LOGINMAKALIPAS ang isang linggong bakasayon, napandesisyunan nang umuwi ng buong pamilya. Paglapag pa lamang ng kanilang private flight sa Pilipinas ay ramdam na ni Talia ang kakaibang ginhawang hatid ng pag-uwi. Hindi man kasing lamig ng hangin sa Greece ang salubong sa kanila, may sariling init ang hangin ng Maynila na tila bumubulong ng pamilyar at tahanan. Mahigpit ang hawak ni Caden sa kanyang kamay habang bumababa sila ng eroplano, at kahit may staff na agad na sumalubong, hindi nito binitiwan ang dalaga kahit isang hakbang.Nang makita niya ang itim na sasakyang nakahanda sa tarmac, napangiti si Talia. “Diretso na tayo?”Tumango si Caden. “Sa villa. Sabi mo gusto mong makita ulit.”Bahagya siyang napahawak sa braso nito. “Akala ko kasi after everything, baka ibang lugar na tayo uuwi.”“Hindi.” Marahan siyang tiningnan ng lalaki. “Kung saan ka naging masaya, doon tayo uuwi.”Napalunok si Talia. Sa simpleng sagot na iyon, lalo lang siyang kinabahan sa kakaibang saya na nararamdaman n
KINABUKASAN, mas maaga pang gumising si Talia kaysa sa alarm ng buong villa. Sumikat ang araw sa ibabaw ng Aegean Sea at pumasok ang ginto nitong liwanag sa malalaking bintana ng kanilang suite. Sandali siyang nakahiga lang, nakangiti sa katahimikan, habang nakapatong ang kamay sa tiyan niya. Pakiramdam niya ay mas maamo ang mundo ngayon, parang hindi na ito kailangang kalabanin.Marahan siyang huminga nang maramdaman ang marahang paggalaw ni Caden sa gilid ng kama. Nakasuot pa ito ng simpleng white shirt at cotton shorts, pero kahit ganoon ay mukhang maayos pa rin, parang laging handang humarap sa kahit anong sitwasyon. Lumapit ito at hinalikan ang noo niya.“Did you sleep well?” tanong nito.Tumango siya. “Sobra. Ikaw?”“Mas maayos nang kaunti.” Inabot nito ang maliit na tray na nasa bedside table. “Breakfast first. Then we go to Oia.”Napakurap si Talia. “May lakad na agad?”Ngumiti si Caden. “You said you wanted to see the famous blue domes.”“I did?”“Yes. Last night. You were ha
Hi, everyone! 💖Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na sumubaybay sa Too Late To Regret, Mr. Billionaire mula umpisa hanggang sa kasalukuyan.Sa totoo lang, hindi ko inakala na may mga readers pa ring sasama sa akin hanggang dulo ng journey nina Caden at Talia. Alam kong naging mahaba ang story, may mga chapters na mabagal ang pacing, may mga boring parts, at marami ring pinagdaanan ang mga characters natin. Pero kahit ganoon, nandiyan pa rin kayo—nagbabasa, nagco-comment, at patuloy na sumusuporta.Sobrang thankful ako sa bawat isa sa inyo. ❤️Malapit na nating marating ang ending ng story na ito, at excited akong matapos natin nang maayos ang kwento nina Caden at Talia. Deserve nilang makarating sa dulo pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila.Pero hindi pa dito nagtatapos ang ating universe.May nakahanda pa akong Book 2 at Book 3 na konektado sa story na ito.✨ Book 2 – Story nina Ashton at Bea✨ Book 3 – Story nina Dark at MiaAt huwag kayong mag-alala! Unlike
MAKALIPAS ang tatlong araw, tuluyan nang nagbago ang ihip ng hangin sa buhay ng dalawang pamilya. Maagang-maaga pa lamang ay abala na ang buong Salvatore at Santiago households sa paghahanda para sa isang bakasyon na matagal ding pinag-usapan ngunit ngayon lamang natuloy. Wala itong halong tensiyon, wala ring bakas ng anumang bigat. Para itong kolektibong pahinga mula sa lahat ng unos na pinagdaanan nila sa mga nakaraang linggo. Sa wakas, maaari na nilang hindi isipin ang mga camera, mga kaso, at mga kasinungalingan. Tanging araw, dagat, at mga taong mahal nila ang sasabayan ng mga sandali sa labas ng bansa. --- NAPILI ng mga Salvatore ang Santorini, Greece, bilang destinasyon. Hindi maiwasang mapangiti ni Talia habang nakasunod siya sa private transfer van papunta sa villa na nirentahan ng pamilya Salvatore. Mahigpit ang hawak ni Caden sa kanyang kamay buong biyahe pa lamang, para bang ayaw nitong mawalay siya kahit isang segundo. "Are you comfortable?" mahina nitong tanong. Tu
