Share

Chapter 1.2

“Baby, ayos ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” ngumiti si Allisianna sa akin at tumango.

“Oo kuya maayos naman ang pakiramdam ko. Baka nga pwede na akong umalis dito sa ospital eh.”

“Hindi pwede alli, kailangan maayos ka na talaga. Kukumpletuhin mo ang chemotherapy sessions mo, at pagkatapos no’n magpaparadiation ka para masiguro nating hindi na babalik ang sakit mo ok?”

“Pero kuya, masyado ng malaki ang nagagastos mo sa pagpapagamot ko. At kuya alam ko ring malaki-laki na ang bill sa ospital.”

Oo, totoong malaki na ang bill sa ospital, kahit pa marami akong raket at malaki-laki ang kita ko sa pub ay sadyang sobrang laki talaga ng bayarin at hindi pa rin kinakaya ng kita ko.

Ginulo ko na lang ang buhok niya at ngumiti para hindi na siya mag-aalala.

“May trabaho na si kuya kaya mababayaran ko rin iyon ok? ‘Wag ka na masyadong mag-alala. Ang alalahanin mo ay ang pagpapagaling mo para makabalik ka na sa eskwela.”

Mukha namang May nalala siya kaya napalabi siya.

“Oo nga eh, sayang. Ang OJT pa naman sana namin na napagkasunduan ay sa kompanya ng crush ko. Chance ko na sana ‘yon para makita siya lagi.” Nakakunot ang noo niya na para bang may kaaway. Napangiti na lang ako sa kacute-an ng kapatid ko, kaya ginulo ko ulit ang buhok niya.

“Alam mo? Kesa ang crush crush na iyan ang isipin mo, kumain ka na lang muna. Heto. Gutom lang ‘yan.” Natapos ang araw na ‘yon ng puno lang ng kulitan naming magkapatid.

“Wooo! Sexy!” rinig kong sigaw ng isang customer habang sumasayaw kami. Kahit pa high-end ang pub na ito ay may mga naliligaw talagang asal kalye pa rin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsasayaw nang May nakita ako sa sulok ng bar, ang mata niyang matiim na nakatitig sa akin, that perfect jawline and Greek god nose. Ang pilik mata niyang mahahaba at makakapal sinamahan na rin ng kilay niyang May sapat na kapal para maging nakakaakit tignan ang mata niya. Sumayaw ako ng nakatingin sa kaniya at ganoon rin siya, nakatitig sa akin habang umiinom ng alak. Natapos ang kanta na nakatitig pa rin kami sa isa’t-isa.

Sa pagtalikod ko paalis ng stage nakita ko pang tumayo rin siya. Lagi ko siyang napapansin dito, mga dalawang Linggo na rin yata. Mula noong unang beses ko siyang nakita rito ay regular na talaga siyang pumupunta…at oo aaminin ko, medyo nagwagwapuhan ako sa kaniya. Shet! Lumalabas ang kalandian ko!

“Laura, may customer na gusto kang makausap.” Saad ng manager pagkapasok niya sa dressing room, kung saan nandito lahat ng dancers.

“Po? Bakit daw po?” May kakaiba siyang tingin na iginawad sa akin kaya medyo kinabahan ako. Baka talagang ipinilit niya iyong pagiging tagatable ko kahit pa hindi ko gusto. Pero natigil lang iyon, noong dinagdagan niya ang sinabi.

“Si Mr. Hawkingstons! Iyong shufo na naging regular customer kamakailan? Hoy ingrata! Mukhang type ka ng fafa! Kalerkey! Naiingit si watashi!” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sinong Mr. Hawkingstons? Wala akong kakilalang ganyan ang pangalan. Gwapong customer…maraming gwapong nga customer ang pub na ito pero bakit… bakit isa lang ang pumasok sa isip ko?

“Ay? Nag-iisip ka pa? Haba ng hair mo ah? Ang bruhang ‘to mukhang balak pa yatang paghintayin ang fafa sa labas. Naku day! Ano pang hinihintay mo? Sunggaban mo na! Hindi araw araw nagpapaulan ng grasyang ganyan kasarap!” Itinulak na niya talaga ako palabas noong makitang nagdadalawang isip ako. Bago tuluyang naitulak palabas ay tumingin pa ako kay Tierra na kasama rin namin sa dressing room. Kahit pa meron naman siyang maliit na dressing room para sa kaniya kasi matagal na siya rito at isa siya pinakasikat na stripper ng pub na ito ay pinili niyang sumama sa akin sa dressing room na ito noong dito na ako nagtatrabaho, magtatatlong buwan na. Mukhang nagtataka man kung bakit may naghahanap sa akin, lalo na’t may pagkamailap ako sa kahit sino, at pag may customer mang nagtatangkang lumapit at magpakilala ay iniiwasan ko agad, tumango pa rin siya. Sinasabing makipag-usap na lang ako. Kaya tuluyan na lang rin akong lumabas. Malakas rin naman kasi ang security dito sa pub at talagang pinoprotektahan kaming lahat ng staff sa kahit sinong customer na may masamang ginagawa.

