 LOGIN
LOGIN
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilalim ng tela, ramdam niya agad ang sobrang init ng balat nito.“Ang init niya... sobra!”Agad niyang binuhat si Talia sa mga bisig niya. Napakagaan ng katawan nito na mistulang papel habang karga-karga niya palabas ng unit. Pagbaba niya sa lobby ng condo, sinalubong siya ng mga ilaw ng camera at sigaw ng media. Hindi niya inaasahan na naroon ang mga ito ng mga sandaling iyon.“Mr. Montclair! Totoo bang kasal kayo ni Talia Marquez?”“Sir, ano’ng masasabi n’yo sa lumabas na marriage certificate?”“Yung relasyon n’yo ni Jessica Velasquez, totoo ba o publicity stunt lang?”Ang mga flash ng camera ay nakakasilaw, at ang mga mikropono ay halos tumama na sa kanyang mukha. Pero hindi siya nagsalita. T
SA ISANG iglap lang, at tila natuyo ang lahat ng dugo sa katawan ni Jessica. Ang mga camera ng media ay sabay-sabay na nag-click.“Wait… hindi ba si Caden ang fiancé niya ngayon?”“Three years ago pa pala silang kasal?!”“Then that means, si Jessica…?”Biglang may sumigaw mula sa crowd. “Mistress!”Sumunod ang naman isa.“Totoo ba ‘to? Si Queen Jessa… kabit?!”At parang sabay-sabay na sumabog ang mga sigawan sa madla. “Oh my God! He’s married! So si Jessica—”“Walanghiya! Inaagaw niya ‘yung asawa ng iba!”“Akala ko role model siya!”Ang sigawan ay naging mura, ang mga palakpak ay naging bato ng galit.“Shameless! Niloloko mo kami!”“Unfollow! Boycott!”“Get off the stage!”Ang mga glow sticks at water bottles ay isa-isang lumipad paakyat ng stage. Ang dati’y mga tagahanga ni Jessica, ngayon ay galit na galit na binabato ang mga regalo nilang kanina lang ay may kasamang pagmamahal.Sa entablado, tulalang nakatayo si Jessica, nanlalamig ang buong katawan.Ang labi niyang nakaawang, ngu
KINABUKASAN, sa Grand Horizon Hotel, Makati City. Ang pinakamalaking ballroom ng hotel ay puno ng mga camera, ilaw, at fans na naghihiyawan. Sa gitna ng entablado, nakasabit ang malalaking LED banner na may nakasulat na, “Jessica Velasquez: Appreciation Night & Press Conference.”Ayon sa mga organizer, ito raw ay para magpasalamat sa mga tagasuporta ni Jessica pero ang totoo, ito ay para makakuha siya ng votes sa kanyang libo-libong fans para mapiling leading lady sa upcoming drama kung saan katunggali niya ang kapwa actress na si Nathalie sa role na iyon.Halos lahat ng media network sa bansa ay naroon. Ang future “heiress of Velasquez Group” ay hindi basta-basta puwedeng maliitin lalo pa’t sa harap ng kamera, perpekto siyang tinitingala.Sa labas ng hotel, umalingawngaw ang mga sigaw ng fans na hindi magkandaugaga.“Jessica! We love you!”“Queen Jessa! You’re the best!”Ang mga ilaw ng flash camera ay parang kidlat na sunod-sunod sa bawat kislap ng kanyang pangalan. Ang crowd ay pu
PAGKAALIS ng mga bodyguard na may hatak kay Aling Zenaida, tumingin si Talia sa paligid. Tahimik ang buong Montclair Villa, pero ramdam niya ang bigat ng alaala sa bawat sulok, bawat halakhak, bawat yakap, bawat kasinungalingan na minsang tinawag niyang tahanan.“Bea,” mahina niyang sabi, halos pabulong pero mariin, “pakisabi sa driver, ihanda na ‘yung sasakyan.”Tumango si Bea, alam na alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan.“Sure ka bang gusto mong gawin ‘to ngayon?” tanong nito, may halong pag-aalala.“Matagal na akong handa,” malamig na tugon ni Talia.Lumabas siya ng mansion at naglakad papunta sa garden sa likod-bahay, isang lugar na dati niyang paborito. Noon, dito siya madalas magpahinga tuwing hapon, kasabay ng hangin at amoy ng mga puting rosas na itinanim pa niya para kay Caden. Noon, simbolo iyon ng pag-ibig niya para sa lalaki. Pero ngayon, bawat talulot ay paalala ng sakit at kasinungalingan.Huminto siya sa gitna ng hardin. Tinapunan niya ng malamig na tingin ang mga
BANDANG alas-otso ng gabi, huminto ang itim na SUV ni Talia Marquez sa tarangkahan ng Montclair Villa sa Tagaytay. Mula sa labas, maaaninag ang mga ilaw na kumikislap mula sa mga bintana ng mansion, mga ilaw na minsan ay tahanan din niya.Tahimik ang paligid. Ang hangin ay malamig, may halong amoy ng rosas — paborito ni Talia noon, pero ngayon, tila nagdudulot na lang ng panghihilakbot sa dibdib niya ang mga ito.Kasunod niyang dumating si Bea, sakay ng puting SUV. Pagkababa, tahimik itong lumapit at marahang pinisil ang kamay ni Talia.“Handa ka na ba, besty?” mahina nitong tanong.Tumango naman si Talia. Pero maaaninag ang galit sa mga mata. “Matagal ko na ’tong hinihintay.”Pagpasok nila sa loob ng mansion, agad silang sinalubong ng butler. “Ma’am Talia, welcome back. I’ll call Mr. Montclair—”“Hindi ko siya kailangan,” putol ni Talia. “May hinahanap lang ako. May Zenaida bang kasambahay dito?”“Ah, opo, Ma’am,” sagot ng butler na halatang kinakabahan. “Tatlong taon na po siya ri
SA BUONG durasyon ng lunch, ni hindi man lang lumingon si Talia kay Caden. Para siyang hangin sa tabi nito na naroon nga pero hindi napapansin.Habang ang atensyon ni Talia ay buo sa professor at sa specimen box, paminsan-minsan ay sumasagot siya sa tanong ni Lucas. Halatang komportable ito, natural ang bawat galaw, samantalang si Caden ay tila naiiwan sa gilid, parang bisitang hindi dapat naroon.Habang tumatagal, lalong kumukulo ang dugo ni Caden. Hindi niya maintindihan kung galit lang ba iyon o takot dahil parang sa isang iglap ay nawalan siya ng puwang sa mundo ng dating asawa. Isang uri ng panic na matagal nang nakatago.Isa. Dalawa. Tatlong baso ng alak ang tinungga niya. Hanggang sa tuluyan nang umakyat ang tama ng alak sa kanyang ulo.Maya-maya, tumayo si Talia. “Excuse me, I’ll just step out for a while.”Kalmado ang boses nitopero halata ang pag-iwas. Lumabas ito na para bang gustong huminga.Maya-maya pa'y agad din tumayo si Caden. Iniwan niya ang wine glass sa mesa at mar








