Sunod-sunod ang trabaho sa department nila Phoebe kung kaya’t hindi siya makapag sideline. Pinaliwanag naman niya iyon kay Henry na naintindihan din naman ng huli.
“Oo nga pala, nakausap ko si Dr. Martinez nong sinamahan ko si Kelly magpacheck-up. Himala he is asking for you. And told me na you met.” Tumataas ang kilay na pang-iintriga niya sa alaga isang hapon na bumisita ito sa kanya.
“Talaga mommy Henry? Ano sabi mo?” kumabog bigla ang dibdib niya.
“Edi sabi ko busy ka ngayon sa internship mo.” Humalukipkip ito. “Teka nga, bakit parang gusto mo pa ulitin? Bago ata yon sayo.”
Nahihiyang ngumit siya dito.
“Ang totoo kase niyan mommy Henry…matagal ko ng gusto si Dr. Martinez kaya lang may girlfriend siya.”
“At ngayon?”
Nagkibit balikat siya. “Sabi niya break na daw sila.”
“Ah kaya ka inalok, nangati siguro.” Natatawang komento ng mommy Henry niya.
“Ouch ha!” ngumuso siya dito. “Mommy Henry, pwede bang kay Dr. Martinez mo na lang muna ako ibigay habang sobrang busy pa namin? Baka hindi ko na kayanin mag duty kagaya dati kasi eh.”
Nasamid naman ang bakla na umiinom ng kape. “Ah! You’re unbelievable darling.” Nailing at tila naninibagong tumingin ito sa kanya. “You’ve learned na talaga. Well bukas ay sasamahan ko naman si Ella, I’ll give him a signal.”
Kinikilig na tumango siya dito.
“Kaso…” kaagad niyang dagdag.
“Ano yun mommy?”
“Nag initial send sakin ng bayad si Mr. Preston darling.”
“Ha?!” napatanga siya sa kaharap.
“Iba din karisma mo no? Maiinggit na naman yung mga girls ko sayo. Ano balak mo?”
Napahinga siya ng malalim.
Alas-otso na nang makauwi siya sa bahay nilang magkapatid. Naabutan niya ang kuya niya na naghahain na ng pagkain.
“Wow! Anong meron kuya?” kaagad naman siyang lumapit sa kapatid.
“Pay day.” Natatawang sagot nito.
“Nagluto naman ako ng paborito mong liempo. Bumili din ako ng maliit na cake para naman may dessert diba?”
“Eh? Hindi na kailangan kuya.Ikaw talaga.”
“Hayaan mo na minsan lang naman eh, kain na tayo.” Nauna na itong naupo na tila pagod na pagod sa trabaho.
“Okay ka lang ba kuya?” nag-aalala siyang lumapit dito.
“Oo pagod lang.”
Kaagad naman siyang naghugas ng kamay at umupo sa tapat ng kuya niya.
“Nagustuhan mo naman yung sapatos kuya?”
“Oo naman pero dapat tinabi mo na lang pang-allowance mo.”
Tumawa siya at sumubo ng pagkain. “Eh di ba sabi mo nga ‘minsan lang naman’. Isa pa malaki yung tip na binigay samin sa company eh.”
Bigla niyang binalik ang tingin sa pagkain dahil ang totoo galing sa pagbebenta niya ng sarili ang pera na iyon.
Matapos kumain ay nagprisinta na si Phoebe na magligpit at naligo na si Prince. Tapos na sya sa ginagawa ng marinig niya ang kalabog sa kwarto ng kapatid. Kaagad naman siyang pumunta doon.
“Kuya ano yan?”
Napasigaw siya ng makita niyang nakahandusay sa sahig ang kapatid niya.
“Kuyaaaa!!!”
***
Umiiyak si Phoebe habang nasa ospital at inaantay ang doctor na tumitingin sa kuya niya.
“Phoebe anong nangyari?” humihingal na tanong ni Angelie.
“Si kuya…bigla na lang siya natumba eh hindi ko alam kung bakit.”
“Shhh…tahan na.”
Maya-maya ay lumabas ang doctor.
“Doc…kamusta po si kuya?”
“Hija…your brother has traumatic brain injury. Napapansin mo ba if may iniinda siyang masakit?”
“Wala doc, lagi po kase nasa trabaho si kuya at nasa intership ko naman po ako.”
“Well hija, I’m certain na dahil ito sa aksidente niya noong nakaraan. Malamang hindi lang sinasabi ng kuya mo sayo. But as we took some tests, I’m sorry but he developed brain cancer.”
