Share

Too Wrong to Love
Too Wrong to Love
Author: KheiceeBlueWrites

Prologue:

last update Last Updated: 2025-03-27 20:18:50

Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.

“Magpapakasal na kami ng Tita Cristy mo,” saad ng kanyang ama sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.

Alam naman na niya ang tungkol sa plano at kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan ang girlfriend nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila may kirot pa rin sa puso niya ang bagay na iyon. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga matanggap na may iba nang nilalaman ang puso ng kanyang ama, na dapat ay ang mommy lamang niya.

Alam naman iyon ng kanyang ama na hindi niya tanggap ang pagkakaroon nito ng bagong nobya. Pero tila masyado yata talagang na-in love ang daddy niya kung kaya’t nagawa nitong mas piliin ang babae na iyon kaysa sa kanya na sarili nitong anak.

Marahang nilunok ni Aviannah ang nginunguya niyang pagkain saka siya marahan na sumagot sa kanyang ama. “Okay po,” wika niya na tila bahagyang ikinatigil naman ng kanyang ama at may pagtataka siyang tiningnan nito.

“Okay?” tanong ng daddy niya sa kanya.

“Yes po.”

“Okay lang sa iyo? Okay as in okay at wala ka ng violent reaction pa?” tila paniniguradong tanong pa ng daddy niya sa kanya.

“Yes, dad. It’s okay. Kung gusto niyo na pong magpakasal… you can do it naman po,” marahan at magalang na sabi niya pa rito.

Napag-isipan niyang mabuti na mas okay na nga sigurong pumayag na lamang siya sa kagustuhan ng kanyang ama na magpakasal sa iba. Dahil baka sakaling mapakiusapan niya rin ito na itigil na lamang nito ang kagustuhan nitong ipakasal naman siya sa iba.

Sandaling natahimik at napatitig ang kanyang ama sa kanya, na para bang pinoproseso nitong maigi sa utak nito ang naging pahayag niya. Hanggang sa…

“Ano ang kapalit ng pagpayag mo sa pagpapakasal ko sa Tita Cristy mo?”

“Po?”

“Tell me. Ano ang gusto mong kapalit ng pagpayag mo sa pagpapakasal ko sa Tita Cristy mo,” pag-ulit ng kanyang ama sa kanya.

Mukhang kilala nga talaga siya ng kanyang ama dahil sa tila hindi ito makapaniwala na basta na lamang siyang papayag sa kagustuhan nito nang ganoon na lamang.

Marahan niyang binitiwan ang hawak niyang kutsara at tinidor sa tabi ng pinggang nasa harapan niya kasabay ng paghinga niya ng malalim.

“You can marry, Tita Cristy, but… I don’t want to marry anyone else… unless I love him,” matapang na pahayag niya. “If you love Tita Cristy that you want to marry her, then fine. Pero sana… hayaan mo rin akong pakasalan lamang ang taong gusto ko lang din. Hayaan mo rin sana akong piliin ang taong gusto ko,” tuloy niya pa.

“Sinasabi mo sa akin ito, dahil for sure ay may tao ka nang nagugustuhan ngayon, tama ba ako?” marahang tanong sa kanya ng kanyang ama.

Gumalaw ang lalamunan niya bago siya nakapagsalita. “Y-Yes, dad.”

“Alright,” pagkuwan ay biglang sagot ng kanyang ama na siyang bahagyang ikinagulat niya.

“P-Po?”

“Hindi ko na ipipilit ang arrange marriage na gusto ko para sa iyo. Pero, kailangan ko na muna makilala ang lalaking nagugustuhan mo. Papuntahin mo siya rito sa bahay o ‘di kaya’y i-invite mo siya sa kasal namin ng Tita Cristy mo,” pahayag ng kanyang ama sa kanya na siyang labis niyang ikinatuwa.

“T-Talaga po, dad? Payag po kayo?” hindi niya makapaniwalang tanong sa ama habang hindi naman maitago ang sayang nararamdaman niya sa ekspresyon ng kanyang mukha.

Marahang tumango sa kanya ang kanyang ama kasunod ng maliit na pagngiti nito at sa labis na pagkatuwa niya ay napatayo siya sa kanyang kinauupuan at napayakap dito.

“Thank you so much, dad! Thank you so much!” masayang bigkas niya na tila ikinatuwa rin naman ng kanyang ama dahil ngayon na lamang yata siya ulit nitong nakita na ganitong kasaya.

Matamis na napangiti si Ark nang yakapin siya ni Aviannnah sa labis na pagkatuwa. Tila ang sarap sa pakiramdam na muli nitong makita kung gaano kasaya ang anak. At sa unang pagkakataon muli ay nagkasundo silang mag-ama at hindi nauwi sa sigawan ang pagsasalo nila ngayon sa harapan ng hapagkainan.

