Share

yate

MONICA's POV

habang nagkakasiyan kami sa tabing dagat ay napagpasiyahan naming magsindi ng bonfire.

11pm na ng gabi at marami na kaming naiinom. Nagpaalam na sila kirsten na mauuna nang matulog dahil pagod at lasing na raw sila.

Naiwan kami nila jessica at trina dahil hindi pa kami lasing.

"Uyy, tignan n'yo 'yun!" turo ni jessica sa lalaking naglalakad.

"Ay, ang pogi!" saad ni trina.

Agad ko namang tinignan ang lalaking tinuturo nila at laking gulat ko ng mamukhaan ko ito.

Si Yvo.

Dali-dali akong tumayo upang lapitan ito.

"Yvo....." tawag ko.

Lumingon naman ito ngunit mabilis ring tumalikod.

"Wait! Yvo!" tawag kong muli sa kan'ya ngunit lumingon lang 'to ulit at mabilis ring naglakad palayo.

Hindi ko s'ya masisisi kung bakit hindi niya ako pinapansin. Tanging ako lang kasi ay may kilala sa kan'ya at siya ay walang idea kung ga'no ako kapatay na patay sa kanya.

"Kilala mo?" tanong ni trina.

"Hindi, kamukha lang." pagsisinungaling ko.

Kapag siniswerte ka nga naman. Wala na kong sinayang na oras, nagpaalam ako kila trina at jessica na mauna naring matulog.

Balak kong sundan si Yvo, eto na ang pagkakataon kong akitin si Yvo para maagaw ko s'ya kay Loisa.

Umuwi muna ako sa aking kwarto para magretouch ng aking sarili. Naglagay ako ng makeup at nag-spray na rin ng pabango.

Dahil basa ako, hinubad ko ang suot kong swimsuit at nagpalit ng maikling dress na kulay red.

"Perfect!" sabi ko sa hangin.

Tumerno kasi ang suot kong dress sa kulay ng labi ko. Sigurado akong maiinlove na sa 'kin si Yvo. Sobrang sexy kasi ng suot ko at para lang 'to sa mga mata ni Yvo.

Agad kong tinungo ang bar kung saan ko nakitang pumasok si Yvo.

Pagpasok ko pa lamang ay nakilala ko agad si Yvo kahit nakatalikod ito.

Lalapitan ko na sana s'ya, nang maisip kong baka hindi nanaman niya ako pansinin.

Nag-isip ako kung paano ba niya ako mapapansin. Tama!

Habang nag-iisip ay naisipan kong umupo na sa upuang katabi niya.

Napanggap akong hindi ko s'ya nakilala at seryoso lang akong uminom ng beer. Tinungga ko ang boteng hawak ko at talaga namang napangiwi ako sa pait.

Ramdam kong tinitignan ako ni yvo. Kaya naman bahagya kong inilaglag ang isang tirante ng aking damit at kunwari'y abala sa pag-inom.

Umorder pa ulit ako ng isang bote pang beer. Titig na titig sa akin ang waiter na nagseserve sa akin. Siguro dahil nakababa ang isang strap ng damit ko.

"Lokong waiter 'to. Hindi ikaw ang inaakit ko." sa isip-isip ko.

Tinignan ko ng masama ang nasabing waiter sabay tungga muli ng alak.

"Miss," wika ng lalaking katabi ko.

Omg, si Yvo. Ako ba 'yung tinatawag niyang miss? Nagkunwari akong hindi ko s'ya narinig sabay tungga ulit.

"Miss, 'yung damit mo." wika nito sa akin habang s'ya mismo ang nagtaas ng strap ng damit ko.

Nilingon ko ito ngunit tila na estatwa ako. Napaka g'wapo nito.

"Thank you," 'yun na lamang ang tanging nasabi ko dahil na starstruck ako sa kan'ya. Na blangko ako at hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko.

Tumungga na lang muli ako ng alak para makapag isip ng susunod kong gagawin para maakit si Yvo.

"Easy!" pigil ni yvo sa 'kin. O my, this is it. Naagaw ko na ang atensyon niya.

"Huh!?" patay malisyang sabi ko.

"I mean, dahan-dahan lang. Baka malasing ka n'yan." nag-aalalang wika nito habang tinititigan ang kabuuan ko.

"Ahh, sige." tipid na sagot ko habang nag-papacute kay yvo.

"By the way, what's your name?" tanong n'ya sa 'kin. Unti-unti ko nang nagugustuhan ang mga nangyayari ngayong gabi. Everything is falling into places.

"I'm," sasabihin ko na sana kay yvo ang pangalan ko nang biglang may humila sa kamay ko.

"Miss, may i ask you to dance with me?" wika ng isang estranghero na mukhang manyak.

