Share

first time

MONICA's POV

Alas onse na ng gabi, hindi pa rin ang makatulog dahil sa balitang napanuod ko kanina sa TV.

Engaged na si Yvo at saka 'yung chakang Loisa na 'yon. Para sa 'kin, hindi naman maganda ang fiance ni Yvo. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ni Yvo sa kan'ya, 'di hamak namang mas maganda ako sa loisa na 'yon.

Matagal ko nang pinapantasya si Yvo dorchner. gabi-gabi s'ya ang laman ng panaginip ko. Oo, nalungkot ako pero hindi pa naman sila kasal kaya p'wede pa kami ni papa Yvo. S'ya lang ang lalaking iniintay kong pumunit ng aking pinakaiingatang pagkababae.

Minsan lang ako mabaliw ng ganito sa lalaki. Obsess na kung obsess pero tutol ako sa pagpapakasal nilang dalawa.

Kinuha ko ang aking cellphone sa ilalim ng unan at saka inistalk ang social media accounts ni Yvo. Alam kong peke ang mga account na finollow ko pero hindi na 'yon mahalaga sa akin. Picture lang naman niya ang habol ko.

Wala akong tigil sa pag scroll hanggang 'di ko nakikita ang tunay niyang account.

Napahinto ako sa pag-scroll nang may makita akong picture niyang topless. Agad ko itong sinave sa phone ko at dali-dali kong zinoom iyon.

"Mapapasaakin ka rin!" bulong ko sa hangin habang tinititigan ang hubad na larawan ni Yvo.

Nang manawa ako kakatitig sa larawan bigla na akong nakaramdam ng antok. Ala-una na pala ng madaling araw kaya naman pala nahihilo na ako sa antok.

Agad kong pinatay ang aking cellphone at ibinalik iyon sa ilalim ng unan ko.

Nagpasya na akong matulog dahil bukas ang alis nila mommy at daddy patungong Canada.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising para ihatid sila mommy at daddy sa airport. Pareho kasi silang natratrabaho sa Canada bilang staff sa isang ospital doon.

"Iha, magpapakabait ka." bilin ni mommy sa 'kin bago kami sumakay ng kotse.

"Opo, kapag po naman nainip ako p'wede naman akong sumunod sa inyo ro'n." sagot ko habang yakap si mommy.

Maya maya pa ay naidlip na pala ako habang nasa biyahe. Hindi ko namalayang nasa airport na pala kami.

"Iha," tawag ni mommy sa 'kin habang ibinababa ang mga bagahe mula sa sasakyan.

"Mom, i'm sorry. Naidlip pala ako." dali-dali akong bumaba ng sasakyan para tulungan silang magbuhat ng bagahe.

Habang papasok kami sa airport, hindi na napigilan ni daddy na mapaluha. Niyakap ako nito at saka hinalikan sa noo.

"Iha, see you after 2 years. Mamimiss ka namin. H'wag kang magpapalipas ng gutom, anak." bilin ni daddy.

Sumunod namang yumakap si mommy sa 'kin.

"Iha, 'wag ka munang mag-aasawa ha!" biro ni mommy. Iniisip kasi n'yang baka may karelasyon na ako dahil minsan na n'yang nahalungkat ang cellphone ko at puro litrato ng lalaki ang laman no'n.

"Mom naman! Matagal pa 'yon!" maktol ko, ayaw kasi ni mommy na lumagay ako sa tahimik dahil 'di pa raw ako matured sa buhay.

Sa edad kasi na 24, hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho at puro gala pa ang nasa isip ko.

Nagpaalam na sila sa 'kin at nagsimula ng maglakad palayo sa kinatatayuan ko.

Sanay na akong malayo sila mommy. Lumaki akong tanging si yaya cristy ang nag aalaga sa 'kin.

"Yaya, mauna ka na. Pupunta muna ako kila kirsten." paalam ko kay yaya cristy.

Sumakay na ito sa kotse at bumalik na sa bahay. Ako naman ay pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay ng aking bestfriend na si kirsten.

"Kumusta?" bati ko sa sa aking bestfriend. Mukhang kagigising lang nito dahil gulo-gulo pa ang buhok.

"O-ok lang. Ano ginagawa mo dito?" gulat na wika ni kirsten. Lumakad ito palapit sa akin. "Kala ko hinatid mo parents mo sa airport?" dagdag nito sabay halik sa aking pisngi.

"Tapos na, nakaalis na sila." sagot ko habang prenteng nakaupo sa sofa nila kirsten.

