Share

CHAPTER 3

Nagpaalam na rin si King samin na bumalik sa table nila Kuya matapos ko siyang maipakilala sa mga kaibigan ko tulad ng gusto niyang mangyari. Nahiya pa siya ng makitang may kasama kaming mga lalaki sa table namin.

"Sino ang ka-date mo d'yan?" bulong niya sakin sabay nguso sa mga lalaking nasa harap namin.

"Wala. Barkada 'yan ng boyfriend ni Samien," wika ko sa kaniya sabay nguso kay Samien habang nakikipag-usap kay Kenneth.

"Akala ko puro girls," dismayadong saad niya at natawa lang ako.

Nakalimutan ko palang sabihin sa kaniya na kasama namin sila Kenneth at ang mga barkada niya. Ngayon ko lang napagtanto noong makita na namin sila sa table habang papalapit kami. Tumungga si King ng ilang shots bago nagpaalam sa amin na bumalik sa table nila.

"King is funny, huh?" ngisi ni Satana.

"May sense of humor," kumento ni Samien. 

 Hinayaan ko silang mag usap tungkol kay King at sa kung ano-anong pang mga bagay. I'm not in the mood to join them. Pakiramdam ko nawalan ako ng ganang makisaya ngayong gabi.

I'm physically present, yet my mind is preoccupied with something that isn't here. Masyado akong apektado sa nalaman ko kanina tungkol sa girlfriend ni Zim. Alam kong natural lang na magkaroon ng girlfriend 'yong tao. Ang hindi natural sa akin ay kung bakit hindi ako 'yong girlfriend niya?

Hanggang crush ko na lang ba talaga siya? Final na? Wala bang subscription para maging jowa ko siya?  

"Huy! Pang ilang shots mo na 'yan ah. Okay ka lang ba?" tanong ni Rye na nakaupo sa gilid ko habang nilalagok ang pang apat? O pang lima ko na shots.

Hindi ko alam kung pang ilang tungaa ko na iyon. Mas'yado lang talagang okupado ang isip ko at kahit ang pagkalasing ay hindi ko maramdaman. Could it be possible? Pati ang sistema ko manhid na din sa alak na iniinom ko. Nahawaan ata sa ugali ni Zim.

"Of course! Why would I not be okay?" Ngumisi ako sa kaniya para ipakitang okay lang ako.

Umiling lang siya sabay lagok din ng shots niya.

"Pre, gusto ko lang talagang malaman kung bakit niya biglang tinigil 'yong sa amin. Bigla niya na lang akong hindi kinausap. Ang alam ko ayos naman kaming dalawa,"

Nadapo ang tingin ko kay Kobe na problemadong nagsasalita ngayon sa tabi ng tumatawang si Kenneth. Nakapulupot naman sa kanyang braso si Samien na nakatingin sa akin habang nakangisi.

Napangiwi ako sa kanila. Edi sanaol, kayo na yung may jowa.

"Seryoso ka pala talaga sa kaniya?" tanong sa kanya ni Rye habang ngumunguya ng junkfoods.

Tumingin sa kaniya si Kobe.

"Oo. Bakit? Nasaan ba si Cyd, bakit hindi niyo siya kasama? " sunod-sunod na tanong ni Kobe.

Ngayon ko lang din napansin na si Cyd lang ang wala sa aming magbabarkada. Mas'yado akong nalunod sa kakaisip tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend ni Zim kaya hindi ko namalayang wala pala si Cyd sa pagtitipon namin.

"I bet tinaguan sya ni Cyd," Hagikhik ni Satana sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa sa kaniya.

"Nakita ko si Cyd kanina. Somewhere, with some gorgeous guy," wika niya sa'kin na sapat lang din para hindi siya marinig nila Kobe.

"May nakwento ba siya sa inyo tungkol sa'min?" tanong ni Kobe sa aming magbabarkada.

"May kayo ba?" inosenteng tanong ko sa kanya. 

"Beeeng!"

"Awts," daing kunwari nong iba.

"Addie nyo masyadong mapanakit," halakhak ni Samien.

Nagtakha ako kung bakit bigla silang naghiyawan. I'm not being mean doon sa tanong ko. Gusto ko lang malaman kung naging sila ba ni Cyd. Wala kasi kaming alam tungkol sa mga kalandian niya, kasi hindi niya sinasabi sa amin. Malalaman na lang namin na may kalandian pala siya kapag wala na sila.

