Sa wakas monday na. Maaga pa kaysa sa alasais ako ng umaga gumising dahil sa sobrang pagka-excite ko sa pagpasok. Naglinis agad ako, nagluto at nag-ayos ng mga gagamitin ng amo ko bago ako nag-asikaso ng itsura ko para sa pagpasok ko. Eksaktong alas siyete naman nagising ang amo ko at katulad ng lagi niyang ginagawa, tinaasan na naman niya ako ng isang kilay niya matapos akong makita.
"Ligpitin mo na yung kama ko, anyway magbus ka na lang para di ka maligaw papasok, sabihin mo lang iyong pangalan ng school sa kondoktor para maibaba ka" sabay abot niya sa akin ng isang libong piso habang humihikab.
"Sir, ang laki naman ho nito" sabi ko na di niya pinansin. "S-salamat ho" dagdag ko na lang dahil wala na yata siyang balak kausapin ako.
Habang kumakain siya ay minabuti ko ng ligpitin ang kwarto niyang araw araw makalat.
"Napakabarubal talaga gumamit ng kama" sabi ko habang inaayos ang kamang hinigaan niya. Kapayat payat na tao, buong kama ang nagugulo at sa pagkakaalam ko pa ay queen size ang kama niya.
Matapos kong magligpit ay eksakto naman niyang pagpasok sa kwarto upang mag-asikaso pagpasok. Madali akong nagtungo sa kusina para ayusin ang pagkain kong ibabaon sa school at mahugasan ang pinagkainan niya.
7:40 am tapos na siya at handa ng umalis, samantalang ako ay hindi pa nakakapagsapatos dahil sa kailangan ko pang linisin ang pinagbihisan ng tamad kong amo.
Walang sali salitang lumabas ang aking amo na tila di alintana ang pagmamadali kong magsapatos. Matapos kong magsapatos at makuha ang mga gamit ko ay dinoble check ko muna kung nakasaradong maigi ang bintana't pinto at nakabunot ang lahat ng nasa saksakan bago ako umalis. Patakbo akong nagtungo sa sakayan ng bus sa dulo ng kanto kung saan nandun na ang amo ko.
Eksakto ilang dipa mula sa akin ng bus station ay nakaramdam ako ng hingal kakatakbo kaya bahagya muna akong nagpahinga na siya namang pagdating ng bus. Aligaga akong nagpatuloy sa mabilis kong paglalakad pero huli na ako, nagsarado na ang pintuan ng bus eksakto pagtayo ko sa istasyon.
Nakaramdam ako ng panlulumo sa aking katawan dahil sa pinakitang asal sa akin ng aking amo. Nakatayo kasi ito malapit sa pintuan at di gaya ng mamang driver ay kitang kita niya akong aligagang papalapit pero kaysa sabihan ang driver na may sasakay pa ay hindi siya nagsalita at pinanood niya lang ako. Nakakainis pa dahil binelatan niya ako noong magsarado na ang pintuan ng bus.
So ito yung ibig niyang sabihin doon sa magbus ka na lang at sabihin ang pangalan ng school? Kung alam ko lang na wala siyang balak sabayan ako, di na sana ako nagmadali.
Ilang minuto pa akong nag-intay bago dumating ang sunod na bus na agad kong nasakyan. Agad akong nagbayad ng pamasahe at nagsabi ng tutunguhan. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na ako sa school.
Wow!! Yan agad ang isinigaw ng isip ko matapos akong maibaba ng bus sa harapan ng school namin. Napakalaki at napakaganda nito kahit sa labas mo palang titignan.
"Magandang umaga ho manong, sabi ho dun sa screen, dito raw ho makukuha ang schedules at id ng istudyante" magalang kong bati kay mamang guard.
Tama ang basa ninyo, makakakuha na agad ang id. Hindi na kasi sila nagsayang ng oras noong bakasyon, online ginawa ang pictorial para sa id at iba pang requirements.
"Dito nga ija, ano ang pangalan mo?" tanong niya.
"Loukrisha Makabajo po" sagot ko saka siya naghanap ng pangalan sa computer niya.
"Ito, Makabaho Lukresiya" may puntong pagkakasabi niya. Lalo mo manong pinapangit pangalan ko sa pagbigkas mo.
