidence. Hindi pwedeng basta-basta na lang tayo magtuturo ng estudyante.” Mahinahong niyang paliwanag, ngunit hindi na nakikinig ang kanyang anak kaya hinawakan ko ang kanyang kamay—hinahaplos iyon upang pakalmahin. “Dean, as you said, this is a serious case. We need to do something about this.” Jessy was calm, yet she tried to stand by her words, didn't want to be ‘just’ that. Nilingon niya ako bago binaling muli ang tingin sa Dean. “Hindi naman pwedeng hanggang ganoon na lang diba? Elise almost died!”
Elise Hart's Pov NAKATINGIN lang ako sa sahig. Malapit nang gumabi sa labas, pero maliwanag pa rin sa loob dahil sa ilaw. Mabuti na lang at hindi nila naisipang patayin ito dahil baka kung ano ng iniisip ko lalo na at wala pa naman sa akin ang phone ko. Nagsinula na akong makaramdam ng lamig sa paligid. Wala akong dalang jacket. Sa labas, nagsisimula nang gumawa ng ingay ang mga insekto, at kahit nasa loob ako ay rinig ko sila na parang paalala na lumilipas na ang oras. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa bawat kaluskos na marinig ko, umaasa agad ang katawan ko na baka may tao. Pero kanina pa ako naghihintay dito, wala namang dumarating. Wala bang nagpupunta sa lugar na 'to? Malawak ang buong campus; kahit saan ay may comfort room. Pero bakit sa lahat ng lugar...dito pa talaga ako na-trap? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sana
Elise Hart’s Pov I tried harder to brush off what was lingering in my mind. Everything in it was a mistake—wala akong dapat na iniisip o iisipan pa. Wala. Huminga ako ng malalim at naisipan na pumunta muna sa cafeteria upang kumain. Hapon na at wala parin akong kain mula kaninang umaga dahil sa pagmamadal. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Pagdating ko sa caferteria ay nandoon na si Cassandria, may order na rin para sa akin kaya hindi na ako pumila pa. Pansin ko ang kakaibang tingin ng mga babae pagkarating ko pero may mga ibang bumati naman katulad ng sa ibang eskwelahan. “Hi, Elise Hart.” Kumaway sila sa akin, pumunta muna ako sa kanila saglit. “Uy, wala kayong laro Lara?” Tanong ko matapos siyang tumayo upang makipagbeso. Pinakilala muna niya sa akin ang kanyang mga kaibigan bago niya ako sinagot. “Wala, bukas pa ng umaga ang voleyball sa women. Nood ka naman.” Pangungulit niya, napapoot ako. “Hindi ako sigurado kasi palagi akong busy, marami kasing ganap a