Pagkalabas ay ang bumungad sa akin ay ang nakahilig sa dingding na taong para bang galing pa sa isang photoshoot ng cover ng magazine. Alam ko namang gwapo siya, kahit pa sa malayo kami nagkakatitigan pero makikita ko ng gwapo siya…sadyang di ko lang talaga inakalang may mas ikakagwapo pa pala siya. Napalunok ako noong makita ang mata niyang mariing nakatitig sa akin na para bang nakikita niya ang kaloob-looban ng kaluluwa ko. Hindi ko matagalan ang pagsalubong sa mata niya kaya ibinaba ko ang aking paningin…na sana ay hindi ko na lang ginawa. Ngayon tuloy ay ‘di ko maiwas ang tingin ko sa macho niyang katawan, ang well toned na biceps at triceps niya at ang dibdib niyang natatabunan man ng itim na button up polo ay nasisigurado kong malalaki at well toned din, pati ang abs niya. Napalunok ulit ako ng bahagyang bumaba ang paningin ko, oh goodness! Brixxen! Maghunos Dili ka! Mabilis kong inangat ang mata ko at nasalubong muli ang mga mata niyang hanggang ngayon pala ay nakatingin pa rin sa akin. Napalunok ulit ako. Oh, God, please keep me away from temptation! Nagkunwari akong umubo, bago bumati.

“Y-yes sir? P-pinatawag niyo raw po ako?” Bruha ka Brixxen! Bakit ka nauutal?

“Yes, Laura right?” Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang paginihiwalay niya sa akin ang paningin niya ay mawawala ako…yes, ganiyan nga Brixxen, mangarap ka ng gising. Malamang sabog lang ‘yan kaya ganyan makatingin sa’yo.

Makaraan ang ilang segundo naming pagtitiyak na walang sinasabi ay sa wakas bumaling na sa iba ang paningin niya. Inilibot niya ang pangingin niya sa pub, maraming nagkukwentuhan at nag-iinuman habang may nagpe-perform sa stage. May mga babae ring nakatingin sa kanya habang naghahagikgikan mukhang nagwagwapuhan sa kaniya, hindi ko rin naman sila masisisi kasi sobrang gwapo nga naman ng lalaking ito. Maingay at magulo ang paligid.

“Can we talk somewhere more private?” P-private? B-Bakit? Talaga bang tama ang hinala kong hinayaan talaga nila akong makuhang tagatable? Pero sinabi ko na namang ayaw ko ah? Atsaka kahit pa gwapo ang lalaking ito, kahit pa nakalagay ang mala-adonis niyang katawan, kahit pa nakakaakit ang mabigat na boses niya, hindi ako gagawa ng taliwas sa prinsipyo ko gagawa ako ng taliwas sa prinsipyo ko…ay leche! Brixxen! Umayos ka nga! Malandi kang bruha ka!

“U-umm, S-sir, s-sorry but I don’t accept jobs like that. I am just a dancer here. I-I just dance a-and nothing m-mo-more umm.” Shet na malagkit! Bakit ka ba nauutal?

“What are you talking about?” Nakakunot ang noong wika niya sa akin.

“U-umm, I mean, I-I don’t accept offers…” hindi ko magawang ituloy ang sinabi ko dahil nakita kong dumilim ang mukha niya…so talagang plano niya akong i-table?

“I think I know what you are insinuating…but I’m here to give you another offer” This time ay ako naman ang napakunot ang noo, what offer does he mean? At tsaka…hindi niya ako itatable? Damn Brixxen! Bakit parang nanghihinayang ka pa?

“U-umm, w-what do you mean sir?” Buntong hininga siya at iginala ulit ang paningin.

“Can we talk in a more private place?”

Hindi ko alam kung bakit kahit hindi ko naman siya lubusang kilala ay hindi naman ako natatakot na sumang-ayon na mapag-isa kami sa isang private room…siguro dahil may mga bouncer naman sa paligid, at bago pa man ako dito ay madali ko namang naka-close ang lahat. Pati ang mga bouncer. Kaya kung ano man ang plano ng lalaking ito sa’kin, which by the way, I highly doubt, wala akong dapat ikatakot.

“Laura” Pauna niya noong nakaupo na kami.

