Share

Chapter 1: Home

Lorryce

I could not contain my smile as I wait for my luggage to come out from the airport’s baggage carousel. I got myself into a twenty hour flight! Nakakaburyong iyon, lalo pa’t wala akong maka-usap sa eroplano.

I am tapping my feet impatiently on the hard-tiled floor of the airport like a little child who cannot wait to get her hands on that mouth-watering triple chocolate ice crème with sprinkles and mallows on top. 

“Ang tagal naman,” naiinip kong bulong sa aking sarili.

The last two years I’ve spent in Boston was the longest two years of my life. It felt like I was out of the country for ten years. Sabik na sabik na ang mga paa ko na tumapak sa lupain ng aking bayang sinilangan.

Nakakatawa ngang isipin, eh. Iyong mga bagay na kinaiinisan ko noon, miss na miss ko na ngayon—‘yong ma-ingay na kalsada, ‘yong walang katapusang traffic kahit saan ka magpunta, ‘yong nakaka-suffocate na init, pati na ‘yong mga mag-jowa na hanep makapag-PDA sa kung saan-saan.

Halos mapatalon ako sa galak noong nakita ko na ang mga bagahe ko. Agad kong ibinaba mula sa baggage carousel ang mga ito at inilipat sa push cart. Pagkalabas ko sa arrival area, I tried to look for a familiar face. Sa dami ng nag-aabang ng mga susunduin, hindi ko man lang nakita ‘yong sundo ko.

Tumuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakalabas na ako sa building.  I immediately felt the Manila heat on my skin. Alas otso na ng gabi pero ma-init pa rin. I just cannot help myself from spreading my arms wide. I closed my eyes as I tilted my head to the heavens. Then, I took in the hot breeze that I miss so much.

Tryna get use to polluted air?” I heard a deep familiar voice speak from behind me.

Nope, I’m enoying it.” I said smiling widely as I turned to him.

A small smile crept from his thin pinkish lips while he shook his head. I went ahead to give him a big hug.

‘Sup, Kuya,” I greeted.

“You’re way too clingy, sis,” he answered but he hugged back.

Kuya Jared talaga, hindi na nagbago. May shortage pa rin siya ng sweet bones sa katawan. Simpleng “I miss you, sis” lang hirap pa siyang sabihin. Sabagay, that is my kuya’s charm after all.

Binaybay namin ng kapatid ko ang kahabaan ng isang highway pa-uwi. Tumigil lamang ang sasakyan dahil sa traffic. Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid.

“Wow, halos walang pinagbago,” I commented.

Naroon pa rin ang mga matatayog na buildings, pati ang mga malalaking billboards. Punong-puno ng kulay ang paligid na nagmumula sa mga ilaw na tila kumikislap. Halos bumper to bumper pa rin ang mga sasakyan sa kalsada, pero umuusad naman kahit papaano ang trapiko.

Ngunit ang isang bagay na ikinamangha ko talaga ay ang napakalakas na TV ng katabi naming bus. Tutok na tutok ang mga pasahero sa Ang Probinsyano: Season 24. Two years ago, umalis ako ng Pilipinas na nakikipagbakbakan si Cardo Dalisay habang kumakanta sa background si Gary V. Hanggang ngayon nakikipagbakbakan pa rin siya at may bago nang leading lady.

Napatingin ako sa gawing kanan ng highway. Kaya naman pala medyo mabagal ang galaw ng trapiko rito dahil may construction ng bagong tulay sa area. Dalawang lanes rin ang sarado.

“You have got to be kidding me,” I smirked at my brother when something caught my eye.

Itinuro ko kay kuya ‘yong mala-billboard na public advisory patungkol sa construction ng tulay na kitang-kita ko mula sa kina-u-upuan ko. Pero kibit-balikat lang ang isinagot sa akin ng mayabang kong kapatid.

Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mag-yayabang. Ang laki lang naman ng pagkakasulat ng ‘Project Head: Eng. Jared Alfonso M. Rivera’ sa public advisory billing ng ginagawang tulay sa isang major highway sa bansa.

“Pasikat,” sabi ko kay kuya. Alam ko naman kasing sinadya niyang dumaan dito para maipakita sa akin ito.

“I just wanted to show you my new baby,” he proudly said.

“Magkano?” I teased.

“Sorry, confidential.”

Napailing na lang ako sa kanya.

