เข้าสู่ระบบ“LUCAS, ibigay mo na sa’kin ang antidote. Sasama ako sa’yo. I promise, hindi ko na siya makikita ulit. Never again...” pagmamakaawa ni Talia.Nalason si Caden dahil sinusubukan nitong iligtas ang kanyang professor. Kaya kahit anong mangyari ay hindi niya hahayaan na mamatay ito.Mas lalo pang nagalit si Lucas sa narinig. Lumitaw ang mga ugat sa kanyang noo habang mas nagiging mapanganib ang kanyang ekspresyon.“Talia, I forbid you to cry!” mariin niyang saad, bawat salita ay parang pilit na kinikiskis sa pagitan ng kanyang mga ngipin. “Hindi ka pwedeng umiyak para sa kanya!”“O-Okay! I won’t cry, I won’t…” nanginginig na sagot ni Talia.Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha, ngunit kahit anong gawin niya, patuloy pa rin itong tumutulo, parang ulan na walang katapusan.Ang eksenang iyon ay muling tumama sa kaibuturan ni Caden. Parang may mababasag sa loob niya habang pinagmamasdyan niya ang tagpong iyon“Talia, don’t cry…” mahina niyang saad, puno ng pagpipigil, na para bang gusto
SA LOOB ng cabin, nakatayo si Talia sa harap ng maliit na bintana, nakatanaw sa malayong pier. Sa gitna ng malamlam na ilaw at alon ng dagat, may isang pigura na agad niyang nakilala.Tumigil ang paghinga niya nang makita si Caden.‘He really came…’Sa sandaling iyon, parang unti-unting bumigay ang lahat ng pinipigilan niyang emosyon. Ang lakas na matagal niyang kinapitan at ang matigas na maskarang suot niya, halos gumuho.Gusto niyang tumakbo palabas. Gusto niyang puntahan ito. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit, na para bang doon lang siya ligtas.Sa likod niya, marahang naglakad si Lucas palapit. Huminto ito sa likuran niya at may sinabi sa mahinang boses.“Talia, lunch is ready.”Malumanay ang boses ni Lucas nang sabihin iyon ngunit may bigat na hindi maaaring suwayin.Bahagyang iniwas naman ni Talia ang tingin, malamig ang tono.“I’m not hungry.”Nanatili ang ngiti ni Lucas, ngunit ang mga mata nito ay unti-unting lumamig.“You’re not going to eat?” mabagal niyang tanong. “F
“YOU'VE got some nerve… ginagawa mo pang katatawanan ang lalaki mo?”Malamig ang boses ni Mr. Crest pagkatapos sabihin iyon, at naningkit ang mga mata. Hinawakan niya ang maliit na kamay ni Bea at marahang kinagat iyon. Napasinghap naman si Bea sa gulat.Magulo ang emosyon sa mga mata ng lalaki. Sa isang iglap, iniunat niya ang braso at walang kahirap-hirap na binuhat si Bea, inilapag sa ibabaw ng mesa.Nagulat si Bea sa biglaang kilos nito.“You! May sugat ka pa!”Pero hindi pinansin ni Mr. Crest ang sinabi ng babae at yumuko lang ito, dahilan para tumama ang mainit nitong hininga sa tenga ni Bea. “Then ikaw na ang kumilos… para makatipid ako ng lakas.”Agad na namula ang pisngi ni Bea, na parang hinog na mansanas. Nabighani si Mr. Crest sa inosente at alanganing reaksyon nito. Sa isang iglap, para itong mabangis na hayop na sumugod. Walang anumang pagpipigil. Na para bang gusto siyang isama hanggang sa kaibuturan ng sarili nito.Halos mawalan ng malay si Bea sa haba ng naging laban
MATAPOS malaman ni Talia ang katotohanan mula kay Bea, kaagad siyang bumalik sa villa. At doon, nadatnan niyang wala nang malay si Caden. Nakahiga ito sa kama, maputlang-maputla ang mukha at halos walang kulay na parang papel.Mabilis siyang lumapit, ngunit sa sandaling tumama ang tingin niya sa likod ng lalaki, nanigas siya. Ang sugat nito ay nakakatakot. Ang balat sa paligid ng injection site ay nangingitim, at sa ilang bahagi ay nagsisimula nang mabulok at maglabas ng nana.Nanlabo ang paningin ni Talia. Kusang namuo ang luha sa kanyang mga mata.“Bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin?!” sigaw niya, nanginginig ang boses, diretsong nakatingin kay Lyndon.Napatungo si Lyndon, puno ng pagsisisi ang mukha.“Ma’am, pasensya na po… ayaw po ni Sir na mag-alala kayo kaya hindi ko po masabi."Huminga nang malalim si Talia, pilit kinokontrol ang emosyon. Hindi ito ang oras para magturo ng sisi.“Scalpel,” mariin niyang sabi, iniunat ang kamay. Kahit nanginginig ang boses niya, matatag ang mga
