Share

Chapter 6

Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ako dahil hindi namang maiiwasan ang mapanghamak na mga tingin sa akin ng mga kaklase ko.

"Sir nandyan ka na pala" bungad ko kay sir Spencer na kakapasok lang ng bahay. Mabilis ko ng inayos ang mga pagkain sa mesa para makakain na siya.

"Anong section mo? Bakit hindi kita nakita kaninang break time? Hindi ka pumasok?" sunod sunod niyang tanong.

"Section one ho ako sir at nung break time, last minute na ho ako lumabas kasama ang pinsan mo" paliwanag ko.

"Ow, matalino ka pala" sakrastiko niyang sabi. "Pero ok yan para may kasama si Megumi"

"Ikaw sir, anong section mo?" tanong ko. Siguro last section ano? Sakto ugali mo dun eh.

"Section 3" sagot niya saka pabagsak na umupo sa upuan. Akalain mo yun, out of 9 sections, nasa 3 pa siya.

"Ganun po ba.." panapos ko sa usapan saka ako akmang tatalikod ng magsalita siya.

"Here" napatingin ako sa kanya at sa sobreng inilapag niya sa mesa. "Sabi ni lola, labas daw sa sahod mo ang baon mo sa school kaya iyan, allowance mo yan para sa isang buwan. Ayoko ng bigyan bigyan ka kada araw"

"Salamat ho sir" masigla kong sagot saka ko kinuha ang sobre.

"Bakit ba tuwang tuwa ka? Ganyan ka ba kababaw? Pera lang ang katapat mo?" kunot noo niyang tanong.

"H-hindi naman ho sir, pero malak--" di na niya ako pinatapos magsalita.

"Yun ang nakikita ko" mapait niyang tugon. "Umalis ka na nga sa harapan ko at nasisira ang araw ko sayo"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya saka ako mabilis na nagtungo sa silid ko.

Napakawala niya talagang puso para sabihan ako nun! Saglit pa lang kami magkasama pero ni hindi niya pa ako tinatrato ng tama! Kung magbintang pa siya ay akala mo hindi ako nasasaktan.

Matapos ang isang oras na nakaupo sa kama ay lumabas na ako upang hugasan ang pinagkainan niya saka ako nagtungo sa kwarto niya para kunin ang laundry basket niya na may lamang maduduming damit kasama na ang unipormeng sinuot niya ngayon.

"Wag mong kalimutang gamitan ng rabadabango yang uniform ko" di nakatinging kumento niya habang nakahiga siya't nagbabasa ng comics. Rabadabango pa siyang nalalaman, di na lang sabihing downy perfume.

Maingat kong hiniwalay ang mga puti sa d'color na damit saka ito pinaikot sa washing machine na magkahiwalay. Buti na lang talaga at kahit gwapo si sir ay hindi ko siya type dahil bukod sa mga damit niya ay malaya ko ring nakikita at nahahawakan ang mga salawal niya.

Pero inaamin ko, napakagwapo ng amo ko.

Matapos ang lahat ng gawain sa bahay ay natulog na ako dahil may pasok na naman bukas.

"Good morning sir" bungad ko kay sir na kakagising lang at nakataas na naman ang isang kilay sa akin.

"Maaga ka yatang nagready" nakangising sabi niya ng mapansing nakahanda na ang lahat ng gamit ko at nakasapatos na rin ako. "Baka nakakalimutan mong lilinisin mo pa ang kwarto ko?"

"Hindi ko ho iyon nakakalimutan, tatanggalin ko na lang ho ito sapatos ko pagpapasok na ako sa kwarto ninyo" sabi ko saka siya mabilis na kumain.

Eksakto 8:20 ng umaga ay nakapasok na ako sa room ko. Iniwan man kasi ako ng amo ko kanina sa bahay ay hindi ko na siya hinabol dahil nakalkula ko na ang oras at layo ng bahay ni sir Spencer sa school.

Ilang minuto pang nakalipas ay dumating na si Megumi.

"Hi Isha" nakangiting bati niya sa akin. Kinawayan ko lang siya saka siya umupo sa upuan niya at bumaling sa akin. "Bakit ang aga mo today?"

"Wala lang, ayoko na kasing malate eh" sagot ko. "Ikaw ba? Maaga ka talaga pumasok?"

"Hindi naman, nasanay lang ako na maaga nagigising kaya maaga ako nakakapasok" paliwanag niya. "Nga pala, pahingi naman ako ng number mo para magkatawagan tayo?"

"A-ah, wala akong cellphone eh" napakamot ako bigla sa batok ko matapos makaramdam ng bahagyang pagkahiya.

"Ganun ba? Meron akong old phone sa bahay, well hindi naman iyon totally old model ng phone, pero hindi iyon latest, kung gusto mo ay ibibigay ko na lang iyon sayo?" tila nahihiyang suhestyon niya.

"Talaga? Nako salamat Megumi" may galak akong napahawak sa kamay niya. "Magkakaroon na rin ako ng pangtawag kay inay pag nagkataon"

"Hey, hindi naman iyon big deal para matuwa ka ng ganyan" natatawa niyang wika. "Anyway, wait lang ha? Lalabas lang ako, nakalimutan ko kasing umihi eh"

Excited na ako sa magiging cellphone ko!

