Share

Kabanata 2

Aвтор: Ririmavianne
last update Последнее обновление: 2023-08-07 11:51:19

“Ysa!”

Napalingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Ngiting-ngiti na tumakbo si Josh palapit sa ’kin at nang nasa harap ko na siya ay agad na napakamot sa batok.

“Uuwi ka na?” tanong niya habang namumula. Kumunot naman ang noo ko at itinaas ang kamay para mahawakan ang noo niya. Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo pang pumula. Hindi naman siya mainit ah?

“A-Anong—”

“May sakit ka ba?” putol ko sa sasabihin niya at ibinaba ang kamay. Mabilis siyang umiling at napakamot ulit sa batok.

“W-Wala...”

“Ah, okay. Oo, uuwi na ako. Hinihintay ko lang si Manong. Ikaw ba? Gusto mong makisabay?” aya ko dahil naalala kong madadaanan naman namin ang bahay nila.

Katulad ng ibang estudyante rito, normal lang ang pamumuhay nila. Hindi mayaman, pero hindi rin mahirap. Pero kadalasan ko siyang nakikitang naglalakad lang pauwi at nilalampasan lang ng kapatid niyang naka-motor. Hindi ko alam kung anong meron pero sa tingin ko ay magkaaway sila.

“Ayos lang ba?”

Agad akong tumango. “Oo, ayos lang. Sasabihan ko si Manong mamaya na isasabay kita. Kumusta nga pala ang score mo sa quiz kanina? Akin may mali ako, lima. Pero ayos na rin. Hindi naman kasi nakapag-review kagabi kaya inaasahan ko na ‘yun,” saad ko habang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan. Hindi kasi ako halos makatulog kagabi at bumabagabag pa rin sa ’kin ang nangyari kahapon. Papaano kaya kung wala siya roon? Papaano kung hindi niya ako nailigtas? Siguro tuluyan na talaga akong nalunod.

Kumabog nang husto ang dibdib nang maisip iyon. Panigurado masasaktan si papa. At si Dani pati na rin si Tita. Hindi rin naman matutuwa si mama na makita ako sa kabilang buhay. Ang sabi niya noon, palagi akong mag-iingat.

“Buti nga ikaw lima lang ang mali. Kalahati lang ang score ko sa quiz kahit na nag-review naman ako,” aniya at ngumuso.

“Hindi ko alam kung anong klaseng utak ang meron ka pero kapag nagkapera ako, bibili rin ako niyan,” dagdag niya pa at tumawa nang bahagya.

Napangisi ako sa sinabi niya. “Ayos na naman ‘yang utak mo. Kulang lang sa hasa. Magbasa ka lang nang magbasa pero dapat iniintindi mo rin ang binabasa mo. Ganoon ang ginagawa ko”

Kumunot ang noo ko nang may humintong kotse sa harapan namin. Maya-maya pa ay lumabas mula roon si Fourth. Gulat akong napaamang. Tumingin siya sa ’kin pero nang balingan niya si Josh, nagtagpo ang dalawang kilay niya sa gitna.

“Pinasusundo ka na ng papa mo,” panimula niya sa matigas na boses.

Marahan akong siniko ni Josh kaya ako nagising mula sa pagkagulat.

“H-Hinihintay namin si Manong,” sagot ko at lumingon-lingon, umaasa na dadating na nga si Manong driver.

“He’s sick. Ang sabi ng papa mo sunduin kita”

Nagtataka ko siyang tiningnan ulit. Kilala siya ni papa? Papaano niya nalaman na may sakit si Manong? At bakit siya ang inutusan ni papa na sumundo sa ’kin?

Nakita niya yata ang pagtataka sa mukha ko kaya siya napabuntong hininga.

“Just hop in. Malalaman mo rin mamaya”

Marahan na lamang akong tumango at hinawakan ang braso ni Josh. Agad namang sumunod ang tingin niya sa ginawa ko.

“Isasabay ko siya kung ayos lang. Gumagabi na kasi at delikado kong hahayaan ko siyang maglakad lang pauwi,” paalam ko at ngumiti konti. Mas lalong nangunot ang noo niya pero kalaunan ay tumango na rin.