“Po?” parang binuhusan ng malamig na tubig si Phoebe sa narinig.
“Ililipat namin siya sa kwarto. Let him rest muna.”
Matapos non ay iniwan na sila ng doctor.
“Angelie…Angelie…” niyakap siya ng kaibigan at parehas na silang umiyak sa kalagayan ni Prince. “Hindi ko kaya mawala si kuya…it’s brain cancel Liee…”
“Eveything will be okay Phee.” Pang-aalo niya sa kaibigan.
***
Hindi nakapag-duty si Phoebe sa Zeus, pinaliwanag naman ni Angelie ang sitwasyon. Binantayan niya ang kapatid niya sa ospital. Nang makatulog ng mahimbing si Prince ay tinawagan niya si Mommy Henry, kaagad naman siyang pinuntahan nito.
“Oh Phoebe.” Inabot ng mommy Henry niya ang isang frappe habang nakaupo siya sa bench sa labas ng ospital. “Kamusta na ang kuya mo?”
“Ayun nagpapahinga na.” kaagad naman tumulo ang luha niya.
“Tissue darling.”
“Mommy Henry…kelangan ko ng pera. Kelangang ng gamutan ni kuya.” Humagulgol na naman siya.
“Ah actually, nasabi ko nga to kay Dr. Martinez, handa naman siyang tumulong kaso nga lang may condition.”
“Kahit ano mommy Henry. Kahit sino pa yan. Mailigtas lang si kuya.” Nagmamakaawa niyang sabi dito.
“Sige, puntahan mo daw siya mamaya sa opisina niya. Mag-usap kayo.”
Tumango siya.
***
Excited at hindi mapakali si Angelie habang hawak-hawak niya ang ilang copy ng magazine na pinaaabot sa kanya sa Preston Prestige Grp. Of Companies. Sila dapat ni Phoebe yon eh, kaso wala ang kaibigan.
“Good morning po, I’m from Zeus Company. I’m here to deliver these magazines as per Mr. Preston’s request.” Sabi niya sa receptionist.
“Yes, they are expecting you. Proceed to tenth floor Miss, Mr. Albus Olivar will see you.” Magalang naman nitong sagot.
“Okay po thank you.”
Umakyat na sya sa taas at sinalubong siya ng secretary ni Mr. Preston.
“Good morning are you from Zeus?”
“Yes po Sir. I’m Angelie Cruz po.”
“I’m Albus Olivar his secretary.”
“Woah! Talaga po?” namangha naman si Angelis dahil first time niya makakita ng lalaki na sekretatrya.
Hindi inaasahan ni Albus ang reaksyon ng dalaga kaya natawa siya dito.
“Sorry po, akala ko po kase for girls lang ang secretary. Intern po ako sa Zeus Sir.”
“It’s okay, come on.”
Sinamahan siya nito patungo sa opisina ni Thomas na noon ay nakaupo sa swivel chair at minamasdan ang kalawakan ng syudad.
“Mr. Preston, Zeus staff is here.”
Tumaas ang kilay ni Thomas at tila may mga paru-paro sa tiyan niya. Kinikilig ba siya?
Impossible. Sagot niya sa sarili.
“Oka let her in.” he proudly turn around ngunit ganon na lang ang inasim ng mukha niya nang hindi iyon ang babaeng inaasahan niya.
“A-Are you the intern from Zeus?” dala nito package at may boquet pa.
“Y-Yes Sir. I’m Miss Cruz. Aparently my partner can’t make it because of some personal matter.” Pinilit niyang ngumiti dito dahil pakiramdam niya ay wala sa mood ang lalaki.
“Tsk. Personal matter? She’s your partner in that job yet she’s not around.” Asik niya.
“Po? Ki-kilala nyo po ba yung tinutukoy ko sir?”
Napatingin siya sa kaharap na babae at lumipat ang tingin niya kay Albus.
“Uhmm…my secretary told me during the party that Zeus has two female interns.”
“Ah…okay po.” Tatango-tangong sagot niya sa binata. “Iiwan ko na po ito sir. Also pinabibigay po ni Mam Tolentino itong boquet.” Inabot naman ni Albus ang mga iyon.
“Okay, tell Mrs. Tolentino my great appreciation.”