"Hey" mula sa pagkakatingin ko sa labas ng bintana ay napatingin ako sa harapan ko kung saan ko narinig ang isang boses lalaki at dahil nagde daydream ako sa cellphone na ibibigay sa akin ni Megumi ay nakangiti akong napabaling sa kanya. Agad tumaas ang isa niyang kilay matapos akong makitang nakangiti.

"S-sorry, may maganda lang kasi akong naisip, anyway ano iyon?" tanong ko ng kayang pakay pero kaysa sumagot siya ay iniayos niya muna ang pabaliktad niyang upo saka pumangalumbaba sa harapan ko. Weird ha! "A-ano iyong kailangan mo?" ulit ko.

"Nothing" diretsang sagot niya na lalong nagpalito sa akin. Walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa akin at hindi iniinda na may mga kaklase na kaming nagpapasukan sa loob ng classroom na nakakakita sa amin.

"Oo nga pala, hindi pa kita kilala--" di na niya ako pinatapos at sinagot na niya ang dapat na sagot sa tanong ko. May pagkabastos siya inferness.

"Kenji Sandoval" sagot niya saka bahagyang ngumiti. Shocking naman pala ang kagwapuhan nitong lalaking ito pag ngumiti, mukha kasi siyang masungit pagseryoso eh.

"Nice to meet you Kenji, Loukri--" nanaman? Bakit ba hilig na hilig niyang putulin ang sinasabi ko.

"Kilala na kita, Loukrisha Makabajo diba? Ikaw yung nagtanong sa akin kahapon about sa classroom" paliwanag niya na ikina amaze ko naman. Natandaan niya na ako iyon kahit hindi niya ako tinignan nung tinanong ko siya. Sabagay, nagwelcome nga siya sa akin nung nagthank you ako eh. "Thanks for the time Lou" kasabay ng pagngiti niya sa akin ay ang pagkindat niya bago siya tumayo at umayos ng upo paharap.

Lou?

"Grabe, nakakainis sira pala yung cr sa floor natin, sa taas pa tuloy ako nakaihi" kwento ni Megumi matapos makabalik. "Nga pala, nakasalubong ko si sir Johan, wala daw tayong klase ngayon dahil sa meeting--"

"Classmates! No classes for today daw pinapasabi ng principal dahil sa meeting ng mga teacher" may kaartihang sabi ng isa naming babaeng kaklase na kakapasok pa lang ng classroom.

"Ganun? Kailangan ko na palang umuwi" may lungkot kong sabi.

"Huh? Bakit? Wala lang klase pero hindi pa nagpapalabas ang school ng mga istudyante" sabi ni Megumi.

I remembered something, nakasulat nga pala iyon sa katabi ng mapa sa main gate. Ang mga dapat at hindi dapat sa loob ng school at iba pa.

"Oo nga pala, hindi nga pala nagpapauwi ang school kung dahil lang sa meetings ng mga teacher dahil baka daw maglakwatsa lang ang mga istudyante" tugon ko sa kanya na tinanguan naman niya

"So saan mo gusto pumunta dito sa school?" tanong sa akin ni Megumi habang naglalakad kami sa hallway.

"Sa library? Ok lang ba sayo?" tanong ko.

"Hindi ko trip magbasa eh pero sige, matutulog na lang ako dun" pagsang ayon niya. Mabilis kaming nagtungo sa library at humanap ng pwesto. Nakahanap kami ng pwesto namin sa bandang dulo ng library kung saan kakaunti pa lang ang tao.

Matapos kong maibaba ang gamit ko sa upuan na pinwestuhan namin ay nagtungo na ako sa mga bookshelf para kumuha ng mga mababasa at wala pang ilang minuto ay nakakuha na ako ng limang librong nainteresan kong basahin.

"Meg--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng makita kong tulog na ang aking kaibigan. Tahimik akong umupo sa harapan niya at nagsimulang magbasa.

"Paupo ha" wala pa man akong naisasagot ay umupo na ang pinanggalingan ng boses lalaki na nagtanong.

"Kenji.." mahina kong wika ng makita kong si Kenji ang tumabi sa akin.

"What?" tanong niya ng hindi tumitingin saka muling nilipat ang pahina ng binabasa.

"Wala naman, nagulat lang ako na nandito ka rin" nakangiti kong sabi saka ko napansin ang pagsulyap niya sa akin.

"Puro ba saya ang nararamdaman mo araw araw?" out of the blue niyang tanong.

"Huh? Hindi naman" sagot ko.

"Simula kasi kahapon nung pumasok ka pa lang sa main gate ng school, hindi na kita nakitaan ng kalungkutan" inilapag niya ang librong binabasa niya saka itinuon ang tingin sa akin.

"May paniniwala kasi akong sa lahat ng pagkakataon kailangan mong ngumiti, masama man o hindi ang nangyari, kasi yung ngiti, hindi lang iyan nakakapagpagaan ng kalooban mo, nakakapagpagaan din iyon ng kalooban ng mga tao sa paligid mo" paliwanag ko sa kanya na ikinangiti niya.

"You know what? You're weird.." bahagya siyang natawa.

Ako pa weird ha!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status