“AVIANNAH, may bisita ka. Narito ang Tita Cristy mo,” nakangiting sabi ni Vangie kay Aviannah.

“Aviannah…” marahang usal naman ni Cristy saka siya maliit na ngumiti rito. Hindi inaasahan ni Aviannah ang pagdating nito ngunit hindi na mabigat ang loob niya ngayon dito kumpara noon. Siguro ganoon talaga kapag natututunan nang tanggapin ng tao ang mga bagay-bagay sa buhay nila. Mas nagiging magaan at mas nagiging madali ang lahat para sa kanila.

“Busy ka ba ngayon? Pwede mo ba akong samahan?” pagkuwan ay malambing na tanong ni Cristy sa kanya.

“Hindi naman po ako busy. Sige po mag-aayos lang po ako,” nakangiting sagot niya rito saka siya nagpaalam sa Yaya Vangie niya at pagkatapos ay mabilis na siyang nagtungo sa kanyang kwarto para maghanda at mag-ayos ng kanyang sarili.

Nang matapos siya ay dali-dali na siyang lumabas at sumama kay Cristy patungo sa kung saan.

“Uhm… saan po ba tayo pupunta ngayon?” pagkuwan ay marahan na tanong niya sa babae habang nasa byahe sila. Kung dati ay wala siyang galang sa pananalita at pakikipag-usap dito ay iba na ngayon, dahil kahit hindi niya pilitin ay nakakapagsabi na siya ng po at opo rito.

Bukod doon, kung dati-rati ay palagi siyang sa back seat nauupo kapag magkasama silang dalawa upang magmukhang driver niya lamang ang babae, ngayon ay nakatabi na siya rito sa unahan at nakaupo sa passenger’s seat.

At kung noon ay wala siyang imik at nagagawa niyang tiisin na hindi makipag-usap dito kahit na magkasama silang dalawa lamang, ngayon ay nauuna na siyang magbukas ng topic at kwento para dito.

Matamis na ngumiti si Cristy sa kanya saka ito nagsalita. “Gusto ko lang sana magpasama sa iyo na pumili at bumili ng mga gagamitin kong pang-designs para… sa wedding namin ng daddy mo,” tugon nito sa kanya.

Maliit na ngumiti naman siya rito. “Okay po.”

Ilang sandali pa ang nakalipas nang makarating sila sa isang mall.

“Gusto mo bang kumain na muna tayo?” pagkuwan ay alok ni Cristy sa kanya na nakangiti naman niyang tinanguan.

Nagpunta sila sa isang magandang kainan sa naturang mall.

“Thank you, Aviannah, huh,” pagkuwan ay nakangiting sabi nito sa kanya.

“Po?”

“Salamat sa pagtanggap mo sa akin. Salamat sa pagpayag mo sa amin ng daddy mo na maikasal kami,” tugon nito sa kanya.

Maliit naman niya itong nginitian. “Wala po iyon. Alam ko naman po na… mahal ka ni daddy. At nakikita ko rin naman po na mahal niyo rin talaga siya. Pasensya na po kayo kung… maraming beses kitang nabastos mula nang maipakilala ka sa akin ni daddy bilang girlfriend niya. Hindi naman dahil sa ayaw ko sa iyo kaya ganoon. It was just that I hate the fact na ang bilis maka-move on ni daddy sa pagkawala ni mommy. Samantalang ako… heto at hindi pa rin nakakausad. But later on, I realized na kapag pala nagmahal ka, wala iyong pinipiling oras at panahon. Dahil kapag kusa mo iyong naramdaman, madalas na wala kang magiging kawala. Kaya hindi mo pwedeng diktahan kung kailan lang pwedeng magmahal ang puso mo. Kasi wala siyang pinipiling oras kung kailan siya titibok para sa taong itinadhana sa iyo,” mahabang tugon niya sa babae.

Matamis na ngumiti si Cristy sa kanya. “Salamat, Aviannah. Sobrang saya ko talaga na naging okay na kami ng daddy mo sa iyo. Sa ngayon ay ang anak ko na lang ang kailangan kong makausap at makumbinsi,” wika nito sa kanya na bahagya niyang ikinagulat.

“May anak po kayo?” takang tanong niya rito. Dahil hindi halata sa itsura at katawan nito na may anak na ito. Aminado siyang maganda ang babae at kung titingnan ay mukha itong dalaga pa talaga.

“Oo, mayroon akong isang anak na lalaki,” sagot sa kanya ni Cristy.