"Salamat ho manong" sabi ko na lang matapos niyang iabot ang mga kailangan ko saka ako nagmadaling umalis at naghanap ng matatanungan kung saan ang building ng mga 4th year dahil ilang minuto na lang ay late na ako. 9:00 am kasi ang pasok at 8:45 am na. Siguro kung hindi ako pinabayaan ng amo ko ngayong unang araw ko sa school ay hindi sana ako mahihirapan ng ganito.
"Excuse me miss, pwede magtanong?" tanong ko sa nakita kong magandang babae.
"Hindi" pabalang na sagot niya saka ako nilagpasan. Hanep! Ganito ba ang mga anak mayaman?
Muli akong sumubok ng ibang istudyante at sa pagkakataong ito ay lalaki naman ang pinagtanungan ko. "Excuse me, pwede mag--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng barahin na niya ako.
"Kung pwedeng magtanong? Nagtatanong ka na, at kung hinahanap mo ang room mo, ayun ang mapa sa kanan ng main gate, iyon ang puntahan mo kaysa nangiistorbo ka ng mga istudyante" mahabang paliwanag niya saka ako nilagpasan. Napalingon ako sa main gate at gaya ng sabi niya, nandun nga ang malaking mapa kaya dali dali akong nagtungo doon at hinanap ang building at room ko.
Matapos kong mahanap ang pupuntahan ko ay mabilis akong naglakad patungo dito. Eksakto 9:20 am na ako nakarating sa classroom ko. Bakit naman kasi sobrang taas nitong kinaroroonan ng room ko!!
Tatlong katok muna ang ginawa ko saka ko binuksan ang pintuan. "Magandang umaga ho, pasensya na ho at nalate ako, bago ho kasi ako dito" bungad ko.
"I see, sige pumasok ka at maupo sa bakanteng upuan doon sa bandang dulo" nakangiting sabi ng lalaking teacher namin na kung titignan ko ay hindi masyado nalalayo ang edad sa amin. "Anyway, your name is?"
"Makabajo, Loukrisha ho" sagot ko na ikinatawa ng karamihan sa classroom.
"Class quite!" saway ni sir sa klase saka muling bumaling sa akin. "Pasok ka at magpapatuloy na muli tayo sa klase, anyway I'm Mr. Johan Herera, you can call me sir Johan, ako ang homeroom teacher ninyo at the same time, math teacher ninyo"
"Thank you ho sir" saka ako tumungo sa pinakadulong upuan na nasa gilid malapit sa bintana. Bago ako makaupo sa upuang sinasabi ni sir ay napansin ko ang lalaking nasa unahan ko. Siya yung lalaki kaninang napagtanungan ko.
"Hey. Thanks kanina" nakangiting sabi ko sa kanya kasabay ng pagdaan ko. Marahan akong umupo sa upuan sa likod niya at nagsimula ng makinig ng bigla siyang may iabot sa aking papel na mukhang pinilas sa notebook.
Marahan kong tinitigan ang papel bago ko ito binuksan saka ako napangiti sa nabasa ko. Isang simpleng WELCOME lang naman ang nakasulat pero agad ako nitong napangiti.
Agad kong kinuha ang coin purse ko at isinilid ang papel na ibinigay niya. Hindi sa may gusto ako sa kanya, natuwa lang ako kaya itatago ko.
"Class dismissed" sabi ng may edad naming babaeng teacher matapos ang oras ng klase niya. Eksakto matapos makalabas ni ma'am ay chineck ko agad ang aking schedule para malaman ko kung ano na ang sunod kong klase at laking tuwa ko naman ng mabasa kong break time na kaya agad kong inilabas ang baon ko habang kanya kanyang labas naman sa classroom namin ang ginawa ng mga kaklase ko.
"Hi!" napatingin ako sa magandang babaeng nakaupo sa katapat kong row. "Naaalala mo pa ba ako?"
Siya yung magandang babaeng nagbukas sa akin sa bahay ni sir Spencer.
Bahagya akong tumango tango sa tanong niya dahil kahit pa gustuhin kong sumagot ay hindi ko magawa dahil ngumunguya ako ng kanin.
"Mabuti, anyway ok lang bang samahan mo ako after mo kumain? Wala kasi akong kasabay kumain eh" nakangusong sabi niya. Marahan ko munang nilunok ang kinakain ko saka siya kinausap.
"W-wala ka bang ibang kasundo dito sa klase? Si Spencer ayaw mo kasabay?" tanong ko. Alam kong bawal kong ipagkalat na magkakilala kami pero kilala naman na niya ako at ang relasyon ko kay sir Spencer.