“Sa backseat tayo,” aya ko kay Josh.

Agad naman kaming pumasok sa kotse niya.

“Sino ‘yan?” bulong ni Josh. Nagkibit-balikat lamang ako. Pinanuod namin siyang umikot at pumasok saka umupo sa driver’s seat. Bahagya niya pa akong sinulyapan mula sa salamin bago pinaandar ang kotse para makaalis na.

“Ang sabi half day lang tayo bukas. May gagawin ka ba sa hapon?”

“Hindi ko alam, Josh. Siguro kung papayagan ako ni papa, pupunta ulit akong tabing dagat”

Hindi naman siguro magagalit si papa. Kilala naman niya si Josh dahil minsan ko na rin siyang dinala sa bahay para tulungan akong gumawa ng project namin. Wala naman siyang kahit na anong tanong noon.

Isa pa, kaibigan ko si Josh kaya ayos lang naman siguro. Sa pagdaan ng ilang taon, medyo nagbago na rin naman si papa. Hindi na siya masyadong galit sa mga hindi namin kapantay.

“Sige ba. Na-miss ko na rin maligo sa dagat, e” aniya at ngumiti.

“Pero magpapaalam pa ako kaya sasabihin ko na lang sa ‘yo bukas kung matutuloy ba tayo,” napahawak ako sa likuran ng upuan ni Fourth dahil nakita kong malapit na kami sa bahay nila Josh.

“Pakihinto na lang po riyan. Bababa na si Josh,” magalang kong sabi. Kita ko ang pag-igting ng panga niya at huminto sa tapat ng bahay.

Binalingan ko si Josh at ngitian.

“Bye, Josh. Bukas na lang ulit,” paalam ko.

Binuksan niya ang pintuan ng kotse at winagayway ang kamay.

“Bye. Salamat sa paghatid”

Nang umandar ulit ang kotse, saka ko lamang naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Humilig ako sa upuan at inilabas ang cellphone para naman may mapagkakaabalahan. Hindi ko alam kung papaano siya kakausapin kaya mas mabuting maging tahimik na lang hanggang sa makarating sa bahay.

“Your boyfriend?” pagbasag niya sa katahimikan. Napahawak ako nang mariin sa cellphone at umiling.

“Kaibigan lang,” maikli kong sagot.

Tumango siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Napakagat labi ako nang dumaan ulit ang katahimikan.

“Uh... Salamat ulit sa pagsagip mo sa ’kin kahapon”

“Ginawa ko lang kung ano ang nararapat,” sagot niya at pinaliko ang sasakyan. Napatango-tango naman ako. Sabagay, kahit sino naman siguro gagawin ang ginawa niya hindi ba? Kasi ako, kapag may makita man akong nangangailangan ng tulong, agad ko rin namang tinutulungan.

“Kumusta na nga pala ‘yung isda? Masarap ba?” nahihiya kong tanong. Wala na akong maisip na tanong, e.

“She’s fine. Hindi ko siya niluto,” nahihimigan ko ang pilit niyang pagseseryoso nang sabihin iyon.

“Talaga?” may pagkamangha kong tanong. Akala ko niluto niya talaga, e. Sa itsura niya kasi, hindi halatang nag-aalaga siya nun. Isa pa, mahina na yata ang isdang nahuli ko kahapon dahil sa pagkakabingwit.

“Oo”

Nabanggit niyang babae ang isda. Papaano niya nalaman? Gusto ko sanang itanong iyon ngunit nakita kong nakarating na kami sa pupuntahan. Bumukas ang malaking gate at agad niyang minaneho papasok ang kotse. Nauna akong lumabas nang makita kong nasa labas na si papa, naghihintay saamin.

“Pa,” tawag ko at nilapitan siya para magmano. “Kumusta si Manong? Balita ko may sakit daw”

“Ayos lang siya. Pinagpahinga ko muna,” sagot niya at tumingin kay Fourth. “Salamat sa pagsundo sa anak ko, Jacques. Pumasok ka muna nang mapag-usapan na natin ang gustong iparating ng papa mo”

Jacques? Akala ko ba Fourth?

