Share

Kabanata 14

Siguro nga hindi masama ang pumasok sa isang relasyon hindi ba?

Ayos lang naman iyon kay papa dahil ang sabi niya, nasa tamang edad na kami para magdesisyon sa kung anong gusto naming gawin at sa kung ano ang tama.

Pinapanuod ko si Josh na nagsusulat sa papel niya. Ilang taon na kaming magkasama pero hindi kailanman dumaan sa isip ko na puwede kaming maging mas higit pa sa magkaibigan.

Kaibigan lamang siya sa paningin ko kahit na ba marami na rin ang nagsasabi na bagay kami. Paminsan-minsan pa nga ay napagkakamalan akong girlfriend niya.

Napansin niya yata na pinapanuod ko siya kaya siya lumingon at kinindatan ako.

“Ano? Nahuhulog ka na ba sa kagwapuhan ko?” sabay tawa niya.

Mahina rin akong tumawa at pabiro siyang hinampas.

“Hambog mo”

“Sus! Totoo naman, e. Pero seryoso, bakit ka ba nakatingin?”

Nagkibit-balikat ako at sumubsob sa mesa.

“Iniisip ko lang ang sinabi ni Dani”

“Ano bang sinabi niya?”

“Wala. Ituloy mo na lang ‘yang ginagawa mo” sagot ko habang nakatingin sa sahig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status