"Bago rin kasi ako sa school na ito eh, galing akong all girls school at sa ngayon, ikaw pa lang ang nakakausap ko" kwento pa niya. "Ayoko kasama si Spens, kj yun eh"
"Tanong ko lang, magkaano ano kayo ni sir?" pabulong kong tanong kahit alam kong kaming dalawa lang ang nandito. Mabilis ko na ring tinapos ang pagkain ko para masamahan ko siya.
"Pinsan ko siya, Megumi Andes nga pala" iniabot niya sa akin ang kamay niya saka ngumiti na kita ang ngipin na akala mo commercial model ng toothpaste. Nakipagshake hands ako sa kanya. "Friends na tayo Loukrisha ha?"
"S-sige, pero pwede Isha na lang?" tumango tango siya saka kami sabay na tumayo sa upuan at nagtungo sa cafeteria. Ayon sa kanya, bibili lang siya kaya di kami gaanong magtatagal.
Luckily, hindi naman pala ganun kapangit ang unang araw ko.
Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang ako dahil hindi namang maiiwasan ang mapanghamak na mga tingin sa akin ng mga kaklase ko."Sir nandyan ka na pala" bungad ko kay sir Spencer na kakapasok lang ng bahay. Mabilis ko ng inayos ang mga pagkain sa mesa para makakain na siya."Anong section mo? Bakit hindi kita nakita kaninang break time? Hindi ka pumasok?" sunod sunod niyang tanong."Section one ho ako sir at nung break time, last minute na ho ako lumabas kasama ang pinsan mo" paliwanag ko."Ow, matalino ka pala" sakrastiko niyang sabi. "Pero ok yan para may kasama si Megumi""Ikaw sir, anong section mo?" tanong ko. Siguro last section ano? Sakto ugali mo dun eh."Section 3" sagot niya saka pabagsak na umupo sa upuan. Akalain mo yun,
It's been three months simula noong pumasok akong kasambahay ni sir Spencer at hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa ugali niyang asal hayop."Mabuti ho inay at natanggap ninyo agad ang padala ko ngayon di gaya noong mga nauna na kailangan ko pang pakiusapan ang amo kong uuwi ako diyan" may galak kong sabi saka ako umupo sa sofa habang hawak hawak ang cellphone kong ibinigay sa akin ni Megumi."Oo nga anak eh, pasensya na at mahina sa mga makabagong pagbabago ang nanay. Salamat nga pala sa padala anak ha, pati dito sa selpon na kasama" tugon niya na kahit hindi ko nakikita ay alam kong masaya. "Miss ka na namin anak" bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya."Miss ko na rin ho kayo" pilit kong iningiti ang mga labi ko upang hindi ako mahimigan ng kalungkutan."Hoy, nasaan na yung pinaplantya ko sayong damit?" rinig kong wika ng amo ko habang bumababa sa hagdanan."Inay, kailan
"Pagkatapos mo maglaba, kung gusto mo, umalis ka muna. Maggala ka, gawin mo gusto mo" napatingin ako kay sir Spencer na nakatayo sa likuran ko habang nagbabanlaw ako ng mga damit.Umalis? Bago yun ah."W-wala po ba kayong ipagagawa? O iuutos man lang?" tanong ko. Nakakapanibago naman kasi na pinapaalis niya ako ng walang inuutos."May narinig ka bang may inutos ako?" umiling ako. "Edi wala" saka siya umalis.Ano yun? Nakakapanibago talaga.Gaya ng sinabi niya, umalis ako ng bahay niya pagkatapos ko maglaba. Pumunta akong parke at doon tumambay.Napaka-aliwalas ng lugar kahit di gaanong presyo dahil sa daming gusali sa paligid.Habang nagmamasid ako, napako ang paningin ko sa dalawang batang naghahabulan. Nakakamiss ang dalawa kong kapatid.Nagmasid masid lang ako doon. Napakasayang pagmasdan ng mga bata. Naglalar
