Share

Chapter 7

It's been three months simula noong pumasok akong kasambahay ni sir Spencer at hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago sa ugali niyang asal hayop.

"Mabuti ho inay at natanggap ninyo agad ang padala ko ngayon di gaya noong mga nauna na kailangan ko pang pakiusapan ang amo kong uuwi ako diyan" may galak kong sabi saka ako umupo sa sofa habang hawak hawak ang cellphone kong ibinigay sa akin ni Megumi.

"Oo nga anak eh, pasensya na at mahina sa mga makabagong pagbabago ang nanay. Salamat nga pala sa padala anak ha, pati dito sa selpon na kasama" tugon niya na kahit hindi ko nakikita ay alam kong masaya. "Miss ka na namin anak" bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya.

"Miss ko na rin ho kayo" pilit kong iningiti ang mga labi ko upang hindi ako mahimigan ng kalungkutan.

"Hoy, nasaan na yung pinaplantya ko sayong damit?" rinig kong wika ng amo ko habang bumababa sa hagdanan.

"Inay, kailangan ko na ho magpaalam dahil may gagawin na ho ako, mag-ingat ho kayo dyan ha. Mahal na mahal ko ho kayo" mabilis kong sabi saka ko pinatay ang tawag at madaling tumayo upang kuhain ang damit na plinantya ko kanina. "Ito na ho sir" walang pasa pasalamat niyang kinuha ang damit sa akin saka muling bumalik sa kwarto.

Kung di ko lang talaga kailangan ng pera para kayla inay ay hindi ako magtitiis dito!

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko saka ako nagtungo sa kwarto ni sir Spencer.

"Sir, kukuhain ko na ho yung pamalengke ko para ho makapamalengke na ako ngayon" bungad ko sa kanya na nagbibihis. Patpatin.

"Hindi ka ba marunong kumatok? Langya naman oh!" mabilis niyang tinapos ang pagsusuot niya ng pang itaas saka kumuha ng pera sa wallet. "Oh, umalis ka na" abot niya sa akin ng limang libo na pang gastos ko sa palengke.

Simpleng pambahay lang ang suot suot ko ng magtungo ako sa supermarket. Isa isa ko ng binili ang mga kailangan kong stocks sa kusina ng biglang may braso ng lalaki ang biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Bili mo rin ako ng stick-o" sabi niya ng maipatong na niya ang baba niya sa balikat ko.

"Kenji, yan ka na naman sa pagiging childish mo" tugon ko saka ko bahagyang hinampas ang braso niyang nakayakap sa akin.

Ito talaga lalaking ito! Sa tuwing nagtatagpo kami ay napakakulit niya pero tuwing may ibang tao ay akala mo kung sinong masungit. Weirdo diba.

"Stick-o lang eh" may himig pagtatampo niyang sabi matapos makatayo ng tuwid sa gilid ko. Kinurot ko ang magkabila niyang pisngi saka siya pinanggigilan. "Masakit" masungit na reklamo niya.

"Makulit ka kasi eh" patuloy ko lang na pinanggigilan ang pisngi niya. "Saka mas mayaman ka sakin Kenji kaya tigil tigilan mo ako dyan sa pabili pabili mo dahil nagtitipid ako"

Hindi niya alam ang sitwasyon ko, ang alam niya lang ay nagtitipid ako lagi. Bukod kay Megumi wala na akong pinagsabihan na isa akong maid ng beast na si sir Spencer katulad ng napag-usapan namin ni sir Spencer na ayaw niyang lalabas ang kaugnayan namin sa isa't isa.

"Yah I know, naglalambing lang naman ako" bigla niya akong nginitian sabay tanggal ng kamay ko sa pisngi niya. "Masakit ka talaga mangurot Lou"

Bukod sa kanya, wala ng tumatawag sa akin ng Lou. Well, siya naman kasi ang nagpauso nun eh.