Few days ago… “Nasan ba tong babae na to?” asik ni Phoebe habang dahan-dahan pababa ng apartment ni Angelie. “Wala naman sa loob eh.” Nag ring ang phone niya. “Yaya Lita?” “Hija nasan ka ba? Hinahanap ka ni Sir Thomas.” “Pauwi na po, dumaan lang ako kay Angelie.” Nagpunta siya non sa kumpanya ni Mr. Llave at si Yaya Lita ang pansamantalang nagbabantay kay Pierre. Pagbaba niya ng apartment ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan sa gilid ng building. Nilapitan niya iyon at laking gulat niya ng makitang tulog si Angelie at Clark sa loob ng sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang kaibigan. Napakurap-kurap ito at alam niyang bigla itong sumigaw ng makilala siya. “OMG! OMG! Anong ginawa mo sakin?” tanong niya kay Clark na nagising sa sigaw niya. Bumaba naman agad si Angelie ng sasakyan. “Pheobe…that man…that man…” “Arghhh…you reek of alcohol.” iwas niya sa kaibigan. “Exactly, Phoebe. At eksaktong nandon sila ng mga katrabaho niya
Maaliwalas ang bahay nang datnan nila. Four years ago ay pinapagawa pa lamang iyon ni Thomas. Ngayon ay buong-buo na ito. Siya ang pumili ng furnitures at appliance kahit nasa England sila at si Albus ang nag-asikaso non sa tulong nila Astrid at Angelie. “Welcome home!!!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan.“Hello Pierre! I’m your tita Angelie and this is Tita Astrid.” magiliw naman silang binati ng tatlong taong gulang na bata at agad nilang nahuli ang loob nito. Maya-maya lang ay kalaro na sila ni Pierre. Habang nagpapalit ng damit si Phoebe mula byahe ay narinig niya ang splash ng tubig at malakas na tawanan ng mga kaibigan. Pagsilip niya ay basang-basa na si Lloyd na umaahon sa pool. Malamang ay naitulak ito ng anak. “Got you uncle Lloyd!” tawa ng bata. Binuhat ito ni Thomas.“So you’re enjoying them?”“Yes dad.”“Why don't you change your clothes before you get wet too?”“Okay.” tango nito. Maya-maya ay dumating ang lolo at lola ni Pierre, kaagad naman sumalubong ang bata sa
“Do you really have to do this?” naiiyak na tanong ni Mrs. Annabelle sa anak. “Mom, you can go visit us anytime.” tinapik niya ang balikat ng mommy niya. Nag-eempake pa lamang sila ng gamit ay umiiyak na ito. “We can visit them anytime hon.” pang-aalo naman ng asawa niya. “We just have to help Albus here because this time he won’t be around our son.” dagdag ni Ben. Bakasyon lang dapat sa England ang balak ni Thomas para sa kanilang dalawa pero matapos malaman ang pinagdaraanang trauma ng asawa na dinagdagan pa ng negatibong balita ng OB ni Phoebe ay minabuti niyang asikasuhin ang papeles ni Phoebe. “It’s been only two months na kasama ka namin dito hija yet heto at aalis naman kayo ni Thomas.”“Babalik din naman po kami mom. Just stay healthy po.”“I wanted to see my apo habang nagbubuntis ka.”Natigilan si Phoebe. “Mom…” saway ni Thomas. Nasabi na din kasi niya sa mommy niya ang kondisyon ni Phoebe. “Okay, alright. We’ll be there pag meron na ha.”“Yes Mom.” niyakap niya ang m
Isang pribadong seremonya ang naganap sa loob ng bakuran ng mga Preston. Tanging pamilya, malalapit na kaibigan nila Thomas at Phoebe ang naroon. Kinuha pa nga nilang ninang at ninong sa kasal ang mga magulang ni Angelie. Si Albus ang best man at si Angelie ang maid of honor sa kasal nila. Hindi lalampas sa trenta ang mga naroon. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Thomas at samu’t saring issues ay mas pinili na lamang nila ang tahimik na kasal, dahil kung tutuusin kung sino ang mga naroon ay sila din ang makakasama nila sa bagong yugto ng buhay nila. Aanhin mo ang madaming bisita at engrandeng kasal na alam ng halos ng buong Pilipinas kung sa huli ay hindi maayos ang pagsasama?Nang magsimulang umere ang bridal song ay bumilis ang tibok ng puso ni Thomas, alam naman niyang nasa area lang si Phoebe pero hindi mawala ang takot na baka hindi niya ito muling makita. Paano kung umatras na ito? Paano kung may dumakip na naman dito?Nahawakan niya ang dibdib at pilit inalis ang masasamang ima
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya
“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s