"No!" diretsahang sagot ko rito sabay irap.

"Sige na, miss," pamimilit nito.

Nagulat ako ng biglang itinulak ni yvo ang lalaki dahilan para mapahiga ito sa sahig.

"H'wag kang makulit! Sinabi ng ayaw pinipilit mo pa." galit na sabi ni Yvo sa lalaki.

Nagulat ako sa ginawa ni Yvo. Hindi ako nakapaniwalang ipinagtanggol n'ya ako mula sa lalaking 'yon.

"Pasensya na," mahinang sabi ko habang nakayuko. Masyado atang daring ang suot ko dahilan para maakit sa 'kin ang mga lalaki dito sa bar.

"Ok lang," sagot nito sabay tungga ng alak. Napaka sexy niya habang nilulunok ang alak. Bawat galaw ng kan'yang adams apple ay nagbibigay sa akin ng kakaibang init sa pakiramdam.

Habang seryoso akong nakatitig sa kan'ya ay bigla ako itong tumayo at dumukot ng pera sa kaniyang wallet.

Nalungkot ako, mukhang babayaran na n'ya ang kaniyang mga nainom at uuwi na.

Inabot nito ang tatlong libo sa counter sabay sabing "bayaran ko na rin 'yung sa kan'ya." sabay turo sa akin.

Natulala ako sa kan'yang ginawa. Masaya ako at napansin n'ya na ako pero nalulungkot ako dahil uuwi na s'ya.

Tinungga ko muli pang ikat'long bote ng beer at hindi ko na s'ya tinapunan ng tingin.

Nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko sabay akay sa akin palabas.

"Let's go."

"Saan?" tanong ko Habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

"Sa yate," sagot nito nang hindi lumulingon sa akin.

"Ha? Eh," nag-aalangan ako kung sasama ba ako rito. Baka hanapin kasi ako ng mga kaibigan ko.

Huminto ito sa paglalakad at parang nag-iba ang ekspresyon ng mukha. Mukha syang naiinis.

"It's ok kung ayaw mo." malamig na wika niya sa akin. Binitawan nito ang kamay ko at nag-umpisa ng lumakad patungo sa yate.

ano ba 'yan? anong gagawin namin do'n? shit! I'm a bit nervous!

"Wait! Sasama ako." pagpayag ko. Mag-iinarte pa ba ako e pagkakataon ko na ito. Pero hindi ba parang ang bilis?

Agad nagliwanag ang mukha niya pagkasabi kong sasama ako. "iyan Ang gusto ko sa Isang babae... madaling kausap," inakbyan Niya ako na para bang matagal na kaming magkakilala. kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari pero mas lamang yung pagiging excited ko.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa yate. First time kong makasakay sa yate at talaga namang inosente akong pumasok rito.

"Wow!" wika ko habang inililibot ang paningin ko sa loob. first time Kong makatapak Dito at hanggang ngayon ay Hindi pa rin ako makapaniwala na dinala Niya ako rito.

"Wait me here. Prepare ko lang 'yong iinumin natin." paalam ni Yvo sa 'kin.

"o-okay."

Habang iniintay ko si yvo sa may deck ng yate ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pumasok ako sa loob at saktong nakasalubong ko si yvo.

"Dito na lang tayo sa loob." wika ko habang nilalamig. Nabasa kasi ako ng ulan.

"Wait, kuha kita ng towel." ibinaba ni ivo ang hawak na beer in can sa center table at pumasok sa kwarto para kumuha ng towel.

"Here." inilagay niya sa akin ang towel na hawak at saka naupo sa tabi ko.

Binuksan niya ang mga beer at inabot sa akin ang isa.

"Monica. I'm monica!" pagpapakilala ko. Hindi n'ya pa kasi ako kilala.

"Monica, what a beautiful name." wika niya sabay tungga ng hawak na beer.

"Thankyou," pasalamat ko sabay tungga rin ng beer.

Maya maya pa ay nagpaalam akong mag-ccr dahil naiihi na ako sa dami ko ng nainom.

Hinatid n'ya ako sa Cr dahil hindi ko alam kung nasaan ang ilaw nito.

Nagulat ako ng makita kong nakatayo pa rin si yvo sa labas ng Cr at iniintay ang paglabas ko.

Bigla niya akong isandal sa pader at hinalikan. Halik na maingat. Marahan niyang ipinapasok ang dila niya sa aking bibig na parang nang aakit.

Binuhat niya ako at dinala sa kama habang hindi napuputol ang aming paghahalikan.

Sobrang lamig sa loob ng kwarto pero ako, nagiinit ako sa ginagawang paghalik nito.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masaya, malungkot, natatakot at the same time excited.

Matagal ko nang pinangarap ito, ang makasama si Yvo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status