Hanggang matapos ako mamili ay kasama ko si Kenji. Bukod kasi sa ayaw na daw niyang samahan ang mama niyang namimili din ay gusto niya daw sa akin makipagkwentuhan dahil naudlot ang kwentuhan namin nung nakaraan sa paghila sa akin ni Megumi papunta sa cafeteria. Hindi sila close ni Megumi, ayaw niya daw kasi sa maingay na babae kaya kadalasan sa akin lang siya nakikipag-usap dahil hindi naman daw ako mukhang babae. Hanep diba!

"Salamat sa pagsama, ingat ka pauwi" paalam ko bago ako sumakay ng jeep. Bakit ganun? Simula kanina noong magkasama kami ni Kenji, pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Sa gutom lang ba iyon o meron talaga?

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay naabutan kong nakapadikwatrong nakaupo si sir Spencer sa sofa habang simagot na simagot ang mukha.

"Magandang gabi ho" bati ko saka ko madaliang dinala ang mga pinamili ko sa kusina.

"Bakit ang tagal mo dumating, alam mo bang dalawang oras ka na dun sa supermarket? Hindi mo naisip na baka gutom na ako" may pagkairita niyang sabi. Sinundan pa talaga ako sa kusina, masermunan lang.

"Sir umalis naman ho kasi kayo kaya akala ko ok lang kahit hindi ko gaanong bilisan ang pamimili" sagot ko matapos humarap sa kanya.

"Pamimili? O pakikipaglandian dun kay stick-o boy?" Ngayon, alam ko na kung sino ang kaninang nararamdaman kong sumusunod. "Alam mo, hindi naman kita pinagbabawalang lumandi pero pag oras ng trabaho, oras ng trabaho!" giit pa niya. Napakagat ako ng ibabang labi ko upang makontrol na wag siyang sagutin ng pabalang pero mukhang hindi yata marunong makisama ang bibig ko at nagsalita pa rin.

"Para lang ho sa kaalaman ninyo, hindi ako malandi para makipaglandian kaya wag mo akong pagbintangan porke nagtagal ako sa supermarket at dagdag kaalaman pa ho sir! Hindi mo binabayaran ang buong oras ko, binabayaran ninyo lang ako sa pag gawa ko ng gawaing bahay at sa pagkakaalam ko, nagagawa ko ng tama ang trabaho ko kaya wag ninyong sabihin yang pag oras ng trabaho, oras ng trabaho dahil hindi kasama sa trabaho ko ang buong oras ko!" saka ako tumalikod sa kanya at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Totoo naman ang sinabi ko, ang pinagusap namin ni donya Alicia ay hindi ko kailangan magtrabaho whole day, hawak ko pa rin daw ang oras ko, kailangan ko lang daw gawin ang lahat ng gawaing bahay.

Hinang hina akong dumapa sa kama ko saka umiyak. First time ko sumagot ng galit kahit kanino dahil natural na sa akin ang magtimpi pero kasi sobra na siya.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maramdaman kong ok na ako. Lumabas ako ng kwarto ko saka ako nagtungo sa kusina para ayusin ang pinamili ko pero laking gulat ko na maayos na iyon. Luminga linga ako sa kusina pero wala akong nakitang lalaki.

Kailangan ko bang magsorry sa kanya kahit siya ang may kasalanan? Siguro oo ano? Kasi siya pa rin ang amo ko at hindi pa gaanong malaki ang ipon ko kung aalis ako.

Agadan akong nagluto ng hapunan at napagdesisyunan na magsorry kay sir.

Marahan akong pagtungo sa kwarto ni sir Spencer. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto niya at ng wala akong marinig na tugon mula sa loob ay pumasok na ako. "Sir.." tawag ko sa kanya saka ako lumapit sa kama niya kung saan siya padapang nakahiga. "S-sorry ho sa sinabi ko kanina" Tulog na ba ito at ayaw ng gumalaw?

Marahan kong hinaplos ang ulo niyang nakasubsob sa unan. "Pasensya na ho talaga kanina" saka ako umalis sa loob.

Sana lang bukas, ok na kami dahil di ko kaya kung tatanggalan niya ako ng trabaho. Di ko pa kaya sa ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status