Si kirsten ay kasing edad ko lamang, classmates kami since elementary at lumaki kaming parang ng magkapatid. Kahit na lalaki s'ya ay never akong nailang sa kan'ya dahil bata pa lang kami ay talagang sweet na kami sa isa't isa.

"So, makakasama ka na sa amanpulo?" tanong nito sabay kindat. malawak na ngiti ang iginawad nito sa 'kin.

Birthday kasi ni kirsten bukas at gaganapin iyon sa amanpulo. Lahat ng kaibigan namin ay dadalo bukas. Tatlong araw kaming mamalagi roon sagot iyon lahat ni kirsten.

May kaya kasi ang pamilya ng bestfriend ko dahil isang kapitan ng barko ang daddy nito.

"Abay, oo naman! Ready na nga ang swimsuit ko." sagot ko.

First time kong makakapunta sa amanpulo at excited akong maka-bonding ang iba pa naming kaibigan.

"Good!" saad nito. Habang nagtitimpla ng black coffee.

Inabot ni kirsten ang isang tasa sa akin. Alam n'ya kasing coffee lover ako.

"Nga pala, inimbitahan mo ba sila murphy?" si murphy ang lalaking patay na patay sa akin. Ilang taon na rin akong nililigawan nito pero hindi ko ito pinapansin dahil kay Yvo. Ang lalaking laman ng panaginip ko gabi-gabi.

"Oo. Sasama raw." sagot ni murphy habang ngingisi-ngisi. Boto kasi itong si kirsten kay murphy.

"Wish ko lang, mag-enjoy ako sa amanpulo." inis na wika ko sabay irap kay kirsten. Panigurado kasi kukulitin na naman ako ni murphy pag nandoon na kami.

Matapos kong maubos ang isang tasang kape ay kaagad na rin akong nagpaalam kay kirsten.

"Uuwi na ako. Magkita nilang tayo mamaya sa airport." paalam ko. Mamayang gabi kasi ang flight namin papuntang amanpulo.

"Oh sige, mag-iingat ka pag-uwi!" bilin ni kirsten sabay halik muli sa aking pisngi.

Ang totoo, aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko dahil hindi ko pinaalam kila mommy na may lakad kami nila kirsten. Tiyak, mag-aalala na naman 'yon sa akin.

Pagdating sa bahay ay agad kong inilagay sa maleta ang aking mga dadalhin. Isang maleta lang ang kinailangan kong dalhin dahil puro maninipis at kapirasong tela lang gawa ang mga damit na baon ko.

Nang mayari sa pag-iimpake ay naisipan kong matulog muna para may lakas ako mamayang gabi.

Kinagabihan,

Handa na ang lahat ng aking dadalhin. Nagpaalam ako kay yaya na tatlong araw akong mawawala at binilin kong h'wag na 'wag n'yang babanggitin kay mommy kapag nagtanong.

Mabilis lang akong nakarating sa airport. Usapan kasi namin ay 9 pm sharp dapat nasa meeting place na kami pero mukhang ako na lang ang iniintay nila. Samantalang saktong 9pm naman ako dumating.

"Ayy, iba rin talaga." bati sa 'kin ni kirsten ng makita akong paparating.

Lahat ng kaibigan namin ay tanging sa akin lahat nakatingin.

"May dumi ba sa mukha ko?" nahihiyang tanong ko.

Lahat naman sila ay nagtawanan sa tanong ko.

"Ang ganda mo kasi!" puri ni murphy sa 'kin. Nagniningning ang mga mata nito habang titig na titig sa akin. Hay, ere nanaman s'ya.

"Oh siya, tara na guys!" yaya ni kirsten samin.

It takes 8 hours bago kami nakarating sa amanpulo. Sinalubong kami ng mga staff ng ressort at sinabitan ng kwintas na gawa sa bulaklak.

Lahat kami ang manghang-mangha sa ganda ng Amanpulo Island. Gaya ng boracay ay kulay puti rin ang mga buhangin dito. Nakakarelax.ang tanawin at napaka fresh ng hangin.

Konti lang ang mga turista ngayon dito, hindi tulad ng ibang beach sobrang crowded kapag summer.

Walo lang kaming magkakaibigang pumunta rito at napagpasiyahan naming mag tag-iisa na kami ng kwarto.

Gamit ang golfcar ay inihatid kami ng mga ito sa kan'ya-kan'ya naming silid.

Dahil 5 am palang ay napagpasiyahan muna naming magpahinga. Alas otso pa kasi ang breakfast na pinareserve namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status