“Nasaan po siya? Ngayon ko lang po kasi nalaman ang bagay na iyan. Well, aminado naman po akong wala kasi akong pakialam noong una.”

“It’s okay, Aviannah. Uhm… nasa isang probinsya ang anak ko. Doon siya nakatira kasama ang lolo niya,” sagot naman ni Cristy sa kanya. Bigla tuloy niyang naalala sina Mang Gener at ang lalaking kanyang iniibig.

“Kung ganoon… may kapatid po pala ako,” usal niya pa.

“Yes, Aviannah. At napag-usapan na rin namin ng daddy mo na titira na rin siya sa atin kapag naikasal na kaming dalawa.”

Bigla naman tuloy siyang nakaramdam ng pagka-excite dahil doon. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid?

“Talaga po? Ilang taon na po ba siya? Mas matanda po ba ako sa kanya?” excited na tanong niya rito. Bigla tuloy niyang naisip sina Tonya at Jake. Naranasan niyang maging ate sa dalawang mabait na batang iyon.

“Hmm. Hindi eh. Mas matanda siya sa iyo ng ilang taon,” sagot ni Cristy sa kanya.

“Ganoon po ba? Ilang taon na po ba siya?”

“He is 22 years old. And his name is—” Natigil sa pagsasalita si Cristy nang biglang mag-ingay ang cellphone nito, dahilan upang hindi nito maituloy ang sinasabi nito sa kanya. “Sandali lang, Aviannah, huh. Kailangan ko lang sagutin itong tawag,” paalam ng babae sa kanya.

“Sige lang po, tita,” nakangiting tugon naman niya rito saka tumayo ang babae upang sagutin ang tawag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Wrong to Love   Chapter 63:

    “What are you doing here?!” gulat na tanong ni Aviannah kay Andrei na prenteng nakatayo lamang sa harapan niya.“it’s time for dinner,” tanging saad lamang ng lalaki sa kanya.“What?” kunot ang noong tanong niya rito saka siya napasinghap. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Bakit ka nandito?”“Bakit? Bawal ba ako rito?” balik na tanong ni Andrei sa kanya na hindi niya malaman kung bakit parang iniinis siya nito.“Kung hindi ka sasagot ng ayos, get lost,” inis na sabi niya rito kasabay ng akmang pagsara niya ng pinto rito. Pero agad iyong pinigilan ng lalaki.“Fine. Nandito ako para bantayan ka,” sagot ni Andrei sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.“What?” kunot-noong tanong niya.“Iyon ang gusto ni tito.”“Really?” tila hindi niya makapaniwalang ulit na tanong sa lalaki.“Yes,” simpleng sagot naman ni Andrei sa kanya saka ito biglang humakbang palapit sa kanya na agad naman niyang ikinaatras. At ang sumunod na lamang na alam niya ay dere-deretsyo na itong nakapasok sa loo

  • Too Wrong to Love   Chapter 62:

    “Nasaan na sila?” alalang tanong ni Alfred kay Jamie pagkababa nito ng sasakyan. Tila mabuting sinusuri ang paligid upang hanapin sina Aviannah at Sandra, na ayon kay Jamie, ay kapwa nakainom.“Pasensya ka na, Alfred, inihatid na kasi sila ni Andrei,” nahihiyang tugon ni Jamie kay Alfred.“What?” kumunot ang noo ni Alfred. Sa totoo lang ay hindi niya alam na kasama pala ng mga ito si Andrei. Tumawag lamang kasi siya kay Aviannah kanina dahil may itatanong siya rito tungkol sa lakad nila bukas patungo ng Mindoro. Ni hindi rin niya alam kung bakit nasa ganitong klaseng lugar ang mga ito at kung ano ang ginagawa nila rito.“Andrei insisted kasi. Wala na rin akong nagawa pa kanina kahit na sinabi ko nang papunta ka na para sunduin kami. Pasensya ka na, naabala ka pa tuloy. Hindi ko rin kasi alam ang number mo. Tatawagan sana kita kanina para sabihing ‘wag ka nang tumuloy pa. Hindi ko rin nakuha sa cellphone ni Avie ang number mo. Kaya pasensya na talaga,” mahabang paliwanag pa ni Jamie.H

  • Too Wrong to Love   Chapter 61:

    “Avie, napaparami na yata ang naiinom mo. Alalahanin mong alis mo na bukas papuntang Mindoro,” marahang saway ni Jamie kay Aviannah, na kasalukuyang patuloy na umiinom ng alak.“It’s okay, Jamie. Kayang-kaya ‘yan ni Aviannah. Hayaan mo siyang magpakasaya ngayong gabi,” komento naman ni Sandra, na tulad ni Aviannah ay kasalukuyan ding nagpapatuloy sa pag-inom.“Hay naku, ayan ka na naman. Kinukunsinti mo na naman si Aviannah sa pag-inom,” balin ni Jamie kay Sandra.“Oh, come on, Jamie! We’re grown-ups now—we can drink as much and as long as we want!” sagot ni Sandra kay Jamie.Patuloy na nagtatalo ang dalawa habang si Aviannah naman ay tahimik lamang na nagpapatuloy sa pag-inom. Hindi niya alam kung nakailang glass na siya ng iniinom na tequila sunrise. Ramdam na rin naman niya ang pagkahilo ngunit hindi niya alam kung bakit tila ayaw tumigil ng kanyang sarili sa pag-inom. Gayong batid naman niya na kahit anong pagkalasing pa ang kanyang maramdaman, ay hinding-hindi naman siya matutulu

  • Too Wrong to Love   Chapter 60:

    Nanikip ang dibdib ni Aviannah dahil sa lahat ng alaalang nagbalik sa kanyang isipan. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis sila at magpaalam sa kanyang ama, pero hindi niya alam kung bakit tila nabalikan niya ang lahat ng mga alaala niya sa kanyang nakaraan. Na para bang sa pagitan ng mga sandaling iyon ay nakapag-time travel siya sa nakaraan.Nakaraang pilit niyang ibinabaon sa limot. Nakaraang ayaw na sana niyang mabalikan pa.Pero hindi niya maunawaan kung bakit kahit limang taon na ang nakalipas, ay para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil kahit na anong gawin niyang pagbaon sa tunay niyang nararamdaman, ay kusa pa rin itong lumilitaw na tila gustong kumawala sa kanya.“Ihinto mo ang sasakyan, bababa ako,” malamig na sabi niya kay Andrei habang tahimik na nagmamaneho ang lalaki. Ngunit hindi siya pinansin ng lalaki na para bang wala itong narinig na kahit na ano, at sa halip ay patuloy lamang sa pagmamaneho ng sasakyan.Kasulukuyan silang patungo sa kanya

  • Too Wrong to Love   Chapter 59:

    Malalim na ang gabi, at purong katahimikan na ang bumabalot sa buong paligid. Ngunit hindi pa rin mapalagay si Aviannah dahil sa dami ng mga bagay ang gumugulo ngayon sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung paano siya magre-react matapos malaman ang planong pag-alis ni Andrei ng bansa. Hindi pa nga niya natatanggap ang bagong sitwasyon nila bilang magkapatid, ay bigla naman itong aalis ngayon.Ilang sandali pa nang makaramdam siya ng matinding pagkauhaw. Kaya naman mula sa kanyang silid ay marahan siyang lumabas at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom niya. Ngunit nagitla siya nang makarinig ng tinig mula sa kung saan.“Hindi ka rin makatulog?”Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at mula sa madilim na banda ay nakita niya si Andrei na nakatayo at tila nakapamulsa. Kumabog ang dibdib niya lalo pa nang marahang humakbang at kumilos ang lalaki palapit sa kanya, hanggang sa malinaw na niyang makita ang mukha nito nang matamaan na rin ito ng maliit na ilaw sa kusina na

  • Too Wrong to Love   Chapter 58:

    Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka siya dumeretsyo ng lakad palampas kay Andrei at kay Mang Lito. Agad naman siyang sinundan at pinigilan ni Andrei.“Sandali, saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya sabay harang sa daraanan niya. Napahinto tuloy siya sa paglalakad.“Saan pa eh ‘di uuwi,” sagot niya rito.“Eh bakit dere-deretsyo ka? Ayun ‘yong sasakyan oh.”“Kaya kong umuwi mag-isa. Gusto kong umuwi mag-isa.” Pagkasabi niya no’n ay magpapatuloy ulit sana siya sa paglalakad. Pero muli siyang inawat ni Andrei.“Huwag na ngang matigas ang ulo mo. Sumakay ka na,” sabi nito sa kanya.“Wow. Sino ka ba para utusan ako?”“Kuya mo ako—”“Pwede ba?” inis na putol niya sa lalaki. “Sobrang saya mo talaga na magkapatid na tayo ngayon?"“Oo naman. Bakit ikaw? Hindi ka ba masaya magkaroon ng ganito kagwapong kapatid?”Napasinghap siya. Hindi siya makapaniwala na nagagawa pa talagang makapagbiro nito ngayon sa harapan niya.Hindi siya nagsalita o umimik at sa halip ay tumingin lamang siya n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status