Nagtataka akong sumunod sa kanila papasok ng bahay. Baka totoong pangalan niya iyon? Pero saan galing ang pangalang Fourth? Bakit iyon ang tawag sa kaniya nina Mang Kanor at Aling Matilda kahapon?

“Magbihis ka na, Ysa. Hihintayin ka namin para sabay na tayong makapaghapunan,” utos ni papa na agad ko ring sinunod. Umakyat ako patungo sa silid ko at mabilis na nag-ayos. Gusto kong malaman kung anong ginawa niya rito ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 30

    “Mommy, who’s that man?” Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar... “Maybe he’s just a friend, Yvi” Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne. “A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne. Tumango-tango naman si Carson. “Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salit

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 29

    Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila. Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa? Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan. “Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama. “Gabi na, baby. You have to rest” Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo. “Uminom ka po?” mahina niyang tanong. Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti. “Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo a

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 28

    “Welcome back po sa inyo, ma’am!” salubong sa amin ng sekretarya ni lola. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Nagpaiwan si lola sa Hong Kong dahil may gagawin pa raw siya roon kaya kami na lamang ang umuwi. Bago pa man ako nag-desisyon, kinausap ko muna ang dalawa lalo na si Carson. Pumayag naman siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang kaba. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver nang makapasok kami sa sasakyan. Ibinaba ko ang suot na salamin. “Sa bahay po, Manong”Sa loob ng maraming taon, sinubukan naming kontakin si Dani subalit ni isa sa mga tawag, texts, at emails, ay hindi niya sinagot. Tapos malalaman kong kasama niya si Fourth sa pagpapakilos sa kaso? Akala ko ba galit siya sa kaniya? Napatunayan na bang walang kasalanan si Fourth? Gusto kong malaman ang lahat. “Jess, nalaman mo na ba kung nasaan si Dani ngayon?” tanong ko habang inaayos ang buhok ni Yvianne na nililipad na ng hangin dahil nakabukas an

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 27

    “Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan. “Opo, lola. Bubuhayin ko po siya” “Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo” Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo. Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa. Lumipad kami patung

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 26

    Nagising ako sa isang magarbong silid. Agad akong bumangon at inilibot ang tingin. Pamilyar ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang maalala kung kailan ako nakapasok dito. Napatingin ako sa maliit na mesa katabi ng kama. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makita ko ang picture namin ni lola kasama sina mama at papa. Inabot ko iyon para tingnan.Ito ‘yung panahon kung kailan maayos pa ang lahat. Dahan-dahan kong pinadaan ang hinlalaki sa mukha ni mama. Nami-miss ko na siya. Ang maamo niyang mukha at ang ngiti niyang nakakasilaw. “Kumusta ka na, ma?” naiiyak kong tanong sa hangin. “Miss na miss na kita” Kumilos ang daliri ko sa mukha ni papa. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Niyakap ko iyon at umiyak nang umiyak. Nakakapanghina ang nangyayari sa buhay ko. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ang lahat ng ‘to?Nawala na si mama. Ngayon naman ay pati si papa at Tita Dette ay wala na rin. Ano nang gagawin ko? Saan ako magsisimula?“Ysa? Apo? Gising ka na ba?” Mabilis

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 25

    “Mayaman ang pamilya niyo bago pa man tumakbo ang papa mo sa pagka-mayor. Naging malapit siya sa mga tao rito. Lalo na ang mama mo. Naging malapit ang papa ni Fourth at ang mama mo sa isa’t-isa. Ngunit iba ang naging pagtingin ni Yohann sa pagkakaibigan nila. Nang mamatay ang mama mo dahil sa sakit, nagkaroon din ng sakit si Fourth. Kakapanalo pa lamang ng papa mo sa pagka-mayor noon at palaging bumabagyo kaya hindi namin nagagawang pumalaot sa dagat. Nagbakasakali siyang matulongan ni Yohann kaya siya pumunta sa inyo. Bata ka pa lang nun kaya siguro hindi mo na naaalala.”Diyan siya nagkakamali. Oo, bata pa lamang ako noon pero may nakita ako sa labas ng bahay namin sa isang maulan na gabi. Isang lalaki na basang-basa sa ulan na nagsisigaw sa labas. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa malakas na buhos ng ulan pero sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. “Hindi tinulongan ng papa mo si Fernando dahil nga sa selos. Iyon ang naging dahilan kaya ka niya nagawang kidnapin.”Nap