NAPANSIN ni Talia ang bahagyang pagtigil ng ngiti ni Caden.Sa loob-loob niya, malinaw ang katotohanan na marahil ay hindi na nga siya makakaalis na lugar na iyon dahil doon na siya mamamatay. At marahil… dito na magtatapos ang lahat para sa kanya.Ang mga salitang binitiwan ni Talia ay tila karayom na dahan-dahang tumusok sa kanyang dibdib. Tahimik siyang huminga nang malalim, pilit kinokontrol ang emosyon na unti-unting umaapaw. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita, mas mahinahon ngunit may bigat ang bawat salita.“Talia… may gusto ka pa bang iba?”Bahagyang natawa si Talia. May halong panunukso ang tono niya, ngunit halatang hindi seryoso.“Marami,” sagot niya. “Kaya mo bang kunin ang mga bituin sa langit para sa akin?”Malinaw na panunukso iyon. Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ni Caden. Sa halip, seryoso siyang tumugon.“If there’s a chance in the future… gagawin ko.”Bahagyang nawala ang ngiti ni Talia. Napakunot ang noo niya at bahagyang tumagilid ang ulo habang tinititigan s
HINDI MAN lang nag-almusal si Caden bago gumawa ng cake. Diretso siyang pumasok sa kusina at tahimik na nagsimulang maghanda. Kinuha niya ang itlog, harina, at iba pang sangkap. Walang imik, maingat ang bawat galaw habang hinahalo niya ang batter.Sa gilid, nakamasid si Lyndon. Sandali siyang nag-alangan bago nagsalita, tila casual lang ang tono.“Sir… dati po, mahirap lang kami,” panimula niya. “Yung hipag ko po ang nagpaaral sa akin. Nagbebenta siya ng mga homemade pastries sa kalsada.”Hindi tumigil si Caden sa ginagawa, ngunit hindi rin siya nagsalita.“Nung una po, nahihiya siya makipag-usap sa customers. Tahimik lang, halos hindi makatingin. Pero habang tumatagal, natuto siyang ngumiti, tumawag ng pansin, hanggang sa siya na mismo ang humihila ng mga dumadaan.”Bahagyang tumingin si Lyndon kay Caden bago nagpatuloy.“Tinanong ko po siya noon kung ano ang sikreto niya. Sabi niya… una, tiyaga. Pangalawa, lakas ng loob. Pangatlo…” bahagya siyang napangiti, “…kapalan ng mukha.”Sand
ILANG sandali pa'y may kumatok ng dalawang sunod, mariin at walang pag-aalinlangan. Bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok si Liam, ang personal detective ni Caden tangan ang isang folder na kulay abo. Diretso ang lakad, seryoso ang mukha.“Sir,” maingat niyang sabi, “nakumpirma na namin. Dumating
MAKALIPAS ang tatlong araw.Parang sirang saranggola ang pagbagsak ng stock price ng Lee Pharmaceutical. Sunod-sunod na limit down, walang preno. Sa trading floor, palit-palit ang pula sa mga screen; sa balita, paulit-ulit ang parehong headline.Sa loob ng opisina, nanatiling kalmado si Lucas, tahi
TAHIMIK pa rin ang paligid ngunit pero bakas ang matinding tensyon sa hangin. Mabigat na ito ngayon, puno ng galit at sugat na tila ba muling nanariwa.Maya-maya ay biglang inabot ni Caden ang kamay niya upang pahirin ang mga luha sa pisngi ni Talia. Ngunit bago pa man niya iyon magawa, mabilis na
KINABUKASAN, dumiretso si Caden sa Lee Pharmaceutical. Sinubukan siyang pigilan ng receptionist, ngunit napaatras ito sa bigat ng presensiya niya na tahimik pero mapanganib. Walang sabi-sabi, itinulak niya ang pinto ng opisina ng CEO. Nandoon si Lucas Lee, nakaupo sa likod ng malapad na mesa. Nan