"Kamusta na si Spens?" tanong sa akin ni Megumi habang sabay kaming kumakain sa cafeteria. Pinatigil na kasi niya ako magbaon dahil may mga mura naman daw na tinda dito at tama nga naman siya dahil marami rin ang murang bilihin, yun nga lang mas marami ang mahal. "Nakakainis kasi iyon, ayaw akong pumupunta sa bahay niya" Paano, ang ingay niya kaya ayaw siya ni sir sa bahay."Pabayaan mo, papayagan ka rin nun pag naglaon" sagot ko sa kanya."Eh kayo Isha? Kamusta kayo? Kayong dalawa lang sa bahay niya tapos lalaki at babae pa kayo--" di ko na pinatapos si Megumi magsalita at sinalpakan ko na ng tinapay na binili ko ang bibig niya."Alam mo naman ang ugali ng pinsan mo, saka duh! Di ko type ang pinsan mo" pinakita ko pa sa kanya na tila imposible talaga ang iniisip niya. Well, gwapo
"Earth to Isha, girl anong nangyari sayo at tulala ka dyan?" tanong sa akin ni Megumi na kanina pa kumakaway sa harapan ko."Napaisip lang ako dun sa kwento ni ma'am sa English about sa love story niyang nagumpisa sa kiss" sabi ko saka ako tumingin sa labas ng bintana at sakto pagtingin ko sa baba ay si Spencer agad ang nakita ko. Shocks! Bakit naman sa dinami dami ng makikita siya pa."Bakit namumula ka? Anong nakita mo?" tanong na naman ni Megumi saka akmang titingin sa bintana pero pinigilan ko't hinila palabas ng room tutal break time na. "Nababaliw ka na girl""Siguro nga" natatawa tawa kong sabi. Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla kaming hinarangan ng anim na babae na kung titignan at ia-analy
"Ineng si ate mo Lolita ito, ang inay mo isinugod namin sa ospital, bigla na lang kasi siyang nahimatay" sagot ni ate Lolita na kapatid ni ate Lorna. "Baka naman pwede kang umuwi dito, kailangan ka kasi namin dito""O-opo, uuwi ho ako ngayon din dyan" lumuluhang sabi ko saka tumakbo papasok sa kwarto ko. Inihanda ko na ang gamit ko sa pag-alis ko saka ko inasikaso ang lahat ng gawaing bahay pati ang pagkain na kakainin ng amo ko bukas. Bago ako umalis ng tuluyan ay nag-iwan na lang ako ng sulat na kailangan kong umalis pansamantala at ng contact dahil mukhang hindi makikipag-usap sa akin si sir Spencer."Kayo na lang muna bahala sa akin sa school Megumi, tatawag din ako kay donya Alicia para sabihing uuwi muna ako" sabi ko kay Megumi na kausap ko sa cellphone."Sige mag-iingat ka Isha, tawagan mo ko pagmay need ka ha? Kahit pera, papahiramin kita" sagot pa niya."Pakibantayan na lang muna ang pinsan mo par
Inaamin ko namang nung una ayoko talaga sa kanya pero nung nagtagal na ako sa bahay niya ay pakiramdam ko, hindi ko na kayang gumising ng hindi siya napagsisilbihan saka nung hinalikan niya ako? Pakiramdam ko, their something magical and I knew, it was love.Pero mali eh! Hindi pwede."Wag mo kong titigan Loukrisha" from the first time in forever, tinawag niya ako sa pangalan ko. "I'm asking you""Hindi kasi ako sure since amo kasi talaga kita" pinagdikit ko ang mga dulo ng daliri ko sa sobrang kakabahan ko.
"W-what? Kayo na?" nanlalaki ang mga mata ni Megumi matapos kong sabihin sa kanya na kami na ng pinsan niya. Nandito kami ngayon sa field ng school, nakaupo sa damuhan matapos namin kumain sa cafeteria. "Omg! That's a good news. Akalain mo yun, kahit pangit ugali niya, may papatol sa kanya""May sinasabi ka Megumi?" sabay kaming napalingon ni Megumi sa likuran. Nakatayo si Spencer doon habang kunot ang noo."Wala, wala. Bat ka nandito? Di mo naman kami nilalapitan sa school ah" kumento ni Megumi.Pumaupo si Spencer sa tabi namin sa bandang gitna. "Iba na ngayon""Kayo ha" tinusok tusok ni Megumi ang balikat ng pinsan niya."Hindi nakakatuwa Megumi. Tumigil ka nga" saway niya. Hindi pa din talaga nagbabago ang ugali niya."Hayaan mo siya, natutuwa lang siya" saway ko naman siya. Tumingin siya sa akin saka nagpout. Syet! Ang cute niya.