KINABUKASAN ay tila ibang mundo ang sumalubong kay Talia.Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, nagising siya nang walang takot sa dibdib. Walang kaba. Walang pag-aalala. Walang sakit na pilit niyang itinatago sa likod ng kanyang mga ngiti.Pagdilat pa lamang niya ng mga mata ay agad niyang naramdaman ang mainit na sikat ng araw na sumisilip mula sa bintana ng kanyang silid. Napangiti siya, at awtomatikong napahawak sa kanyang tiyan."Good morning, baby."Mahina siyang natawa matapos sabihin iyon. Hindi pa rin siya lubos na makapaniwala. Magiging ina na siya. At higit sa lahat... hindi na siya nag-iisa.Ilang sandali pa'y bigla namang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Pumasok si Mrs. Santiago na may dalang tray ng pagkain."Good morning, anak."Napangiti si Talia. "Mom."Agad namang inilapag ng ginang ang tray sa bedside table. May lugaw, may prutas, may fresh orange juice, at mayroon pang paborito niyang cheese pandesal.Napatawa si Talia. "Mom, para akong may saki
MAHIGPIT pa ring nakayakap si Amelia Salvatore kay Talia. Parang natatakot siyang pakawalan ito. Parang nangangambang kapag bumitaw siya ay muli na namang mawawala ang anak na halos dalawampung taon niyang hinanap.Samantalang si Talia naman ay tuluyang natulala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.NSa loob ng maraming taon, pinangarap niyang malaman kung sino ang kanyang tunay na pamilya.Pinangarap niyang malaman kung bakit siya naiwan.Pinangarap niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang ina.At ngayon... narito na ang lahat. Totoo. Hindi panaginip. Hindi ilusyon.Kaya nang maramdaman niya ang walang tigil na pag-iyak ni Amelia sa kanyang balikat, tuluyan ding bumigay ang kanyang puso.Unti-unti niyang itinaas ang kanyang mga kamay. At sa unang pagkakataon... niyakap niya rin ang kanyang tunay na ina.Agad na napahagulhol si Amelia. "My baby..." paulit-ulit niyang bulong. "My Aliyah..."Napapikit si Talia. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit nang marinig niya ang pa
LUMAPIT si Talia sa malaking floor-to-ceiling window ng opisina. Mula rito, tanaw ang kabuuan ng lungsod, ng mga gusaling nagtatayugan sa maaliwalas na umaga, mga ilaw na unti-unting nawawala sa liwanag ng araw. At doon, sa pagitan ng mga building, nasulyapan niya ang condo unit niya. Ang maliit
BAHAGYANG yumuko si Talia, ang bawat kurba ng katawan niya ay puno ng malamyos na kilos at focus. Matatag ang kamay na may hawak ng cue stick, habang ang kabilang kamay ay maingat na nag-set ng standard bridge sa ibabaw ng berdeng tela ng mesa.Unti-unti niyang pinikit ang isang mata, sinipat ang t
NANG PATAYIN ang tawag, napakuyom ng kamao si Caden. May halong inis at kaba ang gumapang sa dibdib niya. Why am I even feeling like this?Huminga siya nang malalim, pero hindi iyon nakatulong. Sa halip, mas lalo lang siyang nainis sa sarili. Kinuha niya ulit ang phone at mabilis na tumawag. “Hanap
PAGPASOK nila sa private cabin, inalalayan si Caden ng assistant niya papunta sa sofa. Kita sa mukha niya ang pagod at pamumutla. “Sir, gusto n’yo po bang tawagan ko si Dr. Ramirez?” mahinahong tanong ni Lyndon. Umiling si Caden, pilit pinipigilan ang hilo. “No need… Where’s Talia?” “Si Ms. Ma







