Nyx's Point of View "LONG time no see, Nyx." Marahan, malumanay na sambit ni ate Nixie na nasa harapan ko. Ako naman ay nanigas sa kinatatayuan, hindi pa rin makapagsalita. Nangangapa ng sasabihin habang ang isip ko ay naguguluhan. Paano siya nabuhay? Anong nangyayari? "Hindi ka ba masayang makita ako?" Naka-pout siya, tila ba nagtatampo sa naging reaksiyon ko. Ngunit ako'y patuloy pa ring pinagbubuhol ang lahat ng nangyayari. "P-paanong—" hindi pa man ako nakatapos sa aking tanong ay nagsalita na si Mav. "Pumasok na tayo sa loob," may diin ngunit malambot ang boses ni Mav na binalingan si Ate Nixie. “Paniguradong napagod ka sa byahe.” Inalalayan niya ito na para bang isa siyang dyamante na kanyang iniingatan. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa may pintuan, iniwan nilang tulala. Pero mabilis akong sumunod sa kanila, at saka ko lang napansin na bitbit ni Mav ang isang pink na maleta. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, naghahanap ng kasagutan.
Last Updated : 2025-09-12 Read more