Ang sabi sa amin ni Cyd, ayaw niya raw kay Kobe kasi mas'yadong speed at hindi niya din type. Alam naman naming ayaw niya sa ganoon lalo na't ilaw araw pa lang silang nagcha-chat o text tapos sasabihing mahal kana agad. Ang hirap naman siguron paniwaalang aga iyon.Kahit na sabihin pa nating hindi batayan sa haba ng panahon para masabi mong mahal na talaga yung isang tao o hindi. Karamihan na sa mga tao ngayon ay mas'yadong binababa ang totoong kahulugan ng pagmamahal para lang masabing mahal na sila ng isang tao.

I love you for me is a big word, a big responsibility. When you utter that word to someone, it means, that person mean so much to you, that you're willing to do something for the sake of that person. Kaya hindi ko lubos maiintindihan kung bakit ang dali dali lang para sa iba na bitawan ang mga katagang iyan ngunit hindi man lang nila kayang mapanindigan.

Seryoso? Ano ba talaga para sa kanila ang tunay na pag-ibig? Dahil marami ang nakikisabay pero konti lang talaga ang totoong nakakaalam.

"We've been talking for almost a year. I don't settled  girls for two days," wika ni Kobe kaya nagkatinginan kami nila Satana.

"Akala ko tinigil nyo na din kaagad 'yon, the day after nireto kita sa kanya," kaswal na saad ni Samien habang nakahilig sa balikat ni Kenneth.

Almost a year na pala silang nag-uusap, pero bakit ang sabi ni Cyd  daw si Kobe. Para sa'kin, matagal tagal na rin iyon.

"Like legit?" hindi makapaniwalang tanong ni Satana sa kanya. Tipsy na 'to kanina pero parang nabuhayan dahil sa sinabi ni Kobe tungkol sa kanila ni Cyd.

"So, hindi niyo pa pala alam?" tanong ni Kobe samin. Magkasabay kaming umiling nina Satana at Rye sa kaniya, maliban na lang kay Samien.

"May alam ka ba tungkol sa kanila, Samien?" tanong ko sa kaniya pero kaswal lang din itong umiling.

"Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi sa inyo ang tungkol samin. Kung ano man ang rason niya, wag sana kayong magalit sa kaniya," Pakiusap ni Kobe samin.

Walang sumagot samin mula sa sinabi niya. Batid kong kagaya ko rin, ay napaisip din sila.

Hindi naman ako galit kay Cyd. Sino ba naman ako para magalit sa kaniya? Buhay at desisyon niya naman iyan. Ang hindi ko lang makuha ay kung bakit tinatago niya sa'min ang tungkol sa kanila ni Kobe. Hindi ko alam kung anong meron sila pero as far as I know, hindi naman umaabot ng months yung mga kinukwento samin ni Cyd na nakalandian niya. Kaya nagulat nga ako ng umabot sila ni Kobe ng almost ten months. There is must something on Kobe na naging dahilan para magtagal si Cyd sa kaniya.

Kung totoo man nakita ni Satana kanina, hindi naman siguro tama na may iba na namang kalandian si Cyd leaving Kobe na clueless sa nangyari. Kahit wala silang relasyon ni Cyd, I believe Kobe deserves an explanation.

Pasado alas dyes na ng matapos ang kaganapan sa park. Pakiramdam ko wala ako sa aking sarili naglalakad pabalik sa table nila Kuya. Sa loob ng ilang oras parang andaming nangyari. Ang daming rebelasyon na aking natuklasan dahil sa gabing ito. Mula sa pagkakaroon ng girlfriend ni Zim pati sa kung anong meron man sina Cyd at Kobe.

"Lasing na si Chant, Addie," Tumawa si Sev ng makita ako sabay tapik sa balikat ni Kuya. 

Humalukipkip ako habang pinanood si Kuya na pangisi ngising kinausap si Terrence. Tumayo sya ng makita niya ako at nag ayos ng damit niya.

"Mauna na kami sa inyo pre," Paalam niya sa kanila. Kasunod naman niyang tumayo si King.

"You can't drive Kuya, lasing ka," salita ko sa kaniya ng may bahid ng inis.