Kuya Red is only 28, but he has achieved more than what others achieved in their entire lives. He graduated on top of his class and was the topnotcher in the Engineering Board. Sa kabila ng lahat ng academic at career achievements niya, he manged to maintain a really huge social circle. I was always proud of him. There’s just one liiittllee problem.

His cellphone caught both our attentions when it lit up from the dashboard. I immediately took his phone. He was driving and I don’t want to risk our safety on the road. Pwede ba, gusto kong maka-uwi ng safe, ano. I answered the call and put it on speaker mode.

“Hello! Sir Red,” bungad sa kabilang linya ng matinis na boses. Rinig na rinig sa boses niya ang kaba at pagkataranta.

“Grabe ka Sir Red, kanina pa kita tinatawagan. At last, sumagot ka rin!” 

“What is it Therese?” kalmadong tanong ni kuya. Diretso lang sa daan ang tingin niya.

“Sir, nandito sa office si Miss Anne. She’s demanding to talk to you. Kanina ka pa niya hinahanap. Hindi ko naman alam kung saan kita hahagilapin. Sinabi ko naman sa kanya na blocked-off ang schedule mo tonight. Sir, tiniterorize na niya kami rito! Ipapasesante raw niya kami kapag hindi ka namin inilabas—”

The voice on the other line suddenly trailed off.

“Therese? Are you still there?” my brother asked.

“Oh my shitballs. Sir Jared, paktay na,” halos pabulong pero mariing sabi ni Therese. Tila siya nagbabanta.

“What?” kunot noong tanong ni kuya.

“Miss Marla is here too! Trobol na this, Sir Jared.”

Ang nakakunot na noo ni Kuya Red ay mas lalo pang kumunot sa kanyang narinig. Saglit siyang tumigil para mag-isip, bago tinanong si Therese ng, “sino?”

I smirked at that. Sa tono pa lang ng pagsasalita ni Therese kanina, may idea na ako kung sino sina Anne at Marla. 

Napabuntong hininga na lang si Therese sa kabilang linya.

“Sir Red naman, hopeless ka nnnaaaa. Si Miss Anne ‘yong nakilala mo sa Tagaytay conference last month na anak ng kaibigan ni Architect Delgado. Si Miss Marla, ‘yong model na i-dinate mo lastweek na patay na patay sa’yo. Ano ka ba!”

Dinig ko ang magkahalong inis at pagkataranta sa boses ni Therese.

Hay naku, kawawa naman itong secretary ni kuya. Sigurado naman akong wala sa job description niya ang maging frontliner sa pagharap sa mga babaeng biktima ng kamandag ng boss niyang babaero, pero tatlong taon na niyang tinitiis na gampanan ang role ng pagiging shock absorber ng mga biktima ni kuya. Dapat talaga humihingi si Therese ng dagdag na sweldo, eh. Hindi kaya madali ‘yong ginagawa niya.

Muling nag-isip si kuya. Ilang saglit pa, ang kunot sa noo niya ay napalitan ng unti-unting paglaki ng kanyang mga mata.

“What? Anong ginagawa nila riyan?” 

“Ewan ko sa’yo, Sir Red. Ikaw naman kasi, hinay-hinay ka lang naman. Makipag-usap ka ng maayos sa mga babae ng buhay mo, hindi iyong gino-ghosting mo sila kapag nakahanap ka ng bagong lalandiin.”

“So, anong gagawin ko,” tila nang-aasar pang tanong ni Kuya kay Therese.

“Sir Jared, bumalik ka na rito, dali! Nasa lounge ‘yong dalawa sa maraming mga babae ng buhay mo. Parehong naghihintay sa’yo. Kapag nag-chikahan ang dalawang iyan at nagka-alaman na, cat fight ‘to, Sir Jared. Mukhang pareho pa naman silang strong personality, oh. Ngayon pa nga lang na hindi sila magkakilala nakakaramdam na ako ng tensyon sa pagitan nila. Kung makikita mo lang kung papaano sila magtaasan ng kilay.”

I pursed my lips together para pigilin ang sarili kong matawa sa g na g na kwento ni Therese.

“Alright, I’ll be there in about an hour. And Therese, try to keep them from killing each other.”

Napailing na lang ako as he continued to drive.

Kuya Red dropped me off at the house first before rushing to their office to—I  don’t know—probably and hopefully get slapped in the face twice.