Gaya ng inaasahan ay inupahan niya ang isa sa mga private room dito sa pub, located sa third floor ng building. Mas mahal at sobrang exclusive ng mga rooms dito kaya nagtataka ako kung bakit …o ano ang gusto niya. Bakit kailangang dito pa talaga?

“Sir?”

“I have been observing you these past few weeks…” sa sinabi niya pa lang na iyon ay muntik na akong mapanganga.

“And I think…you are very suitable for my offer” Ano? Scouting agent ba ‘tong gwapong ito? At gusto akong kuning talent?

“W-what offer sir?” Mas sumeryoso ang mukha niya bago bumuntong hinangad at sinagot ang tanong ko.

“Laura, I have a preposition…I’ll give you a hundred thousand a month, plus 2 million after the accomplishment of this deal.” Kung kanina ay napigilan ko pa ang pagkalaglag ng panga ko, ngayon ay tuluyan na akong napanganga. A-ano b-bang deal ‘yan at ang laking halaga naman ‘yata ang makukuha ko?

“P-pasensya na po Sir pero…di ko po kayo maintindihan. W-what deal are we talking about here?”

“Laura, the thing is, I have to have a wife.” Sa sinabi niya ay mas lalong hindi ko magawang maintindihan. Kailangan niya ng asawa… At ako ang kinakausap niya… Ano ba ang pake ko do’n? Bakit? Dala ko ba ang mapapangasawa niya?

“Sir, you’re talking alien.”

“I have to have a wife…or at least I need my mother to believe that I have a wife. And you are just the perfect one to pretend as my wife.” W-wait, did ko ma-process, ano raw? Nagpapanggap akong asawa niya?

“AKO? Ibig niyong sabihin, a-ako ang magpapanggap na asawa mo?!”

“Yes” mahinahon niyang sagot sa akin. Na para bang normal lang ang pinagsasabi niya, na para bang hindi ako halos mahilo na dito sa naririnig ko na sinasabi niya. Na para bang hindi nakakagulat na hindi pa man kami magkakilala ay inofferan niya na akong maging asawa. Shet! Ang bilis ah?

“B-bakit ako?” Eh, kung tutuusin ay hindi niya naman kailangan magbayad para magpanggap na asawa niya, baka nga lumuhod pa ang mga babaeng ‘yon mapangasawa lang ang lalaking ito tapos heto siya ngayon sinasabihan akong plano niya akong gawing asawa? Sabog ba ‘to? Ang ganda ko naman ata sa paningin niya.

“Kasi ikaw. So, what do you say?”

“W-wait lang ah? M-medyo gulat pa ang lola niyo eh, hinay hinay lang muna sir, mahina ang kalaban.” Nakatakip naman ako ng bibig ko noong napagtantong sinabi ko pala ‘yon ng malakas. Eh sa isip lang dapat ‘yon eh!

“Umm c-can I think about it first?” tumango nan siya.

Kahit pa anong isip ko ay hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman kami magkakilala, tapos biglang gagawin niya akong asawa? Ang naiintindihan ko lang ng lubos ay ang sinabi niyang bibigyan niya raw ako ng isang daang libo kada buwan, at pagkatapos na ang pagpapanggap na ito ay bibigyan niya ako ng dalawang milyong piso! Kung tutuusin sobrang laki na no’n! Hindi ko na poproblemahin ang pagpapagamot ng kapatid ko. At may matitira pa pag nakuha ko ang dalwang milyong ‘yon!

“What is your preposition?” It wouldn’t hurt to ask this right? Hindi naman ako papayag sa kahibangan ng lalaking ito eh, pero curious lang ako.

“Pretend to be my wife, for say about…8 months, I’ll give you a hundred thousand every month, all of your shopping spree and all your bills are on me while we are together. And after that 8 months, I’ll give you the reward amounting to 2 million pesos”

“Why do you need someone to pretend to be your wife?”

“I need to have a wife before I turn 28 or my parents wouldn’t let me take over our company, and I’m turning 28 two months from now, so I need to find someone to be my wife”

“Pretend wife” I corrected him. Naiintindihan ko na kung bakit siya naghahanap ng nagpapanggap na asawa niya pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako?

“Pretend then. So what do you think?”

Nararamdaman ko ang pagkibotkibot ng labi ko. Sobrang nakakatempt ang perang sinabi niya…pero talagang hindi pwede. Lalaki ako, paano ako magpapanggap na asawa niya diba?

“I guess I need to increase the salary to two hundred thousand monthly?” ‘Wag Kang mahina Brixxen, pera lang iyan…Pero damn! Ang laki!

“You really don’t want it huh? I guess I have to go—”

“DEAL!” Oh shit! Bahala na nga!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status