Alam kong dapat ko ng asahan na possible nga siyang makainom ngayon. Naiinis ako dahil natatakot akong magd-drive siya ng nakainom. Hindi sya pwedeng magdrive ng lasing dahil pagagalitan kami ni mama pag nalaman niya iyon. Worst, baka mabunggo pa kami. 

"I'm okay, sis. Nakainom lang, hindi ako lasing," sabi niya habang pumupungay ang kaniyang mga mata.

Hindi raw lasing? Kaya pala iyong mga mata niya kulang nalang lagyan ng stick para hindi sumara ang talukap nito.

"Ah. Nakainom lang pala," Halakhak ni Sev.

"Let's go," Pag-anyaya niya at naunang naglakad sa amin ni King.

Dahil sa inis ko ay hindi ko nagawa pang magpaalam sa ibang barkada niya. Sumabay ako kay King na maglakad at sumunod kay Kuya para pumunta sa parking lot.

"Ikaw na lang kaya mag drive," salita ko kay King habang naglalakad kami.

"Hindi na ako makakapagdrive Addie, baka mabunggo lang tayo," Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Wala din pa lang kwenta ang isa 'to.

Naunang sumakay sa front seat si King at sumunod sa kaniya si Kuya. Binaba niya ang bintana ng sasakyan ng makitang nasa labas pa ako.

"Addie." Pagtawag niya sa'kin at pahiwatig na pasakayin ako.

Hindi ako sasabay sa kanila. I know Kuya can drive  pa naman pero baka pati sa pagliko one hundred eighty speedmeter ang takbo. Alam ko iyon, dahil minsan na din akong sumakay sa kanya ng nakainom sya habang nagd-drive. Wala pa akong kaideya-ideyang lasing pa pala sya no'n. Kaya naman halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan kapag may io-overtake syang  mga sasakyan. Ayokong maranasan ulit iyon.

"Mag co-commute na lang ako," wika ko sa kaniya.

"It's almost eleven Addie, wala ka ng masasakyan dito at delikado. Get in the car now." Sumeryoso bigla si Kuya lalo na sa huling sinabi niya.

"Magco-commute nga lang ako," wika ko at naglakad na para pumara ng masasakyan.

Tumataas ang anxiety ko kapag nakainom yung nagd-drive habang nakasakay ako. Takot ako sa disgrasya lalo na't marami akong nakitang mga nadisgrasya sa internet. Nadi-disgrasya pa nga yang mga hindi nakainom, pa'no pa kaya kung nakainom.

"Addison. isa!" Lumabas na sIya ng sasakyan para pigilan ako. Alam kong medyo galit na sIya sa mga oras na ito.

May humintong black subaru sa tapat ko. Binaba nito ang bintana at napalunok ako ng makita kung sino ang sakay nito.

"Chant," bati niya kay Kuya at hindi man lang ako nagawang tignan. Tinanguhan lang sya ni Kuya bago binalik ang seryosong tingin sakin.

"Addie, gabi na. Get in the car now," Kalmadong saad niya pero ramdam ko na ang pagpipigil niya ng galit.

"Kuya naman eh!" Pagmamatigas ko. Kulang na lang ay pumadyak ako dito para ipaintindi sa kaniya na hindi talaga ako sasabay.

"Sa'kin ka nalang, Addie"

Tumalon ang puso ko ng marinig ko iyon mula sa kaniya. Nanatiling nakaestatwa ang mga paa ko dahil sa sinabi ni Zim. May kung ano sa tiyan ko na naging dahilan kung bakit ako palihim na napangiti. Dahan dahan kong nilingon si Kuya na bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin kay Zim.

"Isasabay ko nalang sya pauwi," Paliwanag ni Zim sa kaniya.

Nanatili akong nakatingin kay Kuya at inaabangan ang sagot niya.  Payag ka na Kuya, payag na nga ako e. 

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya tanda ng pagsuko sa kagustuhan ko. Napangiti akong ng makita siyang tumango bago nagsalita.

"Sumakay kana," 

Pinigilan ko ang pag ngiti ng marinig ko iyon mula kay Kuya. Hindi na ako nagdadalawang isip pa na magtungo sa kabilang pintuan ng sasakyan ni Zim.

Saan ba dapat ako sasakay? Sa harap ba o sa likod?

Binuksan nya ang bintana ng passenger seat, hudyat para doon ako sumakay.

"Mauna na kayo. Susunod kami," narinig kong wika ni Kuya bago ako tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status