“Daddy!” mahigpit na yakap ko kay Daddy na nasa bungad ng pintuan. Na-miss ko ‘yong signature niyang brush up na buhok na hindi matitibag ng kahit anong lakas ng hangin. Hair wax na yata ang shampoo ni Daddy, eh.

“Welcome home, Lorryce,” nakangiti niyang salubong.

“Daddy, ano ba naman ‘yan. Hanggang ngayon ba allergic ka pa rin sa kusot,” sabi ko saka ko kunusot ang dulo ng kanyang plantsadong t-shirt at ginulo ‘yong pinakaiingat-ingatan niyang brush up hair style.

Wala nang nagawa si Daddy kun’di ang tumayo roon na parang bata at paningkitan ako ng mata.

“Sige Lorryce, pagbibigyan kita ngayon. Welcome home gift mo na ‘to, ah.”

Natigil lang ako sa pagtawa noong narinig ko si Mommy mula sa loob ng bahay.

“Lorenzo, is my little girl home?”

“Hi Mommy!” kaway ko sa kanya nang makita ko na siya sa sala.

I saw her almond eyes glitter with joy when she saw me. Her red lips also smiled widely. She immediately took off her apron as she rushed towards me.

Oh my Lorryce. I missed you!”

Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Mommy na sinuklian ko rin naman ng isang ma-init na yakap.

“I missed you too, Mommy.”

After a couple of seconds, she broke the hug. Pinakatitigan niya muna ako ng may ngiti sa mukha mula ulo hanggang paa bago tuluyang pakawalan.

“Come ‘on. I cooked all of your favorites. Gumawa rin kami ni Nanay Beng ng favorite mong chocolate cake,” she said while leading me inside the house.

“Sandali Lorryce, hindi mo ba kasama si Alfonso,” tanong sa akin ni Daddy.

Nope. Kuya Red had an emergency in the office. He-uh- had to—” I trailed off. Frankly, I do not know how to tell our parents what my brother is up to. I saw Mommy roll her eyes before finishing off my sentence.

“Jared went to their office to deal with his mess. Nasabi na sa akin ni Therese kanina noong tinawagan ko siya. Ewan ko ba diyan sa anak mo Lorenzo. Pagsabihan mo nga’t sawang-sawa na ako. Paulit-ulit na lang ako sa kanya pero parang walang naririnig! Napakababaero.”

“Bakit ako nanaman? Matanda na ‘yong si Alfonso, alam na niya ang ginagawa niya.”

“Ayan! Kaya ayaw tumigil, kinukunsinti mo kasi ‘yang anak mong iyan.”

“Gertrude, ‘anak natin.’ Kapag may kalokohan, anak ko lang, pero kapag nagtitino anak mo. Baka gusto mong ipaalala ko sa’yo kung papaano natin ginawa si Alfonso,” may diin sa ‘natin’ na tukso ni Daddy. 

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Mommy, nahampas tuloy niya si Daddy sa balikat. “Ikaw talaga Lorenzo, puro ka kalokohan,” saway ni Mommy saka nauna at namumula nang naglakad papunta sa dinning area. Kami naman ni Daddy ay naiwang nagtatawanan.

Bago sumunod kina Mommy, napatingin ako sa family portrait namin na nakasabit sa dingding ng sala. Mommy and Daddy looked so in love standing in the middle of a grand staircase. They were almost embracing each other. Mommy was wearing a red elegant satin dress which hugged her body in all the  right places. Her dress perfectly showcased her hour-glass figure. Daddy, on the other hand was wearing a well tailored black suit with red tie and red hanky neatly tucked in the breast pocket of his coat.

I was sitting at the bottom of the staircase. My was body was facing right, but I smiled for the camera on the left.  The skirt of my long red gown covered a good area of the staircase to add drama to the photograph. On the right side of the the staircase were my brothers. They wore the same suit as Daddy. Kuya Jared and Kuya Jaden stood tall and confident side by side. Both their left hands were tucked in their pockets while they look straight into the camera with playful smiles on their faces

I just can not help but be astonished everytime I look at my brothers in this portrait. They looked exactly the same and they wore the exact same smile. Mula buhok hanggang sa detalye ng pagkaka-ayos ng kanilang mga paa, parehong-pareho. Parang na-copy paste ‘yong isang tao. Oh well, they’re identical twins after all. 

Saglit ko ring pinasadahan ang mga family pictures namin na nakadisplay sa isang wooden cabinet sa ilalim ng family portrait.

Then, it dawned on me: I am home!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status