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 24

    “Dani!” sigaw ko nang maabutan ko ang mga nagkukumpulang mga tao sa labas ng gate ng bahay namin. Nagkalat rin ang mga pulis at pinipigilan pa akong makapasok.“Nasa loob ang kapatid ko, ano ba!” patakbo kong pinasok ang bahay namin. Nagulat ako dahil sobrang gulo ng mga gamit. Nagkalat rin ang mga dugo sa bawat parte ng bahay. Inakyat ko ang hagdanan at dumiretso sa silid niya. “Dani!” muli kong tawag. Bumukas ang pintuan ng walk-in closet namin at sinugod niya ako ng yakap habang umiiyak. “Wala na sila. Wala na sila, Ysa. Patay na sila. Wala na...” paulit-ulit niyang wika at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa ’kin. “Nagbibiro ka lang ‘di ba? Nasaan si papa? Nasa trabaho ba? Si tita? May nilakad? Hindi ko sila nakita sa baba kaya—”“Sabing wala na sila!” sabay tulak niya sa ’kin kaya napaupo ako sa sahig. Umupo siya sa kama at ginulo ang sariling buhok saka muling humagulhol. “N-Nanalo si Papa sa eleksiyon. Gusto niya iyon ibalita sa ‘yo nang personal kaya tinawagan niy

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 23

    “Are you sure that you’re okay now?” nag-aalala niyang tanong matapos huminto sa harapan ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na pinatakan ang labi niya ng halik. “Ayos na ako. Nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Huwag ka nang mag-alala” halakhak ko dahil kita talaga sa mukha niya ang pangamba. Ilang araw na ang nakalipas matapos may mangyari sa aming dalawa. Nilagnat ako kinaumagahan kaya mabilis niya akong inuwi at tumawag ng kakilalang doctor. Ang sabi, nagkasugat sa loob ko dahil uh... masyado siyang malaki. Ilang araw rin akong nagpagaling. Sinabi ko na nga lang kay Luce na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapasok. At dahil ayos na ako ngayon. Kinumbinse ko siyang ihatid ako rito. “I’m sorry” mahina niyang sabi. Ngumuso ako at mahina siyang tinampal sa balikat. “Tama na ang kaka-sorry. Hindi naman kita sinisisi dahil ginusto ko rin naman ang nangyari. Mauuna na ako. Tatawagan na lang kita mamaya,” saad ko bago lumabas sa kotse niy

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 22

    “Okay! That’s it! Good job, Ysa!” papuri ng photographer sabay palakpak. Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad na lumapit si Luce para bigyan ako ng tuwalya. Basang-basa kasi ako dahil kung ano-ano ang pinaggagawa ko sa dagat. Umupo ako sa bakanteng upuan at uminom. Nakakakalma ang simoy ng hangin. Sinadya rin yata nilang mag-shoot dito ngayong gabi dahil bilog na bilog ang buwan. Mas lalo pa ‘yung gumanda dahil litaw na litaw rin ang mga nagsisikislapan na mga bituin. Maganda naman dito pero mas gusto ko ang dagat sa amin. “Good job, everyone. Puwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin. Maligo, uminom, magsaya, kayo na ang bahala. Magpapahinga na ako,” saad ni Madame Queenie. “Yes!” sigaw naman ng marami. Tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Sige, Ysa. Rest well!” Tinapik ako ni Luce bago tumabi sa kanila. Binalot ko ang sarili sa tuwalya at nagsimulang naglakad paalis. “Ysa!” Tumigil ako para tingnan kung sino ang tumawag. Tumakbo si Deither palapit sa ’kin at ngumi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status